KABANATA 80“Sir! Bakit po naging rejected lahat ng mga pinapaprimahan ng marketing, accounting, finance at maging sales department? Lahat iyon ay approved na last week,” mahabang litanya ko kakapasok pa lang sa opisina niya. “Oh! Should I welcome my late secretary? Gaano ka katapang? Ikaw na ang late, ikaw pa ang may lakas ng loob mag-amok sa opisina ko?” walang emosyon niyang tanong kaya natulala ako sa kanya. “Dahil ba sa late ako kaya ayaw mong pirmahan ‘to?” tanong ko sa kanya at nakipagtitigan. May sumilay na ngisi sa labi niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero nakakainis iyon. “Tingin mo ba ganyan ako kababa? Kung tinignan at chineck mo ang laman niyan at mga na-reject ko ay maiintindihan mo. Sabagay, late ka nga naman kaya paano mo mache-check diba?” sarkastikong tanong niya kaya mabilis kong tinignan ang budget na nasa kamay ko. Inisa-isa ko ang mga papeles na hawak maging ang comment niya doon. Nahihiyang napatingin ako sa kanya na bumalik sa kanyang mesa
KABANATA 81:Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “H-hindi ko alam na seryoso ko pala talaga sa ulam ko,” natatawang sambit ko sa kanya. “I am freaking serious about that Ms. Sales,” saad niya kaya napangiwi ako. Hindi ako sanay na tinatawag ako sa surname ko. “Alright, alright. Can we call it quits kapag nadalhan kita ng ulam bukas?” tanong ko sa kanya. “Kapag? You’re not sure if you can bring it huh?” sarkastikong tanong nito kaya napapikit na naman ako. “B-bawal magkamali sa ‘yo no?” bulong ko kaya kumunot ang noo niya. “Anong sinabi mo?” tanong niya habang nakatitig na sa ‘kin at nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin at sinagot ang tawag ng TCA Holdings kaya tumalikod ako sa kanya. Nagtatanong lang naman sila kung informed ba raw si Mr. Villagonzalo sa meeting ngayon. “Yes, Sir. Actually we’re on the way po,” sambit ko para ipagbigay alam na interesado kami sa meeting sa pamamagitan ng pagiging on time or ahead. Actually sobrang laking project ni
KABANATA 82“Hi, Kuya! Good afternoon po,” bati ko sabay ngiti kay Kuya. Nagulat pa ito at tumingin kay Colton mula sa salamin, bago siya tumingin sa ‘kin at bumati pabalik. “Goodafternoon, Ma’am,” halatang pilit ang ngiti. Marahil ay hindi talaga madalas magsalita lalo na kapag nandiyan ang boss pero ayoko naman kausapin pa si Colton dahil badtrip na nga siya. “Pwede po bang makausap kayo? Kung okay lang po?” halos nagmamakaawa na ang boses ko. Muli ay napatingin si manong kay Colton na nasa tabi ko, siguro ay kailangan pa ng permission ni Colton kapag magsasalita sila? Kanina ko pa rin kase napapansin na panay ang sulyap ni manong sa boss naming dalawa. “I think manong needs your permission in talking? Can you let him talk please? I just want to talk with manong,” saad ko kay Colton at tumingin sa kanya. Sumulyap lang ito ng isang beses sa akin bago niya kinausap si manong, “Hindi ko pinagbabawalan magsalita ang mga tauhan ko, Fily. Kaya pwede mo siyang kausapin Manong Senti,”
KABANATA 83Pero bakit ka kumikirot? Empleyado, oo nga pala, isa niya akong empleyado kaya tutulungan niya ako kahit kapalit nun ay kaligtasan niya. “S-sa susunod, Sir. Sana ay wag niyo na pong gawin ang ganun ka-delikadong stunt,” saad ko at nilagay sa tabi niya ang first aid kit na lagin kong dala. “Ito po ang first aid kit. Kung hindi po kayo panatag ay kayo na lang po ang maglinis ng sugat niyo. Concern po ako bilang empleyado niyo lalo na kapag na-infect ‘yan,” saad ko. Muli ay nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa makarating kami sa building ng TCA Holdings. Napakaganda ng building alam mo kaagad na well-thought at designed and buong gusali. Pag-park sa harapan ng building ay mabilis na akong bumaba at hinintay na makababa si Colton mula sa kabilang pintuan. Walang nagkikibuan sa aming dalawa hanggang sa makapasok kami sa elevator ay nakatingin lang ako sa mga numero. Ni ayaw kong lumingon baka makita ko ang pagmumukha niya. Napahinga na lang ako ng malalim ng mabilis
KABANATA 84: Hindi na ako bumaba sa canteen dahil alam ko namang wala rin akong kasabay doon. Dito ko na lang binuksan ang baon ko sa pantry, pwede rin namang kumain dito. “Sana pala sumabay na akong kumain kina Max at Amy kanina,” nanghihinayang na bulong ko at sumubo na gamit ang kutsara na hawak ko. Ang sarap ng adobo pero iba pa rin kung kasama kong kumain yung dalawa. Akala ko ay sasabay si Colton na kumain pero mukhang yung ulam lang pala ang gusto niya. “Just wait, Vernon. Kukuha lang ako ng softdrinks kase ang sarap ng ulam ko ngay-”Nagkatinginan kami ni Colton ng pumasok siya sa pantry, mukhang kausap niya pa si Vernon sa phone dahil nakaipit pa yun sa balikat at panga niya. Kakain pa lang din siya? “Uhm, sorry, dito na ako kumain kase I figured out tapos na rin pala kumain sina Max at Amy sa canteen,” mahinang saad ko at napatingin na lang sa ulam at kanin ko. “Fuck! Go eat at my office now,” galit na saad niya. Bakit galit siya? May ginawa na naman ba akong ikakaga
KABANATA 85“Thank you God! Sobrang busog!” saad ko at napadighay pa dahil sa sobrang kabusugan. Pagkatapos mag-lunch ay umalis si Colton para sa isang meeting pero hindi niya na ako sinama kase baka hindi na siya bumalik sa building. I mean alam ko na din naman ang tungkol doon at hindi niya na kailangang magpaalam pero heto siya at nasa harap ng lamesa ko. “Aalis ako, okay ka lang bang maiwan mag-isa rito?” tanong niya habang hawak ang suitcase niya. “Yes, Sir! Ingat po kayo!” masiglang sambit ko pero kumunot lang ang noo nito. “Don’t work overtime, Fily! You can go home exactly on time,” pagpapaalala niya kaya tumango ako. “Alright, Sir. Ako na po ang bahala rito,” sambit ko sa kanya at kumaway pa habang paalis siya ng floor na iyon. Pagkaalis ni Colton ay napasulyap ako sa opisina niya, at napasilip sa mga cctv sa buong floor. Is this the good time para hanapin ang kailangan ni Devia?Dahan-dahan ay tumayo ako, kahit kinakabahan ay tumayo ako mula sa upuan ko at pumasok sa o
KABANATA 86Sakto pang umuulan ng lumabas siya sa building ng resort. Mabilis akong tumakbo at at naghintay sa waiting shed. Hindi ko pa nga na-check ang location ng lugar ni Colton dahil sa pagmamadali, pero heto ako at parang magmumukhang basang sisiw pa dahil sa ulan na ‘to. Nang makasakay ako ng jeep ay tsaka ko lang nakita ang text niya at malapit lang iyon sa amin. Actually along the way lang, sa may bayan lang talaga. Hindi ko alam kung coincidence ba o ano, pero hindi ko na pinansin at mas gusto ko na lang tapusin ang papapirmahan ko ng makapagpahinga na ako. Pagbaba ng jeep ay nakita ko na agad siyang nakatayo sa 1 storey house na may maliit na gate. Sakto lang sa isang tao pero modernong moderno ang kulay, style at design ng kabuuan. Sobrang linis din kaya halata mong bago pa lang ang nakatira. Walang kahit anong dumi sa paligid na akala mo ay palaging may naglilinis sa bahay. “Wala ka man lang payong? Wala bang payong sa resort?” masungit na tanong niya ng salubungin n
KABANATA 87“Bakit kase hindi mo ako pinaghubad ng sapatos? Nakkahiya tuloy sa kanila,” sumbong ko kay Colton at huhubarin na sana ang sapatos pero pinigilan niya ang paa ko. “May problema ba sa pagpasok ng sapatos niya dito sa office?” tanong niya sa team mate niya. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na umiling. “Wala no.” “Okay lang, Ms. Sales. Actually masipag naman kami kahit may ibang mukhang adik.” “Oo nga, Ms. Sales. Masaya nga kaming nandito ka para hindi magalit ang dragon e.” Natawa na lang ako sa mga sinabi nila at kinorrect sila na Fily na lang ang itawag sa ‘kin kase hindi ako sanay kapag Ms. Sales. Sobrang pormal, e magkakasing edad lang naman kami or one year older lang yung iba. ***********************END OF FLASHBACK**************************“Maligo ka muna, magkakasakit ka sa pagpapaulan,” saad ni Colton kaya mabilis akong tumango. Totoo naman na baka bukas ay magkalagnat ako o di kaya ay sipon dahil sa pagpapaulan. Pumasok ako sa banyong tinuro niya a
KABANATA 131Pagkatapos kumain ay umalis na rin si Craise dahil may pupuntahan pa raw siya. Habang ako ay kinakausap ang mga events coordinator lalo na sa papalapit na fashion week. Marami kaming mga modelo sa kumpanya at dahil may mga fashion week na nataong gagawin sa iisang araw ay ipapasok ko kung maaari lahat ng mga modelong available. Experience na rin ito at knowledge on how to handle or walk in a runway. “Okay lang ba ang ayos ko, Pam?” tanong ko sa babae na nakaupo lang sa sala. Tinignan lang ako nito saglit at marahang tumango. Hindi rin naman ako nag-aasam ng malaking reaksiyon mula sa kanya dahil alam kong mag pinagdadaanan ito. Ayoko na rin siyang guluhin at magpasama sa kikilalaning lawyer dahil ayoko ng dumagdag sa sakit ng ulo niya. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong apektado pa rin siya sa problemang hindi niya masabi-sabi sa akin. Pinili ko ring bag ay yung classic channel na nakita ko sa closet. It goes very well with my tube dress na plain black lang din. A
KABANATA 130Habang nagtatrabaho ay biglang dumaan sa isip ko ang mangga at bagoong. Pero dahil madami rin akong inaasikaso para sa isang event ay ipinagsawalang bahala ko muna iyon. Kanina pa rin ako pabalik-balik sa portfolio ni Devia dahil kasali siya sa line up ng mga models na kailangan para sa event ng bench. Hindi maipagkakaila na magaling at hinahangaan ang babae sa larangan ng kanyang career. Nang buksan ko pa ang telepono ay bumungad na naman sa akin yung mga mangga na may napakadaming alamang. Mas nangasim din ako ng makitang pwede rin lagyan ng chili garlic oil at mas masarap daw. “Hello po, pwede po bang umorder through food panda?” tanong ko kaagad sa isang tindera na nag-PM sa akin. “Ay! Pasensya na po ma’am, wala pa pong deliver ng mangoes,” hingi ng paumanhin ng isang tindera. Nag-try pa akong maghanap ng ibang seller pero wala na akong makita. Sunod-sunod na rin na nagsisilabasan ang iba’t ibang version ng green mangoes with alamang. Darn those green mangoes!I
KABANATA 129Nung gabing iyon ay iniyak na namin lahat ng sakit, hindi ko man buong alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Kassius. Ramdam ko kung gaano kabigat iyon para sa aking sekretaryana itinuring ko na ring mahalagang parte ng aking buhay. Alam ko sa sarili kong ibubuwis ko rin ang buhay ko para kay Pam. Isa siya sa mga taong walang pagdadalawang isip na pagbibigyan ko nga buhay ko basta kapalit nun ay ligtas at masaya siya. Galit na galit ako kay Kassius pero sinabi na ng babae na ayaw niya ng makialam pa kami sa buhay ng lalaki. Sapat na raw ang pagiging tanga at bulag niya sa nakalipas na panahon para pag-aksayahan pa ito ng panahon. “Are you still sleeping, Fily? Mauuna na ako sa company,” pagpapaalam ni Pam. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ang kaswal na boses niya na nagpapaalam. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan para sana paghingahin muna siya. “Pam! I told you, wag ka ng pumasok ngayon. Ako na ang bahala muna sa kumpanya okay? Just re
KABANATA 128“You’re clearly angry to me, Ms. CEO?” mapanuyang saad niya kaya nilingon ko ito gamit ang nanlilisik kong mata. Kanina pa siya sunod ng sunod kahit sinabi kong wag siyang sumunod. Alam kong napakababaw ng dahilan kung bakit naiirita ako sa kanya. Pero hindi ko rin naman maiwasang magpantig ang tenga lalo na sa tuwing tinatawag ako nito sa pangalan ko. Mas naaalala ko lang siya!Kaya mas gusto kong hindi niya ako tinatatawag kasi mas lalo lang akong nangungulila. Pero alam ko ring wala na akong Colton na babalikan, lalo na at inamin niya na rin naman na mahal niya talaga si Devia. “Kailangan mo ng abogado para sa Dad mo diba?” tanong nito kaya napahinto ako sa pagmamadaling makaalis sa harapan niya. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginusto kong pumunta ng Manila. Ang humanap ng magaling na abogado para kay itay. Hindi lang basta abogado na ipipresinta siya sa korte subalit ilalathala rin ang katotohanan sa buong korte at medya. Sirang sira ang imahe ni itay da
KABANATA 127Tatawagan ko na sana si Pam ng mauna na itong tumawag sa akin. Magsasalita pa sana ako ng mauna na itong mag-panic sa kabilang linya. “Shit Fily, alam kong papunta ka ngayon sa kumpanya. At God knows na gusto kitang samahan pero kailangan ako ni Kassius ngayon e. Pwede bang ikaw na muna ang tumapos kahit yung sa interview lang?” nagmamadaling tanong nito. At dahil wala naman akong magagawa ay umuo na lang ako, mukhang may malaking problema si Kassius kaya tarantang taranta ang gaga. “Alright, alright. Just calm down Pamela! You better drive sane! Kumalma ka dahil baka ikaw pa ang problemahin ni Kassius,” sigaw ko kaya naman unti-unti kong narinig ang pagkalma nito. Goodjob Pam!Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay mabilis na akong pumasok ng kumpanya at dumiretso na sa function hall kung saan ginaganap ang interview. Huli akong pumasok kaya nagulat ang mga recruiter, isang head ng marketing, head ng human resources at si Pam dapat. Palagi naman ay walang palya ang
KABANATA 126Buong akala ko ay isang malungkot at madrama na naman ako buong byahe pero dahil sa katabi ko. Hindi ko alam kung nandito ba ito para bwisitin ako o sandali niyang tinatanggal lahat ng hinanaing at sakit na tinatamasa ko.Gayunpaman, kapatid pa rin ito ng lalaking nanakit at nagpakulong kay itay. Kaya hindi ko siya lubos na mapagkatiwalaan, pero heto pa rin ako at nagpipigil ng tawa dahil sa mga sinasabi niya.“May interview ako ngayon, pero hindi pa ako nakakapag-ensayo dahil sayo,” sumbat bigla nito kaya naman napasimangot ako. “Aba! Sino bang nagdadadaldal sa tabi ko ha?” masungit na tanong ko sa kanya. Siya itong kanina pa nagsasalita sa tabi ko. Ngayong kinakausap ko na rin siya ay bigla niya akong pupunahin kaya hindi siya makapag-practice dahil sa ‘kin.“Joke lang, masyado na akong magaling para mag-practice no! Baka makita pa lang nila ako pasado na agad to!” pagyayabang nito kaya hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa.Dahil sa lakas ng tawa ko ay napapatingin
KABANATA 125Nakatayo lang ako dun habang walang magawa kundi umiyak at magmakaawang huwag nilang kunin ang itay. Pero kahit anong iyak at hagulgol ko ay ni isa ay walang makarinig ng boses ko. Maging sarili ko ay hindi ko na rin marinig dahil sa paulit-ulit na tunog ng police car, sigawan ng mga tao, maging ang ingay sa daan. Nang tumahimik na lahat ay nakita ko na lang ang sarili kong napaupo sa bakuran namin. Ang dating bahay na puno ng saya ay parang kusang nawalan ng ligaya. Maging ang mga halaman sa paligid ay mukhang malungkot dahil mga nakatungo ang mga dahon nito. Hindi ko alam kung malungkot rin ba sila dahil kinuha ng mga pulis ang matiyagang tumutulong kay inay upang diligan sila o sadyang malalanta na sila. “Wala ng magdidilig ng isang timba sa inyo,” pabirong bulong ko pero naalala ko lang ang masasayang kwentuhan at asaran habang nagdidilig sa bakuran na ito. “A-anak, a….anong gagawin natin? H…hindi kayang pumatay ng itay ninyo. B-bakit ayaw maniwala ng mga pulis?
KABANATA 124Mukhang nakikiayon rin ang kalangitan sa tinatamasa kong pighati, malakas ang bawat patak ng ulan pero hindi nun napapawi ang sakit ng mga salita ni Colton. Muli, siya lang ay may kayang dumurog sa ‘kin ng ganito bukod sa mga mahal ko sa buhay. Habang naglalakad sa gitna ng galit na galit na ulan, walang ibang pumapasok sa utak ko kundi paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mamahalin at lalaking puno ng pagmamahal ang batang nasa sinapupunan ko. Hinintay kong habulin niya ako, pigilan na wag siyang iwanan pero hanggang sa makarating ako sa sakayan ay walang Colton ang tumawag at pumigil sa ‘kin. Happy Anniversary! Mas lalo akong nanghina at nanlumo ng makita ang naka-schedule sa calendar ko. Simula ng makaalala ako ay nga-notes ako ng mga special dates. At isa na roon ay ang anibersaryo namin ni Colton, excited pa akong i-surpresa siya ngayong araw pero hindi nangyari dahil na-hospital ako. Nakalagay sa notes na bibili sana ako ng
KABANATA 123“May importante ka bang sasabihin sa kapatid ko Miss?” nakangising tanong nito bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kung wala lang akong kailangan sa kanya ay baka sinapak ko na ‘to sa paraan ng pagtitig niya! Hanggang makaabot kami sa tenth floor ay puro tanong ang binabato nito sa akin kaya naman dahil sa inis ko ay napasigaw na ako. “Girlfriend ako ng kapatid mo, okay na? Kung wala ka ng ibang gustong tanungin pwede bang lubayan mo na ako? Kasi gustong gusto ko ng makita si Colton,” sigaw ko kaya naman napahinto ito. “Chill, if that’s what you want iiwan na kita rito.” Nakangisi pa rin ito habang paalis kaya napakalaki ng pagkakaiba nila ng kapatid niyang bugnutin at masungit. Nang iwanan niya ako ay mabilis na akong pumunta sa opisina ni Colton at walang katok-katok akong pumasok. “Love, I miss yo-” naputol sa ere ang sasabihin ko ng makita si Colton na may kahalikang babae. Para akong tinusok ng libo libong patalim sa nakita ko. Kaya ba hindi niya ako mabi