“KAILANGANG dalahin ng kapatid ko sa Maynila upang matingnan siya ng mga doctor,” deklara ni Antonio kina Ronaldo at Manang Tilda. “Ako na ang bahala sa kanya, sa ngayon kailangan muna niyang magpahinga,” mariing sagot ni Ronaldo sa dating kaibigan. “Ha? At talagang akala mo ibibigay naming sa iyo ang kapatid ko!” galit na sabi ni Antonio. Pinapakalma naman ito ng anak na si Danniel. Nagpipigil lamang ng emosyon si Ronaldo dahil ngayon ay galit na galit na siya. Para sa kanya, napakasama talaga ng mga Montefalco. Paghihiwalayin na naman sila ni Carolina. Hinding-hindi na niya papayagang mangyari ulit yun. Hindi na siya ang dating Ronaldo na tagabenta ng basahan noon. He has now the money and the power, wala ng pwedeng umapi sa kanya. “Do you think na ibibigay ko sa inyo si Carolina, ha Antonio? Twenty seven years ko siyang hindi siya nakasama at ang anak naming dahil sa pagiging matapobre niyo!” lahat ng kinikimkim sa loob niya ay parang biglang nais lahat sumiwalat. “Alam mong
“ANO pong ibig niyong sabihin? Kilala niya po ba si Domingo Inocencio?” nagtatakang tanong ni Antonio. Hope arises that they can also locate his pamangkin. Hindi niya alam kung babae ba ito o lalaki. Sobrang excited siyang makilala ito. “Anak ko si Domingo,” buong seryosong deklara ni lolo Gibo. Napakunot naman ang noo ni Daniel sa narinig mula dito. So ibig kayang sabihin noon ay? Nanatiling nakatingin lamang si Ronaldo. Nanabik siyang malaman ang tungkol sa kanyang anak.Lalo na ngayon na nakita na din ang ama ni Domingo. Kahit na nagseselos siya dahil nag-asawa ng iba si Carolina ay dapat na din siyang magpasalamat dahil may kumukop sa kanyang mag-ina. “Kayo sino kayo? At bakit kayo andito?” nanunuring tanong niya sa mga lalaki sa harapan niya. Kanina nang marinig niya ang sinabi ng lalaki na ang asawa ni Carolina ay si Domingo Inocencio, nasagot na agad ang tanong sa isip niya noon. Hindi nga lamang niya binigyan nang pansin dahil ang alam talaga nila ay patay na ito. Kung gan
“SO noong ikinasal kayo ay hindi mo siya mahal?” naniniguradong tanong ni lolo Gibo kay Earl. Ngayon ay naintindihan na niya ang pakiramdam niya noon na tila may mali sa bigalang nangyaro sa apo niya. “Inaamin ko po noong una naman po wala po akong pagmamahal pa na nararamdaman kay Thalia. But it’s different now lolo, mahal ko na po si Thalia ngayon,” buong pusong pag-amin ni Earl. Natuwa naman ang puso ni Thalia sa sinabi ng asawa. Si Claire naman ay nakangiti lamang habang pinapakinggan ang pag-amin ng kuya niya.“Pero iniwan mo pa din siya sa kalye habang umuulan,” panunumbat naman ni lolo Gibo kay Earl.“Pinagsisihan ko na po yun,” malungkot na sagot ni Earl dito.“Tapos may kung sino pang e-epal at duduruin ang apo ko. Bakit pakiramdam ko hindi ka makakabuti para sa apo ko. Parang mapapahamak siya dhil sa iyo,” galit na sabi ni lolo Gibo. Napalunok si Earl sa sinabi ni lolo Gibo, hindi ng aba siya makakabuti para kina Thalia?Nais sanang tumutol ni Thalia sa sinasabi ni lolo Gib
“ANG AGA mo naman yatang nagising apo,” nanunuring bati sa kanya ni lolo Gibo nang makita siya nito sa likod bahay sa may duyan. Karga niya si baby Jacob na natutulog pa din. Pinainitan niya ang likod nito, maganda kasi ang sikat ng araw lalo na sa umaga sa mga baby tulad ng anak niya. “Ah opo lolo, gusto kong magpa-araw kami ni lolo Jacob,” medyo kinakabahan man sa pagsagot sa lolo ay nagpapasalamat naman siya dahil hindi siya nautal. Sa totoo lamang ay gusto naman na niyang sabihin sana sa kanila na okay na sila ni Earl ngunit ang lolo niya ay hindi pa handa at mukhang nadagdagan pa ang inis nito kay Earl nang malaman nito ang totoo. Maaga siyang gumising kanina at pagkatapos ay naligo muna. Ayaw niyang mahuli sila ni lolo Gibo dahil baka mauwi ang pinaghirapan niya. Hind na niya sinabi na si Claire ang may kagagawan ng lahat dahil baka pati dito ay magalit ang lolo niya. Napatawad na niya si Earl at saka sa totoo lamang ay marami siyang dapat ipagpasalamat kay Claire dahil sa gi
“LOLO – , “ hindi na naituloy ni Thalia ang sasabihin dahil sa nakita niyang andoon si Ronaldo. Natatakot siya dito sa totoo lang, naalala niya kung paano siya pagbuhatan nito ng kamay noon sa party. Sa tuwing nakikita niyo ito ay naalala niya ang mga mata nitong tila nagliliyab sag alit sa kanya. Napatingin naman kay Thalia pareho ang dalawa. Karga niya si baby Jacob kaya kahit na nanginginig siya ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. Si baby Jacob naman ay mumunting gumagalaw ang mga kamay. “Uh siya ba ang anak mo?” tila nanunuyang sabi ni Ronaldo sa kanya. Marahan itong lumapit sa kanilang mag-ina. Napakunot ang noo nito nang makita si baby Jacob at may kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi mapangalanan ni Thalia. Ngumiti si baby Jacob kay Ronaldo at tila napakislot ang huli nang makita naman ang pagngiti ng sanggol sa kanya. Napaka-inosenteng pagngiti. May kung ano siyang naramdaman at ipinasawalang bahala yun at ipinaalala sa sarili na dahil sa batang yan ay naunsiyami
CHAPTER 88 “UMALIS ka na sa pamamahay ko!” malakas na tinig ni lolo Gibo. Kanina pa siya nagtitimpi sa lalaking si Arnaldo. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito kay Thalia samantalang ang anak naman pala nito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal ni Earl at saka ng anak nito. Kahit may edad na siya ay hindi niya ito uurungan maipagtanggo lamang niya ang apo niya. “Nandito ako dahil may nais akong itanong sa inyo, dahil sigurado akong tanging kayo lamang ang makakasagot,” madiing sabi ni Ronaldo kay lolo Gibo. Bahagya naman itong bumawi ng emosyon. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang anak niya at alam niyang tanging ang pamilya ng asawa ni Carolina ang makakasagot nun. “Nasaan ang-?” hindi naituloy ni Ronaldo ang katanungan dahil biglang dumating ang mga Concha. “Ano ang ginagawa mo dito Ronaldo?” maagap na tanong ni Teddy kay Ronaldo. Napakunot naman ang noon ni Ronaldo dahil doon. “Hayst damn it! Lagi na lng! babalik ako Mang Gibo at mag-uusap tayo
“I mean masaya ako na unti-unti nang nagiging maayos kayo ni Thalia. Ipagpatuloy mo lang yan anak ha,” biglang bawi naman na sabi ni mommy Carmen.“Marami pa siyang dapat patunayan sa apo ko at sa amin. Kailangan makasigurado ako na hindi na niya uulitin ang ginawa niya,” buong seryoso na sabi ni lolo Gibo.“Makakaasa po kayo na hindi ko na po gagawin yun at mas aalagan ko pa po ang aking mag-ina,” buong sinseridad na sabi ni Earl.“Sabi mo eh,” pilosopong sabi naman ni lolo Gibo. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya kampante na ibalik si Thalia at si baby Jacob kay Earl tapos may Ronaldo pa.“Ang mabuti ay kumain na muna tayo ng pananghalian,” pag-iiba naman ni lola Ana sa usapan. Baka gutom na ang asawa niya kaya baka mainit ang ulo nito.“Pupuntahan ko lang po saglit si baby Jacob sa kuwarto,” she needs to see her baby. Natatakot siya talaga kay G. Ronaldo. Iniisip pa lamang niya na baka madamay ang anak niya ay hindi na niya alam ang gagawin.Sinabihan ni Thalia si Manang Tilda na
“MAGANDANG tanghali po,” narinig nina Thalia na may tao sa may labas ng kanilang bahay. Hindi naman sila pamilyar sa boses na iyon. Bigla tuloy ulit nakaramdam ng takot si Thalia dahil paano kung kasabwat naman ito ni Ronaldo. Napabuntong-hininga naman si lolo Gibo na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang nasa labas. Hindi na siya nagulat, inaasahan niya na pagkatapos ni Ronaldo ay ang mga ito naman ang susunod lalo na at nalaman nila mismo sa kanya na asawa ng anak niya si Carolina ang babaeng nasa bahay ni Manang Linda. “Pasok kayo,” mahinahong sabi naman niya sa mga bisita. Naiisip na agad niya kung ano ang pakay nito sa kaniya, sa kanila. “Oi Daniel, anong ginagawa niyo dito?” nakangiting bati naman ni Thalia sa mga dumating na bisita, ang mag-amang Daniel at Antonio. Nailang naman si Thalia sa titig sa kanya ng ama ni Daniel. Hindi naman ito yung malaswang titig pero yung mga mata nito nagpapakita ng lungkot at saka longingness. Tiningnan pa niya kun