"Ma!” sigaw niya na agad na dinaluhan ang ina. Nakita agad ni Mia ang kanyang ina na nakaupo sa sofa, at si Alonzo na nakaluhod sa harap nito at nakayuko habang humihingi ng tawad.Namumula at namamaga ang mga mata ng inang si Melinda dahil sa pag-iyak habang napatingin sa kanya.Mabilis na umupo si Mia sa tabi ng kanyang nanay, agad na namula ang kanyang mga mata nang makita niya ang lungkot ng kanyang ina. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya, kaya pinilit niyang ngumiti para aliwin ang ina na tila ba sinasabing okay lang siya. "Ma, ayos lang ako. Huwag niyo na po akong alalahanin. Hindi niyo na rin po kailangan umiyak.”Pinilit na pinigilan ng ina ang mga luha na wag tumulo.. Hinaplos nito ang kanyang mukha at magibg ang kanyang buhok. Hindi niya tuloy na pigilan ang sarili na hindi maiyak habang nakatingin sa kanyang ina na tila ba awang-awa sa kanyang sinapit.“I'm sorry, anak,” wika sa kanya na ina kung kaya umiling siya.“Wala po kayong kasalanan sa mga nangyari Ma.”“Ako
Pagbaba ni Mia ng apartment nila ay kaagad niyang tinawagan si Nicholas. "Ano'ng problema?" tanong nito sa kabilang linya. "Nicholas, gusto kitang makita. Mag-usap tayo," sagot niya."Sige! Lumabas ka ng apartment at susunduin kita," utos ni Nicholas. Para siyang si Martinez kung utusan nito. "Fine!” inis niyang sagot."Hintayin mo kami sa labasan,” ani pa nito.Pinatay ni Nicholas ang tawag kung kaya inis na inis siya. Kung minsan ay hindi niya talaga ito maintindihan. Isang lalaking nakaupo sa wheelchair pero nag-uutos ay parang hari.Alam niyang hindi pa naman ito kalayuan kung kaya mabilis itong nakabalik sa kanilang bahay.Nakita niya ang kotse ni Nicholas. Mabilis siyang pumasok ng sasakyan at pinaandar kaagad ni Martinez."Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Mia kay Nicholas."Sa villa…May mga bagay na hindi dapat pag-usapan sa labas." Nang makarating sila sa villa ay kaagad na tinulungan ni Martinez si Nicholas sa wheelchair pero pinigilan nito ni Martinez at tiningnan siy
Hindi niya hahayaang mag-isa si Nicholas sa laban na ito…Hindi niya hahayaang mag-isa nitong harapin sina Alonzo at Gemma.Lumabas siya ng kwarto ni Nicholas at pumunta siya sa banyo at kumuha ng gamit panglinis. Pagbalik niya ay nakaupo pa rin si Nicholas sa kama…Nakatingin sa kanya na nagtataka. Ang mukha nito ay hindi na naman maipinta."Bakit ka bumalik? Akala ko ba ay aalis ka na?" tanong nito."Kelan ko sinabing aalis ako?" Inilapag niya ang gamit panglinis at lumapit kay Nicholas, lumuhod siya hinawakan ang braso nito. "Tulungan na kitang mahiga. Malamig sa sahig. Alam mo naman siguro na hindi higaan ang sahig, hindi ba? Isa pa, masyadong malaki ang kama mo,” ani niya upang mabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.Tiningnan siya ni Nicholas, pero hindi ito tumingin sa kanya. Tinulungan niya itong mahiga. Pagkatapos, inangat ni Mia ang wheelchair at sinubukan ang remote kung okay. Gumagana pa naman iyon kahit natumba na. "Matibay pa pala 'to!" Itinulak niya ang whee
NAPATITIG si Mia sa mataas na building ng Madrigal Corporation kung saan ay CEO ang kanyang nobyo. Kilala bilang tanyag na negosyante ang mga Madrigal. Her boyfriend comes from a family of billionaires. Halos mukha ng pamilya Madrigal ang makikita mong billboard sa Makati. Napangiti siya… Balang- araw ay magiging Madrigal na rin siya. Mabagal na umaakyat ang elevator patungo sa opisina ni Alonzo Madrigal nang maisip ni Mia si Alonzo. Hindi niya nakita nang kalahating buwan ang nobyo dahil umuwi sila sa probinsya ng kanyang ina at napuno ng pananabik at tamis ang kanyang puso lalo na at namiss niya ito ng husto. Isa pa nang magkausap sila ni Alonzo ay sinabi nitong may magandang balita itong ibabalita sa kanya at wala siyang ibang maisip na magandang ibabalita nito kundi ang mag-propose sa kanya ng kasal lalo na at matagal na niyang hinihintay ang araw na iyon. Hawak ni Mia ang isang lalagyan ng caldereta na pinagpuyatan niya pang lutuin upang ipagluto nang espesyal si Alonzo. Balak n
“Alonzo!” histerikal na sigaw ni Mia sabay pukpok sa pintuan nito ng silidn nito. Hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. “Walanghiya ka! Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?”Dahil sa malakas niyang pagsigaw ay biglang tumigil ang mga tunog mula sa loob ng kwarto nito na kanina lamang ay parang pusang naglalampungan...Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Alonzo, kalmado ang ekspresyon sa mukha na akala mo ay walang ginagawa. Alam niyang alam na nito na nalaman niya na ang sikreto nito lalo na at narinig naman nito ang kanyang pagsigaw. Akala niya ay tatanggi ang nobyo sa kanyang nalaman pero hindi. Nakakunot ang noo ni Alonzo at nakatingin sa kanya na akala mo ay walang nangyari at hindi siya nasaktan. Balewala sa lalaki na nalaman niya ang kataksilan nito. “Mia,” ani sa kanya ni Alonzo.’“How dare you!” sumbat niya.“Now, that you know the truth, I don’t want to pretend anymore. I want to tell you directly, Mia Ang turing ko lang sa’yo ay parang kapatid lamang
“Mia, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Alonzo pagkatapos siyang itulak. Dali-dali siya nitong nilapitan at inabot ang kanyang braso at tinangkang itayo siya.“Huwag mo akong hahawakan,” galit niyang pigil kay Alonzo."Bitawan mo siya!!" sigaw ng isang lalaking galit ang boses na umalingawngaw mula sa pintuan.Napansin niyang natigilan si Alonzo at ang babaeng kasama nito na si Gemma nang mapagsino ang dumating… Nakita niya ang takot sa mga mata ni Alonzo dahil sa malakas na sigaw ng bagong dating na si Nicholas Madrigal, walang iba kundi ang kapatid ni Alonzo at nobyo rin ni Gemma. Hindi inaasahan ng mga ito ang pagsulpot ni Nicholas.Napatingin din si Mia sa direksyon ng boses at nakita ang isang wheelchair na nakapwesto sa may pintuan ng opisina. Nakaupo rito ang isang lalaking nakasuot ng unipormeng pulis. Maikli at maayos ang buhok at matalim ang mga mata na nakatingin kay Alonzo at Gemma. Ang mga kilay nito ay nakasalubong dahil sa galit. Kung nakakamatay lang ang tingin ni
Napatitig siya kay Nicholas. Seryoso pa rin ang mukha nito. Mukhang hindi nga ito marunong ngumiti. Ang nakakapagtaka lamang ay wala itong sinabing masama kay Gemma samantalang niloko ito. "Ayos lang talaga ako," ani niya pa na kumawala mula sa malaking kamay na nakahawak sa kanya ngunit tila walang balak si Nicholas na pakawalan siya. "Miss, sumakay ka na sa sasakyan. Ang sugat mo ay nasa ulo at kung hindi ‘yan magamot ay baka kung mapano ka. Isa pa, dumudugo pa rin ‘yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao,” ani pa sa kanya ni Martinez na itinuro ang mga empleyadong paparating na upang pumasok. Hawak nito ang pintuan ng sasakyan. "Gusto mo ba ang agaw atensyon? Mukha kang katawa-tawa sa itsura mo. Umiiyak at may umaagos na dugo sa ulo. Nakakahiya----kaya pumasok ka na ng sasakyan,” ani pa ni Nicholas sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag. Iisipin niya pa ba ang dugo sa ulo niya samantalang mas sugatan naman yata ang puso niya? “Kung ayaw mo ay bahala ka, go! Umalis ka na para ma
NAPAHALAKHAK ng malakas si Mia dahil sa mga naririnig mula kay Nicholas. "Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mo na ang lalaking mahal ko ay kasama ng fiancée mo at kung pakakasalan kita sa tingin mo ba ay magiging okay ang lahat? Do you think everything will turn out romantic?” ano niya kay Nicholas. Hindi maipaliwanag ni Mia kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon… Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang naririnig mula sa lalaki. "Ang kailangan mo lang sabihin sa akin kung pakakasalan mo ba ako o hindi?" seryoso pa ring sagot sa kanya ng lalaki. "Hindi ako papayag… Hindi kita mahal, kaya bakit kita pakakasalan?" mariing sagot niya. “Hindi ako papayag sa gusto mo.” "Hindi mo ba siya mahal? Kung pakakasalan mo ako ay makikita mo si Alonzo araw-araw. Nakikita mo naman siguro na paralisado ang aking mga binti kaya kahit magpakasal tayo, ay hindi kita mahahawakan. Magiging mag-asawa lang tayo sa pangalan, Mia. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil hindi ko matanggap ang na
Hindi niya hahayaang mag-isa si Nicholas sa laban na ito…Hindi niya hahayaang mag-isa nitong harapin sina Alonzo at Gemma.Lumabas siya ng kwarto ni Nicholas at pumunta siya sa banyo at kumuha ng gamit panglinis. Pagbalik niya ay nakaupo pa rin si Nicholas sa kama…Nakatingin sa kanya na nagtataka. Ang mukha nito ay hindi na naman maipinta."Bakit ka bumalik? Akala ko ba ay aalis ka na?" tanong nito."Kelan ko sinabing aalis ako?" Inilapag niya ang gamit panglinis at lumapit kay Nicholas, lumuhod siya hinawakan ang braso nito. "Tulungan na kitang mahiga. Malamig sa sahig. Alam mo naman siguro na hindi higaan ang sahig, hindi ba? Isa pa, masyadong malaki ang kama mo,” ani niya upang mabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.Tiningnan siya ni Nicholas, pero hindi ito tumingin sa kanya. Tinulungan niya itong mahiga. Pagkatapos, inangat ni Mia ang wheelchair at sinubukan ang remote kung okay. Gumagana pa naman iyon kahit natumba na. "Matibay pa pala 'to!" Itinulak niya ang whee
Pagbaba ni Mia ng apartment nila ay kaagad niyang tinawagan si Nicholas. "Ano'ng problema?" tanong nito sa kabilang linya. "Nicholas, gusto kitang makita. Mag-usap tayo," sagot niya."Sige! Lumabas ka ng apartment at susunduin kita," utos ni Nicholas. Para siyang si Martinez kung utusan nito. "Fine!” inis niyang sagot."Hintayin mo kami sa labasan,” ani pa nito.Pinatay ni Nicholas ang tawag kung kaya inis na inis siya. Kung minsan ay hindi niya talaga ito maintindihan. Isang lalaking nakaupo sa wheelchair pero nag-uutos ay parang hari.Alam niyang hindi pa naman ito kalayuan kung kaya mabilis itong nakabalik sa kanilang bahay.Nakita niya ang kotse ni Nicholas. Mabilis siyang pumasok ng sasakyan at pinaandar kaagad ni Martinez."Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Mia kay Nicholas."Sa villa…May mga bagay na hindi dapat pag-usapan sa labas." Nang makarating sila sa villa ay kaagad na tinulungan ni Martinez si Nicholas sa wheelchair pero pinigilan nito ni Martinez at tiningnan siy
"Ma!” sigaw niya na agad na dinaluhan ang ina. Nakita agad ni Mia ang kanyang ina na nakaupo sa sofa, at si Alonzo na nakaluhod sa harap nito at nakayuko habang humihingi ng tawad.Namumula at namamaga ang mga mata ng inang si Melinda dahil sa pag-iyak habang napatingin sa kanya.Mabilis na umupo si Mia sa tabi ng kanyang nanay, agad na namula ang kanyang mga mata nang makita niya ang lungkot ng kanyang ina. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya, kaya pinilit niyang ngumiti para aliwin ang ina na tila ba sinasabing okay lang siya. "Ma, ayos lang ako. Huwag niyo na po akong alalahanin. Hindi niyo na rin po kailangan umiyak.”Pinilit na pinigilan ng ina ang mga luha na wag tumulo.. Hinaplos nito ang kanyang mukha at magibg ang kanyang buhok. Hindi niya tuloy na pigilan ang sarili na hindi maiyak habang nakatingin sa kanyang ina na tila ba awang-awa sa kanyang sinapit.“I'm sorry, anak,” wika sa kanya na ina kung kaya umiling siya.“Wala po kayong kasalanan sa mga nangyari Ma.”“Ako
HINDI niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinasabi ng kanyang pamilya. Pakiramdam niya ang mahalaga sa mga ito ay ang pangalan at si Alonzo lamang samantalang sila ni Mia ang niloko. "Nicholas,” wika ng kanyang abuelo. “Alam ko na nasaktan ka, pero naisip mo ba si Mia? Ano ang magiging reaksyon ng nanay niya kung malaman niya ang lahat ng ito? Wala kayong anumang relasyon. Paano mo mapapasaya si Mia? Sobra na ang utang natin sa pamilya niya at ang pagtali sa kanya sa pagpapakasal ay isang pagkakamali. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Napilitan siyang tumango sa sinabi ng kanyang abuelo. Naiintindihan niya naman ito pero kasal na sila ni Mia. Hindi na pwedeng mabawi ‘yun. "Lolo, ang ibig mong sabihin ay mas magiging masaya si Mia kung ikakasal siya kay Alonzo…Bakit hindi niyo nalang ako deretsahin? Na hindi siya magiging masaya dahil lumpo ako at nakaupo sa wheelchair na ito… Yun po ba ang ibig ninyo sabihing na kasiyahan?”pauyam niyang sagot. Bumuntong-hininga ang kanyang
Kinabahan si Alonzo mula nang dumating si Mia, kasama ang kanyang kapatid. Nang marinig niya ang sinabi ni Mia ay nagulo ang kanyang puso.Sinubukan niyang isipin ang lahat ng posibleng mangyari, ngunit hindi niya kailanman naisip na magiging ganito ang pagtanggap ni Mia sa kanyang kataksilan. Nagawa pa nitong pakiharapan ng maayos ang kanyang pamilya. Alam niya naman ang mabuting tao si Mia at umaasa siyang kaya siya nitong patawarin."Mia,” wika niya sa babae pagkatapos nitong magsalita… “Sigawan mo ako…Sipain mo rin ako at saktan. Huwag mo akong parusahan sa ganitong paraan. Ayokong ikaw ang magdala sa aking tataksilan na nagawa. Ayokong sayo rin magalit ang iyong ina.”Kahit gaano man siya kasama hindi niya kayang hayaang ang babaeng nagmahal sa kanya ng siyam na taon ang magdala ng kanyang kasalanan dahil sa kanyang pagtataksil.“Tama si Mia,” sabat ng kanyang ina pagkatapos siyang tingnan ng masama na tila ba sinasabing manahimik siya. "Ano ba ang sinasabi mo? Ang bait ni Mia s
NAPANSIN ni Mia ang tensyon sa pamilya Madrigal dahil sa pagdating nila ni Nicholas. Nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa. Kaagad niyang napansin si Alonzo na nakaluhod sa sahig pagkatapos ay tiningnan siya. Puno ng pagsisisi ang mukha nito at mahinang sinambit ang pangalan niya. Ayaw niyang isipin na nagsisisi ang lalaki dahil niloloko niya na naman ang kanyang sarili kapag naniwala siyang nagsisisi ito lalo na at mismonh nanggaling sa bibig ni Alonzo na kahit kailan ay hindi siya minahal.. "Mia." Mabilis siyang umiwas sa mga titig ni Alonzo. Hindi ito ang dahilan kung bakit pumunta siya sa mansyon ng mga Madrigal. Simula sa araw na ito ay ibang Mia na ang makikita ni Alonzo. Hindi na siya ang dating Mia na sunod-sunuran sa lahat ng gusto nito. Kahit masakit na makita ang dating nobyo ay wala siyang choice. Simula ngayon ay maliit na lamang ang kanilang mga mundo. Kasal na siya sa kuya nito at palagi nang magkukrus ang kanilang mga landas. Huminga siya ng malalim upang mawa
KITANG-KITA ni Nicanor ang kanyang nagwawalang anak at manugang. Ang pagtatalo ng dalawa ay nakakadagdag pa tensyon ng paligid."Kayong dalawa pwede ba ay maupo muna kayo! Dumadagdag lamang kayo sa problema!” utos niya sa dalawa kung kaya sumunod naman ang mga ito. Batas ang bawat salita niya sa kanilang pamilya.Sumunod si Mike sa kanyan ngunit galit na tinitigan si Alonzo bago umupo. Ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa anak na nakaluhod sa sahig. Nang makita ni Sandra na umupo na ang kanyang asawa ay saka pa lamang ito nakahinga ng maluwag at sumunod na rin.Tiningnan niya ang kanyang mga anak at manugang, at pagkatapos ay tumingin sa kanyang apo na nakaluhod sa sahig. Muli siyang nag buntong-hininga."Anuman ang sabihin natin, ay nagkamali si Alonzo. Akala ko may pagkakataon pa tayong ituwid ang pagkakamali niya, pero dahil buntis na si Gemma, hindi natin dapat saktan ang bata sa pagwawasto ng pagkakamaling ito, dahil ang bata ay walang kasalanan. Ang magagawa na lang natin
"Ano ang sinabi mo?"tanong ng kanyang ama… Muli na namang sumabog sa galit ang kanyang ama sa galit dahil sa kanyang sinabi. Nagulat din si Sandra nang marinig ang sinabi ni Alonzo.. "Ibig mo bang sabihin ay buntis si Gemma at ikaw ang ama?" Mahinang tumango siya.. "Dalawang buwan na siyang nagdadalang-tao,” sagot niya sa ina. Napansin niya ang pagsilay sa mukha ng ina dahil sa kanyang sinabi. "Kung ganoon ay magkakaroon na ng apo si Papa. Hindi ba matagal na nating gusto magkaroon ng bata sa bahay na ito?” ani pa ng kanyang ina na pigil ang saya na nadarama dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang noon pa gusto magkaapo ng kanyang Lolo at hindi nila iyon maibigay kaagad. Nagulat pa siya nang sumigaw ang ama dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ring magkaanak si Mia para kay Alonzo. Hindi niya nobya si Gemma, Sandra. Don't forget that… Ang bilis mong makalimot.” Nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ama ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Ma
Natigilan siya sa sigaw ng kanyang ama. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.“Bumalik ka dito! Kinakausap kita!”sigaw ng kanyang ama. Lumingon siya upang tingnan ang ama. Tumayo naman ang kanyang ina at nakapamewang na tumingin sa kanyang ama. " Bakit kailangan mong sigawan si Alonzo? Wala siyang kasalanan dito. Siya ang biktima rito,” ani ng kanyang ama kung kaya kinabahan siya. Paano siya magiging biktima samantalang siya ang naging dahilan ng lahat. Alam niyang ang pagpapakasal ni Nicholas at Mia ay palabas lamang. “Kung gusto mong magalit kay Nicholas dapat! Si Nicholas ang may kasalanan, hindi si Alonzo. Kung kaya mo, hanapin mo si Nicholas!" sigaw ng kanyang ina na hindi nakapagpigil.Tumikhim siya at lumapit sa mga ito. Hindi niya malaman ang sasabihin."Ma, tama na po. Sasabihin ko na kung ano ang nangyari.. Ma, nagkamali po kayo,” wika niya sa ina kung kaya napatingin ito sa kanya.“Anong nagkamali? Mali na sisihin si Nicholas?”“Opo,” sagot niya napayuko. Hindi siya makat