NAPAKALINAW ng pagkakadinig ni Earl sa sinabi ni Thalia. Tila na nabuhusan siya ng malamig na tubig. Isa lang ang ibig sabihin noon, hindi sa kanya ang baby na nasa sinapupunan ni Thalia. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang unang beses na narinig niya si Thalia na kausap ang Kent na yun.
Sinabi ng asawa niya na hindi mahirap magustuhan si Kent. That was one of the reason kaya naging cold ang pakikitungo niya sa kanyang asawa noon kahit na nag-usap sila na aayusin ang marriage nila.Maraming pagkakataon na hindi niya itinuring nang maayos ang asawa at pinagsisihan na niya yun kaya naman bumabawi siya ngayon.
But then nahulog ang loob niya sa asawang si Thalia. Hindi na din niya kasi ito nakitaan ng mga pagkakataon na involved si Kent.
Mahal na niya si Thalia and he’s very happy nang sabihin ng asawa na mahal din siya nito.
Isang araw may nagpadala sa kanya ng brown envelope. Noong una hindi niya ito agad napagtuunan ng pansin hanggang sa magkaroon s
GALIT! Yun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman ako. Tila ba bumalik sa akin ang alaala noong nakita ko sina Caroline at Daniel tapos ngayon naman yung eksena kanina ni Kent at Thalia. Sarado ang isip ko ngayon, ayaw nitong tumanggap ng kahit anong paliwanag. Nasasaktan ako dahil sumugal ulit ako eh at binigay ko na lahat dito. Tapos ganoon pa din pala ang mangyayari. Nang marinig ko ang mga salitang binitawan nina Kent at Thalia kanina habang nag-uusap ay nagkaroon ng linaw lahat ng mga signs na binigay sa akin. Yung box na may nakasulat kung sigurado daw ba ako kung ako nga bata ng bata, yung picture nilang dalawa at ang minsang narinig ko si Thalia na kausap si Kent. Napasuntok ako sa manibela nang maalala lahat ng yun. Bakit ba hindi ako naniwala noong una pa lang na maaaring may namamagitan sa asawa ko at saka sa Kent na yun? Pinababa ko si Thalia kanina sa sasakyan dahil ang kulit nito. Pinagpipilitan pa rin ang kasinungalingan niya s
HINDI ko maintindihan kong bakit nagkaroon ng ideya si Earl na hindi sa kanya ang batang ipinabubuntis ko. God knows siya ang ama nito. Siya lang naman ang lalaking nakagalaw sa akin. Nasaktan ako ng sobra na dahil sa narinig niyang sinabi ni Kent o usapan naming ni Kent ay nakapag-conclude na siya agad. Bakit siya ganoon matagal na ba niyang pinagdududahan ang ipinagbubuntis ko? Pinipilit ko naman ipaintindi sa kanya na mali siya ng pagkakaintindi sa kanya ngunit sarado ang isip niya. Ang anak ni Kent kay Gina ang pinag-uusapan namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko upang mabago ang paniniwala niya. Halos sigawan na niya ako sa mukha sa sobrang galit niya. Akala ko papasok lang siya ng kuwarto kalmahin ang sarili niya ngunit mali ako dahil lumabas siya ulit na nakapang-alis na ang damit. Mabilis akong sumunod sa kanya. Hindi ko na naisip ang kalagayan ko bilang buntis at dun ako nagkamali, ang mahalaga sa akin ng oras na yoon ay maipaliwanag kung ano ang totoo kay Earl. Nang
NAPATINGIN naman si lolo Gibo kay Earl na nakatungo at nakasakop ang dalawang palad sa ulo nang marinig ang naging sagot ni Teddy, ang ama ni Earl. Nagtaka kasi ito kung anong ginagawa ng apo niya sa kalye nang mag-isa ay buntis ito. “Tumingin ka sa akin at magpaliwanag ka, bakit andoon ang apo ko?” ma-awtoridad na sabi ni lolo Gibo kay Earl nang makalapit ito sa kinauupuan niya. Mabagal na nag-angat ng mukha si Earl upang tingnan si lolo Gibo. Nakokonsensiya siya sa nangyari ngunit hindi pa din maiaalis ang katotohanan na niloko siya ni Thalia. “Hindi niyo po alam ang ginawang panloloko sa akin ng apo niyo?” pakiramdam niya alam din ng pamilya ni Thalia ang ginawa nito. “Anong ibig mong sabihin hijo?” naguguluhang sabad ni lola Ana. Naluluha ito dahil alam niyang hindi manloloko ng tao ang apo niya. “Hindi ako ang ama ng bata,” mapaklang sagot ni Earl “Ano?” halos magkasabay na sagot ni lolo Gibo at lola Ana “Hindi ganoon ang apo ko, hindi niya ipapaako ang bata sa’yo kung hind
Dear Everyone, Thank you so much for patiently waiting for the next update. Two months ago I was experiencing pain and I was diagnosed with a certain condition. The doctor suggested to me to undergo a surgery. I am now on my way to recovery. I am not allowed to strain myself yet that's why I am not yet on updating the story. Just a little moment and I will update this story again. Sorry if you guys are waiting for too long now. Thank you so much for understanding. Be safe always. Please take care of your health. MeChA883
KAHIT nahihilo pa ay iginala ni Thalia ang paningin sa paligid nang magising siya. Kulay puti ang lahat, ibig sabihin ay nasa ospital siya. Mabilis niyang hinawakan ang sinapupunan nang maalala niya ang mangyari. Matinding takot ang naramdaman niya ng makita niya na maliit na ang kanyang tiyan. Dinama paniya ito at wala na siyang maramdaman doon. Babangon sana siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan. “Apo, kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang sabi ni lola Ana sa kanya at tila nagmamadaling lumapit ito. Agad siyang niyakap ng matanda at hinagod ang kanyang likod. “Lola ang baby ko? Anong nangyari sa baby ko?” umiiyak na tanong niya agad sa kanyang lola. “Apo kumalma ka, kailangan na kasing mailabas ang baby dahil sa nangyari sa iyo,” mahinahong sagot ni lola Ana sa apong si Thalia. “Kung ganoon nasaan siya lola, gusto kong makita ang anak ko!” pakiusap ni Thalia. Sinabi ni lola Ana sa apo na nasa incubator ang kanyang baby ngayon dahil kailangan itong ilagay doon dahil ku
HINDI mapigilan ni Thalia ang maluha habang pinagmamasdan ang anak sa loob ng incubator. Nagpapasalamat siya ng husto sa Maykapal dahil hindi siya nito pinabayaan lalo na ang baby niya. Napakaliit ng anak niya kapag titingnan sa loob ng incubator, may mga nakalagay sa katawan nito. Hindi man niya alam kung para saan lahat ng yun, batid niya na ito ay para sa mas ikabubuti ng kalagayan ng baby niya. Isinuot niya ang kanyang kamay sa maliit na butas upang mahawak ang anak at muli ay isa-isang nagbagsakan ang kanyang mga luha. Sobrang saya ng kanyang pakiramdam na nahahawakan ang anak. Ngunit nakaramdam din siya ng pait nang maalala na itinanggi na ito ng sariling ama. Dapat sana ay andito si Earl, magkasama silang nakatingin at nagbabantay sa kanilang anak. Ngunit baka hindi na mangyari yun. Nakaramdam siya ng tampo sa asawa, sana kasi ay hinayaan man lamang siya nito na magpaliwanag. Mapait siyang napangiti nang maalaala na kasi nga hindi naman siya nito mahal kaya napakadali para sa
MATAPOS mag-usap nila ng daddy niya ay umuwi muna siya sa condo unit. He wants to clear his mind about what happened. Nang makapasok si Earl sa kanyang condo ay pagod na napaupo siya sa sofa at pinikit ang mga mata. Dito niya narinig ang usapan ni Kent at ng asawa niya. Ngunit bigla naman niyang naalala ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Thalia dito. Naalala niya they made love on the sofa. He fed her while she’s sitting on his lap. Ang panunuod nila ng movie at ang pag-iyak nito noong minsang nanuod sila ng K-drama, nagselos pa nga siya sa bida na si Lee Mon Ho. Sabi kasi ni Thalia sana daw maging kamukha ito ng anak nila. Siyempre hindi siya sang-ayon, dapat siya ang kamukha or kaya si Thalia. Hindi namalayan ni Earl na tumulo na pala ang luha niya dahil sa naalala. Parang pinipiga ang puso niya. Ang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Mahal na mahal niya kasi ang mag-ina kaya sobrang sakit na hindi pala ito sa kanya. Naibato niya ang vase nasa nasa ibabaw ng mesa dahil sa s
SINUNOD ni Earl ang payo ng mga kaibigan na ipagpabukas na lamang ang pagpunta kay Thalia sapagkat gabi na at saka nakakainom na din siya. Naisip niya na tama din naman ang mga ito, baka hindi pa siya lalo kausapin ni Thalia kapag naamoy nito na amoy alak siya. Maaga siyang nagising na punung-puno ng pag-asa ang kalooban although kinakabahan at natatakot din siya. Paano kung nagkamali siya at hindi siya mapatawad ni Thalia. Ngunit ang pag-asang umusbong sa puso niya ay tila naglaho nang makita niya ang asawa at si Kent na magkayakap. Seems that Kent is comforting Thalia. Umusbong ang matinding selos sa puso niya at parang dejavu ang nangyari noon sa kanila ni Caroline. He remembered nakita naman niya na magkayakap din ang dating kasintahan at ang kaibigan niyang si Daniel both naked though Thalia and Kent are not. Pero magkayakap pa din. Nakita naman niyang natigilan ang dalawa at mukhang nagulat sa biglang pagdating niya. Tsk, bakit pa ba ako pumunta? Tang-na.Galit na turan ng isip