“OH buti naman gising ka na apo,” nakangiting bati ni lola Ana. Nadatnan nila si Thalia na nagtitimpla ng kape. “Ah eh, pasensiya na po kayo. Napasarap ang tulog ko,” nahihiyang sagot ni Thalia sa lola niya at mabilis na nag-iwas ng tingin dito. Nakita niya na nakatitig ang kanyang lolo Gibo sa kanya. Parang sinusuri kung nagsasabi siiya ng totoo. “Ba’t parang may nag-iba sa’yo?” nakangising sabi naman ni Claire sa kanya. Karga pa nito si baby Jacob na sayang-saya sa pag-ut-ot ng daliri. Kinabahan naman siya sa tanong ng kaibigan. Naku alam pa naman niya ang takbo ng isip ni Claire. “Hello baby Jacob ko, mukhang nakapasyal ka na agad ah,” pag-iiba na lamang niya ng usap at kinuha ang anak kay Claire. Sa totoo lang ay medyo nangangatog pa ang tuhod niya dahil sa magaling niyang asawa. Kaya naman pagkakuha niya sa anak ay umupo siya agad sa upuan malapit sa mesa kung saan andoon ang tinimpla nyang kape. Tatlong buwan na ang baby niya kaya naman sobrang nakakatuwa na ito. Tila ba pa
“ANONG kailangan nating pag-usapan? Paano mo nalamang andito kami?” nagtatakang tanong ni Earl kay Caroline. Andito sila ngayon sa likod bahay nina lolo Gibo. Natatakot siya dahil unti-unti pa lang silang bumabalik sad at ni Thalia tapos hindi pa siya pasado kay lolo Gibo, kaya ayaw niyang may makasagabal sa panunuyo niya sa pamilya niya.“I just want you to know that dad is back to his original plan about us,” naiiyak na sabi ni Caroline. She looks frustrated right now. Si Daniel daw ang nagsabi sa kaniya na andito siya Lucban. Hindi niya makita dito ngayon yung Caroline na well-poised at mukhang suplada.“Hindi pa din ba siya maka-move on! Ano ba talaga ang problema ng ama mo?” nanggagaliti nang sabi ni Earl. Naalaala niya ang mga kasinungalingang ginawa niyo. Mula sa mga picture at messages na alam niyang ito ang may pakana.“I don’t know Earl. Sawang-sawa na din ako kaka-explain sa kanya na hindi tayo pwede dahil may asawa ka na at mahal ko naman si Daniel,” nag-iiyak na sabi ni C
“PAANO ka nakasisigurado na ako nga si Carolina na hinahanap mo Mister?” naguguluhang tanong ni Carolina kay Ronaldo. Natatakot kasi siyang umasa na masasagot na ang matagal na niyang pananlangin na mahanap siya ng pamilya niya. Marahang hinawakan ni Ronaldo ang kamay ni Carolina at dinala iyon sa tapat ng puso niya. Nasira man ang kalahati ng mukha nito at nag-iba ang hitsura ngunit ang puso niya ay hindi maaaring magkamali. Kilalang-kilala nito ang pinakamamahal niya. Natutuwa siyang siya ang naunang nakatagpo kay Carolina dahil alam niya na kung naunahan siya ng mga Montefalco ilalayo na naman nila ito sa kanya. Lalo na sa kalagayan ngayon ni Carolina, mahihirapan siyang makuha ito sa kanila kapag nagkataon. “Kung ganoon nasaan ang anak natin na sinasabi mo?” nangungulilang tanong ni Carolina kay Ronaldo. “Hindi ko pa din alam mahal ko, ngunit ginagawa ko na ang lahat upang mahanap ang pamilya ng naging asawa mo, may duda ako na baka nasa kanila ang anak natin,” buong suyong s
“KAILANGANG dalahin ng kapatid ko sa Maynila upang matingnan siya ng mga doctor,” deklara ni Antonio kina Ronaldo at Manang Tilda. “Ako na ang bahala sa kanya, sa ngayon kailangan muna niyang magpahinga,” mariing sagot ni Ronaldo sa dating kaibigan. “Ha? At talagang akala mo ibibigay naming sa iyo ang kapatid ko!” galit na sabi ni Antonio. Pinapakalma naman ito ng anak na si Danniel. Nagpipigil lamang ng emosyon si Ronaldo dahil ngayon ay galit na galit na siya. Para sa kanya, napakasama talaga ng mga Montefalco. Paghihiwalayin na naman sila ni Carolina. Hinding-hindi na niya papayagang mangyari ulit yun. Hindi na siya ang dating Ronaldo na tagabenta ng basahan noon. He has now the money and the power, wala ng pwedeng umapi sa kanya. “Do you think na ibibigay ko sa inyo si Carolina, ha Antonio? Twenty seven years ko siyang hindi siya nakasama at ang anak naming dahil sa pagiging matapobre niyo!” lahat ng kinikimkim sa loob niya ay parang biglang nais lahat sumiwalat. “Alam mong
“ANO pong ibig niyong sabihin? Kilala niya po ba si Domingo Inocencio?” nagtatakang tanong ni Antonio. Hope arises that they can also locate his pamangkin. Hindi niya alam kung babae ba ito o lalaki. Sobrang excited siyang makilala ito. “Anak ko si Domingo,” buong seryosong deklara ni lolo Gibo. Napakunot naman ang noo ni Daniel sa narinig mula dito. So ibig kayang sabihin noon ay? Nanatiling nakatingin lamang si Ronaldo. Nanabik siyang malaman ang tungkol sa kanyang anak.Lalo na ngayon na nakita na din ang ama ni Domingo. Kahit na nagseselos siya dahil nag-asawa ng iba si Carolina ay dapat na din siyang magpasalamat dahil may kumukop sa kanyang mag-ina. “Kayo sino kayo? At bakit kayo andito?” nanunuring tanong niya sa mga lalaki sa harapan niya. Kanina nang marinig niya ang sinabi ng lalaki na ang asawa ni Carolina ay si Domingo Inocencio, nasagot na agad ang tanong sa isip niya noon. Hindi nga lamang niya binigyan nang pansin dahil ang alam talaga nila ay patay na ito. Kung gan
“SO noong ikinasal kayo ay hindi mo siya mahal?” naniniguradong tanong ni lolo Gibo kay Earl. Ngayon ay naintindihan na niya ang pakiramdam niya noon na tila may mali sa bigalang nangyaro sa apo niya. “Inaamin ko po noong una naman po wala po akong pagmamahal pa na nararamdaman kay Thalia. But it’s different now lolo, mahal ko na po si Thalia ngayon,” buong pusong pag-amin ni Earl. Natuwa naman ang puso ni Thalia sa sinabi ng asawa. Si Claire naman ay nakangiti lamang habang pinapakinggan ang pag-amin ng kuya niya.“Pero iniwan mo pa din siya sa kalye habang umuulan,” panunumbat naman ni lolo Gibo kay Earl.“Pinagsisihan ko na po yun,” malungkot na sagot ni Earl dito.“Tapos may kung sino pang e-epal at duduruin ang apo ko. Bakit pakiramdam ko hindi ka makakabuti para sa apo ko. Parang mapapahamak siya dhil sa iyo,” galit na sabi ni lolo Gibo. Napalunok si Earl sa sinabi ni lolo Gibo, hindi ng aba siya makakabuti para kina Thalia?Nais sanang tumutol ni Thalia sa sinasabi ni lolo Gib
“ANG AGA mo naman yatang nagising apo,” nanunuring bati sa kanya ni lolo Gibo nang makita siya nito sa likod bahay sa may duyan. Karga niya si baby Jacob na natutulog pa din. Pinainitan niya ang likod nito, maganda kasi ang sikat ng araw lalo na sa umaga sa mga baby tulad ng anak niya. “Ah opo lolo, gusto kong magpa-araw kami ni lolo Jacob,” medyo kinakabahan man sa pagsagot sa lolo ay nagpapasalamat naman siya dahil hindi siya nautal. Sa totoo lamang ay gusto naman na niyang sabihin sana sa kanila na okay na sila ni Earl ngunit ang lolo niya ay hindi pa handa at mukhang nadagdagan pa ang inis nito kay Earl nang malaman nito ang totoo. Maaga siyang gumising kanina at pagkatapos ay naligo muna. Ayaw niyang mahuli sila ni lolo Gibo dahil baka mauwi ang pinaghirapan niya. Hind na niya sinabi na si Claire ang may kagagawan ng lahat dahil baka pati dito ay magalit ang lolo niya. Napatawad na niya si Earl at saka sa totoo lamang ay marami siyang dapat ipagpasalamat kay Claire dahil sa gi
“LOLO – , “ hindi na naituloy ni Thalia ang sasabihin dahil sa nakita niyang andoon si Ronaldo. Natatakot siya dito sa totoo lang, naalala niya kung paano siya pagbuhatan nito ng kamay noon sa party. Sa tuwing nakikita niyo ito ay naalala niya ang mga mata nitong tila nagliliyab sag alit sa kanya. Napatingin naman kay Thalia pareho ang dalawa. Karga niya si baby Jacob kaya kahit na nanginginig siya ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. Si baby Jacob naman ay mumunting gumagalaw ang mga kamay. “Uh siya ba ang anak mo?” tila nanunuyang sabi ni Ronaldo sa kanya. Marahan itong lumapit sa kanilang mag-ina. Napakunot ang noo nito nang makita si baby Jacob at may kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi mapangalanan ni Thalia. Ngumiti si baby Jacob kay Ronaldo at tila napakislot ang huli nang makita naman ang pagngiti ng sanggol sa kanya. Napaka-inosenteng pagngiti. May kung ano siyang naramdaman at ipinasawalang bahala yun at ipinaalala sa sarili na dahil sa batang yan ay naunsiyami