NAGSESELOS si Thalia dahil nakita sila nito ni Caroline sa café. Nakita pa nito na magkayakap sila. Napangiti siya sa naisip na kaya nagseselos ay dahil may nararamdaman si Thalia sa kanya. Hindi naman siguro masama kung kiligin siya di ba. Shit! Nakakabakla pala to. Ngunit bigla siyang napangiwi ng maalala na galit ang asawa niya. Damn! Kailangang suyuin niya ang asawa. Ayaw niyang lumipas ang oras na hindi sila ayos na mag-asawa. Mabilis na tinungo ni Earl ang kanilang kuwarto upang sundan ang asawa. Nadatnan niya ang asawa na nakahanda nang matulog. Nakahiga na ito ngunit nakasandal pa sa headboard ng kama. “Please hear me out,” nakikiusap na turan ni Earl sa asawa. Marahan siyang umakyat sa kama at lumapit sa asawa. “I don’t know if I am ready to hear you now. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko,” humihikbing sabi ni Thalia. Nasasaktan si Earl na nakikitang nasasaktan ang asawa. Parang pinipiga ang puso niya. “Ayokong lumipas ang oras na ito na hindi mo nalalaman kung bakit kam
NAGNGINGITNGIT sa galit si Ronaldo nang malaman na hindi pala nakipagbalikan ang anak na si Caroline kay Earl ng kausapin niya ito. Pinasundan niya ang anak nang umalis ito sa kanilang mansiyon. Laking tuwa niya nang ibalita sa kanya ng kanyang private investigator na nagkita ang dalawa.He was so closed to celebrating but his private investigator called and said that Caroline was fetched by Daniel. Ibinato nuya ang hawak na baso na may lamang alak sa sobrang galit.“Talagang sinusuway mo ako Caroline,” bulong niya sa sarili na nagngingitngit. He smirked and smiled evilly when he thinks of his plan. Mabilis niyang tinawagan ang kanyang tao para sa simulan ang kaniyang plano.Hindi puwedeng di matuloy ang pagmi-merge ng company niya at ni Earl. Napakali ng magiging pakinabang niya kapag ganun. Everything will be just a piece of cake for him. He’ll achieve more and he’ll gain more…more money and more power.Ipinangako niya sa
MAGKAHAWAK kamay na namimili sa mall ang mag-asawa na si Earl at Thalia. Mula nang umamin sila sa pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa ay naging lubos ang kanilang kasiyahan. Ang pag-aalala ni Earl noon na baka mahal ni Thalia si Earl ay tuluyan nang naglaho. Gayundin naman ang nararamdaman ni Thalia, masaya siya nan aka-move on na si Earl kay Caroline at siya na ang mahal nito ngayon. Masaya si Thalia dahil natupad ang araw-araw niyang panalangin na matutunan siyang mahalin ng kanyang asawang si Earl. Mabibigyan na nila ng isang buo at masayang pamilya kanilang magiging anak. “Wife look at this,” pagkuha ng atensiyon niya ni Earl. Nakangiting tiningnan ni Thalia ang itinuro ng asawa na kulay light blue na crib. Mukhang bagay na bagay ito sa kanilang baby boy. “It’s nice, kukuhain ba natin?” nakangiting wika ni Thalia kay Earl. “Yeah, tapos bumili pa tayo ng extra crib,” seryosong saad ni Earl. Ipinaliwanag naman ni Thalia sa asawa na hindi na nila kailangan pa ng extra cr
MASAYANG nagising si Thalia kinabukasan at magaan din ang kanyang pakiramdam dahil nasabi na niya sa asawa ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao. Noong una ay nababahala siya dahil baka hindi ganoon katibay ang pagmamahal nito sa kanya at hindi nito magustuhan ang katotohanan na hindi niya kilala ang tatay niya. Maganda kasi ang family background ni Earl kaya medyo nahiya siya. Napapahimig pa si Thalia habang naghahanda ng breakfast nilang mag-asawa. Sa totoo lang walang mapaglagyan ang kasiyahan niya ngayon, lahat ng ipinagdasal niya ay unit-unti nang natutupad. “My wife seems happy,” malambing na wika ni Earl na niyakap siya sa likod at hinimas pa ang tiyan na. “Masaya lang ako dahil okay na tayo,” totoo naman na masaya siya dahil sa maayos na sila ngayon ni Earl. “Hindi lang tayo okay wife.. nagmamahalan tayo,” medyo cheesy na sagot ni Earl ngunit ramdam ang sineridad sa tinuran nito. Thalia can’t help but giggle to what her husband said. Kinikilig is understatement. Basta al
NAPAKALINAW ng pagkakadinig ni Earl sa sinabi ni Thalia. Tila na nabuhusan siya ng malamig na tubig. Isa lang ang ibig sabihin noon, hindi sa kanya ang baby na nasa sinapupunan ni Thalia. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang unang beses na narinig niya si Thalia na kausap ang Kent na yun.Sinabi ng asawa niya na hindi mahirap magustuhan si Kent. That was one of the reason kaya naging cold ang pakikitungo niya sa kanyang asawa noon kahit na nag-usap sila na aayusin ang marriage nila.Maraming pagkakataon na hindi niya itinuring nang maayos ang asawa at pinagsisihan na niya yun kaya naman bumabawi siya ngayon.But then nahulog ang loob niya sa asawang si Thalia. Hindi na din niya kasi ito nakitaan ng mga pagkakataon na involved si Kent.Mahal na niya si Thalia and he’s very happy nang sabihin ng asawa na mahal din siya nito.Isang araw may nagpadala sa kanya ng brown envelope. Noong una hindi niya ito agad napagtuunan ng pansin hanggang sa magkaroon s
GALIT! Yun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman ako. Tila ba bumalik sa akin ang alaala noong nakita ko sina Caroline at Daniel tapos ngayon naman yung eksena kanina ni Kent at Thalia. Sarado ang isip ko ngayon, ayaw nitong tumanggap ng kahit anong paliwanag. Nasasaktan ako dahil sumugal ulit ako eh at binigay ko na lahat dito. Tapos ganoon pa din pala ang mangyayari. Nang marinig ko ang mga salitang binitawan nina Kent at Thalia kanina habang nag-uusap ay nagkaroon ng linaw lahat ng mga signs na binigay sa akin. Yung box na may nakasulat kung sigurado daw ba ako kung ako nga bata ng bata, yung picture nilang dalawa at ang minsang narinig ko si Thalia na kausap si Kent. Napasuntok ako sa manibela nang maalala lahat ng yun. Bakit ba hindi ako naniwala noong una pa lang na maaaring may namamagitan sa asawa ko at saka sa Kent na yun? Pinababa ko si Thalia kanina sa sasakyan dahil ang kulit nito. Pinagpipilitan pa rin ang kasinungalingan niya s
HINDI ko maintindihan kong bakit nagkaroon ng ideya si Earl na hindi sa kanya ang batang ipinabubuntis ko. God knows siya ang ama nito. Siya lang naman ang lalaking nakagalaw sa akin. Nasaktan ako ng sobra na dahil sa narinig niyang sinabi ni Kent o usapan naming ni Kent ay nakapag-conclude na siya agad. Bakit siya ganoon matagal na ba niyang pinagdududahan ang ipinagbubuntis ko? Pinipilit ko naman ipaintindi sa kanya na mali siya ng pagkakaintindi sa kanya ngunit sarado ang isip niya. Ang anak ni Kent kay Gina ang pinag-uusapan namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko upang mabago ang paniniwala niya. Halos sigawan na niya ako sa mukha sa sobrang galit niya. Akala ko papasok lang siya ng kuwarto kalmahin ang sarili niya ngunit mali ako dahil lumabas siya ulit na nakapang-alis na ang damit. Mabilis akong sumunod sa kanya. Hindi ko na naisip ang kalagayan ko bilang buntis at dun ako nagkamali, ang mahalaga sa akin ng oras na yoon ay maipaliwanag kung ano ang totoo kay Earl. Nang
NAPATINGIN naman si lolo Gibo kay Earl na nakatungo at nakasakop ang dalawang palad sa ulo nang marinig ang naging sagot ni Teddy, ang ama ni Earl. Nagtaka kasi ito kung anong ginagawa ng apo niya sa kalye nang mag-isa ay buntis ito. “Tumingin ka sa akin at magpaliwanag ka, bakit andoon ang apo ko?” ma-awtoridad na sabi ni lolo Gibo kay Earl nang makalapit ito sa kinauupuan niya. Mabagal na nag-angat ng mukha si Earl upang tingnan si lolo Gibo. Nakokonsensiya siya sa nangyari ngunit hindi pa din maiaalis ang katotohanan na niloko siya ni Thalia. “Hindi niyo po alam ang ginawang panloloko sa akin ng apo niyo?” pakiramdam niya alam din ng pamilya ni Thalia ang ginawa nito. “Anong ibig mong sabihin hijo?” naguguluhang sabad ni lola Ana. Naluluha ito dahil alam niyang hindi manloloko ng tao ang apo niya. “Hindi ako ang ama ng bata,” mapaklang sagot ni Earl “Ano?” halos magkasabay na sagot ni lolo Gibo at lola Ana “Hindi ganoon ang apo ko, hindi niya ipapaako ang bata sa’yo kung hind