KABANATA 33 Nagising na lang ako sa hospital bed na may nakaturok na dextrose sa kamay ko. Naalala kong pagtingin ko sa tiyan ko ay tumambad ang malaking pasa. Kagagawan iyon ng manyakis na lalaki sa may bar. Pangalawang araw pa lang namin sa boracay ay puro kamalasan na agad ang sumalubong samin. Pumasok si Colton sa room ko at may hawak na pagkain. “Kumain ka na, nalipasan ka na ng gutom kasi nahimatay ka,” saad niya. Sakto pang kumalam ang tiyan ko kaya Nakita kong napangisi siya. Nahihiya ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa hiya. Hindi na rin naman ako nagpatalo sa gutom ko at mabilis na nilantakan ang pagkain sa aking harapan. Si Colton pa ang nagligpit ng pinagkainan ko kase wag daw muna akong gumalaw. “May nireseta lang yung doctor para sa pasa mo at ilang vitamins. Tignan mo na lang diyan sa paper bag, kapag kulang pa ay sabihan mo ako,” wika ni Colton habang nakatalikod pa rin sa ‘kin. “T-thank you, Colton,” mabilis na saad ko at nagtalukbong
KABANATA 34 “I d-don’t have the same feelings for you, Colton. Pumayag akong pumunta sa cafe na ito para kay Devia, sa bestfriend ko! Manhid ka ba? You can’t tell na may gusto siya sayo?” wika ko sa kanya. “Wala akong pakialam sa nararamdaman ni Devia! Sure akong ikaw ang gusto ko, ikaw ang tinitibok ng puso ko! Una pa lang ay malinaw na kay Devia na nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya,” mahabang litanya niya. “I like someone else, Colton. Alam mo iyan, una pa lang ay kay Vernon na ako nahumaling. Kaya please, don’t make this hard for ourselves,” mahinang saad ko pero parang kinukurot ang puso ko. “Then, atleast give me a chance to prove myself to you! isang beses lang at kapag wala ka pa ring nararamdaman para sa ‘kin ay titigil ako. Titigilan ko na ang pangungulit sa’yo,” pagmamakaawa ni Colton kaya mas lalo akong napapikit habang nakatingin lang sa kapeng hawak ko. “Hey Fily, bakit nakatitig ka lang sa kape mo? TIngin mo ba ay mauubos ‘yan kapag tinitigan mo lang?”
KABANATA 35 Bakit ka nasasaktan, Fily? Tanong ko sa aking isipan kahit mahigit isang oras ng umalis ang Ate niya. Wala naman akong karapatang masaktan kaya hindi pwede ang nararamdaman ko. “Fily!” sigaw ni Colton kaya napatalon ako sa kinauupuan ko. “Ha?” mabilis na tanong ko at tumingin sa kanya. Hindi ko napansin na natulala na pala ako sa harapan niya. “Anong ha? Kanina ka pa nakatulala, ano bang iniisip mo?” takang tanong niya. Gusto ko mang isigaw na siya ang iniisip ko ay nanahimik na lang ako. Kahit babaero siya ay may paninindigan pa rin siya lalo na at engage siya kay Devia. “W-wala naman akong iniisip bukod sa gusto kong mag-swimming,” wika ko at tumingin sa pool na nasa harap lang namin. Natanaw ko pa ang mga taong masayang lumalangoy sa pool. Pangarap ko rin iyon, ang makasama sina inay, itay at Easton sa ganito kagandang tanawin. At wala na kaming iniisip na bayarin o utang, kundi kung saan kami sunod magbabakasyon magpamilya. “Ang sarap siguro magbakasyo
FILOTEEMO YVETTE SALESIt’s our 5th anniversary. Kaya excited na akong pumunta sa address na binigay ni Colton, naalala kong may binigay ang lalaki nung isang linggo. Kaya mabilis ko iyong kinuha sa ilalim ng higaan ko. Habang tinitignan ang fit ko sa salamin ay sumulpot ang bestfriend ko since elementary, her name is Devia San Agustin. There she goes again with her large and thick eyeglasses, kumaway pa siya sa akin pagkapasok niya sa room ko. “Akala ko hindi ka na makakapunta e, look at my dress, Colton bought this for me. Is it okay lang ba? What do you think Dev?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako sabay yakap sa kanya. Although she love wearing eyeglasses, I still find her pretty and gorgeous. Naku kung pumayag lang talagang maayusan itong bestfriend ko. Sure akong maglalaway yung lalaking bumasted sa kanya before pa kami maging besties. “Y-you look so beautiful in that dress Fily,” nakangiting wika ni Dev at inayos ang kanyang salamin. Nakasuot ako ng light pink color dres
Kaya naman napalingon ako sa kanya at marahang tumango bago nag-focus ulit sa pagda-drive. “Mahal ko pa rin pala siya Fily, pero mukhang ikakasal na siya,” malungkot na sambit ng aking kaibigan. “I thought hindi mo na gusto ang boy na yun Dev? And you should really move on from that guy Dev. Especially kung ikakasal na siya sa iba,” mahinahong saad ko kay Dev dahil mas lalo lang nitong sasaktan ang sarili kung patuloy niyang mamahalin ang lalaking iyon. “H-hindi ko pala kaya Fily, akala ko magiging okay ako pero hindi. Kahit ano gagawin ko para ako naman tignan niya ng may pagmamahal. Kahit ikasira pa iyon ng matagal nilang pagsasama, gagawin ko ” seryosong wika ni Dev at nakipag-agawan ng manubela sa ’kin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Dev at hinayaan na lang itong sabihin ang kanyang saloobin. Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Dev ngunit nagulat ako ng malakas nitong tinabig ang kamay ko kaya tumama iyon sa handbrake kaya medyo gumewang ang sasakyan. “Aww, Dev an
“The hottest rumored couple Mr. Colton Noah Villagonzalo and Ms. Devia San Agustin”Naglilinis ako rito sa aming sala ng biglang umugong ang pangalan na Colton Villagonzalo at Devia San Agustin kaya napatingin ako sa aming munting telebisyon na may kulay red at green na linya dahil sa kalumaan. Kitang kita ang masayang mukha sa babaeng nasa telebisyon habang seryoso lang ang lalaki naglalakad habang iniinterview. “Ang sungit naman ng lalaki yun,” wala sa sariling bulalas ko habang napako ang tingin sa lalaking walang emosyon at nakakatakot ang postura. Mas lalo pa akong naintriga ng si Devia San Agustin lang ang halos sumasagot sa mga interview questions at mukhang bored na bored na ang katabi niyang boyfriend. “Pinagkakaguluhan ng sambayanan kung ano ba talaga ang totoong score sa pagitan ninyo ni Mr. Villagonzalo, ano pong masasabi niyo miss San Agustin?”Tanong ng interviewer at itinapat ang microphone kay miss San Agustin ngunit napasinghap ang mga inteviewer ng kuhanin ni Mr.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng makitang nakahandusay si inay sa kanilang kwarto. Sinubukan kong gisingin siya ngunit ayaw kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay upang humingi ng tulong ng makasalubong ang kapatid kong si Easton. “Ate, anong nangyayari? Bakit ka tumatakbo?” “S-si i-inay bunso…..t-tulong humingi ka ng tulong,” nauutal na sambit ko sa kapatid. Tumango naman ito at nagmamadaling tumakbo upang humingi ng tulong kaya pumasok ulit ako sa aming bahay upang tignan si inay. “N-nay….s-sandali lang po ha, h-humihingi na po ng tulong si bunso.”Kahit alam kong hindi naman ako kakausapin ni inay kaya hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kamay nito. Kahit nung may ambulansya na galing sa baranggay ay hindi ko binitawan ang kamay ni inay. “Anong nangyari Fily?” tanong ng isang baranggay tanod ngunit isang iling lamang ang aking naisagot sapagkat hindi ko rin alam kung anong nangyari kay inay. “A-ate samahan mo si inay sa hospital. Susunduin ko po si itay sa palayan,” pagpapaal
“Be my slave Filoteemo, and I will find the best doctors to heal your mother.” Sumulpot ang lalaking nakabungguan ko kanina. Ang weirdong ito, wala na ba siyang ibang ginagawa at nandito pa rin siya sa hospital. Pumunta nga ako dito sa chapel ng hospital para mag-pray pero bakit may mga devil na nakakapasok dito. “Anong sinasabi mo? Slave? As in alipin? Uso pa ba yun? Pwede mo namang sabihing maid para maintindihan ko agad.” “Sex slave Filoteemo, kapalit nun ay ang pag galing ng nanay mo.” Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero marahas akong umiling sa kanya. Kahit mahirap kami ay hindi ko naisip na ibebenta ko ang katawan ko para lang sa pera. “Pasensya ka na Sir, pero sa iba mo na lang ialok ‘yang sex slave na sinasabi niyo,” mataray na saad ko sa lalaki at tinalikuran ito. Nang tumalikod ako sa lalaki at pupuntahan na sana ang kwarto ni inay ay nakita ko ang mga doktor na mabilis na tumatakbo papunta sa hospital room ni inay. “Ano pong nangyayari doc?” nag-aalalang
KABANATA 35 Bakit ka nasasaktan, Fily? Tanong ko sa aking isipan kahit mahigit isang oras ng umalis ang Ate niya. Wala naman akong karapatang masaktan kaya hindi pwede ang nararamdaman ko. “Fily!” sigaw ni Colton kaya napatalon ako sa kinauupuan ko. “Ha?” mabilis na tanong ko at tumingin sa kanya. Hindi ko napansin na natulala na pala ako sa harapan niya. “Anong ha? Kanina ka pa nakatulala, ano bang iniisip mo?” takang tanong niya. Gusto ko mang isigaw na siya ang iniisip ko ay nanahimik na lang ako. Kahit babaero siya ay may paninindigan pa rin siya lalo na at engage siya kay Devia. “W-wala naman akong iniisip bukod sa gusto kong mag-swimming,” wika ko at tumingin sa pool na nasa harap lang namin. Natanaw ko pa ang mga taong masayang lumalangoy sa pool. Pangarap ko rin iyon, ang makasama sina inay, itay at Easton sa ganito kagandang tanawin. At wala na kaming iniisip na bayarin o utang, kundi kung saan kami sunod magbabakasyon magpamilya. “Ang sarap siguro magbakasyo
KABANATA 34 “I d-don’t have the same feelings for you, Colton. Pumayag akong pumunta sa cafe na ito para kay Devia, sa bestfriend ko! Manhid ka ba? You can’t tell na may gusto siya sayo?” wika ko sa kanya. “Wala akong pakialam sa nararamdaman ni Devia! Sure akong ikaw ang gusto ko, ikaw ang tinitibok ng puso ko! Una pa lang ay malinaw na kay Devia na nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya,” mahabang litanya niya. “I like someone else, Colton. Alam mo iyan, una pa lang ay kay Vernon na ako nahumaling. Kaya please, don’t make this hard for ourselves,” mahinang saad ko pero parang kinukurot ang puso ko. “Then, atleast give me a chance to prove myself to you! isang beses lang at kapag wala ka pa ring nararamdaman para sa ‘kin ay titigil ako. Titigilan ko na ang pangungulit sa’yo,” pagmamakaawa ni Colton kaya mas lalo akong napapikit habang nakatingin lang sa kapeng hawak ko. “Hey Fily, bakit nakatitig ka lang sa kape mo? TIngin mo ba ay mauubos ‘yan kapag tinitigan mo lang?”
KABANATA 33 Nagising na lang ako sa hospital bed na may nakaturok na dextrose sa kamay ko. Naalala kong pagtingin ko sa tiyan ko ay tumambad ang malaking pasa. Kagagawan iyon ng manyakis na lalaki sa may bar. Pangalawang araw pa lang namin sa boracay ay puro kamalasan na agad ang sumalubong samin. Pumasok si Colton sa room ko at may hawak na pagkain. “Kumain ka na, nalipasan ka na ng gutom kasi nahimatay ka,” saad niya. Sakto pang kumalam ang tiyan ko kaya Nakita kong napangisi siya. Nahihiya ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa hiya. Hindi na rin naman ako nagpatalo sa gutom ko at mabilis na nilantakan ang pagkain sa aking harapan. Si Colton pa ang nagligpit ng pinagkainan ko kase wag daw muna akong gumalaw. “May nireseta lang yung doctor para sa pasa mo at ilang vitamins. Tignan mo na lang diyan sa paper bag, kapag kulang pa ay sabihan mo ako,” wika ni Colton habang nakatalikod pa rin sa ‘kin. “T-thank you, Colton,” mabilis na saad ko at nagtalukbong
KABANATA 32Nagpumilit akong wag ng magpadala sa ospital dahil dagdag gastos lang iyon. Tsaka isa pa ay hindi naman nakakamatay yung suntok ng lalaki.Nandito kami ngayon sa living area ng hotel room, nakatingin lang ako sa sahig habang nagpalakad lakad si Colton sa harapan ko.“H-hindi ka ba nahihilo, C-col-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kase huminto nga siya. Pero ang sama naman ng tingin sa pwesto ko.“Bakit ang lapitin mo ng kamalasan, Fily?!” inis na bulyaw niya. Napapikit ako at may gumuhit na sakit sa puso ko. “H-hindi ko alam na n-nandun sila,” pagpapaliwanag ko pero napahilot na lang siya sa kanyang noo. “At hindi ka umiwas? O naghahanap ka talaga ng gulo? Katulad ng pinasok mong gulo kasama ni Mom?” tanong ni Colton. Napamaang ako dahil paanong nasali ang nanay niya rito. “Teka, gulo? Tingin mo ba ay pumunta lang ako doon para maghanap ng gulo?” Hindi ko na napigilang tumawa sa sobrang inis, idagdag pa na sinisisi niya ako sa pagiging malibog ng dalawang iyon. “
KABANATA 31Akala ko ay umuulan kaya napatingin ako sa itaas, pero nanlumo lang ako ng makitang may bubong nga pala ang bar. “Ha! Bakit ko ba siya iniiyakan!” inis na bulong ko sa sarili ko. Marahas kong pinunasan ang luha ko at tinungga ang binalikan kong inumin namin ni Colton. Kung kanina ay masaya pa akong pumunta rito kasi nagbabakasakali akong may matipuhan man lang siya.Ngunit ang nangyari pa tuloy ay nagalit siya at nalaman ko pang mas malalim na relasyon pala ang kailangan kong sirain. Habang mag-isang tumutunga ng beer dito sa counter ay may mga lalaking biglang lumapit sa ‘kin. Nung una ay hindi ko pa pinapansin kaso ang lakas ng boses nila kaya napapalingon ako sa kanilang direksyon.“Siya ba yun?”“Ang ganda nga pre no!”“Payag kaya siya isang gabi? Tatlo tayong magpapaligaya?”Naisip ko na lang na napakalibog ng mga lalaking ito. Naawa na lang ako sa babaeng katabi ko na kanina pa nila sinusulyapan. Kahit pa gaano ka-revealing ang damit niya ay harap harapan pa rin
KABANATA 30 Tumitig siya ng matagal sa ‘kin kaya ngumiti ako sa kanyang harapan. Napabuga siya ng hininga at marahang umiling bago niya pinutol ang pagtitig sa ‘kin. Alam kong pinaghihinalaan niya pa rin ako kaya kailangan kong makuha ang tiwala niya. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan iyon. Bahala na nga, sasabay na lang siguro ako sa agos ng buhay. Basta ay mapaghiwalay ko naman sila ni Devia ay may pera pa rin ako. May isang magaling na naisip ako, at balak ko na agad simulan iyon mamayang gabi. Alan kong hindi siya makakatanggi sa ibibigay ko mamaya. “Mukhang masaya ka, Fily. Kanina ko pa napapansin na panay ang ngiti mo.” Nagulat ako ng sumulpot sa likod ko si Colton habang may hawak na wine glass at pinapaikot ang laman nito. “Ha? Ako ba? Sino bang hindi sasaya kung nasa boracay?” “Ako? Ang dami-dami kong trabaho sa Maynila tapos pipilitin lang akong magpunta dito para ano? Mag-relax?” natatawang saad ni Colton. “Mas naiistress pa ako rito kesa makipagbarila
KABANATA 29: Napakahimbing ng tulog ko kaya ng marinig ko ang announcement ng piloto ay tsaka lang ako tuluyang nagising. Nakasandal na pala ako sa balikat ni Colton, mabuti na lang ay hindi ito nagalit at tinulak ang ulo ko. “Nakakagulat ba na hindi kita tinulak? At gulat na gulat ka ngayon, Fily.” Napangiwi na lang ako ng bumalik sa realidad ang pag-iisip ko. Akala ko pa naman ay magiging mabait na siya ngunit kapag bumuka na ang bibig niya ay malalaman mong walang kabaitan sa katawan to e. “Hindi, Colton. A-ano nakakagulat lang kasi,” wika ko habang tumatawa sa gilid niya. Inismiran lang ako ni Colton at umayos ng upo sa kanyang upuan. Tumunghay na lang ako sa bintana sa aking gilid at pinagmasdan ang kabuuan ng boracay habang nasa himpapawid. Saglit lang naman ang naging byahe namin kaya hindi masyadong nakakapagpod. Pero hindi ko lang alam kung hahaba ba ang buhay ko kapag siya ang kasama ko. “Get our things, Fily,” habilin niya at nauna ng maglakad pababa ng eroplano
KABANATA 28:Hindi na nakakapagtaka dahil lagi naman niya akong iniiwasan bukod na lang kung makaramdam siya ng libog sa katawan. Kapag lumalapit siya at kung saan-saan napapadpad ang kamay, alam ko na agad kung anong gusto niya. Pagpunta ko sa kwarto ay nakita ko ang isang itim na maleta, halatang bago pa iyon kasi may tag pang nakasabit. Meron ding mga beach outfit kaya tinignan ko iyon isa-isa, napangiwi na lang ako ng makita kung gaano ka revealing ang mga damit. “Siya kaya ang pumili nito?” bulong ko habang hawak ang two piece na kulay dilaw at may bulaklak sa gitna ng bra at bulaklak sa tagiliran ng panty. Literal na may bulaklak kapag hinubad itong swimsuit. “T-shirt at shorts nga lang ay ayos na,” bulong ko ulit pero ipinasak ko na rin sa loob ng maleta ang mga swimsuit. Nung hapunan ay wala kaming imikan ni Colton habang kumakain, nagulat na lang ako ng kumuha ito ng pitsel ng malamig na tubig at sinalinan ang aming baso.“Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na pagkatapo
CHAPTER 27:Kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya ay umuo na lang ulit ako kasi utos daw ni Colton. At mas lalong ayoko ng lumabag kay Colton dahil sa napagkasunduan namin ni Ma’am Lorraine. “P-pwede bang tanungin mo siya kung anong oras siya uuwi? Or kung uuwi ba siya?” nahihiyang tanong ko kay Vernon. Naningkit ang mata nito kaya kinabahan ako. “Ah, okay lang naman kung nakakaabala ako. G-gusto ko lang malaman kung uuwi siya, hindi pa kase siya umuuwi simula nung isang araw,” nahimigan nito ang pag-aalala sa boses ko kaya tumango ito bago umalis. Hinatid ko pa siya sa pintuan, akala ko ay magdidire diretso na ito pero muli akong nilingon. “Don’t associate yourself again with Colton. Ayoko ng magbantay ng taong ayaw naman mabuhay.”Napapailing pa ito habang paalis kaya naguguluhan ako habang papasok sa condo ni Colton. Hindi ko alam ang ipinapahiwatig ni Vernon pero pakiramdam ko ay banta iyon at hindi simpleng paalala lamang. Pagkatapos sa mga labahin ay nag-ayos ako para p