KAHIT nahihirapan ay tumayo ako at pagkatapos ay nag teleport kung saan ko nakita ang babaeng hinahabol ng halimaw.
"Wag kang tumakbo!" Sigaw ko na ikinatingin saakin ng babaeng tumatakbo na takot na takot "Sino ka?! Tulungan mo ako!" Sigaw niya pabalik saakin "Wag kang tumakbo! The more na gumalaw ka nararamdaman ka niya! Ang halimaw na yan ay walang nakikita. Wag ka ding iimik akong bahala"
Patuloy paring tumatakbo yung babae pero maya maya ay huminto din ito.
' Wag kang gagawa ng ingay '
Bulong ko sa kaniya sa hangin lamang upang hindi marinig ng halimaw na andidito. Nakapatay na ako ng halimaw na to, hindi ko alam ang tawag sa kaniya pero alam ko na ang kahinaan at mga kalakasan niya at sa ginagawa nung babae ay talagang mamamatay sya.
Ang itsura niya ay para syang isang palaka yung itsura lang pero yung mga paa at kamay hindi. Parang mag Leon. Ang weird nga eh pero kakaiba talaga ang mga halimaw dito.
Bulag ang halimaw na yan at ang pakiramdam at pandinig lang niya ang ginagamit niya para malaman niya kung nasaan ang biktima niya. Noong una ko syang makalaban katulad ng babae na to ay ganon din ang reaction ko. Takbo ako ng takbo hanggang sa mahabol niya ako pero di naman ako naputuhan.
Ginamit ko ang air power ko at pinalutang ko ang sarili ko. Naka hinto lang yung babae at nakatingin sa halimaw na nasa harap niya na tila hinahanap ang biktima niya. Nag lakad na ito papalapit doon sa babae samantalang ako naman ay gumagawa na ng isang malakas na air ball dahil sigurado akong malakas ang halimaw nato di gaya ng halimaw na nasa gubat ng Low Class.
Kung hindi ako nagkakamali ang mga halimaw na nasa Enchanted World ay mahihina pa, mas doble ang lakas nila kapag andito sila sa Peridian kaya alam kong mahihirapan ako.
Nakita ko ang sobrang takot sa muka nung babaeng iyon
'wag kang gagalaw o gagawa ng ingay!'
Bulong kong muli sa hangin dahil papalapit na sa kaniya ang halimaw. Pinalutang ko ang sarili ko palapit sa kanila pero sumigaw na ang babae
"Ahhh!!!"
Kasabay ng pagsigaw nila ay ang agad na paghagis ko ng air ball doon sa halimaw na ikinadaig nito ng malakas. Muli kong pinatamaan ang halimaw at tuloy tuloy na dumadaloy ang air power ko sa kaniya. Sa huling pagkakataon ay nilakasan ko iyon at itinodo.
"Ahhhh!!!" Malakas kong sigaw at kasabay din ng daing na sigaw ng halimaw at maya maya lang ay nawala na ito ng parang bula.
Hindi ko kinaya ang sobrang daming kapangyarihan kong nagamit at unti unti na akong nalaglag sa lupa. Hingal na hingal ako at puro sakit ang nararamdaman ko sa katawan ko.
"M-miss!" Naaninag ko yung babaeng tinulungan ko at nginitian ko sya ng pilit "M-mabuti naman at ligtas kana" pagkatapos kong sabihin yun ay nawalan na ako ng ulirat
IMINULAT ko ang mata ko ng ako ay magising at sumalubong saakin ang kalangitan. Hapon na dahil nag aagaw dilim nanaman sa paligid. Naupo ako pero napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking likuran.
"Miss! Hindi kapa tuluyang magaling!" Napatingin ako sa nagsalita at sya yung babaeng tinulungan ko "Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang hinawakan ko naman ang ulo kong sumakit siguro dahil sa pagkakatulog ko
"Nawalan ka ng malay pagtapos mo akong iligtas. Nakita ko na marami kang sugat sa katawan napalaban kaba kanina?" Sa tanong niya ay naalala ko na ang mga nangyari. Tumango ako sa kaniya at tumayo "Ikaw ba ang gumamot saakin?" Tanong ko dito na ikinatango niya saakin
"Halamang gamot lang ang ginamit ko sayo, yung makikita ko lang sa paligid kasi wala akong kapangyarihan na magpagaling. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Oo maayos na ako salamat sayo" Nginitian ko sya "Ako dapat ang magpasalamat sayo dahil niligtas mo ako. Ikaw yung Low Class diba?" Napangiwi ako sa huli niyang tanong at tumango. Ngumiti naman sya ng malaki saakin
"Ang galing! Ako naman ay galing sa Middle Town ako nga pala si Pia" tinanguan ko naman sya at sinuklian ng isang ngiti pagkatapos ay sumagot "Ako naman si Katanaya. Salamat ulit sa panggagamot mo. Kung hindi dahil sayo ay baka namatay na ako"
Umiling naman sya saakin "Wala yun patas na tayo ngayon dahil iniligtas mo rin ang buhay ko" napangiti ako sa sinabi niya "Maayos ka lang ba?" Tumango naman sya sa tanong ko "Sige kung ganon maiiwan na kita"
Tumalikod na ako sa kaniya pero pinigilan niya ako "S-sandali. Natatakot ako baka mamatay ako dito sasama ako sayo" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya saakin
"Pia baka nakakalimutan mong nasa Game tayo. Magkalaban tayong dalawa. Look nagpapasalamat ako sa pag ligtas mo saakin at nagpapasalamat ka rin sa pag ligtas ko sayo. Ikaw narin ang nagsabing patas na tayo kaya wala na tayong ugnayan sa isa't-isa"
Pagkasabi ko nun ay muli na akong tumalikod at naglakad na palayo pero napahinto ako ng marinig ko syang umiiyak
"Umiiyak kaba Pia?" Lingo'ng tanong ko sa kaniya at nakita ko syang nakatakip ang kamay niya sa muka niya. Umiiyak nga, lumapit ako sa kaniya "Bat ka umiiyak Pia?"
Tumingin sya saakin habang may luha parin sa mga mata
"Natatakot kasi ako Katanaya, hindi ko naman ginusto na sumali dito sa larong to gusto ko ng umuwi huhu" natigilan ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko si Nicole, hindi niya rin gusto na mapunta dito dahil kagustuhan lamang ito ng kaniyang ama para mapatunayan na karapatdapat ang pamilya nila
Umiiyak parin si Pia kaya nag pasya na akong isama sya saakin "Tumahan kana Pia isasama na kita wag kang mag alala" nakangiti kong sabi sa kaniya na ikinaangat niya ng muka at masayang tumingin saakin
"Talaga?!" Nakangiting tumango ako dito "OMG!! Thank you Katanaya! Kyahhh!!" Nag tatalon pa sya kaya napatawa nalang din ako "Sige na halika na at maglakad na tayo Pia"
Sa tingin ko ay mag a-alaskwatro na ng hapon. Kailangan ko pang mahanap si Nicole "Pia may sasabihin ako sayo" napatingin sya saakin at na nagtataka "Ano yun?" Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin sa kaniya
"May tao akong hinahanap Pia, si Nicole kaibigan ko sya at dito ko din sya nakilala kahapon lang. Iniwan ko sya ng gabi dito pero pagbalik ko wala na sya" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko kaya agad kong pinunasan iyon at ngumiti ng pilit sa kaniya
"Sorry ah? Diko mapigilan ang luha ko si Nicole nalang kasi ang pamilyang meron ako" sabi ko sa kaniya habang naglalakad. Nagtaka ako ng hindi sya sumagot kaya napatingin ako dito at nakita ko syang malalim ang iniisip "Huy ayos ka lang ba?" Mukang natauhan naman sya dahil sa pagtawag ko
"H-ha? Oo ayos lang ako. Wag kang mag alala syempre sasamahan kita!" Napangiti naman ako sa sinabi niya "Salamat Pia! Mahalaga talaga saakin si Nicole diko kaya na mawala sya at mas lalong diko kaya na mapahamak sya" ngumiti sya saakin at nagpatuloy kami sa paglalakad
"Kamusta ang First day mo dito Pia?" Napatingin sya saakin "Ako? Eto muntik ng mamatay Hahaha" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "Bakit naman?"
Mukang natigilan sya dahil sa tanong ko "A-ah ano kasi h-hindi ko alam na mas delekado pala dito kapag gabi. Muntik na akong mamatay kagabi" nagulat ako sa sinabi niya "Mabuti at ayos ka lang?! Bakit hindi mo alam sorry kung ma oofend ka pero Middle Class ka pati narin ang ibang High Class bakit hindi nyo alam ang tungkol doon gayo'ng isa akong Low Class at alam ko yun" napayuko naman sya dahil sa sinabi ko
"Sorry Pia pero kasi napansin ko yun based sa mga nakasalamuha ko na dito" nagangat sya ng tingin at ngumiti lang saakin "Ayos lang totoo naman kasi. Nakalimutan ko lang talaga" napatango ako sa sinabi niya. Mukang nakalimutan niya talaga dahil kahit yung Gray head guy na yun nakalimutan niya din tsk nag iinit dugo ko dun sa lalaking yun!
"Paano ka nga pala nakaligtas?" Gulat syang napatingin saakin "M-may nakita kasi akong i-inatake ng dragon" hirap na sabi niya saakin kaya naman nauunawaan ko sya ganiyan din ang naramdaman ko ng makita ko yung inatake ng dragon kahapon
"Wag kang mag alala Pia aalagaan din kita para hindi ka mapahamak" napangiti naman sya saakin "Salamat talaga Katanaya!" Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid
Ano yun? May naririnig akong mga bulong na ewan. Hindi sya malinaw sa tenga ko pero sigurado akong may bumubulong talaga. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko sa paligid lang yung bulong na yunInilibot ko ang paningin ko sa paligid"Katanaya?"Napatingin ako kay Pia ng tawagin niya ako."Hindi mo ba—"'wag mong sabihin'Natigilan ako dahil sa narinig ko na yun at muling napatingin sa paligid. Hindi parin tumitigil ang mga bulong na yun pero sigurado akong malinaw ang narinig ko na wag sabihin."Katanaya?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Pia na nagtataka "Ha?" Tanong ko dito "Ano bang nangyayari sayo?" Napakurap ako sa tanong niya at muling napatingin sa paligid at mayroon paring bumubulong"W-wala tara na" nagsimula na akong naglakad at hinayaan ko nalang ang bumubulong nayun "Ayos ka lang ba Katanaya?"
"AYOS ka lang ba Pia?" Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang shock sa kaniya at nakatingin parin doon sa pwesto ng namatay na lalaki kanina.Pagkatapos patayin nung dragon yung lalaki ay umalis na ito at naglaho narin yung lalaki na parang bula "Pia..." Tawag kong muli sa kaniya pero tulala parin ito kaya napabuntong hininga nalang ako at nagteleport kasama sya sa pwesto namin"Maupo kana muna Pia" inalalayan ko pa syang maupo at tulala parin ito. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya basta ang alam ko nasa shock parin sya sana bumalik na sya sa katinuanHinayaan ko nalang muna sya at inayos ang mga pagkain na naroroon dahil nagulo iyon dahil sa lalaking Middle Class na yun. Ano kaya ang susunod na mangyayari saamin? Ano ang mangyayari bukas? Paano ko ba mahahanap ang Code gayong wala naman akong clue?At yung bulong kanina anong ibig sabihin nun? Bakit ayaw niyang ipaalam ko kay Pia na naririnig ko sya? At b
"Nakikita mo yan?! Ikaw ang may kasalanan niyan! Kung nagpapatay kana sa dragon na yan edi sana hindi kakalabanin nina Crisha at Third ang dragon!" Iniharap ako ni Pia doon sa babae at lalaki na nakikipaglabanSinubukan kong muling magsalita pero hindi ko parin mahanap ang boses ko kaya iyak nanaman ang nagawa ko. Hindi ako makakilos nagmistulang tuod ang katawan ko."Kung ayaw mong lumapit sa dragon puwes ako ang magdadala sayo sa dragon na yun"Nakita ko na nagpalabas sya ng usok sa kaniyang kamay at unti unti itong lumapit sa leeg ko hanggang sa hindi na ako makahinga lalo na at pinalutang niya ako sa ere gamit iyon.Napahawak nalang ako sa leeg ko. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, hindi ko alam kung bakit. Nanghihina ang katawan ko. Ang luhang pumapatak saakin ay dahil sa nalaman ko at dahil hindi ko magawang makatulong sa kanila at mas lalong mailigtas ang sarili koUnti unti niya akong inilapit papunta sa kinalalagyan
"KYAHHHH!!!"Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na sigawan sa paligid. Unti unti kong idinilat ang aking mata at nakita ko ang punong punong tao sa Centra de Enchanted—teka Centra de Enchanted?!Agad akong napatayo dahil doon pero napangiwi ako ng makaramdam ako ng konting sakit sa katawan ngunit hindi na ganon kalala. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at doon ay muli ko nanamang nakita ang maraming mamamayan ng Enchanted world. Paano ako—mali kami paano kami napunta uli dito?Nakita ko na andito rin ang ibang kagaya ko na kasali sa laro at kapwa nagtataka sa nasasaksihan. May ibang tuwang tuwa dahil nakalabas na sila sa masamang lugar na iyon ang iba ay di talaga makapaniwala.Ang naaalala ko ay nalalaglag ako sa himpapawid? Tapos may sumalo saakin si Third. Sya yung lalaking kinaiinisan ko pero ang tanong bakit wala na kami sa Peridian? Andito na ako ngayon sa pinakang sulok sa kinala
Napangiwi ako ng ngumisi sya saamin. Alam kong tinatakot niya lang kamo pero wag ako tsk. "OH! I remember something! Para kay Katanaya" napatayo ako ng maayos ng banggitin niya ang pangalan ko. Muling natahimik ang paligid pero hinahanap kung nasaan ako. Yeah kilala na ako ng lahat ang galing sabagay kaisa-isang low class eh."Hindi mo na kailangang umuwi dahil mayroon ka nang bahay dito sa High Town"Natigilan ako dahil sa sinabi niya seryoso ba sya?! Bahay sa High Class pa talaga?! "Bilang kaisa-isang matapang na Low Class na sumali at ibinuhis ang buhay sa larong ito ay binibigyan ka naming mga council ng magandang buhay Katanaya"Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa sinabi niya parang ipinaparating niya na hindi ko rin magagamit ang bahay nayun dahil sa larong to. Na mamamatay din ako sa Second round ipapakita ko sa kanilang hindi ako basta basta."Yun lang at maaari na kayong bumalik sa bahay ninyo!" Nagsig
"So Lady Katanaya maniniwala kana ba saakin?" Nakangiti niya paring tanong kaya kusa na akong napatango dahil sa hindi ako makapaniwala! Mayroong anak si butler Jericho! "Alam kong marami kang tanong sa isip mo Lady kaya sa tingin ko kailangan na nating pumunta sa bahay mo para doon nalang tayo mag usap" katulad kanila ay tumango nalang ako dahil sa hindi ako makapaniwala, sya ang nag guide sa lugar na pupuntahan naminSino bang hindi magugulat gayong nasaharapan ko ang anak ng butler namin dati! At ngayon ay butler ko narin! Paano? Dahil sa pagkakatanda ko ay walang pinakilalang anak saamin si butler Jericho wait! Naalala ko may sinabi syang may anak na sya, sinabi niya saakin na balang araw ay makikilala at makakasama ko sya.Napatingin ako kay Irene na masayang nag kukwento saakin habang naglalakad kami. Magkaiba sila ng ugali ng Papa niya dahil tahimik lang si butler Jericho samantalang ako lagi ang dumadaldal sa kaniya. Itinuturing narin niya ako
"HALIKA libutin muna natin ang bahay" tumango ako kay Irene at naglakad kami papasok sa loob. Maraming larawan ang nasa paligid. Paano kapag may ibang taong pumunta dito at malaman nila na isa akong Sandoval?"Irene, paano kapag may ibang taong maka'alam na sandoval ako?" Napatingin sya saakin dahil sa tanong ko "Malaking problema kapag nagkataon Lady Katanaya"Napangiwi ako sa tinawag niya dahil masyado itong mahaba "Lady nalang o Katanaya ang itawag mo saakin ang haba masyado eh""Sige Lady, pero sa tanong nyo kung ang taong makakaalam ng pagkatao mo ay hindi mapapagkatiwalaan dapat mo na syang patayin" napatingin ako ng deretsyo sa mata niya "Libre ba ang pumatay dito?" Napatawa naman sya sa sinabi ko, anong nakakatawa don?"Lady, maraming tinatagong sikreto sa buhay. Hindi mo alam ang nakakasalamuha mo pala marami ng napatay. Syempre bawal pumatay kung malalaman ng marami pero pwedeng puma
Napakamot nalang ako sa batok ko "Sige. Pero ang dahilan ay dahil sigurado akong kilala nila ako. Nararamdaman ko" napaseryoso naman sya dahil sa sinabi ko "Maaring kapag may nalaman ka ay ikapahamak mo Lady K" huminga ako ng malalim sa sinabi niya "Alam ko yun Irene ako ng bahala sa bagay na'yon""Sige Lady K aakyat na muna ako sa kwarto ko para masimulan ang inuutos nyo. Mamayang gabi ay handa na ang impormasyon" umalis na ito sa harap at umakyat sa taas. Saktong sakto lang ang gabi dahil magsisimula ako agad.Umakyat nalang din muna ako sa taas para makaligo at makapagpalit ng sosootin ko. Pagbukas ko ng kwarto kong itinuro ni Irene ay ito parin ang kwarto ko noon walang pagbabago. Bago pa ako lamunin ng pag babalik tanaw ko ay pumasok na ako sa banyo at inihanda ang bathtub para doon mamalagi at mag isipNakahiga lang ako ngayon sa bathtub at pinag-iisipan ko ang magiging galaw ko mamayang gabi. Kailangan kong maging maing
ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace
Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&
Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb
NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto
“T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong
NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya
Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu
IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na
GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n