TILA ba naumid ang dila ni Earl at hindi makasagot sa tanong ng asawa. Nararamdaman naman niya na hindi na niya ganoon kamahal si Caroline ngunit hindi na ba niya ito mahal ng talaga?Hindi na nahintay ni Thalia ang sagot ng asawa dahil na hinila na siya ng antok. Naisip niya din na maaaring hanggang ngayon ay may nararamdaman pa din si Earl kay Caroline ngunit ang mahalaga ngayon ay sinusubukan ni Earl na mag-work ang kanilang marriage.Napabuntong-hininga si Earl nang makitang hindi na nahintay ni Thalia ang kanyang kasagutan. Dinampian na lamang niya ito ng halik sa ulo.“Konting hintay pa wife, I’m gonna get there,“ mahina niyang bulong dito.Kinabukasan ay maagang gumising si Earl at ipinaghanda ng breakfast ang asawa. Gusto niyang pagsilbihan ito at mag-focus sa kaniyang mag-ina. Simula ngayon ay sila ang kaniyang priority.“Morning,” malambing na bati niya kay Thalia. Habang ang asawa naman ay kakagising pa lama
MASAYA ang naging pasko nina Thalia kasama ang kanilang pamilya. Hapon ng araw mismo ng pasko sila umuwi. Hinatid muna nila ang kaniyang Lolo at lola sa kanila sa Makati. Habang nasa biyahe naman ay walang tigil si Earl sa pagsasabi na excited siya sa regalo ni Thalia. Napapangiti na lamang si Thalia sa inaasal ng asawa. Natutuwa siya na makita ang makulit na side nito, noon kasi akala niya sobrang seryoso nito at mukhang napakasungit. Madalas din nitong hinahalikan ang kanyang kamay na hawak-hawak pa nito habang nagmamanedo. Hindi maiwasang umasa ni Thalia na sana ay matutunan na nga siyang mahalin ng asawa. Sobrang saya niya siguro kapag nangyari yun kasi ibig sabihin ay magkakaroon na ng katugunan ang nararamdaman niya para sa asawa. Mahal na niya si Earl. Matagal na ngunit pilit niya itong nilalabanan at tinatago noon dahil nga ramdam niya ang galit nito sa kanya, kaya naman lagi siyang in-denial sa feelings niya dahil nga ayaw niyang masaktan. Nang makarating sa condo ay nauna
SA sobrang sama ng loob ay wala na lamang nagawa si Thalia kundi ang bumalik sa condo. Habang naglalakad ay naisip niya na kung tama ba na hindi niya kinompronta ang dalawa. Dapat ba sinugod ko ba sila? Tanging tanong niya sa isip. Ngunit alam niya sa sarili niya na ayaw niya ng ganoon, ayaw niya ng eskandalo. At saka baka mas masaktan pa siya, paano kung sabihin mismo ni Earl sa harapan nila na mahal pa din nito si Caroline. Iniisip pa lang niya na maririnig yun kay Earl ay para na siyang sinaksak ng sangkaterba. Ngunit hindi naman niya ito masisi dahil umeksena lang naman talaga siya sa dalawa. Kahit na hindi mahal ni Caroline si Earl, ang asawa niya ay mahal ang dating nobya. Naguguluhan siya hindi niya alam kung ano ang isipin ngayon. Bakit ba nakipagkita ang asawa niya kay Caroline sa ganitong oras ng gabi? Samantala, mataimtim na nakikinig si Earl sa mga sinasabi ni Caroline tungkol sa hinala nitong banta ng ama niya tungkol sa kanyang asawa. Napabuo ang kamao niya nang maisip
NAGSESELOS si Thalia dahil nakita sila nito ni Caroline sa café. Nakita pa nito na magkayakap sila. Napangiti siya sa naisip na kaya nagseselos ay dahil may nararamdaman si Thalia sa kanya. Hindi naman siguro masama kung kiligin siya di ba. Shit! Nakakabakla pala to. Ngunit bigla siyang napangiwi ng maalala na galit ang asawa niya. Damn! Kailangang suyuin niya ang asawa. Ayaw niyang lumipas ang oras na hindi sila ayos na mag-asawa. Mabilis na tinungo ni Earl ang kanilang kuwarto upang sundan ang asawa. Nadatnan niya ang asawa na nakahanda nang matulog. Nakahiga na ito ngunit nakasandal pa sa headboard ng kama. “Please hear me out,” nakikiusap na turan ni Earl sa asawa. Marahan siyang umakyat sa kama at lumapit sa asawa. “I don’t know if I am ready to hear you now. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko,” humihikbing sabi ni Thalia. Nasasaktan si Earl na nakikitang nasasaktan ang asawa. Parang pinipiga ang puso niya. “Ayokong lumipas ang oras na ito na hindi mo nalalaman kung bakit kam
NAGNGINGITNGIT sa galit si Ronaldo nang malaman na hindi pala nakipagbalikan ang anak na si Caroline kay Earl ng kausapin niya ito. Pinasundan niya ang anak nang umalis ito sa kanilang mansiyon. Laking tuwa niya nang ibalita sa kanya ng kanyang private investigator na nagkita ang dalawa.He was so closed to celebrating but his private investigator called and said that Caroline was fetched by Daniel. Ibinato nuya ang hawak na baso na may lamang alak sa sobrang galit.“Talagang sinusuway mo ako Caroline,” bulong niya sa sarili na nagngingitngit. He smirked and smiled evilly when he thinks of his plan. Mabilis niyang tinawagan ang kanyang tao para sa simulan ang kaniyang plano.Hindi puwedeng di matuloy ang pagmi-merge ng company niya at ni Earl. Napakali ng magiging pakinabang niya kapag ganun. Everything will be just a piece of cake for him. He’ll achieve more and he’ll gain more…more money and more power.Ipinangako niya sa
MAGKAHAWAK kamay na namimili sa mall ang mag-asawa na si Earl at Thalia. Mula nang umamin sila sa pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa ay naging lubos ang kanilang kasiyahan. Ang pag-aalala ni Earl noon na baka mahal ni Thalia si Earl ay tuluyan nang naglaho. Gayundin naman ang nararamdaman ni Thalia, masaya siya nan aka-move on na si Earl kay Caroline at siya na ang mahal nito ngayon. Masaya si Thalia dahil natupad ang araw-araw niyang panalangin na matutunan siyang mahalin ng kanyang asawang si Earl. Mabibigyan na nila ng isang buo at masayang pamilya kanilang magiging anak. “Wife look at this,” pagkuha ng atensiyon niya ni Earl. Nakangiting tiningnan ni Thalia ang itinuro ng asawa na kulay light blue na crib. Mukhang bagay na bagay ito sa kanilang baby boy. “It’s nice, kukuhain ba natin?” nakangiting wika ni Thalia kay Earl. “Yeah, tapos bumili pa tayo ng extra crib,” seryosong saad ni Earl. Ipinaliwanag naman ni Thalia sa asawa na hindi na nila kailangan pa ng extra cr
MASAYANG nagising si Thalia kinabukasan at magaan din ang kanyang pakiramdam dahil nasabi na niya sa asawa ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao. Noong una ay nababahala siya dahil baka hindi ganoon katibay ang pagmamahal nito sa kanya at hindi nito magustuhan ang katotohanan na hindi niya kilala ang tatay niya. Maganda kasi ang family background ni Earl kaya medyo nahiya siya. Napapahimig pa si Thalia habang naghahanda ng breakfast nilang mag-asawa. Sa totoo lang walang mapaglagyan ang kasiyahan niya ngayon, lahat ng ipinagdasal niya ay unit-unti nang natutupad. “My wife seems happy,” malambing na wika ni Earl na niyakap siya sa likod at hinimas pa ang tiyan na. “Masaya lang ako dahil okay na tayo,” totoo naman na masaya siya dahil sa maayos na sila ngayon ni Earl. “Hindi lang tayo okay wife.. nagmamahalan tayo,” medyo cheesy na sagot ni Earl ngunit ramdam ang sineridad sa tinuran nito. Thalia can’t help but giggle to what her husband said. Kinikilig is understatement. Basta al
NAPAKALINAW ng pagkakadinig ni Earl sa sinabi ni Thalia. Tila na nabuhusan siya ng malamig na tubig. Isa lang ang ibig sabihin noon, hindi sa kanya ang baby na nasa sinapupunan ni Thalia. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang unang beses na narinig niya si Thalia na kausap ang Kent na yun.Sinabi ng asawa niya na hindi mahirap magustuhan si Kent. That was one of the reason kaya naging cold ang pakikitungo niya sa kanyang asawa noon kahit na nag-usap sila na aayusin ang marriage nila.Maraming pagkakataon na hindi niya itinuring nang maayos ang asawa at pinagsisihan na niya yun kaya naman bumabawi siya ngayon.But then nahulog ang loob niya sa asawang si Thalia. Hindi na din niya kasi ito nakitaan ng mga pagkakataon na involved si Kent.Mahal na niya si Thalia and he’s very happy nang sabihin ng asawa na mahal din siya nito.Isang araw may nagpadala sa kanya ng brown envelope. Noong una hindi niya ito agad napagtuunan ng pansin hanggang sa magkaroon s