MAKALIPAS ang halos tatlong linggo at nakalabas na din si baby Jacob. Habang papalabas ng ospital sina Thalia ay nanatiling nakatingin lamang sa kanila si Earl mula sa malayo. Nagtatago kasi siya lalo na at kasama pa ng asawa niya ang lolo nito. Noong nasa incubator pa ang kanilang baby ay palihim siyang laging dinadalaw ito. Napakali ng kasalanan niya sa mag-ina niya kaya naman binibigyan niya muna ng panahon ang asawa upang kahit paano ay humupa ang galit or sama ng loob nito sa kanya. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Hindi niya akalain na magiging ganito siya kaiyakin pagdating kay Thalia, sa mag-ina niya. Kung hindi sana siya nagpabigla-bigla hindi sana ganito ang sitwasyon, marahil ay sa condo niya sila uuwi. Makakasama sana niya ang asawa at anak. Napabuntong-hininga na lamang si Earl dahil sa doon at mabilis na pinunasan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Naramdaman niya ang isang marahang pagtapik sa kanyang balikat, mula siyempre sa kaibigang si Migu
MAAGANG bumangon si Earl ngayon upang maghanda sa pagbisita sa kanyang mag-ina. Sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil ngayon na lang ulit sila magkikitang mag-asawa. Hindi siya sigurado kung magiging maayos na ang pagkikita nila ngayon, ngunit nakahanda siyang patunayan ang kanyang sarili sa kanyang mag-ina. “Hello good morning, okey na ba yung mga ipinaorder ko sa iyo?” pagtatanong ni Earl sa kanyang sektretarya. Plano niya kasi na magdala ng almusal para kina Thalia. “Yes sir, ipi-pick up niyo na lang po,” pagsagaot naman ng kanyang sekretarya. Kinakabahang kumatok si Earl sa pintuan ng bahay nina Thalia. Pinagbuksan naman siya ni lolo Gibo, ang ngiti nito ay biglang naglaho nang siya ang makita nito pagbukas ng pinto. “At ano naman ang ginagawa mo dito ng ganito kaaga?” halata sa boses ang inis na sabi ni lolo Gibo. “Andito po ako para sa mga-ina ko,” mapagpakumbababg sagot ni Earl kay lolo Gibo. “Paano kung sabihin ko sa’yo na hindi ako makakapayag na makalapit ka pa sa kan
HINDI kailanman nawala ang pagmamahal ni Ronaldo para kay Carolina. Para itong tattoo kahit burahin andoon pa din o kahit takpan pilit at pilit lalabas pa din. Minahal din naman talaga niya nang totoo si Lorena baka naman sabihin niyo sobrang sama ko na, ngunit hindi nito mapapantayan ang pag-ibig niya para kay Carolina. Si Caroline ang naging bunga nang pagmamahal niya kay Lorena. Mahal niya ang anak, gusto niya itong maging masaya at alam niya na kung kay Earl ito mapupunta at magiging isang Concha ay secure ang kanyang anak. Hindi niya dadanasin ang naranasan niya noon. Mapagmahal ang mga Concha at kapag naging bahagi ka ng pamiya nila ay gagawin nila ang lahat upang maprotektahan ka, walang pwedeng kumanti. See what happened to Thalia, very protective dito ang mga Concha, kahit na nga wala naman sa plano na maging bahagi ito ng pamilya nila. Kahit na sinet-up lamang ni Claire ang dalawa. Nanggagalaiti talaga si Ronaldo nang malaman niya na set up lamang pala ang nangyari sa dalaw
HAPON na nang makarating sina Thalia sa Sampaloc, Lucban. Pangatlong beses pa lamang niya na makabalik dito dahil busy siya noon sa pag-aaral at ganoon din noong mag-umpisa na siyang magturo. Madalas pati sila ay sa Benguet pumupunta noon. Sa mga kamag-anak din nila doon. Malamig din kasi doon. Napansin niya mas gusto pala ng pamilya nila ang malalamig na lugar. “wooow! My gosh so ganda naman pala dito,” humahangang sambit ni Claire as she scan the place. May mga coconut trees na maayos ang pagkakahanay ng tanim. Greenfields plus ang presko at malamig na simoy ng hangin. Indeed an amazing place. “But lolo Gibo, why is it called Sampaloc..di ba tamarind yun sa English?” curious naman na tanong pa ni Claire. Napangiti naman si Thalia sa kaibigan, ganyan kasi yan eh napaka-curious. “Well sa pagkakatanda ko, ang Sampaloc ay isang barrio dito sa Lucban ngunit Dingin pa ang ngalan nito noon at may tatlong sitio. Later on, binago na naman ang pangalan nito at tinawag na Alfonso Trece in h
HINDI maintindihan ni Thalia ang sarili kung bakit parang ang lakas ng kaba ng dibdib niya ay tatawagin lang naman niya ang nagsisibak ng kahoy. Ngunit nang makita na niya ang nakataliko nitong pigura ay lalo nang dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya..hindi siya puwedeng magkamali, likod pa lang nito ay kilalang-kilala na niya..si Earl ang asawa niya. Anong ginagawa nito dito? N*******d ito ng pang-itaas at kaya naman kita-kita ang magandang hubog ng katawan nito hanggang sa likod mistulang may muscles ito. Napapilig naman siya ng ulo dahil sa iniisip. Hay naku ano ka ba naman Thalia talagang nakuha mo pang pagnasahan ang asawa mo eh masama nga ang loob mo di ba? Sabi niya sa kanyang isip. Halos maluha naman siya sa isipin na andito ang asawa niya. Ngunit may sakit pa din sa kanyang kalooban na nararamdaman. Huminga muna siya nang malalim bago niya tawagin ang asawa ngunit naunahan siya nang paglingon nito marahil ay naramdaman ni Earl na may paparating. Nagtama ang kanilang mg
NAG-AALALA si Thalia para kay Earl dahil hindi naman ito marunong ng mga gawaing bukid tapos wala pa itong kasama. Paano ito magtatanim ng palay eh baka nga hindi nito kilala ang palay na itatanim? Hayst ano ba ang naisipan ng lolo niya at pinapunta pa dito ang asawa niya? “Apo, ang lalim naman ng buntong-hininga mo,” pansin ng lolo Gibo ni Thalia sa kanya. “Ayie baka naman may naalala lolo,” nang-aasar naman na sabi ni Claire. Napabuntong-hininga na lamang ulit si Thalia dahil sa dalawa. Gusto niya sanang sabihin sa lolo niya na huwag ng pagtrabahuhin si Earl sa bukid ngunit alam naman niyang hindi ito papaya at saka may kung ano din sa damdamin niya na gustong makita kung gagawin ba ito talaga ni Earl para sa kanya..para sa kanila ni baby Jacob. “Thalia, don’t yah worry okey..Kayang-kaya ni Kuya yun. Halos mag-iisang buwan na siya dito kaya naman marami na siyang natutunan dito,” pahayag naman ni Claire. “Ano! mag-iisang buwan?” gulat na tanong ni Thalia. Kaya ba hindi na bumali
NASA sala sina Thalia at nilalaro pa si baby Jacob nang dumating si Earl. May dala itong bulaklak at nasa supot na hindi niya alam kung ano ang laman. Nakangiti itong inabot sa kanya ang dalang bulaklak at supot. Ayaw niya sanang tanggapin pero sininyesan naman siya ng kanyang lola na tanggapin na ito. “Maupo ka hijo,” mabait na paanyaya ni Lola Ana. “Salamat po lola,” nakangiting sambit naman ni Earl. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Sino ba naman ang hind eh bukod sa nag-aalangan siya kung okay lang kay Thalia na pumunta siya dito ay andito din si Lolo Gibo na matalim pa yata sa patalim ang tingin sa kanya. “Kuya, you are very moreno na,” puna na ni Claire sa kapatid. Makahulugang tiningnan pa nito si Thalia. “Mabuti naman at nagkakaigi ka sa bukid Earl,” walang emosyon na sabi ni Lolo Gibo. “Ah opo lolo..alam ko na po kung paano gawin ang mga gawaing sinabi niyo po sa akin,” nakangiting saad naman ni Earl. Mababakas sa boses ang kasiyahan at proud din dahil sa bagong alam na
MAAGANG nagising si Thalia nang tiningnan niya si baby Jacob at saka si Claire ay tulog na tulog pa din ito. Ang guwapo talaga ng baby niya at aminin man niya o hindi, habang tumatagal ay nagiging kitang-kita na kamukha ito ng ama niya. Napangiti siya dahil sa isipin na halos siyam na buwan niya itong nasa sinapupunan tapos paglabas si Earl ang kamukha. Marahan siyang bumangon. Nilagyan pa niya ng mga unan ang gilid na hinihigaan niya kanina para magsilbing harang ni baby Jacob. Nang tingnan naman niya si Claire ay ang sarap pa ng tulog nito. She’s happy that Claire is with them right now kahit na sanay ito sa marangyang buhay ay hindi niya ito nakakitaan ng kaartehan. Never pa niya itong narinig na nagreklamo mula nang dumating sila dito sa Lucban. Napangiti naman siya nang maisip niya si Earl, she’s proud of him too kasi mukhang ang bilis nitong maka-adjust dito sa probinsiya kahit ba sabihin na ginagawa ito nito dahil gusto nitong mapatawad niya. Kailan ko nga ba makakalimutan ang