Share

Chapter Two

last update Huling Na-update: 2021-10-26 14:02:46

NAALIMPUNGATAN ako ng masakit ang buong katawan. Feeling ko sumabak ako sa marubdubang pakikipaglaban sa sakit niyon. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong saakin ang kalangitan, nag aagaw kulay kahel na ang kalangitan—teka! Kalangitan?!

“A-Argh!”

Agad akong napaupo dahil sa gulat pero dahilan iyon para mapadaing ako sa sakit ng katawan ko.

Ano bang nangyayari?

Dahil sa tanong na yun ay sunod sunod na bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Oo nga pala nadala ako ng sakit at galit, hindi ko nakontrol ang sarili ko at nakagawa ako ng mga hindi tama.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa paligid pero ganon nalang ang gulat ko ng sumalubong saakin ang malaking pinsana ng kagubatan— a-ako ang may gawa nito. 

Dahan dahan akong tumayo at kitang kita ko ang putol putol ng mga puno kung hindi man putol ay wasak ang mga dahon at sanga o di kaya sunog at lagas lagas na. Parang may labanang naganap sa paligid ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang kita sa liwanag ang pinsalang nagawa ko,. Uka-uka din ang mga lupa dahil sa paghahagis ko ng kapangyarihan.

Nanggilid ang aking mga luha hanggang sa unti-unti na itong tumulo dahil sa mga nagawa ko. Napatingin ako sa itaas ko at nakita ko ang malawak na kalangitan. Kaya pala, hindi dapat ganito. Maraming dahon ang nakakapagtakip sa kalangitan dahil sa naglalakihang puno pero anong ginawa ko? Sinira ko.

Napayakap ako sa sarili ko at umiyak “K-kasalanan ko to. Hinayaan kong kainin ako ng sakit kanina—nagawa ko pang makasakit ng ibang magicians,” mas lumakas ang hagulgol ko dahil doon.

Dahan dahan akong naglakad papalayo sa lugar na iyon dahil kakainin na ako ng kakahiyan sa aking ginawa. Gubat ang naging tirahan ko noon pa man pero anong ginawa ko? Sinira ko sila.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko at tulala habang naglalakad ay diko namalayang andito na pala ako sa bayan. Napatingin ako sa paligid pero lalo lang nadagdagan ang hinanakit ko sa puso.

“Halimaw daw si katanaya.” 

“Oo nakita ko kung paano niya patayin yung halimaw at sinakal niya rin ang isang Middle Class.” 

“Talaga? Balita ko pati si Jean.” 

“Oo narinig ko nga na niloko siya ni Jean kaya galit na galit si katanaya.” 

Napahigpit nalang ang yakap ko sa aking sarili dahil sa mga bulungan nila. Kung hindi man nagbubulungan ay lumalayo sila na para bang meron akong nakakahawang sakit na walang panlunas. Nilalayuan nila ako na parang may gagawin akong masama sa kanil.

Isinoot ko nalang ang hood ng violet cloak ko na butas butas na ang ibaba pero maayos pa naman sa itaas kaya magagamit pa. Tahimik akong naglakad at tahimik rin na umiyak. 

Hindi ko akalain na darating sa punto na lalayuan ako ng mga kapwa ko low class. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito sa bayan pero ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili kong nasaharapan ng bahay nila ate Jean.

Lalo akong napaiyak dahil doon, kahit na nadala ako ng sakit na ginawa niyang panloloko saakin ay hindi ko maitatangi na napamahal na siya saakin para ko naring siyang ate.

“K-katanaya?” Napaangat ako ng tingin sa tumawag saakin at nakita ko si ate Jean kaya napaatras ako. Baka galit siya saakin at ipagtabuyan ako o di kaya ipabugbog din niya ako sa kapwa low class dito

Muli akong umatras at tatakbo na sana ng magulat akong sa isang iglap lang ay yakap na ako ni ate Jean ginamit niya ang kapangyarihan niyang speed.

Umiiyak siya

“A-ate Jean,” gulat kong tawag sa kaniya at para akong natuod mula sa pagkakayakap niya

“P-patawarin mo ako Katanaya! Nadala lang ako ng kahirapan kailangan kong kumita para sa mga anak at kapatid ko alam mo yan!” Umiiyak niya paring sabi saakin.

Ako naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Ssabihin ko bang wag niya ng alalahanin yon at humihingi rin ako ng tawad sa ginawa ko? Yayakapin ko ba siya at tatapikin ang likod? 

Sa huli ay niyakap ko nalang din siya ng mahigpit at hindi nagsalita doon palang ay alam na niyang napatawad ko na siya. Kilala ako ni Ate Jean halos sabay din kaming lumaki. Walong taon siya habang ako ay anim ng ampunin ako ng magulang niya at tatlo taon naman ang sumunod sa kaniya.

***

“AKO nalang ang bahalang kumausap sa mga magicians dito katanaya,” agad naman akong napailing kay ate jean dahil sa sinabi niya.

Nag ka-ayos na kaming dalawa at ngayon nga ay andito kami sa bahay nila at ginagamot niya ako. Ayaw ko sana kaso ang sabi niya malaki ang kasalanan at naitulong ko sa kanila. 

Masaya ako para sa kanila at isinawalang bahala ko nalang ang panloloko niya saakin. Walang masamang magpatawad lalo na kung deserving ng taong iyon ng second chance pero dapat hindi niya sayangin ang pangalawang pagkakataon na yun. 

“Wag mo na silang intindihin ate jean isipin na nila kung anong gusto nilang isipin ang mahalaga ay ayos na tayo,” nakangiti kong sabi at tumayo na “Sige aalis na ako ate jean maiwan ko na kayo.” at gaya noong mga nakaraan kong pagtuloy muli sa bahay nila ay umaalis ako agad at nag teteleport sa gubat.

Napabuntong hininga ako ng andito na ako sa burol. Hindi na ako sanay na tumira sa iisang bahay at may kasamang iba dahil feeling ko nagiging pabigat lang ako sa kanila. 

Naglakad na ako paalis pero nagtaka ako ng hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

“Teka anong nangyayari?” Gulat na sabi ko at mas lalo akong nagulat ng unti unting lamunin ng kumunoy ang paa ko.

“Hindi ka ba makaalis?” Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko yung babaeng middle class na sinakal ko at may kasama siyang limang magicians na sa tingin ko ay tauhan niya.

“Ikaw?!” Sabi ko at pilit na kumakawala sa kumunoy pero lalo lang nitong hinihigop ang paa ko pailalim.

“Sige magpumiglas ka pa at mapapabilis ang pagkain sayo ng kumunoy na yan.” natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kumunoy na iyon ng huminto ako.

Tama siya hindi naging mabilis ang paglamon saakin ng kumunoy. Napatingin ako muli sa kaniya. “Pakawalan mo ako dito!” Sigaw ko sa pero tinawanan niya lang ako

“Baka nakakalimutan mo na malaki ang atraso mo saakin?” 

Naloko na, bakit ba nakalimutan ko na maraming galamay ang middle class kaya siguradong mahahanap at mahahanap nila ako tsk.

“Kanina ka pa namin iniintay dito. Boys gawin niyo na!” Humanda ako ng makita kong lumapit saakin ang limang tauhan niya na mga nakahood.

Inunahan ko na sila at binato ng Air ball na siyang ikinatalsik ng mga ito “Tumayo kayo!” Narinig kong sigaw ng babae kaya naging mabilis ang kilos ko at nag teleport para makaalis dito dahil siguradong mabilis ako kakainin ng kumunoy pag nakipaglaban ako doon. 

Laking gulat ko ng pagmulat ko ay hindi parin ako nakakaalis doon. “Hahahaha!” Muli akong napatingin sa babae ng tumawa ito “Akalain mo yun may ability ka rin ng teleportation? Pero sa kasamaang palad ay hindi gagana yan!” 

Muli akong naghanda ng tumakbo ang mga lalaki saakin at may kaniya kaniyang hawak na patalim. Ilag lang ako ng ilag at sinikmuraan ang isa kaya nabitawan niya ang dalawang knife na hawak at iyon ang ginamit kong panglaban sa kanila.

Salitan kong ginamit ang air power ko at ang kutsilyo laban sa kanila ang kaso ay nagulat ako ng nasa bewang ko na ang kumunoy ng hindi ko manlang napapansin.

“Sige pakilusin nyo lang siya para tuluyan na siyang magbayad sa kapangahasan na ginawa niya saakin!” Napatingin ako sa kaniya at tinignan siya ng masama.

“Pag ako nakawala dito pagsisisihan mo to.” diin kong sabi na ikinatawa niya lang. Kailangan kong mag isip ng paraan para makaalis dito.

Hindi pa ako nakakapag isip ng paraan ng mapailag ako ng bigla niya akong batuhin ng bato

“Nagulat ba kita? Eto ang kapangyarihan ko,”  sabi niya at lumutang ang bato pagkatapos ay  ibinato niya saakin kaya napailag akong muli. Hindi maganda to nasa dibdib ko na ang kumunoy kakainin ako nito ng buhay!

“Oh ilag pa!” Hindi ko na nagawang kumilos dahil siguradong lalamunin na ako kaya tinanggap ko ang batong ibinabato niya saakin.

Ang tawag sa kapangyarihan niya ay stone power na kung saan ay kahit na akong bato ay kaya niyang kunin at pagalawin.

Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa ulo ko dahil sa ginawa niya pero deretsyo ko parin siyang tinitignan “Ako ng bahala sa kaniya lumayo na muna kayo saamin!” Baling niya sa mga tauhan niya at agad naman silang lumayo

Lumapit saakin ang babae at nagulat ako ng hawakan niya ang buhok ko. Inikot ikot iyon at unti unti kong naramdaman ang muling pagkain saakin ng kumunoy. Hindi na ako makahinga dahil nasa leeg ko na ang kumunoy, hindi ko narin maigalaw ang mga kamay ko.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at iniharap ang muka ko sa kaniya “Sabihin mo saakin sino ka? Hindi ka isang low class dahil may roon kang elementong kapangyarihan!” Tinignan ko lang siya ng malamig at ngumisi sa kaniya.

“Bakit anong makukuha mo kung sasabihin ko sayo?” Nakatanggap ako ng sampal dahil sa sinagot ko. Napadura ako ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.

“Sabihin mo o tuluyan kang kakainin ng kumunoy na yan!” Nanalalaking mata niyang sabi saakin kaya muli ko siyang tinignan ng seryoso.

“Gusto mo talagang malaman? Isa akong Sandoval,” napaatras siya sa sinabi ko at parang gulat na gulat.

Ano namang nakakagulat sa pagbanggit ko ng apilyido namin? 

Oo alam kong high class kami noon pero alam ko rin naman na di porket high class ang pamilya mo ay kilala kana ng lahat. Syempre may karapatan ka rin naman mamuhay ng tahimik at isa narin kami doon.

“H-hindi wala ng natitirang Sandoval ngayon.” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Anong ibig mong sabihin na wala ng natitirang sandoval?” Tanong ko pero umiling lang siya ng umiling.

“SABIHIN MO! ANONG ALAM MO SA PAMILYA KO!” Sigaw ko at nagsimula ng humangin ng malakas sa paligid kasabay ng pagsisiliparan ang mga dahon.

“W-wag mo akong lokohin!” Sigaw niya saakin at hindi inalintala ang kapangyarihan ko sa paligid. Nakita ko na nakalapit na saamin ang mga lalaki niyang tauhan.

“L-Lamunin mo na yan ng kumunoy!” Utos niya sa isang lalaki at agad namang kinontrol ang kinalalagyan ko. Huminga ako nang malalim ng unti-unti akong kainin nito.

“TANDAAN mo Katanaya na wag kang makikipaglaro sa mga hindi mo kakilala maliwanag?” Sabi ng aking ina saakin ng ako ay limang taong gulang palamang.

“Opo ina! Pangako ko pong si Valerie lang ang kalaro ko.” nagulat sila dahil sa sinabi ko at mabilis din na lumapit saakin si Papa.

“Valerie? Valerie Tan?” Gulat na tanong ni Papa na ikinatango ko ulit “Opo papa si Valerie nakita ko siya noong nakaraan sa likod bahay natin at tinulungan niya ako noon ng madapa ako kaya naging magkaibigan kami.” muling nagkatinginan ang dalawa dahil sa sinabi ko.

“Anak tandaan mo to. Si Valerie, ang kaibigan mo, huwag na huwag mo siyang iiwanan dahil magkadugtong kayong dalawa at ang iba pa.” nagtaka naman ako sa sinabi ni Papa.

“Anak kapag dumating ang panahon na wala na kami sa tabi niyo, hanapin niyo ang isa't-isa at magpakita sa kaniya dahil siya lang ang makakatulong sa inyo.” 

AGAD kong ibinuga ang malakas na kapangyarihang kumawala sa katawan ko at naramdaman ko ang paglutang ko sa ere. Pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko ang babaeng middle class kasama ang tauhan niya na gulat na gulat.

Nabalikan ko nanaman ang nakaraan ko. Nakaraan kung saan kasama at kausap ko pa ang magulang ko.

Tama, si Valerie nasaan na ba siya ngayon?

Nawala ako sa pagiisip ng mapailag ako ng muntik na akong tamaan ng bato na nanggaling sa babaeng nasa ibaba.

Ngumisi naman ako sa kaniya “Ready for my revenge?” Bago ko pa sila pasagutin ay nag teleport ako sa likod nila at pinatamaan sila ng puno na bununot ko. Nagtalsikan naman sila na siyang ikinatulog ng mga ito. Hindi ko magagawang pumatay ng kapwa ko magicians.

Lumapit ako sa kanila at isa isang tinaggal ang ala-ala nila tungkol saakin. Bukod sa nagagawa kong makita ang nakaraan at hinaharap ay kaya ko ring tanggalin ang memorya nila tungkol saakin. Iyon malamang ang advantage ng pagkakaroon ng kapangyarihan na ganito.

Naglakad na ako palayo sa kanila at hinayaan sila doon. Malaking katanungan saakin kung bakit ko muling nabalikan ang nakaraan ko tungkol kay Valerie at sinong ‘siya’ ang tinutukoy ni Papa at lalong sino ang hahanapin namin? May kadugtong kami? 

Teka paano nga ba kami nagkahiwalay ni Valerie? Sa tingin ko bukod sa pagkawala ko sa high town ay may kababalaghang pang nangyari bago iyon dahil wala akong maalala tungkol kay Valerie. Basta ang alam ko kaibigan ko siya.

DALAWANG linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang sagupaan namin ng babaeng middle class na yon at ngayon nga ay papunta ako sa bayan para lang sana bisitahin si ate Jean. Para narin iwas sa gulo ay di muna ako non pumunta ng bayan dahil mainit pa ako sa balita

Dalawang linggo narin akong walang kain at aaminin ko sa inyong gutom na gutom na ako at nanghihina pero kaya ko pa. Ramdam ko naman na kayang kaya ko pa.

Nang makarating ako sa bayan ay agad na nagsilayuan ang mga magicians na nakakilala saakin mabuti nalang at isinoot ko ang hood ko kaya di nila makikita ang sakit sa muka ko. Hahayaan ko nalang ang gusto nilang isipin laban saakin.

Kakaibang tingin o mapangmatang tingin at bulungan ang nakikita ko sa mga tao dito. Kapag talaga nabahidan ng kakaunting sabi-sabi ang ibang tao ay maniniwala na agad sila, hindi manlang nila inaalam  ang totoong dahilan ng lahat bago sila manghusga.

“Tumabi kayo! Dadaan ang may dala ng anunsyo mula sa Reyna!” 

Napatigil ako sa pag lalakad at napatingin sa unahan ko. Nakita ko ang mabilis pa sa kidlat na magicians na paparating. Para saakin ay kitang kita ko sila ng malinaw at parang normal lamang ang ikinikilos

“Katanaya tumabi ka sa daan!” Rinig ko na sabi nila pero hindi ko sila pinansin at hinayaan lang na dumaan ang dalawang sinasabi nilang galing pa sa palasyo.

Isang segundo lamang ay may dumaan na dalawang hangin sa magkabilang gilid ko na siyang ikinaalis ng hood ko. Napalingon ako sa pinakang gitna ng bayan at andodoon na ang dalawang tauhan ng mahal na Reyna. Hindi na rin ako pinansin ng mga magicians at dumeretso na agad sila doon sa mensahero

Hindi ako tuminag sa kinakatayuan ko at muling ibinalik ang hood ko. Ininay ko ang sasabihin nila. Alam kong may majika silang gagamitin para marinig ng lahat ng taga dito ang sasabihin nila kaya kahit nasa dulo kapa nitong low town ay maririnig mo iyon.  Ewan ko rin sa kanila kung bakit kailangan pa nilang maglakad papunta doon sa dalawang lalaki.

Tinitigan ko ang matangkad na lalaki na mayroong itim na itim na buhok samantalang ang isang lalaki naman ay may dilaw na buhok at kapwa seryoso lamang ang kanilang mga muka.

Inilibot muna nila ang kanilang mata na parang may hinahanap hanggang sa makasalubong ko ang mata nila. Alam kong hindi naman nila makikita ang muka ko, agad din naman na nawala ang mata nilang dalawa saakin.

“Nandito kami para iparating ang balitang nagsagawa ang reyna ng isang paligsahan.” 

Parang nag eeco ang boses ng lalaking iyon sa utak ko.

“Ang paligsahan na ito ay walang pinipiling katayuan sa buhay kahit isa ka pang low class ay maari kang sumali.” 

Napataas ang kilay ko dahil nakatingin saakin ang lalaking may itim na buhok ng banggitin niya iyon. Halata mo na may pagkama edad na ang dalawa pero mababakasan mo parin ang kagwapuhan at lalo na ang kakisigan ng kanilang pangangatawan mukang trained na trained ang mga ito.

“Ang paligsahan na ito ay tinatawag na Code Hero habang nagaganap ang paligsahan ay malalaman ang dahilan kung bakit tinawag na Hero at ang kailangan niyo lang gawin ay mabuhay at maunang hanapin ang Code.” 

Natigilan ako sa muli niyang sinabi. Narinig ko nanaman ang bulungan ng mga magicians dito.

Kailangang mabuhay? Ibig sabihin kapalit nito ang buhay mo at maaari kang mamatay?

“Tama ang iniisip nyo. Ang larong ito ay survival game.” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bregondo Maldo Nylinam
makakaya kaya ni katanaya ang code hero....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Three

    DAHIL sa narinig ko na isa itong survival game ay agad na akong tumalikod. Mahal ko pa buhay ko diko kailangan niyan at isa pa mas maayos ang buhay ko dito. Maayos nga ba?Naglakad ako patungo kila ate Jean para sana kamustahin sila ang kaso ay napahinto ako ng kumulo ang tyan ko sakto na pagtingin ko sa harap ay tindahan na yon ni aling coring na madalas kong kinakainan kapag nagkakaroon ako ng ted money.Napangiti ako ng makita kong papalabas si aling coring. “Aling co-ring,” pahina ng pahina kong sabi ng makita ko ang naging reaction niya. Nang makita niya ako ay agad na nanglaki ang mata niya at lumabas ang usok na puti sa katawan niya kaya pasimple kong ginamit ang kapangyarihan kong hangin para hawiin ang smoke power niya at bumagsak ang balikat ko ng makitang sarado na agad ang tindahan niya.

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Four

    NAPATINGIN ako sa paligid na kapwa ko andito sa pinakang ground sa ibaba. Ang itsura niya kasi ay ang mga manonood pataas ang inuupuan nila at parang kamo sasabak sa isang labanan ay oo nga pala survival game pala to!Patuloy parin ang sigawan ng mga magicians na naririto. Naglakad pa ako palapit sa ibang mga kasali sa laro nakita ko na isinabit nila sa kanang dibdib nila ang numero nila ang dami namin pero mas madami ang nanonood. Required ba na isabit ko rin ang saakin?“Ouch!” Napatigil ako sa paglalakad at napaharap saakin ang isang magicians. Nawala ang ngiti niya sa muka ng makita ako. Oh no I smell trouble “Oh! Low class?!” Gulat na sabi niya at halatang galit ito saakin. Ano nanaman ang ginawa ko? Dahil sa pinanggalingan ko o dahil bumangga siya saakin? Take note siya ang bumangga saaakin di ako!

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Five

    HABANG naglalakad ako ngayon at lumilibot sa paligid nitong pinaggaganapan ng paligsahan which is the Peridian, kailangan kong mag doble ingat dahil hindi lang ang mga katunggali ko sa larong to ang kalaban ko kungdi pati narin ang mga nilalang na mayroon dito.Hindi ko kabisado ang Peridian dahil hindi naman ako fully educated about this. Siguro ang mga high class advantage nila ang mga pinag aaralan nila o kung sino mang nakapag aral na sa Academia Enchantria o sa iba pang paaralan dito ang mga kaalaman nila sa PeridianBukod sa alam kong delekado ang lugar na ito ay may isang bagay pa akong alam na alam na sigurado akong maraming mamamatay saamin na mga kasali kapag nangyari yun. Napakuyom ako ng kamao dahil sa naisip ko, isinusugal nila ang buhay namin para lang sa Code na yun!Pero muli kong sinalungat ang naisi

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Six 1.1

    NAPAATRAS ako dahil sa sinabi niya. Paano kung pati sya patayin din ako? Pero naalala ko yung sinabi niya na magkaibigan ang mga magulang namin, hindi ako dapat magpakampante porket magkaibigan ang mga magulang namin dahil sa kaniya narin mismo nanggaling kanina na maraming naiinggit sa pamilya namin. Ang tanong totoo bang may koneksyon kami sa Reyna?“Katanaya...Ikaw ang anak nila Mr. at Mrs. Sandoval hindi ba?”Muli akong napakurap dahil sa tinanong niya. Nakikita ko sa muka niya ang pagkagulat at pagtataka habang ako ay hindi alam ang gagawin. “Katanaya...” Muli nanaman akong papaatras this time ay umiiling na ako sa kaniya. “H-hindi...Hindi ko kilala ang sinasabi mo.”Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad “Katanaya sandali! Alam kong nag aalinlangan ka na sabihin saakin ang totoo lalo na at sinabi ko sayo na maraming humahanap sa pamilya nyo.”Hind

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Six 1.2

    “Ang bagal mo.” napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya “Oo aaminin ko na natalo mo ako sa labanan natin kanina pero itong kasama mo? Mahina pala.” Lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Hindi ko nabantayan ng maayos si Nicole kaya ngayon ay hawak na sya ng lalaking hindi ko kilala.“Bitawan mo sya kung ayaw mong mawala sa larong to.” Malamig kong sabi “Wow! Pananakot ba yan? Sige sabihin na nating natatakot ako.”Nang dahil sa sinabi niya na iyon ay hindi ko na pintagal pa at itinaas ko ang kamay ko at pinigilan ang pahinga niya. “A-ack! A-anong.” Nahihirapan niyang sabi ngunit ako ay nilalamon na ng galit sa ginawa niyang pagbihag sa kaibigan ko.“Hindi ba binalaan na kita. Bakit hindi ka nakikinig?” Unti unti ko syang pinalapit saakin gamit parin ang hangin kong kapangyarihan “Ang ayoko sa lahat pati ang taong i

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Seven 1.1

    HINANDA ko ang sarili ko para sa pag labas ng kalaban ko. Nang matapos ang pag-ulan ng mga metal ay inalis ko na ang barrier na nakapalibot saamin.“Magaling!” Mahigpit ko pa lalong kinapitan ang kamay ni Nicole dahil lumabas na ang isang lalaki na sa itsura palang ay alam ko ng balak kami nitong patayin. “Bakit mag-kasama kayo? Hindi ba dapat patayin nyo ang isa't-isa.” Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon“Hindi porket makakakitaka ng kapwa mo magicians ay kailangan mo ng patayin.” Napataas naman ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi ko “Naririnig mo ba ang sinasabi mo babae? Malinaw ang sabi ng council kanina na kailangang pumatay para ikaw ang makakuha ng Code.” Napairap ako dahil doon sa sinabi niya“That's a shit! Talagang maniniwala ka don sa lalaking may itim na buhok? Magagawa mong makapatay ng kapwa mo magicians para lang manalo?!&rdq

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Seven 1.2

    "NICOLE!!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa paligid dahil hinahanap ko sya pero kanina ko parin sya hindi makita-kita"Nasaan kana ba Nicole?" Nagpatuloy ako sa paghahanap ang kaso ay napahinto ako ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Ano to?"Argh!" Napaluhod ako ng makaramdam ako ng pagkahirap sa paghinga. T-teka wag mo sabihing may lason ang metal na pintama saakin ng lalaking yun?Tinignan ko ang sugat ko "Shit! Hindi pwede to!" Nakita ko na nangingitim na ang sugat ko sa braso ko tama ako may lason nga ang metal na yun ang masama lang ay ang kalagayan ko dahil masama ito. Kumakalat ang lason sa katawan ko wala pa naman akong healing power.Kailangan ko pang hanapin si Nicole dahil baka mapahamak sya. Kahit na masakit ang sugat ko ay tumayo parin ako at pinilit na maglakad."N-nicole!" Sigaw kong muli pero wala pang sumasagot saakin. Nararamdaman ko na ang malalamig na pawis n

    Huling Na-update : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Eight

    "Nicole ikaw na muna ang mag ayos ng magsisilbing natin para hindi tayo masikatan ng liwanag ng buwan, ako titingin tingin pa ako sa paligid ng pwede nating magamit malay mo may makita pa ako katulad niyan isa sa mga puno dito"Napatingin saakin si Nicole dahil sa sinabi ko "Katanaya wag ka nang umalis baka mapano ka habang wala ka sa tabi ko. Natatakot din ako" Nginitian ko naman sya para masiguro niya na ayos lang ang lahat "Wag kang mag alala Nicole dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka at ang may mangyaring masama saakin okay?"Nakita ko pa ang pag aalala sa muka niya at pag aalinlangan ito na pumayag "Nicole I'm okay don't worry" paninigurado ko pa dito na ikinabuntong hininga naman niya "Osige basta balik ka agad ah! Kapag matagal kang nawala hahanapin kita!"Napail

    Huling Na-update : 2021-10-27

Pinakabagong kabanata

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   CODE SERIES 2: Introduction

    ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.3

    Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.2

    Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty

    NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.2

    “T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.1

    NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Eight 1.2

    Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Eight 1.1

    IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Seven 1.2

    GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status