Share

CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)
CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

Chapter One

last update Last Updated: 2021-10-26 13:49:39

KATANAYA 

“Magsi layo na kayo sa lugar na to!”

Nag kakagulo ang mga magicians dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Laganap ang sunog sa paligid nagkalat ang mga halimaw, nagwawala ang kapaligiran tila parang may sariling utak ang mga ito at namiminsala sa paligid.

“Kunin nyo ang mga bata ilayo niyo sila at dalhin sa ligtas na lugar!” Malakas na sabi ng isang babae na nangunguna sa kanilang lahat

“Ano bang nangyayari?!” 

“Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ito na, ito na ang Code na sinasabi niya,” sagot sa kaniya ng babae

“Anong Code?” 

“Hindi mo ba naiintindihan?! Namatay sila ng dahil saakin at wala manlang akong nagawa para tulungan sila! Sa harapan ko mismo sila namatay at ito ang kapalit ng pagiging makasarili ko.” 

Garalgal na sabi ng babae habang sunod sunod na tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Walang mapagsidlan ang sakit na nadarama niya. Punong puno ng hinanakit ang kaniyang puso, hinanakit para sa pagiging makasarili niya.

“KATANAYA!” 

Napalingon sa likod ang babae dahil sa narinig niya ang kaniyang pangalan at halos tumigil ang mundo niya kasabay ng panlalaki ng kaniya'ng mga mata ng makita ang paparating na palaso sa harap niya.

“KATANAYA!”

Hingal na napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang tumululong malalamig na pawis sa noo ko.

Nanaginip nanaman ako at hindi ito basta basta isang panaginip kundi isang pangitain. 

Meron akong kapangyarihang makita ang nakaraan at hinaharap at noong unang beses kong magamit ang kapangyarihan ko na ito ay may nawalang napakahalagang mga tao sa buhay ko. Napahilamos nalang ako sa aking muka at kinalma ang aking sarili. 

Nakatira ako sa Enchanted World kung saan lahat ay mayroong kapangyarihan mapa-element ‘man yan o ability. Wala akong maayos na tirahan dahil palaboy lamang ako. Minsan nakakakain madalas hindi. 

Ang Enchanted World ay nahahati sa tatlong uri ng mga magicians habang pinamumunuan naman ito ng isang Reyna na ni isa ay walang nakakakilala. Ang tanging kilala ng marami ay ang mga council na iginagalang ng lahat.

High class ang nangunguna sa mga magicians dito sila ang mga magicians na ipinanganak palamang ay suwerte na dahil nabibilang sila sa matataas na pamilya. Kahit na ability lang ang kapangyarihan mo ay walang mang-mamata sayo dahil takot sila na gantihan ng pamilya nito. Which is I find it unfair.

Pangalawa naman ay ang Middle Class, karamihan sa mga magicians na nabibilang dito ay nakaangat sa buhay sa madaling salita ay nagsikap at umagat sa buhay. Samatalang ako kahit anong pagsisikap ko ay wala, dahil nabibilang ako sa low class.

Ang kahit na sinong mabilang sa low class ay binansagan nilang patapon, pulibi at walang mararating sa buhay. Yan ang tingin nila saamin kaya kapag ako ay nagpupunta sa Middle Town tinitignan nila ako ng buong pandidiri at paaalisin sa lugar nila.

That is why life is so unfair. Hindi nila kami binibigyan ng pagkakataon na magbago at umangat sa buhay basta ang tingin nila saamin basura.

Napabuntong hininga nalamang ako, naikalma ko narin ang sarili ko hindi ko na muna iisipin ang napanaginipan ko.

Bumaling sa kabilang gilid kaso-“ARAY!” 

Kung hindi nga naman ako makakalimutin! Sa itaas ng puno nga pala ako natulog kagabi kainis! 

“A-aray! Ang tanga mo naman Katanaya!” 

Panenermon ko sa sarili ko habang hawak ang balakang at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko kahit madumi na ito. Oh diba another katangahan nanaman tsk.

Napatingin ako sa paligid at maaga pa, papasikat palang ang araw pero nagkalat na ang tao dito sa Low Town. Isinuot ko ang hood ko at naglakad papunta sa itaas ng burol. Tuwing umaga ay pumupunta ako doon upang panoorin ang pagsikat ng araw.

Pero napahinto ako sa paglalakad ng maalala ko na pwede ko naman palang gamitin ang ability ko na teleportation kaya napairap ako pangatlong katangahan na, ano pa nga ba sa isang araw sobrang daming katangahan ang nagagawa ko.

Sakto pagka-teleport ko ay sumalubong saakin ang sinag ng araw. Napaupo ako sa damuhan at tinignan ang magandang tanawin. Sana ganito rin kaganda ang kalooban ng mga magicians na andito sa Enchanted World. 

Unti unti ng lumabas ang araw, sa pagsikat ng panibagong araw ay may isa nanaman akong pangitain. Matagal ng tahimik ang kapangyarihan kong makakita ng nakaraan at hinaharap, ngayon nalang ulit siya gumana at worst ako nanaman ang andon. Napapikit ako at inilala ang nakaraan.

Noong unang beses kong makita ang mangyayari pa lamang ay hindi ko iyon pinansin at isinawalang bahala ko lang dahil hindi ko alam na may kapangyarihan akong ganito pero laking gulat ko ng mangyari ang pinakang masaklap sa buhay ko.

Ang pagkamatay ng magulang ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko na kusang tumulo sa mga matang taksil. Kapag magulang ko ang pinag uusapan ay mahina ako, wala akong magawa ng mga panahon na yon namatay sila dahil sa kahinaan ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ako huminga ng malalim pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ko, isang telang sobrang dumi na. Ipinalibot ko iyon sa mga kamay ko. Kailangan ko ng pumunta sa gubat upang manghuli ng halimaw. Sa isang kisap mata ay nasa gitna na ako ng gubat at tanging mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid.

Ikinuyom ko ang kamao ko at nakiramdam sa paligid, naghintay ako ng tamang tyempo ng makuha ko ang tyempo ay agad kong pinalabas ang kulay Violet kong kapangyarihan at pinatama sa isang halimaw na maaaring kainin sa lugar namin.

“Yes! I got you!” Nagtatatalon kong sigaw at lalapitan na sana ang halimaw na iyon ng mapaluhod ako sa damuhan.

“N-not now.” 

Pero hindi ko na kinaya at napasigaw ako sa sakit.

This is what I hate using my oh so called power, hindi ko alam ang tawag dito basta kapag ginamit ko ay ibayong sakit ang nararamdaman ko. Eto rin ang dahilan kung bakit hindi ko nailigtas ang magulang ko dahil matapos kong patayin ang mga sumusugod saamin ay bigla akong nagsisigaw sa sakit na halos hindi ko kayanin at kung minamalas ay may dumating pang mga kalaban.

Ibinuhis nila ang buhay nila para saakin, para mailigtas ako. Dinala nila ako sa Low Town, yes I'm part of High class pero dahil sa mga hindi kilalang sumugod saamin ay namatay ang magulang ko at napunta ako sa Low Town.

Bata palang ako n‘un, six years old. Nang makarating ako sa Low Town ay walang pumapansin saakin, ang linis pa ng damit ko at patuloy parin ang sakit sa katawan ko pero nawala yun kalaunan. Yun ang huling beses na nakapag soot ako ng magara at malinis na damit.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod dahil nawala na muli ang sakit. Sa ilang taon kong pinag aralan kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko ay natutunan ko na kahit papaano ay mapadali ang sakit na naramdaman ko na yon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari saakin yon kaya mas pinagbutihan ko ang pagsasanay hanggang sa nadiskubre ko ang tatlong kapangyarihan ko.

Unang kapangyarihan na nagamit ko ay ang pagkakita ko sa hinaharap na namatay ang magulang ko, pangalawa ay ang Violet na kapangyarihan na ito at ang pangatlo ay ang Air power. 

Mabuti sana kung yung violet na power ko ay element nalang din ang kaso hindi eh kakaiba siya at hindi ko alam kung bakit ako meron nito. 

Lumapit ako sa halimaw na napatay ko at napangiti siguradong may kakainin ako ngayon. Nag teleport ako sa pinakang bayan at ibinenta ang halimaw na iyon.

“Eto ang bayad Katanaya,” napangiti ako sa kay ate Jean “Salamat ate Jean!” At binilang ko na iyon “Bakit ba hindi mo pagkakitaan ang panghuhuli mo ng halimaw Katanaya? Nagtitiis ka na hindi kumain ng ilang araw.” 

Napatigil ako sa pagbibilang dahil sa sinabi ni ate Jean. Bakit nga ba? Nasanay narin kasi ako at ayokong ginagamit ang kapangyarihan ko sa pagpatay. Hinarap ko si ate Jean at ngumiti.

“Ate Jean swerte lang ako minsan kaya may huli. Sige aalis na ako at bibili ng makakain,” 

Nag lakad na ako papunta sa bilihan ng makakain pero pagdating ko sa kainin ay napatigil ako sa listahan ng mga presyo.

“Oh Katanaya ikaw pala! Nako nagtaas na ang presyo ng mga pagkain ngayon! Ang dami ngang nag rereklamo saakin pero wala akong magagawa dahil hindi naman saakin itong tindahan taga benta lang ako.” 

Halos manlumo ako dahil sa sinabi ng nagtitinda. Kumita ako ng 50 Ted, ted ang tawag sa pera dito at dahil wala rin namang pera ang mga pinagbebentahan ko ng halimaw ay mura lang din ang bayad nila samantalang ang presyo ng nakita kong pagkain ay 80 Ted. 

Saan aabot tong pera na to?! 

“Magkano ba ang pera mo Katanaya?” Muling nabaling ang tingin ko sa nagtitindang si Aling Coring. Maraming nakakakilala saakin dahil ako ang bukod tanging Low class na walang wala talaga, sila may matitirahan ako wala pa-gala gala. May mabubuting loob naman ang sumubok umampon saakin pero umalis din ako dahil nag kaanak na sila ng madami at hindi na kami kakasiya.

“50 Ted po aling coring.” 

“Nako sabaw at tubig nalang ang abot ng pera mo Katanaya.” nagliwanag ang muka ko dahil sa sinabi niya “Ayos na po iyon!” Napangiti siya dahil sa sinabi ko “Osige halika at sa loob kana kumain,” 

Pumasok kami sa loob at ibinigay na niya saakin ang pagkain. “Salamat sa pagkain!” Agad akong humigop ng sabaw dahil sa gutom ilang araw na akong di nakakatikim ng kahit na ano. Ang tubig pa na iniinom ko ay galing sa ilog na alam ko.

Madalas din kasi ako sa gubat dahil wala naman akong gagawin dito sa bayan ang ginagawa ko ay sinasanay ko ang kapangyarihan kong hangin. Siguro nagtataka kayo kung bakit yung violet na kapangyarihan ang ginamit ko sa panghuhuli ng halimaw na iyon dahil sa totoo lang ay rare ang halimaw na hinuli ko at dahil nga wala namang din mga pera ang tao dito ay mababang halaga lang ang naipambabayad nila saakin. Isa pa suki ko na si Ate Jean sa mga binebenta ko.

Matapos kong maubos ang sabaw na iyon ay uminom na ako ng tubig at nagbayad. Nakangiti akong naglakad pabalik sa gubat dahil nakakain na ulit ako matapos ang apat na araw. Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong may kausap si Ate Jean at malaki ang ngiti niya, hindi sana ako makikinig sa usapan pero nakita ko na maayos ang soot ng babaeng iyon.

Nagtago ako sa isang basurahan tama lang para marinig ang kanilang usapan.

“Wala na bang ibababa ang presyo mo aba'y ako naman palagi ang bumibili sayo lahat ng mga rare na halimaw na yan ah,” bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko na iyon. Yun ang halimaw na hinuli ko! Ako lang naman ang nakakapatay ng rare na halimaw.

“Ano kaba! Ang hirap kayang mahuli yan! Kung ayaw mo sa presyong 300 Ted maghahanap nalang ako ng ibang bibili!” 

Natigilan ako dahil sa prinesyo ni Ate Jean. 3-300 ted? Wala pa sa kalahati ang 50 ted na binayad niya saakin! 

“Oo na! Kung hindi lang rare yan at malaki rin ang kikitain ko sa middle town tsk eto bayad oh!” 

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pinagkatiwalaan ko si ate Jean at ito lang ang igaganti niya saakin. Agad akong tumayo at naglakad papunta sa kanila habang wala kang mababakasan na emosyon sa muka ko.

Nakita kong napatingin saakin si Ate Jean at nanglaki ang mata ng makita ako. Katatanggap palang niya ng pera. Tumingin ako sa kamay niyang may pera at sa mata niya pagkatapos ay sa babaeng bumibili ng halimaw na nahuli ko.

“Kayong mga uri ng nilalang dito sa enchanted world ay walang ibang ginagawa kundi lamangan ang nakakababa sa inyo,” 

Nagulat ang babae dahil sa sinabi ko habang si Ate Jean naman ay nanglaki ang mata.

“K-katanaya,’ utal na sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya “Nag kamali ako sayo ate Jean malaki ang respeto ko sa pamilya nyo dahil minsan na akong tinulungan ng magulang mo pero ngayon alam ko na.” malamig kong sabi dito.

“Aba't! Sino kaba para sabihin ang salitang yun! Baka nakakalimutan mong kaya kitang ipapatay!” 

Nag init ang dugo ko dahil sa sinabi ng babaeng matapobre na ito nagsimulang humangin ng malakas dito sa paligid na ikinataka naman ng babaeng taga Middle Town. Samantalang si ate Jean ay nakikita ko ang takot sa mata niya, alam kong alam niya ang kapangyarihan kong hangin.

“Anong nangyayari?!” sigaw nung matapobreng babae ngunit sa isang iglap lang ay hawak ko na ang leeg niya at nakabitin na siya sa ere na ikinagulat niya.

“Anong gagawin mo?! Ipapahanap mo ako sa tauhan mo?! Bakit hindi ba totoo na kapag mababa sa inyo ay inuuto niyo lang din para sa isang bagay na alam kong pinakamahal sa lahat?!” Galit ko siyang hinagis pabagsak at tinignan si ate Jean na nanginginig na ngayon.

“At ikaw ate Jean! Patawarin man ako nila tito at tita pero ginawa mo akong tanga! Oo alam kong marami akong katangahang ginagawa sa buhay pero ikaw! Ikaw na tinuring ko ng kapatid nagawa mo to saakin?!” Hindi kona napigilan ang aking luha ng sabihin ko iyon ngunit nakita ko ang paglitaw ng galit sa mata niya at matalim akong tinignan.

“Nang dahil sayo! Nang dahil sayo nagkasakit ang magulang ko! Nang dahil sa pag alis mo sa bahay unti unti silang namatay! Ikaw! Ikaw ang dahilan!” Napaatras ako dahil sa sinabi niya.

Oo umalis ako sa bahay nila dahil alam kong isa na silang pamilya wala na akong lugar para doon pero hindi ko alam ang tungkol sa bagay na sinasabi niya.

“Hindi kaba makapaniwala?! Pinatay mo sila!” Napakuyom ako ng kamao dahil sa salitang binitawan niya, kailan man ay hindi ko kayang pumatay ng mahahalaga sa buhay ko! 

‘Pero nagawa mo ngang pabayaan ang magulang mo na ikinamatay nila.’

Napatigil ako dahil sa sinabi ng utak ko. Tama siya muling naulit ang kapabayaan ko na yon.

“Wala akong alam ate jean samatalang ikaw meron! Kung alam mong ganon pala ang dahilan sana pinilit mo akong bumalik sa bahay! Pero anong ginawa mo? Wala! Ginamit mo pa ang kakayahan ko sa pagpatay ng halimaw para kumita ka! You're so unfair! Tandaan mo ‘to, wala na akong utang na loob sa pamilya niyo dahil ikaw mismo ang pumutol niyon!” 

Galit na galit ako. Sa sobrang galit ko nang mahagip ng paningin ko ang halimaw na pinatay ko ay itinapat ko ang kamay ko doon at pinalutang iyon sa ere.

“Eto ba?! Eto ba ang pinagkakakitaan mo? Pwes tignan mo kung paano mawala ang perang hawak hawak mo ngayon!” Sa isang iglap lang ay nagkapira-piraso ang halimaw at isinaboy ko sa paligid na siyang ikinasigaw ng marami dahil sa kababuyan na ginawa ko.

Naliligo narin ako sa dugo dahil doon. Muling dumako ang mata ko kay ate jean na nakaupo na ngayon sa sahig at hindi makapaniwalang nakatingin saakin.

“Nakita mo ang halimaw na Katanaya ate jean. Ikaw ang nagpalabas sa halimaw na ako!”

Tumalikod na ako sa kaniya at nakita kong napaatras ang mga tao na naroroon. Kilala nila akong lahat na masiyahin at approachable pero ngayon takot na takot sila.

Nakaramdam ako ng sakit dahil doon pero pinanatili ko parin ang malamig na muka ko at naglakad paalis. Humahawi ang mga tao ng kusa habang naglalakad ako at kapwa tahimik dahil sa takot saakin. 

Pinunasan ko ang muka ko na nabahidan ng dugo dahil sa halimaw. Huminto ako sa paglalakad at nagsalita.

“Etong tatandaan niyo, once na masira ang tiwala ko sa inyo makikita niyo ang demonyong Katanaya.” 

Pagkasabi ko niyon ay nag teleport na ako sa burol Agad akong napaupo sa damuhan at tumulo ang masasaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Ahhhh!!!!” 

Malakas na sigaw ko at lumabas ang violet na kapangyarihan sa katawan ko na siyang ikinasira ng paligid. Akala ko kaya ko, akala ko kampante na ako sa mga mahalaga sa buhay ko hindi pala. Hindi pala dahil kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko ay siya pang manloloko saakin.

“Ahhhh!!!!” 

Muli kong sigaw at pinagtatapon ang dalawang kapangyarihan ko sa paligid.

Minsan ang pagiging mabait ang siyang gagamitin ng ibang tao laban sayo. Aabusuhin niya ang kabaitan mo para lang sa ikaaangat niya sa buhay.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jho Tejada Paden
mmmm kakakuspisa kolang mag basa sana ok to basahin
goodnovel comment avatar
Bregondo Maldo Nylinam
wow ang ganda ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Two

    NAALIMPUNGATAN ako ng masakit ang buong katawan. Feeling ko sumabak ako sa marubdubang pakikipaglaban sa sakit niyon. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong saakin ang kalangitan, nag aagaw kulay kahel na ang kalangitan—teka! Kalangitan?!“A-Argh!”Agad akong napaupo dahil sa gulat pero dahilan iyon para mapadaing ako sa sakit ng katawan ko.Ano bang nangyayari?Dahil sa tanong na yun ay sunod sunod na bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Oo nga pala nadala ako ng sakit at galit, hindi ko nakontrol ang sarili ko at nakagawa ako ng mga hindi tama.Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa paligid pero ganon nalang ang gulat ko ng sumalubong saakin ang malaking pinsana ng kagubatan— a-ako ang may gawa nito. Dahan dahan akong tumayo at kitang kita ko ang putol putol ng mga puno kung hindi man putol ay wasak ang mga dahon at sanga o di kaya sunog at lagas lagas na. Parang may labanang naganap sa paligid ko.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang kita sa liwanag ang p

    Last Updated : 2021-10-26
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Three

    DAHIL sa narinig ko na isa itong survival game ay agad na akong tumalikod. Mahal ko pa buhay ko diko kailangan niyan at isa pa mas maayos ang buhay ko dito. Maayos nga ba?Naglakad ako patungo kila ate Jean para sana kamustahin sila ang kaso ay napahinto ako ng kumulo ang tyan ko sakto na pagtingin ko sa harap ay tindahan na yon ni aling coring na madalas kong kinakainan kapag nagkakaroon ako ng ted money.Napangiti ako ng makita kong papalabas si aling coring. “Aling co-ring,” pahina ng pahina kong sabi ng makita ko ang naging reaction niya. Nang makita niya ako ay agad na nanglaki ang mata niya at lumabas ang usok na puti sa katawan niya kaya pasimple kong ginamit ang kapangyarihan kong hangin para hawiin ang smoke power niya at bumagsak ang balikat ko ng makitang sarado na agad ang tindahan niya.

    Last Updated : 2021-10-26
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Four

    NAPATINGIN ako sa paligid na kapwa ko andito sa pinakang ground sa ibaba. Ang itsura niya kasi ay ang mga manonood pataas ang inuupuan nila at parang kamo sasabak sa isang labanan ay oo nga pala survival game pala to!Patuloy parin ang sigawan ng mga magicians na naririto. Naglakad pa ako palapit sa ibang mga kasali sa laro nakita ko na isinabit nila sa kanang dibdib nila ang numero nila ang dami namin pero mas madami ang nanonood. Required ba na isabit ko rin ang saakin?“Ouch!” Napatigil ako sa paglalakad at napaharap saakin ang isang magicians. Nawala ang ngiti niya sa muka ng makita ako. Oh no I smell trouble “Oh! Low class?!” Gulat na sabi niya at halatang galit ito saakin. Ano nanaman ang ginawa ko? Dahil sa pinanggalingan ko o dahil bumangga siya saakin? Take note siya ang bumangga saaakin di ako!

    Last Updated : 2021-10-26
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Five

    HABANG naglalakad ako ngayon at lumilibot sa paligid nitong pinaggaganapan ng paligsahan which is the Peridian, kailangan kong mag doble ingat dahil hindi lang ang mga katunggali ko sa larong to ang kalaban ko kungdi pati narin ang mga nilalang na mayroon dito.Hindi ko kabisado ang Peridian dahil hindi naman ako fully educated about this. Siguro ang mga high class advantage nila ang mga pinag aaralan nila o kung sino mang nakapag aral na sa Academia Enchantria o sa iba pang paaralan dito ang mga kaalaman nila sa PeridianBukod sa alam kong delekado ang lugar na ito ay may isang bagay pa akong alam na alam na sigurado akong maraming mamamatay saamin na mga kasali kapag nangyari yun. Napakuyom ako ng kamao dahil sa naisip ko, isinusugal nila ang buhay namin para lang sa Code na yun!Pero muli kong sinalungat ang naisi

    Last Updated : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Six 1.1

    NAPAATRAS ako dahil sa sinabi niya. Paano kung pati sya patayin din ako? Pero naalala ko yung sinabi niya na magkaibigan ang mga magulang namin, hindi ako dapat magpakampante porket magkaibigan ang mga magulang namin dahil sa kaniya narin mismo nanggaling kanina na maraming naiinggit sa pamilya namin. Ang tanong totoo bang may koneksyon kami sa Reyna?“Katanaya...Ikaw ang anak nila Mr. at Mrs. Sandoval hindi ba?”Muli akong napakurap dahil sa tinanong niya. Nakikita ko sa muka niya ang pagkagulat at pagtataka habang ako ay hindi alam ang gagawin. “Katanaya...” Muli nanaman akong papaatras this time ay umiiling na ako sa kaniya. “H-hindi...Hindi ko kilala ang sinasabi mo.”Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad “Katanaya sandali! Alam kong nag aalinlangan ka na sabihin saakin ang totoo lalo na at sinabi ko sayo na maraming humahanap sa pamilya nyo.”Hind

    Last Updated : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Six 1.2

    “Ang bagal mo.” napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya “Oo aaminin ko na natalo mo ako sa labanan natin kanina pero itong kasama mo? Mahina pala.” Lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Hindi ko nabantayan ng maayos si Nicole kaya ngayon ay hawak na sya ng lalaking hindi ko kilala.“Bitawan mo sya kung ayaw mong mawala sa larong to.” Malamig kong sabi “Wow! Pananakot ba yan? Sige sabihin na nating natatakot ako.”Nang dahil sa sinabi niya na iyon ay hindi ko na pintagal pa at itinaas ko ang kamay ko at pinigilan ang pahinga niya. “A-ack! A-anong.” Nahihirapan niyang sabi ngunit ako ay nilalamon na ng galit sa ginawa niyang pagbihag sa kaibigan ko.“Hindi ba binalaan na kita. Bakit hindi ka nakikinig?” Unti unti ko syang pinalapit saakin gamit parin ang hangin kong kapangyarihan “Ang ayoko sa lahat pati ang taong i

    Last Updated : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Seven 1.1

    HINANDA ko ang sarili ko para sa pag labas ng kalaban ko. Nang matapos ang pag-ulan ng mga metal ay inalis ko na ang barrier na nakapalibot saamin.“Magaling!” Mahigpit ko pa lalong kinapitan ang kamay ni Nicole dahil lumabas na ang isang lalaki na sa itsura palang ay alam ko ng balak kami nitong patayin. “Bakit mag-kasama kayo? Hindi ba dapat patayin nyo ang isa't-isa.” Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon“Hindi porket makakakitaka ng kapwa mo magicians ay kailangan mo ng patayin.” Napataas naman ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi ko “Naririnig mo ba ang sinasabi mo babae? Malinaw ang sabi ng council kanina na kailangang pumatay para ikaw ang makakuha ng Code.” Napairap ako dahil doon sa sinabi niya“That's a shit! Talagang maniniwala ka don sa lalaking may itim na buhok? Magagawa mong makapatay ng kapwa mo magicians para lang manalo?!&rdq

    Last Updated : 2021-10-27
  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Seven 1.2

    "NICOLE!!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa paligid dahil hinahanap ko sya pero kanina ko parin sya hindi makita-kita"Nasaan kana ba Nicole?" Nagpatuloy ako sa paghahanap ang kaso ay napahinto ako ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Ano to?"Argh!" Napaluhod ako ng makaramdam ako ng pagkahirap sa paghinga. T-teka wag mo sabihing may lason ang metal na pintama saakin ng lalaking yun?Tinignan ko ang sugat ko "Shit! Hindi pwede to!" Nakita ko na nangingitim na ang sugat ko sa braso ko tama ako may lason nga ang metal na yun ang masama lang ay ang kalagayan ko dahil masama ito. Kumakalat ang lason sa katawan ko wala pa naman akong healing power.Kailangan ko pang hanapin si Nicole dahil baka mapahamak sya. Kahit na masakit ang sugat ko ay tumayo parin ako at pinilit na maglakad."N-nicole!" Sigaw kong muli pero wala pang sumasagot saakin. Nararamdaman ko na ang malalamig na pawis n

    Last Updated : 2021-10-27

Latest chapter

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   CODE SERIES 2: Introduction

    ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.3

    Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.2

    Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty

    NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.2

    “T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.1

    NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Eight 1.2

    Nakita ko na nagkalat ang mga halimaw doon at alam ko na ang halimaw doon ay talagang sobrang hirap kalabanin. Papaliparin ko na sana ang dragon papunta doon ng para akong nakulangan sa hangin ng ilang segundo dahil sa naramdaman kong aura na pumasok dito sa Darkest Land Peridian.Kilala ko ang aura na yun! Yung halimaw na nakalaban ko! Nakaramdam ako ng takot para sa mga magicians na nasa ibaba. Lalo na at sinusugod na sila ng halimaw.Pinababa ko ang dragon sa kanila at tu

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Eight 1.1

    IPINIKIT ko na ang aking mata at tinanggap ang sasapitin kong tandahan ngunit napadilat din ako ng makarinig ako ng malakas na ungol ng halimaw.“Roar!!”Napaatras ako ng makita kong nasa harapan ko ngayon ang dragon sa curse symbol. Sinangga n'ya ang dapat na papalapit saakin na kapangyarihan ng kulay itim na halimaw na ‘yun.Matapos akong iligtas ng dragon ay binugahan n'ya ito ng apoy at sumigaw ng malakas pagkatapos ay umikot ng umikot sa itaas ko.Nakita ko na na

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Seven 1.2

    GABI ng napag-pasiyahan namin na hanapin na ang halimaw. Kung tinatanong n'yo ang nangyari doon sa nalaman ko kila Crisha ay wala. Nananatili parin iyong malaking katanungan saakin. Paano nga ba? “Katanaya handa na kami” Napahinto ako sa pagiisip ng dumating na sa kinalalagyan ko ang mga lalaki. Kinausap kasi sila ni Third ewan ko kung anong sinabi. Tumango ako sa kanila at lumapit saakin si Third at hinalikan ang noo ko. “Ready Baby?” ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Sabay nating&n

DMCA.com Protection Status