"KATANAYA..."
"Katanaya..."
"Katanaya tulungan mo ako.."
Nicole...
'Wag kang aalis dito okay? Babalik din ako agad'
"NICOLE!!"
Agad akong napabangon mula sa aking pagkakatulog teka pagkakatulog? Si Nicole!
"Gising kana pala"
Napatingin ako sa nagsalita at doon ay nakita ko ang lalaking mayroong abo na buhok paano to napunta dito?
Natigilan ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi! GABI?! Umaga na ngayon kagabi pa nawawala si Nicole!
"Nasaan si Nicole?! Nasaan ang kaibigan ko?!" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya "Nasaan ang kaibigan ko?!" Naiiyak na ako dahil sa mga naaalala ko
"Hindi mo ba naaalala? Wala na ang kaibigan mo" Mabilis naman akong umiling dahil sa sinabi niya. Hindi pa patay ang kaibigan ko! "Hindi ako naniniwala sayo! Buhay pa si Nicole buhay pa ang kaibigan ko!"
Napatingin ako sa paligid at maliwanag na dito, siguro naman ay makikita ko na sya agad dahil sa liwanag ng paligid. Humakbang na ako paaalis sa lugar na yun ng bigla nanaman niya akong pinigilan
"Saan ka pupunta?! Mapanganib kapag ikaw lang ang mag isa" Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya nakikita ko ang concern sa muka niya pero nababalot ng sakit ang puso ko lalo na sa mga nangyayari ngayon.
"Tanga ka ba?" Nasabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya "What?"
"Ang sabi ko tanga ka ba?! Baka nakakalimutan mo na mag kalaban tayo?! At kahit saan ka mapunta sa lugar na to ay mapapahamak ka talaga dahil nasa CODE hero tayo na nagaganap sa Peridian"
"Hindi ako tanga nag aalala lang ako sayo" Napatawa ako dahil sa sinabi niya yung tawang may pangungutya at sakit "Wag mo akong patawanin kung sino ka man. Pwede ba hayaan mo na ako di tayo mag kaano-ano"
Muli akong tumalikod sa kaniya pero muli nanaman niya akong pinigilan "Wag ka sabing—"
"Hindi ba sinabi ko ng hayaan mo ako?!" Humarap ako sa kaniya at sunod sunod na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan "Nang dahil sayo nawala ang kaibigan ko! Nang dahil sa pagliligtas ko sa buhay mo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Si Nicole lang ang kaisa-isang taong naging kaibigan ko sya nalang ang meron ako pero wala na sya"
Buong lakas na sigaw ko sa kaniya habang sya naman ay natigilan dahil sa mga sinabi kong iyon nakatingin lamang sya saakin habang sunod sunod na tumutulo ang luha ko.
Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisnge at tinignan sya ng deretsyo sa mga mata.
"Tandaan mo to, kapag nagtagpo ulit ang landas nating dalawa patayin mo na ako dahil kung hindi mo yun gagawin ako ang papatay sayo. Tandaan mo na nasa laro tayong dalawa"
Isang kisap mata ko lang ay naglaho ako sa harap niya dahil nag teleport na ako sa kung saan pa man. Napaluhod ako sa damuhan at doon nang iiiyak. Ang sakit! Ang sakit sakit! Kakikilala pa lang namin ni Nicole walang pang isang buong maghapon nang magkasama kami pero ngayon napabayaan ko na sya. Nangako ako pero ako ang nagpabaya
Kailangan kong mahanap si Nicole sigurado ako na hindi pa sya patay. Sabi niya hindi sya aalis doon at hindi sya pupunta sa sinag ng buwan.
Kinalma ko ang sarili ko at tumayo. Tumingin ako sa paligid at puro puno lang ang nakikita ko. Paano ko ba sya mahahanap?
Tama! Gamit ang hangin kong kapangyarihan naalala ko na sinabi niya saakin na hangin ang nagdala sa kaniya papunta sa kinalalagyan ko ng malason ako. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid,
Nang kalma na ako ay nag concentrate ako at bumulong sa hangin "Nasaan kana Nicole?" Patuloy parin akong nakapikit at pilit na hinahanap si Nicole. Pinapakiramdaman ko sya sa pamamagitan ng hangin
"Nasaan kana Nicole?!" Napalakas ang sigaw ko kasabay ng paglakas ng hangin sa paligid. Napadilat ako ng wala akong maramdamang Nicole sa Peridian naiiyak na ako dahil hindi ko sya matagpuan.
Muli akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid. "Nicole!" sumigaw akong muli at hinanap sya pero wala talaga. Doon na tumulo ang masagana kong luha. Hindi ako pwedeng tumigil sa paghahanap kay Nicole dahil alam kong buhay pa sya. Hindi niya ako iiwan.
"Tama ang Goddess of Air! Sigurado akong matutulungan niya ako."
Muli akong pumikit at pumunta sa lugar kung saan alam kong andon ang Goddess of Air.
Maya maya ay napadilat ako at nasa lugar ako kung saan ay mayroong masasaganang puno at mga halaman sa madalimg salita ay para akong nasa paraiso.
"Goddess of Air!" Tumakbo ako sa paligid habang tinatawag sya. "Goddess of Air!" muli kong sigaw at kung saan saan nag teleport para makita sya pero wala parin.
Napatingin ako sa paligid at wala akong ibang makita kungdi ang mga puno at magagandang halaman. Tahimik ang lugar at sariwa ag hangin habang maaliwalas naman ang kalangitan.
"Goddess of Air!" Umiiyak ko ng sabi dahil nawawalan na ako ng pag asa na makita si Nicole. Ang Goddess of Air ang syang kailangan ko para makita si Nicole.
Muli akong tumakbo sa paligid habang umiiyak at tinatawag ang diwata. Sigurado akong mag kakonektado na kami ng diwata dahil nagagawa ko ng gamitin ang hangin sa paghahanap sa ibang tao at ito rin ang tumulong saakin ng muntik na akong mamatay.
Pero bakit hindi sya nagpapakita saakin?! Napaupo ako sa lupa at kasabay non ay ang pagbabalik ko sa Peridian. Iyak lang ako ng iyak habang nakayuko sa lupa.
"N-nicole..."
"I see sayo galing ang kapangyarihan na yon"
Natigilan ako sa pag iyak at napalingon sa likod ko. Agad akong napatayo at pinunasan ang luha ko't humarap sa babaeng bagong dating. Kilala ko to sya yung babaeng nang mata saakin at pinahiya ko sa lahat.
"Based sa soot mo ikaw ang nag iisang Low Class pero may hangin kang kapangyarihan? Hmm... Interesting"
Nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa kaniya. Hindi parin sya nagbabago sabay ugali niya talaga yon.
"Alam mo bang may tatlo na akong napatay?" Sa narinig ko ay agad na nag init ang dugo ko at napakuyom ako ng kamao lalo na at nawawala si Nicole. "At sa tingin ko na ang pang-apat" napabuga ako ng hangin dahil sa sinabing niyang yon ang kapal ng muka!
"Sabagay isa palang napapatay ko ngayon kahapon pa ang dalawa pwede ka nang pag praktisan" Hinayaan ko kang sya sa pagsasalita at hindi ako sumabat. Hahayaan ko muna syang mangarap ng gising, wag niya akong galitin lalo na ngayon na hindi maganda ang gising ko.
"Ano wala ka bang dila?! Bakit hindi ka nag sasalita" Hindi parin ako sumagot sa kaniya "Ah! Alam ko na, natatakot kana ano? Sabagay dapat lang na matakot ka dahil isa akong High Class at Low Class ka lang" napairap ako dahil sa sinabi niya. Talagang malaki ang pangungutya nila sa Low Class.
"Pwede ba sumagot ka!" Galit na niyang sigaw saakin ng hindi ako sumagot kaya napatawa ako sa kaniya "Anong nakakatawa?!" Sigaw nanaman niya saakin
"Ikaw. Yung muka mo nakakatawa Hahaha"
Nakita ko ang pamumula ng muka niya dahil sa sinabi ko. Pikon talaga tong isang to tsk. At gaya ng inaasahan ko ay bigla syang sumugod saakin at inilabas niya ang kapangyarihan niyang apoy pero bago pa niya ako matamaan ay nag teleport at sa di kalayuan sa kaniya.
Nagulat sya ng nawala ako at napatingin sa gawi ko "Huh! May Teleportation ka palang ability! Isa kaba talagang Low Class?!" Napangisi ako dahil sa tanong niya "Ano sa tingin mo High Class?" Hindi ko alam pero lalo syang nagalit sa sinabi ko ang pikunin tsk.
Tumakbo sya palapit saakin at nilabanan ako ng mano mano. Sinalag ko lang ang mga suntok niya sa pamamagitan ng mga braso ko. Susuntukin niya sana ako sa tyan ng harangan ko sya kaya napaatras sya.
Hindi sya sumuko at paa naman niya ang ginamit niya saakin. Agad kong sinalo ang paa niya at mahigpit iyong hinawakan at iniikot ko sya na ikinabagsak niya ng malakas sa lupa.
"Argh!" Daing niya habang ako ay tinignan lang sya ng seryoso "P-pagbabayaran mo to!"
"Sige magkano ba?" Lalo syang nainis sa sinabi ko at nagulat ako ng maglabas sya ng usok sa kamay niya pareho sila ni Nicole! Teka may apoy na syang kapangyarihan so ibig sabihin ability niya to?
Kung ability niya ang usok na to ay malamang na ability lang din ni Nicole ang usok na yun. Ang tanong anong kapangyarihan niya?
Muling nabalik ang attention ko sa kalaban ko ng makita kong papalapit na saakin ang usok pero pinahanginan ko lang iyon at kusa itong bumalik sa kaniya na syang ikinalaki ng mata nito at agad na gumulong palayo doon.
Tanga talaga alam naman na hangin ang kapangyarihan ko tsk. "Ikaw!" Galit na sabi niya "Ano? High Class ka diba? Ipakita mo naman tsk" mukang nagalit ko sya nang husto dahil biglang nagapoy ang katawan niya. Literal na napapalibutan sya ng apoy pero syempre di naman nasusunog ang damit niya.
Nag aapoy ang mga matang nakatingin saakin. Iniangat niya ang kamay niyang may apoy. "Ngayon mag sisimula na ang totoong laban"
Napaseryoso ako dahil nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang nanggagaling sa kaniya. Tama isa nga syang High Class. Mahihirapan ako dito panigurado. Mabilis syang tumakbo palapit saakin kaya wala akong nagawa kungdi ang tumakbo palayo sa kaniya habang binabato niya ang apoy niya na syang iniiwasan ko.Like hello napapalibutan sya ng apoy tsk. "Wag kang tumakbo!" Sigaw niya saakin "Hindi ako tanga katulad mo! Marunong akong mag isip!" Balik kong sigaw sa kaniya binato ko sya ng Air ball pero ang loka nakangisi lang saakin at inilagan iyon.Hindi talaga simpleng kalaban tong babaeng to. Muli akong humarap sa aking harapan at nag seryoso na, kailangan kong makaisip ng paraan para matalo sya.Agad akong napayuko ng muntik na niya akong matamaan ng apoy niyang kapangyarihan pero hindi ko nailagan ang muli niyang pagbato saakin. Kaya napatalsik ako sa puno doon"Argh!" Nag pagulong gulong ako sa lupa at dahan dahan a
KAHIT nahihirapan ay tumayo ako at pagkatapos ay nag teleport kung saan ko nakita ang babaeng hinahabol ng halimaw."Wag kang tumakbo!" Sigaw ko na ikinatingin saakin ng babaeng tumatakbo na takot na takot "Sino ka?! Tulungan mo ako!" Sigaw niya pabalik saakin "Wag kang tumakbo! The more na gumalaw ka nararamdaman ka niya! Ang halimaw na yan ay walang nakikita. Wag ka ding iimik akong bahala"Patuloy paring tumatakbo yung babae pero maya maya ay huminto din ito.' Wag kang gagawa ng ingay 'Bulong ko sa kaniya sa hangin lamang upang hindi marinig ng halimaw na andidito. Nakapatay na ako ng halimaw na to, hindi ko alam ang tawag sa kaniya pero alam ko na ang kahinaan at mga kalakasan niya at sa ginagawa nung babae ay talagang mamamatay sya.Ang itsura niya ay para syang isang palaka yung itsura lang pero yung mga paa at kamay hindi. Parang mag Leon. Ang weird nga eh pero kakaiba
Ano yun? May naririnig akong mga bulong na ewan. Hindi sya malinaw sa tenga ko pero sigurado akong may bumubulong talaga. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko sa paligid lang yung bulong na yunInilibot ko ang paningin ko sa paligid"Katanaya?"Napatingin ako kay Pia ng tawagin niya ako."Hindi mo ba—"'wag mong sabihin'Natigilan ako dahil sa narinig ko na yun at muling napatingin sa paligid. Hindi parin tumitigil ang mga bulong na yun pero sigurado akong malinaw ang narinig ko na wag sabihin."Katanaya?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Pia na nagtataka "Ha?" Tanong ko dito "Ano bang nangyayari sayo?" Napakurap ako sa tanong niya at muling napatingin sa paligid at mayroon paring bumubulong"W-wala tara na" nagsimula na akong naglakad at hinayaan ko nalang ang bumubulong nayun "Ayos ka lang ba Katanaya?"
"AYOS ka lang ba Pia?" Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang shock sa kaniya at nakatingin parin doon sa pwesto ng namatay na lalaki kanina.Pagkatapos patayin nung dragon yung lalaki ay umalis na ito at naglaho narin yung lalaki na parang bula "Pia..." Tawag kong muli sa kaniya pero tulala parin ito kaya napabuntong hininga nalang ako at nagteleport kasama sya sa pwesto namin"Maupo kana muna Pia" inalalayan ko pa syang maupo at tulala parin ito. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya basta ang alam ko nasa shock parin sya sana bumalik na sya sa katinuanHinayaan ko nalang muna sya at inayos ang mga pagkain na naroroon dahil nagulo iyon dahil sa lalaking Middle Class na yun. Ano kaya ang susunod na mangyayari saamin? Ano ang mangyayari bukas? Paano ko ba mahahanap ang Code gayong wala naman akong clue?At yung bulong kanina anong ibig sabihin nun? Bakit ayaw niyang ipaalam ko kay Pia na naririnig ko sya? At b
"Nakikita mo yan?! Ikaw ang may kasalanan niyan! Kung nagpapatay kana sa dragon na yan edi sana hindi kakalabanin nina Crisha at Third ang dragon!" Iniharap ako ni Pia doon sa babae at lalaki na nakikipaglabanSinubukan kong muling magsalita pero hindi ko parin mahanap ang boses ko kaya iyak nanaman ang nagawa ko. Hindi ako makakilos nagmistulang tuod ang katawan ko."Kung ayaw mong lumapit sa dragon puwes ako ang magdadala sayo sa dragon na yun"Nakita ko na nagpalabas sya ng usok sa kaniyang kamay at unti unti itong lumapit sa leeg ko hanggang sa hindi na ako makahinga lalo na at pinalutang niya ako sa ere gamit iyon.Napahawak nalang ako sa leeg ko. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, hindi ko alam kung bakit. Nanghihina ang katawan ko. Ang luhang pumapatak saakin ay dahil sa nalaman ko at dahil hindi ko magawang makatulong sa kanila at mas lalong mailigtas ang sarili koUnti unti niya akong inilapit papunta sa kinalalagyan
"KYAHHHH!!!"Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na sigawan sa paligid. Unti unti kong idinilat ang aking mata at nakita ko ang punong punong tao sa Centra de Enchanted—teka Centra de Enchanted?!Agad akong napatayo dahil doon pero napangiwi ako ng makaramdam ako ng konting sakit sa katawan ngunit hindi na ganon kalala. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at doon ay muli ko nanamang nakita ang maraming mamamayan ng Enchanted world. Paano ako—mali kami paano kami napunta uli dito?Nakita ko na andito rin ang ibang kagaya ko na kasali sa laro at kapwa nagtataka sa nasasaksihan. May ibang tuwang tuwa dahil nakalabas na sila sa masamang lugar na iyon ang iba ay di talaga makapaniwala.Ang naaalala ko ay nalalaglag ako sa himpapawid? Tapos may sumalo saakin si Third. Sya yung lalaking kinaiinisan ko pero ang tanong bakit wala na kami sa Peridian? Andito na ako ngayon sa pinakang sulok sa kinala
Napangiwi ako ng ngumisi sya saamin. Alam kong tinatakot niya lang kamo pero wag ako tsk. "OH! I remember something! Para kay Katanaya" napatayo ako ng maayos ng banggitin niya ang pangalan ko. Muling natahimik ang paligid pero hinahanap kung nasaan ako. Yeah kilala na ako ng lahat ang galing sabagay kaisa-isang low class eh."Hindi mo na kailangang umuwi dahil mayroon ka nang bahay dito sa High Town"Natigilan ako dahil sa sinabi niya seryoso ba sya?! Bahay sa High Class pa talaga?! "Bilang kaisa-isang matapang na Low Class na sumali at ibinuhis ang buhay sa larong ito ay binibigyan ka naming mga council ng magandang buhay Katanaya"Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa sinabi niya parang ipinaparating niya na hindi ko rin magagamit ang bahay nayun dahil sa larong to. Na mamamatay din ako sa Second round ipapakita ko sa kanilang hindi ako basta basta."Yun lang at maaari na kayong bumalik sa bahay ninyo!" Nagsig
"So Lady Katanaya maniniwala kana ba saakin?" Nakangiti niya paring tanong kaya kusa na akong napatango dahil sa hindi ako makapaniwala! Mayroong anak si butler Jericho! "Alam kong marami kang tanong sa isip mo Lady kaya sa tingin ko kailangan na nating pumunta sa bahay mo para doon nalang tayo mag usap" katulad kanila ay tumango nalang ako dahil sa hindi ako makapaniwala, sya ang nag guide sa lugar na pupuntahan naminSino bang hindi magugulat gayong nasaharapan ko ang anak ng butler namin dati! At ngayon ay butler ko narin! Paano? Dahil sa pagkakatanda ko ay walang pinakilalang anak saamin si butler Jericho wait! Naalala ko may sinabi syang may anak na sya, sinabi niya saakin na balang araw ay makikilala at makakasama ko sya.Napatingin ako kay Irene na masayang nag kukwento saakin habang naglalakad kami. Magkaiba sila ng ugali ng Papa niya dahil tahimik lang si butler Jericho samantalang ako lagi ang dumadaldal sa kaniya. Itinuturing narin niya ako
ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace
Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&
Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb
NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto
“T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong
NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya
Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu
IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na
GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n