KABANATA 82“Hi, Kuya! Good afternoon po,” bati ko sabay ngiti kay Kuya. Nagulat pa ito at tumingin kay Colton mula sa salamin, bago siya tumingin sa ‘kin at bumati pabalik. “Goodafternoon, Ma’am,” halatang pilit ang ngiti. Marahil ay hindi talaga madalas magsalita lalo na kapag nandiyan ang boss pero ayoko naman kausapin pa si Colton dahil badtrip na nga siya. “Pwede po bang makausap kayo? Kung okay lang po?” halos nagmamakaawa na ang boses ko. Muli ay napatingin si manong kay Colton na nasa tabi ko, siguro ay kailangan pa ng permission ni Colton kapag magsasalita sila? Kanina ko pa rin kase napapansin na panay ang sulyap ni manong sa boss naming dalawa. “I think manong needs your permission in talking? Can you let him talk please? I just want to talk with manong,” saad ko kay Colton at tumingin sa kanya. Sumulyap lang ito ng isang beses sa akin bago niya kinausap si manong, “Hindi ko pinagbabawalan magsalita ang mga tauhan ko, Fily. Kaya pwede mo siyang kausapin Manong Senti,”
KABANATA 83Pero bakit ka kumikirot? Empleyado, oo nga pala, isa niya akong empleyado kaya tutulungan niya ako kahit kapalit nun ay kaligtasan niya. “S-sa susunod, Sir. Sana ay wag niyo na pong gawin ang ganun ka-delikadong stunt,” saad ko at nilagay sa tabi niya ang first aid kit na lagin kong dala. “Ito po ang first aid kit. Kung hindi po kayo panatag ay kayo na lang po ang maglinis ng sugat niyo. Concern po ako bilang empleyado niyo lalo na kapag na-infect ‘yan,” saad ko. Muli ay nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa makarating kami sa building ng TCA Holdings. Napakaganda ng building alam mo kaagad na well-thought at designed and buong gusali. Pag-park sa harapan ng building ay mabilis na akong bumaba at hinintay na makababa si Colton mula sa kabilang pintuan. Walang nagkikibuan sa aming dalawa hanggang sa makapasok kami sa elevator ay nakatingin lang ako sa mga numero. Ni ayaw kong lumingon baka makita ko ang pagmumukha niya. Napahinga na lang ako ng malalim ng mabilis
KABANATA 84: Hindi na ako bumaba sa canteen dahil alam ko namang wala rin akong kasabay doon. Dito ko na lang binuksan ang baon ko sa pantry, pwede rin namang kumain dito. “Sana pala sumabay na akong kumain kina Max at Amy kanina,” nanghihinayang na bulong ko at sumubo na gamit ang kutsara na hawak ko. Ang sarap ng adobo pero iba pa rin kung kasama kong kumain yung dalawa. Akala ko ay sasabay si Colton na kumain pero mukhang yung ulam lang pala ang gusto niya. “Just wait, Vernon. Kukuha lang ako ng softdrinks kase ang sarap ng ulam ko ngay-”Nagkatinginan kami ni Colton ng pumasok siya sa pantry, mukhang kausap niya pa si Vernon sa phone dahil nakaipit pa yun sa balikat at panga niya. Kakain pa lang din siya? “Uhm, sorry, dito na ako kumain kase I figured out tapos na rin pala kumain sina Max at Amy sa canteen,” mahinang saad ko at napatingin na lang sa ulam at kanin ko. “Fuck! Go eat at my office now,” galit na saad niya. Bakit galit siya? May ginawa na naman ba akong ikakaga
KABANATA 85“Thank you God! Sobrang busog!” saad ko at napadighay pa dahil sa sobrang kabusugan. Pagkatapos mag-lunch ay umalis si Colton para sa isang meeting pero hindi niya na ako sinama kase baka hindi na siya bumalik sa building. I mean alam ko na din naman ang tungkol doon at hindi niya na kailangang magpaalam pero heto siya at nasa harap ng lamesa ko. “Aalis ako, okay ka lang bang maiwan mag-isa rito?” tanong niya habang hawak ang suitcase niya. “Yes, Sir! Ingat po kayo!” masiglang sambit ko pero kumunot lang ang noo nito. “Don’t work overtime, Fily! You can go home exactly on time,” pagpapaalala niya kaya tumango ako. “Alright, Sir. Ako na po ang bahala rito,” sambit ko sa kanya at kumaway pa habang paalis siya ng floor na iyon. Pagkaalis ni Colton ay napasulyap ako sa opisina niya, at napasilip sa mga cctv sa buong floor. Is this the good time para hanapin ang kailangan ni Devia?Dahan-dahan ay tumayo ako, kahit kinakabahan ay tumayo ako mula sa upuan ko at pumasok sa o
KABANATA 86Sakto pang umuulan ng lumabas siya sa building ng resort. Mabilis akong tumakbo at at naghintay sa waiting shed. Hindi ko pa nga na-check ang location ng lugar ni Colton dahil sa pagmamadali, pero heto ako at parang magmumukhang basang sisiw pa dahil sa ulan na ‘to. Nang makasakay ako ng jeep ay tsaka ko lang nakita ang text niya at malapit lang iyon sa amin. Actually along the way lang, sa may bayan lang talaga. Hindi ko alam kung coincidence ba o ano, pero hindi ko na pinansin at mas gusto ko na lang tapusin ang papapirmahan ko ng makapagpahinga na ako. Pagbaba ng jeep ay nakita ko na agad siyang nakatayo sa 1 storey house na may maliit na gate. Sakto lang sa isang tao pero modernong moderno ang kulay, style at design ng kabuuan. Sobrang linis din kaya halata mong bago pa lang ang nakatira. Walang kahit anong dumi sa paligid na akala mo ay palaging may naglilinis sa bahay. “Wala ka man lang payong? Wala bang payong sa resort?” masungit na tanong niya ng salubungin n
KABANATA 87“Bakit kase hindi mo ako pinaghubad ng sapatos? Nakkahiya tuloy sa kanila,” sumbong ko kay Colton at huhubarin na sana ang sapatos pero pinigilan niya ang paa ko. “May problema ba sa pagpasok ng sapatos niya dito sa office?” tanong niya sa team mate niya. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na umiling. “Wala no.” “Okay lang, Ms. Sales. Actually masipag naman kami kahit may ibang mukhang adik.” “Oo nga, Ms. Sales. Masaya nga kaming nandito ka para hindi magalit ang dragon e.” Natawa na lang ako sa mga sinabi nila at kinorrect sila na Fily na lang ang itawag sa ‘kin kase hindi ako sanay kapag Ms. Sales. Sobrang pormal, e magkakasing edad lang naman kami or one year older lang yung iba. ***********************END OF FLASHBACK**************************“Maligo ka muna, magkakasakit ka sa pagpapaulan,” saad ni Colton kaya mabilis akong tumango. Totoo naman na baka bukas ay magkalagnat ako o di kaya ay sipon dahil sa pagpapaulan. Pumasok ako sa banyong tinuro niya a
KABANATA 88Napangisi si Colton at may nilapag na usb sa harapan ko. “Hindi kaya itong usb ang hinahanap mo? Rinig na rinig ko sa boses mo,” sarkastikong sambit niya at nilakasan ang boses ko habang kausap ang sarili. Ang bobo! Bakit kasi kinakausap ang sarili? Hindi na ako tuluyang nakapagsalita dahil sa takot lalo na at nanlilisik ang mga mata niya. Parang kahit anong oras ay pwede niya na akong lapain ng buhay sa kinauupuan ko. “Do you remember everything?” Nanlamig ako sa klase ng tanong niya, hindi sa ganitong paraan ko ninais na ipaalam sa kanya na nakakaalala na ako. Kailangan ko pa palang galingan at maging mas maingat sa mga kilos ko simula ngayong araw. “Of course.” “Of course I want to remember everything, Colton,” mahinang sambit ko. Nakita kong lumamlam ang mata niya, kailangan kong gamitin ng maayos ang sitwasyon na ito para hindi niya maisip na nakakaalala na ako. Humaba ang katahimikan pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Alam kong nasagot na ang tanon
KABANATA 89Habang nakatitig ako sa kanya ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sa pangalawang beses ay nahulog ako sa kanya. Ano bang hindi mamahalin sa kanya? Bukod sa ugali ay katangi-tangi na ang ibang aspeto niya. Bonus na lang na sobrang pogi pa, kahit ako kapag gumigising ay mas gugustuhin kong makita ang ganitong mukha. “P-paano mo nagagawa ito, Colton?” tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at mas nilaliman pa ang titig sa mukha ko. Sobrang lapit ng mukha namin at sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingala sa kanya. “I promised to myself, na hindi na ako lalapit at makikihalubilo ulit sa ‘yo.” “It means danger and pain, Colton….” huminto ako dahil kailangan kong lumunok ng laway. Pero ayokong bitawan ang mga mata niya sa sandaling ito. “But at the same time, comfortable and happiness are transparent,” saad ko at dinilaan ang labi ko. Pakiramdam ko ay nanunuyo na iyon dahil sa sobrang nerbyos ko. Natigil na ang ginagawa namin dahil sa pagtititigan. Imbes
KABANATA 137“I won’t use the same strategy your dad did,” matigas na wika ko sa kanya. Nakakaintindi naman itong tumango pero alam ko ring ipipilit nito ang gusto. Their dad is a monster. And I want to use the law to make him beg that he should have gone for a good life instead of blaming other people just because he is powerful. “Kung hindi mo kayang gamitin ang mga anak niya, sigurado akong may gagamit sa amin laban sa kanya,” huling wika ni Craise bago ito tuluyang nawala sa aking paningin. “Anong ibig niyang sabihin?” bulong ko pero wala namang makakasagot nun dahil umalis na ang lalaki. “Fily, dito na rin muna ako tutulog ha. Samahan na kita magbantay kay Tito,” aniya Pam habang nakatingin kay itay na may mga swerong nakakabit sa kanyang katawan. Marahan lang akong tumango at tumabi sa kanya sa kabilang sofa, mahina niyang tinapik ang balikat kaya mabilis akong humilig sa kanyang balikat. Hindi man comportable ang aming mga pwesto pero hindi ko na namalayan na naka-idlip na
KABANATA 136“Pwede ba Colton? Hindi ka ba titigil sa pagsunod mo?” galit na tanong ko sa kanya ng makitang sumusunod pa rin ito sa akin. “Buntis ka ba, Fily?” mahinang tanong nito na umabot pa rin sa pandinig ko. Sorry anak, pero kailangan kitang itanggi sa ama mo. “Ganyan ka na ba kabilis maniwala ngayon? Hindi ako buntis at hinding hindi ako magpapabuntis sa ‘yo, Colton,” sambit ko tuluyan siyang iniwan sa canteen. Sinubukan niya pa akong tulungan pero mabilis kong iniwas sa kanya ang mga dala ko. Kung maaari lang ay ayoko ng magkaroon ng anumang interaksyon sa kanya. “Fina! Okay ka lang? Hindi ka naman nasaktan nung pumunta ka dito?” humahangos na tanong ni Craise. Mukhang kagagaling lang nito sa natapos na runway pero dito kaagad siya pumunta. Mukhang umaatake na naman ang pagiging emosyonal ko dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Sa buong durasyon na nandito ako sa hospital ay sila ang tinatanong ko kung kamusta. Pero ngayong tinanong ako ng lalaki ay parang naramd
KABANATA 135Humahangos akong pumunta ng hospital, dire-diretso ako sa emergency room. Ni hindi ko na inalintana kung anong itsura ko basta makita ko lang ang itay. Malayo pa lang ako ay nakita ko na agad ang inay na nakasandal sa pader. Si bunso ay palakad-lakad at hindi alam ang gagawin. Nakita kong mahigit isang oras ng ginagamot ng mga doktor ang itay sa loob ng emergency room.“Ate!” sigaw ng kapatid ko at mabilis na lumapit sa ‘kin. Umiiyak ito habang nakayakap sa katawan ko. Mukhang nailabas ko na ata lahat ng luha ko dahil walang tumutulong luha dito. “S-sabi ng mga pulis, pinagtulungan daw si itay sa loob ng kulungan. A-alam nating mabait si itay kaya h-hindi ito magsisimula ng gulo,” pagsusumbong nito kaya lalo akong naawa sa bunsong kapatid. “Magbabayad ang may gawa nito kay itay bunso, hindi tayo papayag na kung sino pa ang nag-aagaw buhay ay siya pa rin ang mananagot,” may gigil na bulong ko sa kanya bago ako umalis mula sa yakap niya. Pinuntahan ko ang inay at itin
KABANATA 134 My mind went blank. Wala akong ibang maisip maging ang presensya ni Craise na ngayon ay hawak-hawak ako ay hindi ko napansin. “Are you okay, Fina?” nag-aalalang tanong nito. Isang masamang tingin lang ang pinataw ko sa kanya. Kahit nanghihina ay tumayo ako ng hindi humihingi ng tulong sa kanya. Ngunit dahil sa naging epekto ng masamang balita ay muli lang nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa harapan niya. “Just let me fucking help you. I know you don’t like me, but your body can’t take it,” sambit nito kaya kahit ayoko mang magsalita dahil alam kong masasakit na salita lang ang lalabas sa aking bibig ay wala akong nagawa. “Leave me alone. Finish the runway, Villagonzalo. Wag ngayon,” madiing wika ko sa kaniya. “Tinatawag ka na ng organizers, Craise. I’ll take it from here,” wika naman ng magaling na kapatid nito. Nakita ko lang ang marahang pagtango ni Craise sa kuya niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na dumating ang kuya niya. Dahil alam ko sa sa
KABANATA 133That night, hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa kakaisip sa dalawang magkapatid na handang magpagamit para makulong ang ama nila. “Gosh, sakit ng ulo ko!” inis na wika ko pagkatayo mula sa higaan. Badtrip tuloy ako ang aga-aga pa lang pero kumikirot ang ulo ko, paano ba naman ay kulang ang tulog. Everything was literally fine except for my mood, everyone was happy and smiling. Even Pam, she was smiling while looking at something on her phone. I also got medicine and cooked instant noodles before drinking my meds. It’s another day to the company, but I can finally see the models and how they present theirselves in the runway. “Girl, are you ready for tonight's ganap? A lot of our model would be representing our company at bench,” excited na sambit ni Pam. “Of course, kahit noon pa naman ay gustong gusto ko na kapag may mga rampa-rampahan diyan. I was really grateful for my parents, they put up with my kaartehan nung nakaka luwag-luwag pa kami,” wika ko at inaalal
KABANATA 132“C’mon, Fina! Just say yes already, ilang weeks na lang magsisimula na ang trial,” pangungulit nito na hindi ko pinansin. Sana pala ay nagtigil na lang ako sa bahay kesa pagurin ang sarili kong mag-ayos, mag-commute para lang ibenta ang sarili niya sa ‘kin. Kahit nanggigigil ay pinipigilan ko ang sariling sumabog dahil nakakahiya sa mga taong makakarinig ng pang-kalye kong sermon. “J….just finish your food, Craise,” may diing saad ko pero mukhang hindi niya pa rin sineseryoso ang sinasabi ko. “I have leads and statements okay? May witness rin, ano hindi ka pa rin ba papayag?” tanong nito na ikinailing ko na lang. My hunch is saying na baka niloloko na naman ako nito, baka ang sinasabi nitong leads at statements ay gawa-gawa niya lang. Baka maging ang witness na tinutukoy nito ay siya, sobrang galing niya naman kung ganoon. “We can check his whereabouts, Fina! I already put a GPS tracker on his car kaya mabilis lang natin siyang mahahanap.”“I also hired men to watch
KABANATA 131Pagkatapos kumain ay umalis na rin si Craise dahil may pupuntahan pa raw siya. Habang ako ay kinakausap ang mga events coordinator lalo na sa papalapit na fashion week. Marami kaming mga modelo sa kumpanya at dahil may mga fashion week na nataong gagawin sa iisang araw ay ipapasok ko kung maaari lahat ng mga modelong available. Experience na rin ito at knowledge on how to handle or walk in a runway. “Okay lang ba ang ayos ko, Pam?” tanong ko sa babae na nakaupo lang sa sala. Tinignan lang ako nito saglit at marahang tumango. Hindi rin naman ako nag-aasam ng malaking reaksiyon mula sa kanya dahil alam kong mag pinagdadaanan ito. Ayoko na rin siyang guluhin at magpasama sa kikilalaning lawyer dahil ayoko ng dumagdag sa sakit ng ulo niya. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong apektado pa rin siya sa problemang hindi niya masabi-sabi sa akin. Pinili ko ring bag ay yung classic channel na nakita ko sa closet. It goes very well with my tube dress na plain black lang din. A
KABANATA 130Habang nagtatrabaho ay biglang dumaan sa isip ko ang mangga at bagoong. Pero dahil madami rin akong inaasikaso para sa isang event ay ipinagsawalang bahala ko muna iyon. Kanina pa rin ako pabalik-balik sa portfolio ni Devia dahil kasali siya sa line up ng mga models na kailangan para sa event ng bench. Hindi maipagkakaila na magaling at hinahangaan ang babae sa larangan ng kanyang career. Nang buksan ko pa ang telepono ay bumungad na naman sa akin yung mga mangga na may napakadaming alamang. Mas nangasim din ako ng makitang pwede rin lagyan ng chili garlic oil at mas masarap daw. “Hello po, pwede po bang umorder through food panda?” tanong ko kaagad sa isang tindera na nag-PM sa akin. “Ay! Pasensya na po ma’am, wala pa pong deliver ng mangoes,” hingi ng paumanhin ng isang tindera. Nag-try pa akong maghanap ng ibang seller pero wala na akong makita. Sunod-sunod na rin na nagsisilabasan ang iba’t ibang version ng green mangoes with alamang. Darn those green mangoes!I
KABANATA 129Nung gabing iyon ay iniyak na namin lahat ng sakit, hindi ko man buong alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Kassius. Ramdam ko kung gaano kabigat iyon para sa aking sekretaryana itinuring ko na ring mahalagang parte ng aking buhay. Alam ko sa sarili kong ibubuwis ko rin ang buhay ko para kay Pam. Isa siya sa mga taong walang pagdadalawang isip na pagbibigyan ko nga buhay ko basta kapalit nun ay ligtas at masaya siya. Galit na galit ako kay Kassius pero sinabi na ng babae na ayaw niya ng makialam pa kami sa buhay ng lalaki. Sapat na raw ang pagiging tanga at bulag niya sa nakalipas na panahon para pag-aksayahan pa ito ng panahon. “Are you still sleeping, Fily? Mauuna na ako sa company,” pagpapaalam ni Pam. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ang kaswal na boses niya na nagpapaalam. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan para sana paghingahin muna siya. “Pam! I told you, wag ka ng pumasok ngayon. Ako na ang bahala muna sa kumpanya okay? Just re