Share

CHAPTER 71

NASA sala sina Thalia at nilalaro pa si baby Jacob nang dumating si Earl. May dala itong bulaklak at nasa supot na hindi niya alam kung ano ang laman. Nakangiti itong inabot sa kanya ang dalang bulaklak at supot. Ayaw niya sanang tanggapin pero sininyesan naman siya ng kanyang lola na tanggapin na ito.

“Maupo ka hijo,” mabait na paanyaya ni Lola Ana.

“Salamat po lola,” nakangiting sambit naman ni Earl. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Sino ba naman ang hind eh bukod sa nag-aalangan siya kung okay lang kay Thalia na pumunta siya dito ay andito din si Lolo Gibo na matalim pa yata sa patalim ang tingin sa kanya.

“Kuya, you are very moreno na,” puna na ni Claire sa kapatid. Makahulugang tiningnan pa nito si Thalia.

“Mabuti naman at nagkakaigi ka sa bukid Earl,” walang emosyon na sabi ni Lolo Gibo.

“Ah opo lolo..alam ko na po kung paano gawin ang mga gawaing sinabi niyo po sa akin,” nakangiting saad naman ni Earl. Mababakas sa boses ang kasiyahan at proud din dahil sa bagong alam na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status