Dear Everyone,
Thank you so much for patiently waiting for the next update.
Two months ago I was experiencing pain and I was diagnosed with a certain condition. The doctor suggested to me to undergo a surgery. I am now on my way to recovery.
I am not allowed to strain myself yet that's why I am not yet on updating the story.
Just a little moment and I will update this story again. Sorry if you guys are waiting for too long now.
Thank you so much for understanding.
Be safe always. Please take care of your health.
MeChA883
KAHIT nahihilo pa ay iginala ni Thalia ang paningin sa paligid nang magising siya. Kulay puti ang lahat, ibig sabihin ay nasa ospital siya. Mabilis niyang hinawakan ang sinapupunan nang maalala niya ang mangyari. Matinding takot ang naramdaman niya ng makita niya na maliit na ang kanyang tiyan. Dinama paniya ito at wala na siyang maramdaman doon. Babangon sana siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan. “Apo, kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang sabi ni lola Ana sa kanya at tila nagmamadaling lumapit ito. Agad siyang niyakap ng matanda at hinagod ang kanyang likod. “Lola ang baby ko? Anong nangyari sa baby ko?” umiiyak na tanong niya agad sa kanyang lola. “Apo kumalma ka, kailangan na kasing mailabas ang baby dahil sa nangyari sa iyo,” mahinahong sagot ni lola Ana sa apong si Thalia. “Kung ganoon nasaan siya lola, gusto kong makita ang anak ko!” pakiusap ni Thalia. Sinabi ni lola Ana sa apo na nasa incubator ang kanyang baby ngayon dahil kailangan itong ilagay doon dahil ku
HINDI mapigilan ni Thalia ang maluha habang pinagmamasdan ang anak sa loob ng incubator. Nagpapasalamat siya ng husto sa Maykapal dahil hindi siya nito pinabayaan lalo na ang baby niya. Napakaliit ng anak niya kapag titingnan sa loob ng incubator, may mga nakalagay sa katawan nito. Hindi man niya alam kung para saan lahat ng yun, batid niya na ito ay para sa mas ikabubuti ng kalagayan ng baby niya. Isinuot niya ang kanyang kamay sa maliit na butas upang mahawak ang anak at muli ay isa-isang nagbagsakan ang kanyang mga luha. Sobrang saya ng kanyang pakiramdam na nahahawakan ang anak. Ngunit nakaramdam din siya ng pait nang maalala na itinanggi na ito ng sariling ama. Dapat sana ay andito si Earl, magkasama silang nakatingin at nagbabantay sa kanilang anak. Ngunit baka hindi na mangyari yun. Nakaramdam siya ng tampo sa asawa, sana kasi ay hinayaan man lamang siya nito na magpaliwanag. Mapait siyang napangiti nang maalaala na kasi nga hindi naman siya nito mahal kaya napakadali para sa
MATAPOS mag-usap nila ng daddy niya ay umuwi muna siya sa condo unit. He wants to clear his mind about what happened. Nang makapasok si Earl sa kanyang condo ay pagod na napaupo siya sa sofa at pinikit ang mga mata. Dito niya narinig ang usapan ni Kent at ng asawa niya. Ngunit bigla naman niyang naalala ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Thalia dito. Naalala niya they made love on the sofa. He fed her while she’s sitting on his lap. Ang panunuod nila ng movie at ang pag-iyak nito noong minsang nanuod sila ng K-drama, nagselos pa nga siya sa bida na si Lee Mon Ho. Sabi kasi ni Thalia sana daw maging kamukha ito ng anak nila. Siyempre hindi siya sang-ayon, dapat siya ang kamukha or kaya si Thalia. Hindi namalayan ni Earl na tumulo na pala ang luha niya dahil sa naalala. Parang pinipiga ang puso niya. Ang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Mahal na mahal niya kasi ang mag-ina kaya sobrang sakit na hindi pala ito sa kanya. Naibato niya ang vase nasa nasa ibabaw ng mesa dahil sa s
SINUNOD ni Earl ang payo ng mga kaibigan na ipagpabukas na lamang ang pagpunta kay Thalia sapagkat gabi na at saka nakakainom na din siya. Naisip niya na tama din naman ang mga ito, baka hindi pa siya lalo kausapin ni Thalia kapag naamoy nito na amoy alak siya. Maaga siyang nagising na punung-puno ng pag-asa ang kalooban although kinakabahan at natatakot din siya. Paano kung nagkamali siya at hindi siya mapatawad ni Thalia. Ngunit ang pag-asang umusbong sa puso niya ay tila naglaho nang makita niya ang asawa at si Kent na magkayakap. Seems that Kent is comforting Thalia. Umusbong ang matinding selos sa puso niya at parang dejavu ang nangyari noon sa kanila ni Caroline. He remembered nakita naman niya na magkayakap din ang dating kasintahan at ang kaibigan niyang si Daniel both naked though Thalia and Kent are not. Pero magkayakap pa din. Nakita naman niyang natigilan ang dalawa at mukhang nagulat sa biglang pagdating niya. Tsk, bakit pa ba ako pumunta? Tang-na.Galit na turan ng isip
NAPAKALAKING pagsisisi ang nararamdaman ni Earl, napakalaki pala niyang gago. Nagalit agad siya sa asawa without knowing na mali naman pala ang pagkakaintindi niya sa sitwasyon or sa usapan ng dalawa nila ni Kent. Damn! Paulit-ulit ulit niyang mura sa sarili. Nang makita niya kanina ang baby ay may kung anon a agad siyang naramdaman lalo na ng mahawakan niya ang munting kamay nito. Nagpapasalamat siya kay Kent dahil sa pagpapaintindi nito sa kanya ng katotohanan. Naisip niya kung ano na lang ang mangyayari kung nanatiling magmatigas siya. Damn! Mawawala sa kanya ang mag-ina niya dahil sa katangahan niya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang marinig niya ang pagsigaw ni Thalia. Tila ba ito ay sobrang sama ng loob. Laking gulat pa niya nang sambitin nito ang pangalan ni Claire. Teka nag-aaway ba ang dalawa? Pero bakit? “Hindi ko akalain na magagawa mo yun sa akin Claire, ginamit mo ako sa sarili mong interes,” may asik na sabi ni Thalia. “Look Thalia, I didn’t mean any harm…gusto ko
NANG hindi marinig na magsalita ang kapatid ay tiningnan ito ni Claire. Ang buong akala niya ay galit ang kuya Earl niya ngunit bakit mukha itong baliw na nakangiti at namumula pa ang tenga. “Kuya? Hindi ka ba galit? I ruined your relationship with Caroline kahit alam kong mahal mo siya,” nagtatakang tanong niya. Ngunit natutuwa din naman siya na tila ba hindi galit ang kuya niya sa kanyang ginawa. “Hindi ko alam, but I’m not mad. Maybe I am thankful dahil sa ginawa mo dahil nagkaroon ako ng pamilya,” masayang sabi ni Earl. Hindi naman makapaniwala si Claire ang buong akala niya kasi ay magagalit din ito sa kanya katulad ni Thalia. “Kaya lang ang gago ko naman dahil ako mismo ang sumira sa pamilya ko,” napabuntong-hiningang pahayag ni Earl. “Don’t worry kuya, mabait si Thalia mapapatawad ka din niya, pati siguro ako. We just need to give her time,” pag-aalo naman ni Claire sa kapatid. “I love her so much. Kaya ganoon na lang ang galit ko dahil sa maling akala ko. Of all people kas
SAMANTALA, mula nang malaman ni Ronaldo na may lead na ang mga Montefalco sa paghahanap ng mga ito kay Carolina ay hindi na siya mapakali. Nasa may terasa siya ngayon ng kanyang mansiyon at umiinom ng paboritong niyang alak. Gabi-gabi niya itong ginawa dahil mula nang paghiwalayin sila ni Carolina ng pamilya nito ay hinihiling niya palagi na sana ay muli silang magkita ng babaeng pinakamamahal.(flashback)Kahit nahihiya ay sumama si Ronaldo sa mansiyon ng mga Montefalco. Pinilit kasi talaga siya ni Tonyo, ang nickname na binigay niya sa kaibigang si Antonio Montefalco. Napapangiti na lamang ang kaibigan niya sa tuwing tatawagin niya itong Tonyo. Si Tonyo ang naging tagapagligtas niya noon sa grupo ni Baldo, ang mayabang at bully na estudyante sa kanilang paaralan noong high school. Nakakatuwa nga, isang Monteflaco si Tonyo pero sa public school ito nag-aaral.Kung hindi dahil sa kanya ay baka na-expel na ako sa paaralan at baka hindi makapagtapos ng high school.“Maraming salamat da
(continuation of flashback) Lubos ang kasiyahan ko nang maka-graduate na kami ng kaibigan kong si Tonyo. Napagpasyahan kong sabihin na sa kanya ang lihim naming relasyon ni Carolina kinabukasan. Ngunit nang gabi na yun ay nagulat ako ng sumugod ang kanilang pamilya sa amin at galit na galit. Inambahan ako agad ng suntok ni Tonyo na nagpupuyos sa galit. “I trusted you, traydor ka,” galit na sabi nito sa akin. “Maniwala ka Tonyo hindi ko gustong magsinungaling ngunit mahal na mahal ko si Carolina,” paliwanag ko sa kanya. “She’s just 19. Tapos binuntis mo pa!” madiing sigaw nito. Ang ama naman niya na si Tito Danilo ay mukhang galit din ngunit kitang-kita na nagpipigil na saktan ako. Halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng mga oras na yun. Masaya ako dahil magiging ama na ako ngunit sa sitwasyon ngayon mukhang hindi magiging ganoon kadali para sa amin ni Carolina. “Handa po akong panagutan ang mag-ina ko,” buong determinasyon kong pahayag. Ngunit tinawanan lamang ako ni Tiyo Danilo