"Nakikita mo yan?! Ikaw ang may kasalanan niyan! Kung nagpapatay kana sa dragon na yan edi sana hindi kakalabanin nina Crisha at Third ang dragon!" Iniharap ako ni Pia doon sa babae at lalaki na nakikipaglaban
Sinubukan kong muling magsalita pero hindi ko parin mahanap ang boses ko kaya iyak nanaman ang nagawa ko. Hindi ako makakilos nagmistulang tuod ang katawan ko.
"Kung ayaw mong lumapit sa dragon puwes ako ang magdadala sayo sa dragon na yun"
Nakita ko na nagpalabas sya ng usok sa kaniyang kamay at unti unti itong lumapit sa leeg ko hanggang sa hindi na ako makahinga lalo na at pinalutang niya ako sa ere gamit iyon.
Napahawak nalang ako sa leeg ko. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, hindi ko alam kung bakit. Nanghihina ang katawan ko. Ang luhang pumapatak saakin ay dahil sa nalaman ko at dahil hindi ko magawang makatulong sa kanila at mas lalong mailigtas ang sarili ko
Unti unti niya akong inilapit papunta sa kinalalagyan
"KYAHHHH!!!"Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na sigawan sa paligid. Unti unti kong idinilat ang aking mata at nakita ko ang punong punong tao sa Centra de Enchanted—teka Centra de Enchanted?!Agad akong napatayo dahil doon pero napangiwi ako ng makaramdam ako ng konting sakit sa katawan ngunit hindi na ganon kalala. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at doon ay muli ko nanamang nakita ang maraming mamamayan ng Enchanted world. Paano ako—mali kami paano kami napunta uli dito?Nakita ko na andito rin ang ibang kagaya ko na kasali sa laro at kapwa nagtataka sa nasasaksihan. May ibang tuwang tuwa dahil nakalabas na sila sa masamang lugar na iyon ang iba ay di talaga makapaniwala.Ang naaalala ko ay nalalaglag ako sa himpapawid? Tapos may sumalo saakin si Third. Sya yung lalaking kinaiinisan ko pero ang tanong bakit wala na kami sa Peridian? Andito na ako ngayon sa pinakang sulok sa kinala
Napangiwi ako ng ngumisi sya saamin. Alam kong tinatakot niya lang kamo pero wag ako tsk. "OH! I remember something! Para kay Katanaya" napatayo ako ng maayos ng banggitin niya ang pangalan ko. Muling natahimik ang paligid pero hinahanap kung nasaan ako. Yeah kilala na ako ng lahat ang galing sabagay kaisa-isang low class eh."Hindi mo na kailangang umuwi dahil mayroon ka nang bahay dito sa High Town"Natigilan ako dahil sa sinabi niya seryoso ba sya?! Bahay sa High Class pa talaga?! "Bilang kaisa-isang matapang na Low Class na sumali at ibinuhis ang buhay sa larong ito ay binibigyan ka naming mga council ng magandang buhay Katanaya"Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa sinabi niya parang ipinaparating niya na hindi ko rin magagamit ang bahay nayun dahil sa larong to. Na mamamatay din ako sa Second round ipapakita ko sa kanilang hindi ako basta basta."Yun lang at maaari na kayong bumalik sa bahay ninyo!" Nagsig
"So Lady Katanaya maniniwala kana ba saakin?" Nakangiti niya paring tanong kaya kusa na akong napatango dahil sa hindi ako makapaniwala! Mayroong anak si butler Jericho! "Alam kong marami kang tanong sa isip mo Lady kaya sa tingin ko kailangan na nating pumunta sa bahay mo para doon nalang tayo mag usap" katulad kanila ay tumango nalang ako dahil sa hindi ako makapaniwala, sya ang nag guide sa lugar na pupuntahan naminSino bang hindi magugulat gayong nasaharapan ko ang anak ng butler namin dati! At ngayon ay butler ko narin! Paano? Dahil sa pagkakatanda ko ay walang pinakilalang anak saamin si butler Jericho wait! Naalala ko may sinabi syang may anak na sya, sinabi niya saakin na balang araw ay makikilala at makakasama ko sya.Napatingin ako kay Irene na masayang nag kukwento saakin habang naglalakad kami. Magkaiba sila ng ugali ng Papa niya dahil tahimik lang si butler Jericho samantalang ako lagi ang dumadaldal sa kaniya. Itinuturing narin niya ako
"HALIKA libutin muna natin ang bahay" tumango ako kay Irene at naglakad kami papasok sa loob. Maraming larawan ang nasa paligid. Paano kapag may ibang taong pumunta dito at malaman nila na isa akong Sandoval?"Irene, paano kapag may ibang taong maka'alam na sandoval ako?" Napatingin sya saakin dahil sa tanong ko "Malaking problema kapag nagkataon Lady Katanaya"Napangiwi ako sa tinawag niya dahil masyado itong mahaba "Lady nalang o Katanaya ang itawag mo saakin ang haba masyado eh""Sige Lady, pero sa tanong nyo kung ang taong makakaalam ng pagkatao mo ay hindi mapapagkatiwalaan dapat mo na syang patayin" napatingin ako ng deretsyo sa mata niya "Libre ba ang pumatay dito?" Napatawa naman sya sa sinabi ko, anong nakakatawa don?"Lady, maraming tinatagong sikreto sa buhay. Hindi mo alam ang nakakasalamuha mo pala marami ng napatay. Syempre bawal pumatay kung malalaman ng marami pero pwedeng puma
Napakamot nalang ako sa batok ko "Sige. Pero ang dahilan ay dahil sigurado akong kilala nila ako. Nararamdaman ko" napaseryoso naman sya dahil sa sinabi ko "Maaring kapag may nalaman ka ay ikapahamak mo Lady K" huminga ako ng malalim sa sinabi niya "Alam ko yun Irene ako ng bahala sa bagay na'yon""Sige Lady K aakyat na muna ako sa kwarto ko para masimulan ang inuutos nyo. Mamayang gabi ay handa na ang impormasyon" umalis na ito sa harap at umakyat sa taas. Saktong sakto lang ang gabi dahil magsisimula ako agad.Umakyat nalang din muna ako sa taas para makaligo at makapagpalit ng sosootin ko. Pagbukas ko ng kwarto kong itinuro ni Irene ay ito parin ang kwarto ko noon walang pagbabago. Bago pa ako lamunin ng pag babalik tanaw ko ay pumasok na ako sa banyo at inihanda ang bathtub para doon mamalagi at mag isipNakahiga lang ako ngayon sa bathtub at pinag-iisipan ko ang magiging galaw ko mamayang gabi. Kailangan kong maging maing
PAGTAPAK ko palang sa pinakang pintuan niyo'ng secret room ay napahinto na ako at mayroong mga taong sumalubong saakin. Si Mama at Papa pero isa lamang silang Hologram"Natutuwa kaming makita kang muli Katanaya" sabi ni Mama kaya hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. "Alam kong kapag nakabalik kana dito ay malamang na malaki kana Katanaya, Unang-una wag mong iisipin na kasalanan mo ang lahat nang mga nangyari dahil walang may ginusto nito" nakangiting sabi ni Mama"Tama ang mama mo, sadyang biktima lamang tayo ng maling pagkakataon at panahon" si Papa naman ang nagsalita kaya lumapit ako sa kanilang dalawa at sinubukan na hawakan ang kanilang muka ngunit tumagos lamang ang aking kamay.Tama ako, hologram nga at tagos-tagusan din ang tingin nila saaking dalawa. Gaya nang nasabi saakin ni Nicole na mayroong nagpakita sa kanilang hologram.Napatakip na lamang ako ng bibig ko at t
NANDITO ako nagyon sa kwarto ko actually kanina pa. Pagkatapos kong makausap si Tec-Ni at matapos niyang sabihin saakin ang tungkol sa digmaan ay umalis na ako doon dahil sabi niya hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya saakin kung ano at bakit mayrong digmaan gayong wala pa namang nagaganap na digman dito sa Enchanted World kaya kinakabahan ako.Pero kailangan kong maging matatag at mas maingat sa mga gagawin ko lalo na at nalaman ko na magkakaroon ng digmaan. Tama! Sila Keir at Austin tauhan sila ng Reyna kaya sigurado akong madadala nila ako sa Reyna o di kaya ay may makukuha ako sa kanilang impormasyon tungkol sa digmaan.Sa gitna nang pagiisip ko ay may kumatok sa pinto ko kaya napaupo ako "Bukas yan!"Sigaw ko at bumukas iyon, napababa ako sa higaan ng makita ko di Irene mula doon"Irene! May nakuha kabang impormasyon?""Mayroon Lady K " napatango ako sa kaniya at hinila siya "Halika pumunta tayo sa secre
"LADY K ito na po gamutin na natin sugat mo" napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Irene kaya umayos na ako ng upo sa sofa para malinisan ang LADY K"Anong nangyari Lady K?" Napabuntong hininga muna ako sa tanong ni Irene bago sumagot "Nahuli ako ni Austin Irene" nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko "Nahuli?! Mabuti at buhay pa kayo?!" Napatawa ako sa reaction niya na iyon"Tama ka mabuti at buhay pa ako Irene. Nag lilibo't lang ako sa bahay nila at napunta ako sa library doon nang may makita akong nagliliwanag na isang bagay sa dulo ng shelf" napahinto naman siya sa paglilinis ng sugat ko "Nagliliwanag? Ano naman yun?" Nagkibi't balikat lang din ako sa tanong niya dahil maging ako ay hindi ko alam."Bago ko pa man mapuntahan iyon ay naramdaman ko na mayroong ibang tao doon bukod saakin. Noong una akong dumating doon wala talaga pero nagulat ako ng biglang magkaroon!""Sabi ko naman sa inyo Lady K hindi basta basta ang
ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace
Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&
Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb
NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto
“T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong
NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya
Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu
IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na
GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n