HAPON na nang makarating sina Thalia sa Sampaloc, Lucban. Pangatlong beses pa lamang niya na makabalik dito dahil busy siya noon sa pag-aaral at ganoon din noong mag-umpisa na siyang magturo. Madalas pati sila ay sa Benguet pumupunta noon. Sa mga kamag-anak din nila doon. Malamig din kasi doon. Napansin niya mas gusto pala ng pamilya nila ang malalamig na lugar. “wooow! My gosh so ganda naman pala dito,” humahangang sambit ni Claire as she scan the place. May mga coconut trees na maayos ang pagkakahanay ng tanim. Greenfields plus ang presko at malamig na simoy ng hangin. Indeed an amazing place. “But lolo Gibo, why is it called Sampaloc..di ba tamarind yun sa English?” curious naman na tanong pa ni Claire. Napangiti naman si Thalia sa kaibigan, ganyan kasi yan eh napaka-curious. “Well sa pagkakatanda ko, ang Sampaloc ay isang barrio dito sa Lucban ngunit Dingin pa ang ngalan nito noon at may tatlong sitio. Later on, binago na naman ang pangalan nito at tinawag na Alfonso Trece in h
HINDI maintindihan ni Thalia ang sarili kung bakit parang ang lakas ng kaba ng dibdib niya ay tatawagin lang naman niya ang nagsisibak ng kahoy. Ngunit nang makita na niya ang nakataliko nitong pigura ay lalo nang dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya..hindi siya puwedeng magkamali, likod pa lang nito ay kilalang-kilala na niya..si Earl ang asawa niya. Anong ginagawa nito dito? N*******d ito ng pang-itaas at kaya naman kita-kita ang magandang hubog ng katawan nito hanggang sa likod mistulang may muscles ito. Napapilig naman siya ng ulo dahil sa iniisip. Hay naku ano ka ba naman Thalia talagang nakuha mo pang pagnasahan ang asawa mo eh masama nga ang loob mo di ba? Sabi niya sa kanyang isip. Halos maluha naman siya sa isipin na andito ang asawa niya. Ngunit may sakit pa din sa kanyang kalooban na nararamdaman. Huminga muna siya nang malalim bago niya tawagin ang asawa ngunit naunahan siya nang paglingon nito marahil ay naramdaman ni Earl na may paparating. Nagtama ang kanilang mg
NAG-AALALA si Thalia para kay Earl dahil hindi naman ito marunong ng mga gawaing bukid tapos wala pa itong kasama. Paano ito magtatanim ng palay eh baka nga hindi nito kilala ang palay na itatanim? Hayst ano ba ang naisipan ng lolo niya at pinapunta pa dito ang asawa niya? “Apo, ang lalim naman ng buntong-hininga mo,” pansin ng lolo Gibo ni Thalia sa kanya. “Ayie baka naman may naalala lolo,” nang-aasar naman na sabi ni Claire. Napabuntong-hininga na lamang ulit si Thalia dahil sa dalawa. Gusto niya sanang sabihin sa lolo niya na huwag ng pagtrabahuhin si Earl sa bukid ngunit alam naman niyang hindi ito papaya at saka may kung ano din sa damdamin niya na gustong makita kung gagawin ba ito talaga ni Earl para sa kanya..para sa kanila ni baby Jacob. “Thalia, don’t yah worry okey..Kayang-kaya ni Kuya yun. Halos mag-iisang buwan na siya dito kaya naman marami na siyang natutunan dito,” pahayag naman ni Claire. “Ano! mag-iisang buwan?” gulat na tanong ni Thalia. Kaya ba hindi na bumali
NASA sala sina Thalia at nilalaro pa si baby Jacob nang dumating si Earl. May dala itong bulaklak at nasa supot na hindi niya alam kung ano ang laman. Nakangiti itong inabot sa kanya ang dalang bulaklak at supot. Ayaw niya sanang tanggapin pero sininyesan naman siya ng kanyang lola na tanggapin na ito. “Maupo ka hijo,” mabait na paanyaya ni Lola Ana. “Salamat po lola,” nakangiting sambit naman ni Earl. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Sino ba naman ang hind eh bukod sa nag-aalangan siya kung okay lang kay Thalia na pumunta siya dito ay andito din si Lolo Gibo na matalim pa yata sa patalim ang tingin sa kanya. “Kuya, you are very moreno na,” puna na ni Claire sa kapatid. Makahulugang tiningnan pa nito si Thalia. “Mabuti naman at nagkakaigi ka sa bukid Earl,” walang emosyon na sabi ni Lolo Gibo. “Ah opo lolo..alam ko na po kung paano gawin ang mga gawaing sinabi niyo po sa akin,” nakangiting saad naman ni Earl. Mababakas sa boses ang kasiyahan at proud din dahil sa bagong alam na
MAAGANG nagising si Thalia nang tiningnan niya si baby Jacob at saka si Claire ay tulog na tulog pa din ito. Ang guwapo talaga ng baby niya at aminin man niya o hindi, habang tumatagal ay nagiging kitang-kita na kamukha ito ng ama niya. Napangiti siya dahil sa isipin na halos siyam na buwan niya itong nasa sinapupunan tapos paglabas si Earl ang kamukha. Marahan siyang bumangon. Nilagyan pa niya ng mga unan ang gilid na hinihigaan niya kanina para magsilbing harang ni baby Jacob. Nang tingnan naman niya si Claire ay ang sarap pa ng tulog nito. She’s happy that Claire is with them right now kahit na sanay ito sa marangyang buhay ay hindi niya ito nakakitaan ng kaartehan. Never pa niya itong narinig na nagreklamo mula nang dumating sila dito sa Lucban. Napangiti naman siya nang maisip niya si Earl, she’s proud of him too kasi mukhang ang bilis nitong maka-adjust dito sa probinsiya kahit ba sabihin na ginagawa ito nito dahil gusto nitong mapatawad niya. Kailan ko nga ba makakalimutan ang
“WOW ang dami naman ng foods, breakfast pa lang yan ah,” masayang turan ni Claire habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. “Ahm niluto yah ni Earl lahat,” nakangiting sabi ni Thalia, halata sa boses na proud na proud sa asawa. “At magkasama kayo kanina?” may inis sa boses na sabi ni lolo Gibo. “Ah eh naabutan ko po siya kanina na nagluluto dito lo,” defensive na sagot ni Thalia. Umirap naman si lolo Gibo at mahinang tinuran na”Mukhang nakakapag da moves ang lalaki na yun ng hindi ko alam ah”. “Ows, ano naman ginawa niyo kanina habang nagluluto si kuya?” nanunuksong sabi ni Claire na bahagyang ikinapula ng pisngi ni Thalia at nag-iwas ng tingin. “Huh..ah eh wala naman, nagluluto siya yun lang,” nauutal at halatang kinakabahan na sabi ni Thalia. Naalala niya kung paano siya yakapin ng asawa at dampi-dampian ng halik sa leeg kaya naman hindi maiwasang mag-init ang kanyang pisngi. “Okey, sabi mo eh,” nanunukso pa ding sabi ni Claire. “Luto din ba ni Earl itong sopas?” nakakunot an
NAKANGITING binati ni Thalia ang asawa sabay abot ng towel dito. Napalunok pa siya habang pinapanuod itong punasan ang matitipunong mga braso. “Pwede mo bang punasan ang likod ko, hindi ko kasi abot,” nakikiusap na sabi ni Earl kay Thalia. Pakiramdam naman ni Thalia ay namula ang pisngi niya ng iabot sa kanya ng asawa ang towel upang punasan ang likod nito. It’s been three months mula ng mahawakan niya ang asawa. Pakiramdam niya nanginginig ang kamay niya habang papalapit ito sa likod ng asawa niya. Hindi naman direct na lalapat ang kamay niya sa katawan ni Earl ngunit..ahh basta kinakabahan siya at nae-excite. Si Earl naman ay nakangiti habang hinihintay na lumapat ang towel sa likod niya. Sa totoo lang ay da moves niya lang yun dahil kayang-kaya naman niyang punasan ang likod niya. Ngunit miss na miss na niya ang pag-aalaga ng asawa niya. Naalala niya noon pagkatapos niyang maligo minsan ay ito pa ang nagpupunas ng katawan niya. Lihim siyang napangiti nang maramdaman niya ang ma
NAGMUMUNI-MUNI si Thalia sa duyan sa likod bahay nila. Gabi na ngunit di pa dn siya makatulog. Tulog na si baby Jacob at saka si Claire na kasama niya sa silid. Sina lola Ana at lolo Gibo ay maaga ding natulog. Iniisip niya kasi ang nangyari kanina sa bukid. Naiinis siya tuwing maaalala niya yun. Napakahaliparot na babae sige ang papansin sa asawa niya, anon gang pangalan nun? Lelay? Elay? Ah basta nakakainis talaga! Masaya silang kumakain ni Earl nang biglang dumating ang haliparot na babae at may dala pa talaga itong pagkain para sa asawa niya. Kaya naman sa halip na maging masaya ang kanilang pananghalian ay napalitan ito ng inis niya. Para kasing walang pakiramdam ang babae at talaga namang makapal, aba eh sumabay pa sa kanila ng pagkain at pinipilit pa si Earl na kainin ang mga dala niyang pagkain. At ang magaling naman niyang asawa ay hindi naman tumanggi dito. Nakalimutan yatang andoon din siya. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. “Earl baby ko, masarap itong dala kong ulam. Ad