Natigilan siya sa sigaw ng kanyang ama. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.“Bumalik ka dito! Kinakausap kita!”sigaw ng kanyang ama. Lumingon siya upang tingnan ang ama. Tumayo naman ang kanyang ina at nakapamewang na tumingin sa kanyang ama. " Bakit kailangan mong sigawan si Alonzo? Wala siyang kasalanan dito. Siya ang biktima rito,” ani ng kanyang ama kung kaya kinabahan siya. Paano siya magiging biktima samantalang siya ang naging dahilan ng lahat. Alam niyang ang pagpapakasal ni Nicholas at Mia ay palabas lamang. “Kung gusto mong magalit kay Nicholas dapat! Si Nicholas ang may kasalanan, hindi si Alonzo. Kung kaya mo, hanapin mo si Nicholas!" sigaw ng kanyang ina na hindi nakapagpigil.Tumikhim siya at lumapit sa mga ito. Hindi niya malaman ang sasabihin."Ma, tama na po. Sasabihin ko na kung ano ang nangyari.. Ma, nagkamali po kayo,” wika niya sa ina kung kaya napatingin ito sa kanya.“Anong nagkamali? Mali na sisihin si Nicholas?”“Opo,” sagot niya napayuko. Hindi siya makat
"Ano ang sinabi mo?"tanong ng kanyang ama… Muli na namang sumabog sa galit ang kanyang ama sa galit dahil sa kanyang sinabi. Nagulat din si Sandra nang marinig ang sinabi ni Alonzo.. "Ibig mo bang sabihin ay buntis si Gemma at ikaw ang ama?" Mahinang tumango siya.. "Dalawang buwan na siyang nagdadalang-tao,” sagot niya sa ina. Napansin niya ang pagsilay sa mukha ng ina dahil sa kanyang sinabi. "Kung ganoon ay magkakaroon na ng apo si Papa. Hindi ba matagal na nating gusto magkaroon ng bata sa bahay na ito?” ani pa ng kanyang ina na pigil ang saya na nadarama dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang noon pa gusto magkaapo ng kanyang Lolo at hindi nila iyon maibigay kaagad. Nagulat pa siya nang sumigaw ang ama dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ring magkaanak si Mia para kay Alonzo. Hindi niya nobya si Gemma, Sandra. Don't forget that… Ang bilis mong makalimot.” Nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ama ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Ma
KITANG-KITA ni Nicanor ang kanyang nagwawalang anak at manugang. Ang pagtatalo ng dalawa ay nakakadagdag pa tensyon ng paligid."Kayong dalawa pwede ba ay maupo muna kayo! Dumadagdag lamang kayo sa problema!” utos niya sa dalawa kung kaya sumunod naman ang mga ito. Batas ang bawat salita niya sa kanilang pamilya.Sumunod si Mike sa kanyan ngunit galit na tinitigan si Alonzo bago umupo. Ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa anak na nakaluhod sa sahig. Nang makita ni Sandra na umupo na ang kanyang asawa ay saka pa lamang ito nakahinga ng maluwag at sumunod na rin.Tiningnan niya ang kanyang mga anak at manugang, at pagkatapos ay tumingin sa kanyang apo na nakaluhod sa sahig. Muli siyang nag buntong-hininga."Anuman ang sabihin natin, ay nagkamali si Alonzo. Akala ko may pagkakataon pa tayong ituwid ang pagkakamali niya, pero dahil buntis na si Gemma, hindi natin dapat saktan ang bata sa pagwawasto ng pagkakamaling ito, dahil ang bata ay walang kasalanan. Ang magagawa na lang natin
NAPANSIN ni Mia ang tensyon sa pamilya Madrigal dahil sa pagdating nila ni Nicholas. Nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa. Kaagad niyang napansin si Alonzo na nakaluhod sa sahig pagkatapos ay tiningnan siya. Puno ng pagsisisi ang mukha nito at mahinang sinambit ang pangalan niya. Ayaw niyang isipin na nagsisisi ang lalaki dahil niloloko niya na naman ang kanyang sarili kapag naniwala siyang nagsisisi ito lalo na at mismonh nanggaling sa bibig ni Alonzo na kahit kailan ay hindi siya minahal.. "Mia." Mabilis siyang umiwas sa mga titig ni Alonzo. Hindi ito ang dahilan kung bakit pumunta siya sa mansyon ng mga Madrigal. Simula sa araw na ito ay ibang Mia na ang makikita ni Alonzo. Hindi na siya ang dating Mia na sunod-sunuran sa lahat ng gusto nito. Kahit masakit na makita ang dating nobyo ay wala siyang choice. Simula ngayon ay maliit na lamang ang kanilang mga mundo. Kasal na siya sa kuya nito at palagi nang magkukrus ang kanilang mga landas. Huminga siya ng malalim upang mawa
Kinabahan si Alonzo mula nang dumating si Mia, kasama ang kanyang kapatid. Nang marinig niya ang sinabi ni Mia ay nagulo ang kanyang puso.Sinubukan niyang isipin ang lahat ng posibleng mangyari, ngunit hindi niya kailanman naisip na magiging ganito ang pagtanggap ni Mia sa kanyang kataksilan. Nagawa pa nitong pakiharapan ng maayos ang kanyang pamilya. Alam niya naman ang mabuting tao si Mia at umaasa siyang kaya siya nitong patawarin."Mia,” wika niya sa babae pagkatapos nitong magsalita… “Sigawan mo ako…Sipain mo rin ako at saktan. Huwag mo akong parusahan sa ganitong paraan. Ayokong ikaw ang magdala sa aking tataksilan na nagawa. Ayokong sayo rin magalit ang iyong ina.”Kahit gaano man siya kasama hindi niya kayang hayaang ang babaeng nagmahal sa kanya ng siyam na taon ang magdala ng kanyang kasalanan dahil sa kanyang pagtataksil.“Tama si Mia,” sabat ng kanyang ina pagkatapos siyang tingnan ng masama na tila ba sinasabing manahimik siya. "Ano ba ang sinasabi mo? Ang bait ni Mia s
HINDI niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinasabi ng kanyang pamilya. Pakiramdam niya ang mahalaga sa mga ito ay ang pangalan at si Alonzo lamang samantalang sila ni Mia ang niloko. "Nicholas,” wika ng kanyang abuelo. “Alam ko na nasaktan ka, pero naisip mo ba si Mia? Ano ang magiging reaksyon ng nanay niya kung malaman niya ang lahat ng ito? Wala kayong anumang relasyon. Paano mo mapapasaya si Mia? Sobra na ang utang natin sa pamilya niya at ang pagtali sa kanya sa pagpapakasal ay isang pagkakamali. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Napilitan siyang tumango sa sinabi ng kanyang abuelo. Naiintindihan niya naman ito pero kasal na sila ni Mia. Hindi na pwedeng mabawi ‘yun. "Lolo, ang ibig mong sabihin ay mas magiging masaya si Mia kung ikakasal siya kay Alonzo…Bakit hindi niyo nalang ako deretsahin? Na hindi siya magiging masaya dahil lumpo ako at nakaupo sa wheelchair na ito… Yun po ba ang ibig ninyo sabihing na kasiyahan?”pauyam niyang sagot. Bumuntong-hininga ang kanyang
NAPATITIG si Mia sa mataas na building ng Madrigal Corporation kung saan ay CEO ang kanyang nobyo. Kilala bilang tanyag na negosyante ang mga Madrigal. Her boyfriend comes from a family of billionaires. Halos mukha ng pamilya Madrigal ang makikita mong billboard sa Makati. Napangiti siya… Balang- araw ay magiging Madrigal na rin siya. Mabagal na umaakyat ang elevator patungo sa opisina ni Alonzo Madrigal nang maisip ni Mia si Alonzo. Hindi niya nakita nang kalahating buwan ang nobyo dahil umuwi sila sa probinsya ng kanyang ina at napuno ng pananabik at tamis ang kanyang puso lalo na at namiss niya ito ng husto. Isa pa nang magkausap sila ni Alonzo ay sinabi nitong may magandang balita itong ibabalita sa kanya at wala siyang ibang maisip na magandang ibabalita nito kundi ang mag-propose sa kanya ng kasal lalo na at matagal na niyang hinihintay ang araw na iyon. Hawak ni Mia ang isang lalagyan ng caldereta na pinagpuyatan niya pang lutuin upang ipagluto nang espesyal si Alonzo. Balak n
“Alonzo!” histerikal na sigaw ni Mia sabay pukpok sa pintuan nito ng silidn nito. Hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. “Walanghiya ka! Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?”Dahil sa malakas niyang pagsigaw ay biglang tumigil ang mga tunog mula sa loob ng kwarto nito na kanina lamang ay parang pusang naglalampungan...Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Alonzo, kalmado ang ekspresyon sa mukha na akala mo ay walang ginagawa. Alam niyang alam na nito na nalaman niya na ang sikreto nito lalo na at narinig naman nito ang kanyang pagsigaw. Akala niya ay tatanggi ang nobyo sa kanyang nalaman pero hindi. Nakakunot ang noo ni Alonzo at nakatingin sa kanya na akala mo ay walang nangyari at hindi siya nasaktan. Balewala sa lalaki na nalaman niya ang kataksilan nito. “Mia,” ani sa kanya ni Alonzo.’“How dare you!” sumbat niya.“Now, that you know the truth, I don’t want to pretend anymore. I want to tell you directly, Mia Ang turing ko lang sa’yo ay parang kapatid lamang
HINDI niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinasabi ng kanyang pamilya. Pakiramdam niya ang mahalaga sa mga ito ay ang pangalan at si Alonzo lamang samantalang sila ni Mia ang niloko. "Nicholas,” wika ng kanyang abuelo. “Alam ko na nasaktan ka, pero naisip mo ba si Mia? Ano ang magiging reaksyon ng nanay niya kung malaman niya ang lahat ng ito? Wala kayong anumang relasyon. Paano mo mapapasaya si Mia? Sobra na ang utang natin sa pamilya niya at ang pagtali sa kanya sa pagpapakasal ay isang pagkakamali. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Napilitan siyang tumango sa sinabi ng kanyang abuelo. Naiintindihan niya naman ito pero kasal na sila ni Mia. Hindi na pwedeng mabawi ‘yun. "Lolo, ang ibig mong sabihin ay mas magiging masaya si Mia kung ikakasal siya kay Alonzo…Bakit hindi niyo nalang ako deretsahin? Na hindi siya magiging masaya dahil lumpo ako at nakaupo sa wheelchair na ito… Yun po ba ang ibig ninyo sabihing na kasiyahan?”pauyam niyang sagot. Bumuntong-hininga ang kanyang
Kinabahan si Alonzo mula nang dumating si Mia, kasama ang kanyang kapatid. Nang marinig niya ang sinabi ni Mia ay nagulo ang kanyang puso.Sinubukan niyang isipin ang lahat ng posibleng mangyari, ngunit hindi niya kailanman naisip na magiging ganito ang pagtanggap ni Mia sa kanyang kataksilan. Nagawa pa nitong pakiharapan ng maayos ang kanyang pamilya. Alam niya naman ang mabuting tao si Mia at umaasa siyang kaya siya nitong patawarin."Mia,” wika niya sa babae pagkatapos nitong magsalita… “Sigawan mo ako…Sipain mo rin ako at saktan. Huwag mo akong parusahan sa ganitong paraan. Ayokong ikaw ang magdala sa aking tataksilan na nagawa. Ayokong sayo rin magalit ang iyong ina.”Kahit gaano man siya kasama hindi niya kayang hayaang ang babaeng nagmahal sa kanya ng siyam na taon ang magdala ng kanyang kasalanan dahil sa kanyang pagtataksil.“Tama si Mia,” sabat ng kanyang ina pagkatapos siyang tingnan ng masama na tila ba sinasabing manahimik siya. "Ano ba ang sinasabi mo? Ang bait ni Mia s
NAPANSIN ni Mia ang tensyon sa pamilya Madrigal dahil sa pagdating nila ni Nicholas. Nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa. Kaagad niyang napansin si Alonzo na nakaluhod sa sahig pagkatapos ay tiningnan siya. Puno ng pagsisisi ang mukha nito at mahinang sinambit ang pangalan niya. Ayaw niyang isipin na nagsisisi ang lalaki dahil niloloko niya na naman ang kanyang sarili kapag naniwala siyang nagsisisi ito lalo na at mismonh nanggaling sa bibig ni Alonzo na kahit kailan ay hindi siya minahal.. "Mia." Mabilis siyang umiwas sa mga titig ni Alonzo. Hindi ito ang dahilan kung bakit pumunta siya sa mansyon ng mga Madrigal. Simula sa araw na ito ay ibang Mia na ang makikita ni Alonzo. Hindi na siya ang dating Mia na sunod-sunuran sa lahat ng gusto nito. Kahit masakit na makita ang dating nobyo ay wala siyang choice. Simula ngayon ay maliit na lamang ang kanilang mga mundo. Kasal na siya sa kuya nito at palagi nang magkukrus ang kanilang mga landas. Huminga siya ng malalim upang mawa
KITANG-KITA ni Nicanor ang kanyang nagwawalang anak at manugang. Ang pagtatalo ng dalawa ay nakakadagdag pa tensyon ng paligid."Kayong dalawa pwede ba ay maupo muna kayo! Dumadagdag lamang kayo sa problema!” utos niya sa dalawa kung kaya sumunod naman ang mga ito. Batas ang bawat salita niya sa kanilang pamilya.Sumunod si Mike sa kanyan ngunit galit na tinitigan si Alonzo bago umupo. Ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa anak na nakaluhod sa sahig. Nang makita ni Sandra na umupo na ang kanyang asawa ay saka pa lamang ito nakahinga ng maluwag at sumunod na rin.Tiningnan niya ang kanyang mga anak at manugang, at pagkatapos ay tumingin sa kanyang apo na nakaluhod sa sahig. Muli siyang nag buntong-hininga."Anuman ang sabihin natin, ay nagkamali si Alonzo. Akala ko may pagkakataon pa tayong ituwid ang pagkakamali niya, pero dahil buntis na si Gemma, hindi natin dapat saktan ang bata sa pagwawasto ng pagkakamaling ito, dahil ang bata ay walang kasalanan. Ang magagawa na lang natin
"Ano ang sinabi mo?"tanong ng kanyang ama… Muli na namang sumabog sa galit ang kanyang ama sa galit dahil sa kanyang sinabi. Nagulat din si Sandra nang marinig ang sinabi ni Alonzo.. "Ibig mo bang sabihin ay buntis si Gemma at ikaw ang ama?" Mahinang tumango siya.. "Dalawang buwan na siyang nagdadalang-tao,” sagot niya sa ina. Napansin niya ang pagsilay sa mukha ng ina dahil sa kanyang sinabi. "Kung ganoon ay magkakaroon na ng apo si Papa. Hindi ba matagal na nating gusto magkaroon ng bata sa bahay na ito?” ani pa ng kanyang ina na pigil ang saya na nadarama dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang noon pa gusto magkaapo ng kanyang Lolo at hindi nila iyon maibigay kaagad. Nagulat pa siya nang sumigaw ang ama dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ring magkaanak si Mia para kay Alonzo. Hindi niya nobya si Gemma, Sandra. Don't forget that… Ang bilis mong makalimot.” Nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ama ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Ma
Natigilan siya sa sigaw ng kanyang ama. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.“Bumalik ka dito! Kinakausap kita!”sigaw ng kanyang ama. Lumingon siya upang tingnan ang ama. Tumayo naman ang kanyang ina at nakapamewang na tumingin sa kanyang ama. " Bakit kailangan mong sigawan si Alonzo? Wala siyang kasalanan dito. Siya ang biktima rito,” ani ng kanyang ama kung kaya kinabahan siya. Paano siya magiging biktima samantalang siya ang naging dahilan ng lahat. Alam niyang ang pagpapakasal ni Nicholas at Mia ay palabas lamang. “Kung gusto mong magalit kay Nicholas dapat! Si Nicholas ang may kasalanan, hindi si Alonzo. Kung kaya mo, hanapin mo si Nicholas!" sigaw ng kanyang ina na hindi nakapagpigil.Tumikhim siya at lumapit sa mga ito. Hindi niya malaman ang sasabihin."Ma, tama na po. Sasabihin ko na kung ano ang nangyari.. Ma, nagkamali po kayo,” wika niya sa ina kung kaya napatingin ito sa kanya.“Anong nagkamali? Mali na sisihin si Nicholas?”“Opo,” sagot niya napayuko. Hindi siya makat
“Kilala ko si Nicholas, Alonzo. Hindi siya basta-basta nagbabago ng pasya, at lalong hindi niya matatanggap ang pagiging isang talunan. Kahit na paralisado na siya, hindi siya basta-basta sumusuko; matigas ang ulo ni Nicholas."Kung talagang mahal ka ni Kuya, dapat maintindihan niya ang mga nangyayari. Hindi ka niya pwedeng itali sa sarili niya. Tama ka, paralisado na siya at wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na may karapatan kang tumutol at hindi pumayag na ikasal sa kanya. Huwag kang mag-alala, Gemma, dahil buntis ka na, at buntis ka sa isang Madrigal—pero hindi sa kanya, kundi sa akin. Kahit na magpumilit pa siyang agawin ka sa akin, wala nang makakapigil pa dahil sigurado akong maiintindihan tayo ng aking mga magulang. Madrigal ang batang dinadala mo, at hangga’t nabubuhay ako, walang sinuman ang makaka-galaw sa’yo, baby."Alonzo!" Dahil sa narinig, niyakap siya ni Gemma. Alam niyang panatag na ang loob nito dahil sa sinabi niya. Muling humigpit ang yakap ni Gemma sa k
Seryoso ang mukha na tumingin si Nicholas kay Mia, matalim ang kanyang mga mata..."Natatakot ka ba? Natatakot ka bang mahulog ako sa'yo?" tanong niya sa babae.Mabilis na umiling si Mia sa naging tanong niya. "Hindi… Hindi yan ang ibig kong sabihin. Isa pa bakit naman ako matatakot, hindi naman mangyayari yun hindi ba?”Tumango siya sa sinabi ng babae at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon."Naiintindihan ko naman… Naiintindihan ko kung hilingin mo kaagad ang makalaya mula sa akin. Isa pa walang gustong magpakasal sa isang paralisadong katulad ko. Kahit pa siguro mahal na mahal ko ang isang tao kung ganito naman ang kalagayan ko na hindi makalakad at palaging may nakaalalay—maiintindihan ko….Sa mundong ito, walang tunay na pag-ibig sa kagaya ko. Isa akong inutil.”Napakibit balikat siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Na may babaeng seseryoso sa kanya? "Ano ka ba! Huwag mong sabihin iyan! Kahit na niloko ka ni Gemma ay makakakilala ka ri
Ngumiti si Mia ng mapait at tumango. "Oo! Ayokong kaawaan niya ako, Nicholas lalo na at alam niyang minahal ko si Alonzo."Hindi ka ba nasasaktan? Sasaluhin mo ang kasalanan ni Alonzo.”Kinagat ni Mia ang kanyang labi, ngumiti ng mapait bago tumingin sa malayo at nagsalita."Mas mabuti nang isang tao lang ang nasasaktan kaysa sa dalawa. Mas may sasakit pa ba sa ginawa ni Alonzo sa akin? Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang ako ang nagtaksil pero alam kong panandalian lamang ang galit na yun. Alam ko naman na mas gugustuhin niyang magpakasal ako sa taong mahal ko,” wika niyang pinunasan ang luhang tumulo. Nakatingin siya sa isang puting ulap sa labas ng bintana, parang nakatingin sa kanyang ama sa langit, at nilunok ang kanyang mga hinanakit. "Maganda ang relasyon nina Mama at Papa. Kahit mahirap lang kami, masaya sila. Nang mamatay si Papa, hindi nakalabas ng bahay si Mama ng matagal. Dinamdam niya ang pagkawala ni Papa. Nang mga panahong iyon, dinala ko si Alonzo sa baha