NAPATINGIN ako sa paligid na kapwa ko andito sa pinakang ground sa ibaba. Ang itsura niya kasi ay ang mga manonood pataas ang inuupuan nila at parang kamo sasabak sa isang labanan ay oo nga pala survival game pala to!
Patuloy parin ang sigawan ng mga magicians na naririto. Naglakad pa ako palapit sa ibang mga kasali sa laro nakita ko na isinabit nila sa kanang dibdib nila ang numero nila ang dami namin pero mas madami ang nanonood. Required ba na isabit ko rin ang saakin?
“Ouch!” Napatigil ako sa paglalakad at napaharap saakin ang isang magicians. Nawala ang ngiti niya sa muka ng makita ako. Oh no I smell trouble “Oh! Low class?!” Gulat na sabi niya at halatang galit ito saakin. Ano nanaman ang ginawa ko? Dahil sa pinanggalingan ko o dahil bumangga siya saakin? Take note siya ang bumangga saaakin di ako!
“Hindi kaba marunong tumingin sa harapan mo?” Taray na sabi niya saakin na ikinabuga ko naman ng hangin lalo na at narinig sa buong Centra de Enchanted ang sinabi niya. Sinusubukan niya ba ako? At ano bang klaseng majika ang nasapaligid namin?! Diba uso sa kanila ang salitang privacy?!
Mukang nakuha na namin ang attention ng mga magicians na naririto at natahimik ang paligid. Nawala ang mga nagsisigawan at napalitan rin ito ng bulungan “Hindi kaba marunong magsalita? At paanong nakasali ang low class sa Code hero?” Maarte niya muling sabi saakin. Pag ako di nakapagtimpi dito hahagis ko to sa dulo ng Centra de Enchanted
Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya
“Sino siya?”
“Sa soot niya isa siyang low class.”
“Tama ka pero paano siya nakasali? Mahina yan panigurado!”
Nakakailang ikot na ba ang mga mata ko dahil sa mga nakakasalamuha ko ngayon?
“Bingi kaba?! Bakit mo ako—”
“Kung hindi ka naman tanga na maglalakad patalikod habang pakaway kaway sa ibang magicians na akala mo kung sino kang magaling edi sana di ka BUBUNGGO saakin.”
Deretsyo kong sabi na ikinanganga niya. Oh ano siya ngayon? Wag ako matabas ang dila ko lalo na sa mga taong feeling malakas at nakakaangat. Mas lalo namang natahimik sa paligid dahil sa sinabi ko na parang hindi sila makapaniwala sa nagawa kong pagsagot. Ako pa ba? Katanaya ata to!
“Ang kapal ng muka mo.” napatawa ako dahil sa sinabi niya “Excuse me miss hindi ako salamin para pagsalaminan mo okay?” Nakarinig kami ng mga feedback sa paligid dahil sa sinabi ko. Yun ang tinatawag na savage! Hahaha
“You! Isa ka lang low class! Ang kapal ng muka mo para kalabanin ang isang high class?!” Luh high class pala siya? Akala ko middle class lang ang mga palaban at matatapang di pala sabagay high class din ako pero di naman ako kasing arte at matapobre katulad niyan
“So what? Sa larong to walang high class, middle class o low town. Pantay pantay tayong lahat. Nakikita mo yung portal na yun?” Tinuro ko pa ang portal na nasa pinakang unahan at tumingin din sila doon
“Pagpasok natin don hahanapin kita tandaan mo yan,” magsasalita pa sana siya ng pinitik ko ang daliri ko at sa isang iglap lang ay huminto na ang oras kasabay ng paghinto rin ng mga magicians sa paligid.
I'm a past and future teller in short kapangyarihan ko ang oras. Kaya ko tong pahintuin kung gugustuhin ko pero limitado lang. Hindi ko kayang pumunta sa hinaharap dahil hindi ko alam kung paano yun. Lumapit ako doon sa babaeng high class kuno
“High class pala huh?” Hinawakan ko siya at tineleport sa pinakang unahan doon sa may tapat ng mukang mga tagapangasiwa ng labanan na to kasi kakaiba ang soot nila at sila lang ang natatanging nasa maliit na entablado dito.
“High class ka? Papakita natin sa mga tao kung gaaano ka ganda.” natatawang sabi ko at kinuha ang panyong hawak niya, ibinuhos ko ang tubig na nakita kong hawak ng isang magicians na andito, binasa ko ang panyo at pagkatapos ay pinunasan ko ang muka niya tinanggal ko ang make-up niya
“Yan! Perfect ang panget mo pala pag walang make-up tsk.” iling kong sabi. Hinawakan ko naman ang kamay niya at isinuksok sa ilong niya ang daliri niya pagkatapos ay ipinatong ko ang kabilang kamay niya sa ulo niya
“Yan! Sure na ako ngayon na mapapansin ka ng lahat,” pinagpag ko pa ang kamay ko na nadumihan dahil sa kaniya pero napahinto ako ng mapatingin ako sa harapan ng entablado na nasa harap namin.
Nakaupo yung merong dilaw na buhok! Tapos yung itim ang buhok naman ay nasa gitna mukang magsasalita na? Bat namumula yan? Ay pinahinto ko pala ang oras. Nailang ako sa pagkakatingin saakin nung dalawa diko alam kung nagkataon lang ba o ano? Pero feeling ko nanonood sila saakin
Umirap nalang ako sa kanila dahil kung totoong nanonood man sila bahala na yan lalo na sigurado akong malakas sila kasi di sila tinablan ng kapangyarihan ko
Bumulong nalang ako sa hangin para alisin ang memorya nila ng mangyari ang eksena namin ng High class na to. Tatalikod ba sana ako ng matapos kong gawin ang kailangan ko ng makita kong nakangisi ang may dilaw na buhok
Confirm hindi sila sakop ng kapangyarihan ko. “Mautot ka sana kakapigil ng tawa mo,”
Sabi ko doon sa may itim na buhok at nag teleport sa pinakang likod ng lahat na hindi ako mapapansin at pinatakbong muli ang oras
Saktong pag galaw nila ay nagtataka ang lahat at sabay sabay na tumawa ng makita ang ayos ng high class na maarte. Kitang kita ko ang pagkapahiya niya lalo na ng malaman niya na wala siyang make-up at nasa pinakang harapan pa siya
“HAHAHAHA!!”
Napairap ako sa nangingibabaw ang tawa sa harapan. Yung lalaking may itim na buhok ang tanda tanda na feeling bata tsk. Hindi ko naman maintindihan ang paligid dahil ng lumakas ang tawa nung may itim na buhok ay natahimik sila. Sino ba yang dalawang yan?
“Pftt haha—Ehem! Good days magicians!”
Panimula nito at umayos na. Mabuti at wala nang nakakakilala saakin ngayon “Seems like the game is already starting!” Maganang sabi nito na ikinataka ko
“Mayroon na agad isang kasali na nagawang talunin ang isa pa niyang kalaban.”
I knew it! Hindi nga sila tinablan ng kapangyarihan ko sino ba yang dalawang alagad ng Reyna?
Una palang may kakaiba na sa kanila. Nung nasa bayan palang palagi silang may hinahanap at pag nakita ako makikipagtitigan saakin kilala ba nila ako? Alam ba nilang isa akong high class? Pero impossible kasi tauhan sila ng Reyna. Reyna na wala pang nakakakita o kilala dito kahit isa
Nang dahil din sa sinabi ng lalaking yun ay nagbulungan ang paligid at nagtaka kung anong meron lalo na at wala naman silang nasaksihan na kung ano pang laban.
“Sa nagawa niya ay alam kong makakaligtas siya sa lahat ng part ng Code hero,” diretsyong sabi niya saakin na nakatingin sa mga mata ko kahit pa na naka hood ako at nasa sulok ako. I get it hindi sila basta basta kailangan kong alamin kung sino sila at kung kilala nila ako
“Ang Code hero ay nahahati sa tatlong parte. Easy, Medium at Hard. Ang Code hero ay iikot sa iisang lugar, doon nyo lang hahanapin ang Code at kung sino ang makakahanap ng code na yun ay ang siyang magiging hero kaya Code: Hero ang pangalan ng patumpalak na ito.”
Ahh ganon pala ang lame naman. Para saan tong laro? Trip trip lang nila ganon?
“Kapag pumasok kayo sa portal ay limitado lang ang oras o araw nyo sa loob. Sa Easy round ay mga makakasalamuha kayong mga kalaban actually lahat ng rounds syempre hindi namin sisimplehan ang paligsahan na to and since this is a survival round it is required to kill. Sa larong to ay maaring pumatay o mag eliminate ng kalaban lalo na at iisang bagay lang ang hanap nyo hindi naman pwedeng maagawan ka diba?”
Nanlamig ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Oo pwedeng pumatay at lahat kami ng kasali dito ay alam ang bagay na yun lalo na at nakasugal ang buhay namin dito
“Kung nagtataka kayo kung bakit may tatlong rounds syempre ang matitira sa pangalawa at pangatlo ay mas mahirap ang haharapin nila kesa sa easy round. Kaya nga pwede kang mag eliminate ng kalaban para sa susunod na round ay kakaunti nalang kayong maghahanap sa Code.”
Siguro ang gagawin ko nalang ay hanapin ang Code. Pero ano nga ba ang Code? Wala ba manlang clue kung ano yun? Ayokong pumatay kaya hanggat maaari ay iiwas ako sa ibang mga kasali pero kapag napilitan na ako gagawin ko syempre gusto ko pang mabuhay!
“Ang sumali mula sa High Town ay Isang daan at limampu, samantalang sa Middle Town naman ay dalawang daan at apat na siyam at sa Low Town naman ay isa.”
Nagsimula nanaman ang bulungan dahil sa narinig nilang iyon. Tama sinong taga Low Town ang tangang sasali? Ay ako yon. Nakita kong hinahanap nila ako pero hindi ako lalabas dito hanggat hindi ako papasok sa portal na yon
“Syempre hindi namin isinagawa ang larong ito para lang sa wala. Napag usapan naming mga council at mula narin sa utos ng Reyna na isagawa ang laro.” itinuro pa niya ang mga council na nasa harapan mga lima sila pang anim siya. So council pala silang dalawa nung lalaking yun pero based sa soot nila ay taga pamuno sila sa mga mandirigma dito at sa tikas narin ng pangangatawan nila “Ang mananalo ay makikilala sa buong Enchanted bilang isang hero, magkakaroon ng mas magandang buhay at makikilala ang Reyna.”
Napatayo ako ng deretsyo dahil sa hili niyang sinabi. Ang Reyna?! Makikilala nang mananalo? Wow ang swerte niya naman! Sa tingin ko maraming middle class ang sumali dahil narin gusto nilang mas mapaganda ang buhay nila na siyang pinagtataka ko, nasa middle nanga sila gusto pa nila maging high.
Meron talagang mga magicians na hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila. Dapat ang mga pinapalaro dito ay para sa mga kagaya kong Low Class para naman umangat kami oh well andito narin naman ako iaangat ko ang pangalan ng Low Town.
Sisiguraduhin kong hindi na mamatahin ang pinanggalingan ko.
“Katanaya ikaw nalang ang iniintay.” napakurap ako ng marinig ko sa buong Centra de Enchanted ang pangalan ko at pagtingin ko sa harap ay tinatawag na pala ako nung may itim na buhok na yun. Nakangiti pa siya saakin at kita kong lahat sila ay nagtataka kung sino ang kausap niya
Sa sobrang lalim pala ng iniisip ko nakapasok na sila sa portal? Ang dami nun ah! Naglakad ako palabas at nag bulungan nanaman sila ng makita ako lalo na dahil sa soot ko
“siya yung Low Class!”
“Sigurado akong talo na yan!”
“Paanong nakasali ang isang Low Class sa larong yan nagpapakamatay ata siya!”
Sige lang sabihin nyo ang gusto nyong sabihin nakikinig ako. Huminto ako sa harapan ng maliit na entablado na iyon at tinignan isa isa ang mga council na andodoon. Tinandaan ko sila isa isa mangungutang ako joke baka lang magkita kami sa susunod.
Nang dumapo ang mata ko doon sa lalaking may dilaw na buhok ay seryoso parin siyang nakatingin saakin. “Sino ka,” bulong ko sa hangin at sinigurado kong aabot sa kaniya. Napakunot ang noo niya dahil doon
“Importante ba na makilala mo ako Katanaya?” Ako naman ang napakunot ang noo ng sumagot siya saakin. Pareho kaming may air power! “Katanaya!” Nawala ang attention ko sa may dilaw na buhok ng sumigaw ang may itim na buhok. Tumayo ang balahibo ko dahil nakakatakot ang pagtawag niya sa pangalan ko
“Tumatakbo ang oras pumasok kana!” Sigaw niyang muli saakin “Oo na! Ang sungit talaga ng matatanda.” bulong ko at nag teleport sa harap ng portal. Malalaman ko rin kung sino ang dalawang yon.
Yun ay kung makakalabas pa ako ng buhay pagkapasok ko dito. Huminga muna ako ng malalim at pumasok na sa loob. Napapikit ako ng kakaiba ang maramdaman ko ng pumasok ako at namalayan ko nalang na nalalaglag na ang katawan ko.
Wow just great! Talagang nilagay nila ang portal sa langit ang galing! Kinontrol ko ang hangin at pinalutang ko ang sarili ko. Tumingin ako sa baba at may mangilan ngilan akong nakitang kalaban ko na naglilibot sa paligid. Bago pa may nakakita saakin ay binaba ko ang sarili ko sa lugar na wala akong nakitang ibang magicians.
Tahimik ng bumaba ako. Tanging tunog ng dahon lang na naapakan ko ang maririnig at huni ng mga ibon. Maraming puno sa paligid parang nasa gubat lang ako kung saan ako lumaki ang pinagkaibahan nga lang ay dito may mga kalaban ako at mamaya diko alam na pasugod na pala sila
Pinakiramdaman ko ang paligid at kakiba ang nararamdaman ko. Mabigat ang aura diko alam kung dahil ba sa paligsahan yun
“Ayoko na dito! Aatras na ako!” Naalerto ako ng makarinig ako ng sigaw at mabilis na pagtunog ng mga dahon. Palapit iyon ng palapit saakin kaya mabilis ako na nagtago sa likod ng puno
“Ilabas nyo na ako dito! Ayoko na sumali sa larong to! Ayoko na dito sa Peridian!”
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko kung ano sinabi niya tungkol sa lugar na to. “P-peridian?” Gulat kong sabi at nakita ko siyang muling tumakbo habang nagsisisigaw kaya naiwan ako doong magisa.
Totoo ang narinig ko diba? Peridian! Shit!
Mabilis ako lumabas mula sa pagkakatago ko at tumingin sa langit na siyang ikinaatras kong muli.
Ang curse symbol.
Dalawang buwan ang meron dito sa Peridian at meron doong dragon na nagbabantay na siyang kitang kita naman na paikot ikot sa paligid nito na para niya itong mga anak. Iyan mismo ang Peridian Symbol. A curse symbol.
Matatagpuan ang Peridian Symbol sa kabilang dimension ng Enchanted world na kung saan ang lugar na to ay ang lugar kung saan andidito ang LAHAT ng uri ng masasama, nakakatakot, nakakamatay o kung ano pang related sa kamatayan na salita in short pumasok ka sa lugar na wala kang ligtas.
Kaya pala limitado ang oras namin dahil alam nilang hindi kami tatagal kung hindi kami agad mawawala dito. Hindi man kami mamatay dahil sa mga kapwa namin kasali mamamatay naman kami sa mga nilalang na naririto.
Napaangat muli ang tingin ko sa itaas
Tama bang sumali ako dito? Para narin nila kaming sinugal sa masasamang magicians.
HABANG naglalakad ako ngayon at lumilibot sa paligid nitong pinaggaganapan ng paligsahan which is the Peridian, kailangan kong mag doble ingat dahil hindi lang ang mga katunggali ko sa larong to ang kalaban ko kungdi pati narin ang mga nilalang na mayroon dito.Hindi ko kabisado ang Peridian dahil hindi naman ako fully educated about this. Siguro ang mga high class advantage nila ang mga pinag aaralan nila o kung sino mang nakapag aral na sa Academia Enchantria o sa iba pang paaralan dito ang mga kaalaman nila sa PeridianBukod sa alam kong delekado ang lugar na ito ay may isang bagay pa akong alam na alam na sigurado akong maraming mamamatay saamin na mga kasali kapag nangyari yun. Napakuyom ako ng kamao dahil sa naisip ko, isinusugal nila ang buhay namin para lang sa Code na yun!Pero muli kong sinalungat ang naisi
NAPAATRAS ako dahil sa sinabi niya. Paano kung pati sya patayin din ako? Pero naalala ko yung sinabi niya na magkaibigan ang mga magulang namin, hindi ako dapat magpakampante porket magkaibigan ang mga magulang namin dahil sa kaniya narin mismo nanggaling kanina na maraming naiinggit sa pamilya namin. Ang tanong totoo bang may koneksyon kami sa Reyna?“Katanaya...Ikaw ang anak nila Mr. at Mrs. Sandoval hindi ba?”Muli akong napakurap dahil sa tinanong niya. Nakikita ko sa muka niya ang pagkagulat at pagtataka habang ako ay hindi alam ang gagawin. “Katanaya...” Muli nanaman akong papaatras this time ay umiiling na ako sa kaniya. “H-hindi...Hindi ko kilala ang sinasabi mo.”Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad “Katanaya sandali! Alam kong nag aalinlangan ka na sabihin saakin ang totoo lalo na at sinabi ko sayo na maraming humahanap sa pamilya nyo.”Hind
“Ang bagal mo.” napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya “Oo aaminin ko na natalo mo ako sa labanan natin kanina pero itong kasama mo? Mahina pala.” Lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Hindi ko nabantayan ng maayos si Nicole kaya ngayon ay hawak na sya ng lalaking hindi ko kilala.“Bitawan mo sya kung ayaw mong mawala sa larong to.” Malamig kong sabi “Wow! Pananakot ba yan? Sige sabihin na nating natatakot ako.”Nang dahil sa sinabi niya na iyon ay hindi ko na pintagal pa at itinaas ko ang kamay ko at pinigilan ang pahinga niya. “A-ack! A-anong.” Nahihirapan niyang sabi ngunit ako ay nilalamon na ng galit sa ginawa niyang pagbihag sa kaibigan ko.“Hindi ba binalaan na kita. Bakit hindi ka nakikinig?” Unti unti ko syang pinalapit saakin gamit parin ang hangin kong kapangyarihan “Ang ayoko sa lahat pati ang taong i
HINANDA ko ang sarili ko para sa pag labas ng kalaban ko. Nang matapos ang pag-ulan ng mga metal ay inalis ko na ang barrier na nakapalibot saamin.“Magaling!” Mahigpit ko pa lalong kinapitan ang kamay ni Nicole dahil lumabas na ang isang lalaki na sa itsura palang ay alam ko ng balak kami nitong patayin. “Bakit mag-kasama kayo? Hindi ba dapat patayin nyo ang isa't-isa.” Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon“Hindi porket makakakitaka ng kapwa mo magicians ay kailangan mo ng patayin.” Napataas naman ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi ko “Naririnig mo ba ang sinasabi mo babae? Malinaw ang sabi ng council kanina na kailangang pumatay para ikaw ang makakuha ng Code.” Napairap ako dahil doon sa sinabi niya“That's a shit! Talagang maniniwala ka don sa lalaking may itim na buhok? Magagawa mong makapatay ng kapwa mo magicians para lang manalo?!&rdq
"NICOLE!!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa paligid dahil hinahanap ko sya pero kanina ko parin sya hindi makita-kita"Nasaan kana ba Nicole?" Nagpatuloy ako sa paghahanap ang kaso ay napahinto ako ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Ano to?"Argh!" Napaluhod ako ng makaramdam ako ng pagkahirap sa paghinga. T-teka wag mo sabihing may lason ang metal na pintama saakin ng lalaking yun?Tinignan ko ang sugat ko "Shit! Hindi pwede to!" Nakita ko na nangingitim na ang sugat ko sa braso ko tama ako may lason nga ang metal na yun ang masama lang ay ang kalagayan ko dahil masama ito. Kumakalat ang lason sa katawan ko wala pa naman akong healing power.Kailangan ko pang hanapin si Nicole dahil baka mapahamak sya. Kahit na masakit ang sugat ko ay tumayo parin ako at pinilit na maglakad."N-nicole!" Sigaw kong muli pero wala pang sumasagot saakin. Nararamdaman ko na ang malalamig na pawis n
"Nicole ikaw na muna ang mag ayos ng magsisilbing natin para hindi tayo masikatan ng liwanag ng buwan, ako titingin tingin pa ako sa paligid ng pwede nating magamit malay mo may makita pa ako katulad niyan isa sa mga puno dito"Napatingin saakin si Nicole dahil sa sinabi ko "Katanaya wag ka nang umalis baka mapano ka habang wala ka sa tabi ko. Natatakot din ako" Nginitian ko naman sya para masiguro niya na ayos lang ang lahat "Wag kang mag alala Nicole dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka at ang may mangyaring masama saakin okay?"Nakita ko pa ang pag aalala sa muka niya at pag aalinlangan ito na pumayag "Nicole I'm okay don't worry" paninigurado ko pa dito na ikinabuntong hininga naman niya "Osige basta balik ka agad ah! Kapag matagal kang nawala hahanapin kita!"Napail
"KATANAYA...""Katanaya...""Katanaya tulungan mo ako.."Nicole...'Wag kang aalis dito okay? Babalik din ako agad'"NICOLE!!"Agad akong napabangon mula sa aking pagkakatulog teka pagkakatulog? Si Nicole!"Gising kana pala"Napatingin ako sa nagsalita at doon ay nakita ko ang lalaking mayroong abo na buhok paano to napunta dito?Natigilan ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi! GABI?! Umaga na ngayon kagabi pa nawawala si Nicole!"Nasaan si Nicole?! Nasaan ang kaibigan ko?!" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya "Nasaan ang kaibigan ko?!" Naiiyak na ako dahil sa mga naaalala ko"Hindi mo ba naaalala? Wala na ang kaibigan mo" Mabilis naman akong umiling dahil sa sinabi niya. Hindi pa patay ang kaibigan ko! "Hindi ako naniniwala sayo! Buhay pa si Nicole buhay pa ang kaibigan ko!"
Napaseryoso ako dahil nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang nanggagaling sa kaniya. Tama isa nga syang High Class. Mahihirapan ako dito panigurado. Mabilis syang tumakbo palapit saakin kaya wala akong nagawa kungdi ang tumakbo palayo sa kaniya habang binabato niya ang apoy niya na syang iniiwasan ko.Like hello napapalibutan sya ng apoy tsk. "Wag kang tumakbo!" Sigaw niya saakin "Hindi ako tanga katulad mo! Marunong akong mag isip!" Balik kong sigaw sa kaniya binato ko sya ng Air ball pero ang loka nakangisi lang saakin at inilagan iyon.Hindi talaga simpleng kalaban tong babaeng to. Muli akong humarap sa aking harapan at nag seryoso na, kailangan kong makaisip ng paraan para matalo sya.Agad akong napayuko ng muntik na niya akong matamaan ng apoy niyang kapangyarihan pero hindi ko nailagan ang muli niyang pagbato saakin. Kaya napatalsik ako sa puno doon"Argh!" Nag pagulong gulong ako sa lupa at dahan dahan a
ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace
Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&
Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb
NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto
“T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong
NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya
Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu
IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na
GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n