Share

CHAPTER 65

MAKALIPAS ang halos tatlong linggo at nakalabas na din si baby Jacob. Habang papalabas ng ospital sina Thalia ay nanatiling nakatingin lamang sa kanila si Earl mula sa malayo. Nagtatago kasi siya lalo na at kasama pa ng asawa niya ang lolo nito.

Noong nasa incubator pa ang kanilang baby ay palihim siyang laging dinadalaw ito. Napakali ng kasalanan niya sa mag-ina niya kaya naman binibigyan niya muna ng panahon ang asawa upang kahit paano ay humupa ang galit or sama ng loob nito sa kanya.

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Hindi niya akalain na magiging ganito siya kaiyakin pagdating kay Thalia, sa mag-ina niya. Kung hindi sana siya nagpabigla-bigla hindi sana ganito ang sitwasyon, marahil ay sa condo niya sila uuwi. Makakasama sana niya ang asawa at anak.

Napabuntong-hininga na lamang si Earl dahil sa doon at mabilis na pinunasan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Naramdaman niya ang isang marahang pagtapik sa kanyang balikat, mula siyempre sa kaibigang si Migu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Millen Neera Marie
pa update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status