BIANCA POV"Good Morning Mommy!" wala sa sariling mabilis akong napabangon ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa ang dalawa kong anak! Nakasunod sa kanila ang nakangiting si Daniel! Wala sa sariling napasuklay ako ng sarili kong buhok gamit ang aking daliri dahil nako-consiuos ako kung ano nga bang hitsura ko ngayun. Galing kami sa walang humpay na pagtatalik kagabi at hindi ko pa nakita ang sarili kong hitsura sa salamin! Walang toothbrush, hilamos at suklay at nahihiya ako na baka nagmumukha na akong bruha ngayun sa paningin ni Daniel. "Helo babies! Good Morning!" nakangiti ko ding bati sa dalawa! Mabilis silang sumampa ng kama at excited akong hinalikan sa pisngi! Mahigpit pa akong niyakap ni Scarlett."Saan kayo natulog kagabi?" kaagad kong tanong sa dalawang anak ko! Sinipat ko sila ng tingin at ganoon na lang ang tuwa ko dahil mukhang nakaligo na silang dalawa."Sa room po nila Anyana!" nakangiting sagot ni Stephen! Wala sa sariling napasulyap ako kay Daniel na n
BIANCA POV Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko! Dito na din ako sa loob ng banyo nagbihis dahil alam kong nasa loob pa ng kwarto si Daniel kaharutan ang dalawa naming anak! Ayaw ko nang bigyan siya ng pagkakataon na makita niya ang aking katawan! Isang fitted maong pants at kulay black na t-shirt ang isinuot ko! Kahit papaano, nabawasan din naman ang pananakit ng aking katawan noong nakaligo ako! Napuruhan yata ako ni Daniel kagabi kaya hangang ngayun tinatamad ako! Inaantok din ako at parang gusto kong mahiga sa malambot na kama at matulog nang matulog lang! Dito na din sa loob ng banyo ako nag-ayos! Naglagay ng manipis na lipstick sa aking labi at nagpahid ng manipis na make up! Nang mapansin kong maayos na ang hitsura ko mabilis na akong lumabas ng banyo. Nagulat pa ako nang sa paglabas kong iyun hindi lang si Daniel at ang mga bata ang naabutan ko! Nandito din si Arnold na prenteng nakaupo sa sofa. "Good Morning Babe!" nakangiting kaagad na bati ni Arnold sa akin
BIANCA POV Mabilis akong lumabas ng gate habang tahimik na nakasunod sa akin si Arnold! Kaagad kong nilapitan si Jeneva na halata na sa mukha ang pagkainis siguro dahil sa tagal niyang paghihintay na harapin siya.... "May kailangan ka?" kaagad kong bigkas nang makalapit ako sa kanya! Napansin kong gulat siyang napalingon sa akin. "Mabuti naman at nagkaroon ka din ng lakas ng loob na harapin ako.'' seryosong bigkas niya sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong napansin ang pangangayayat ni Jeneva. Lubog ang kanyang pisngi at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. " Napasugod ka? Buti pinapasok ka ng mga guards sa main gate? I assume na importante ang kailangan mo kaya nandito ka?" kaagad kong tanong. Humalukipkip pa ako at seryoso siyang tinitigan sa mga mata. Napansin ko naman ang biglang pagbagsik ng kanyang hitsura at direktang tumitig sa akin. "Nabalitaan ko na palaging dinadala ni DAniel ang anak ko dito sa bahay mo. Nagkabalikan na ba kayo? K
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Masakit para sa akin na nakikita kong binabakuran na si Bianca ng half brother ko pero wala akong magagawa! Sa kabila ng nangyari sa amin kagabi alam kong hindi na magbabago ang isip niya! Alam kong buo na ang desisyon niya na magpakasal sa half brother kong si Arnold. Sa totoo lang hindi ko na alam pa ang gagawin ko! Gusto ko na sanang sumuko na pero nang maramdaman ko ang pagpapaubaya ni Bianca sa akin kagabi alam kong ako pa rin ang mahal niya! May mga anak kami at ayaw kong tuluyan silang mawalay sa akin. Knowing Arnold! Alam kong may tendency na ilalayo niya sa akin ang mga bata kapag tuluyan na niyang maitali sa kasal si Bianca. Alam kong hangang ngayun may lihim pa rin na galit ang half brother ko sa aming pamilya dahil sa mga nangyari noon! "Daddy, kailan po tayo ulit dadalaw kina Tita Bianca?" maayos kong ipinarada ang kotse sa parking area ng mansion nang marinig ko ang tanong ni Anyana. Wala sa sariling napangiti ako at hinawakan siya
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Sa narinig kong iyun kay Mommy hindi ako makapaniwala. Nagtataka ako kung bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Noon, grabe ang pagka-disgusto niya kay Bianca pero ngayun gusto niya pa raw makausap. Dahil ba sa mga apo niya? Gusto niya din bang makilala siya na siya ang Lola ng mga apo niya? "Mom naman, bakit ngayun pa? Bakit ngayun pa kung saan tuluyan na kaming nag-divorce ni Bianca! Bakit ngayun ka lang nagpakita ng suporta?" naghihimutok kong bigkas. Malungkot na napabuntong hininga siya habang dahan-dahan na naupo sa isang bakanteng upuan. Seryoso akong tinitigan sa mga mata bago sumagot. "Dahil sa isang bagay na hindi ko akalain na matutuklasan ko! Na'realized ko na maling-mali ang ipinaglalaban ko noon Daniel! Masyado kong pinaghimasukan ang buhay niyong dalawa ni Bianca at dumating pa sa punto na alam kong isa ako sa dahilan kung bakti masyadong nagdusa si Bianca sa piling mo noon! Alam kong mahal ka niya noon pero masyadong mat
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Anong...paanong? Mom, ako ito si Jeneva...ang ina ng apo niyo! Ang ina ni Anyana!" umiiyak na bigkas ni Jeneva kay Mommy. Napansin ko ang galit na nakarehistro sa expression ng mukha ni Mommy habang titig na titig kay Jeneva. Para bang may ginawang mortal na kasalanan si Jeneva na hindi ka katangap-tangap. Wala sa sariling napatitig ako sa papel na nasa ibabaw ng mesa na muling dinampot ni Mommy. "Talaga bang apo ko siya Jeneva? Talaga bang apo ko si Anyana?" galit na sigaw ni Mommy kay Jeneva na pareho naming ikinagulat. "Mom, ano ang ibig sabihin nito? Ano po ang sabi niyo? Si Anyana...kinikwestiyun niyo si Jeneva tungkol sa pagkatao ni Anyana?" naguguluhan kong bigkas. HIndi ako magiging magaling na businessman kung hindi ako matalino. Pero sa pagkakataon na ito parang walang impormasyon ang pumapasok sa utak ko! Naguguluhan ako! "Mom ano po ba ang pinagsasabi niyo? Anak namin ni Daniel si Anyana! Mula noong ipinagbuntis ko siya hangang sa
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Parang gustong sumabog ang puso ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman! Hindi ko alam na sa loob ng pitong taon, nagawa akong lokohin ni Jeneva at pinaniwala sa isang malaking kasinungalingan! Kung hindi lang masama ang pumatay ng tao baka ginawa ko na sa kanya! Sobrang sama niya! Sobrang hirap tangapin ang nalaman ko ngayun lang. "Why? Why?" galit kong sigaw. Tuluyan na ding napaiyak si Mommy habang dahan-dahan na naglakad palapit sa akin. Mahigpit ako nitong niyakap habang namumutawi sa mismong bibig niya ang paulit-ulit na pagbigkas na salitang 'sorry' Hindi ko naman malaman kung kaya ko bang magpatawad! Sana panaginip na lang ang lahat! Sana hindi ito totoo! "Daniel, patawarin mo ako! Hindi ko din sinasadya na mangyari ito! Akala ko kasi mahal mo ako eh! Natatakot kasi akong baka iiwan mo ako noon kaya nagawa kong ilihim sa iyo ang lahat-lahat!" umiiyak na bigkas ni Jeneva! "Sorry? So inaamin mo na hindi ko nga anak si Anyana? Na nagsinu
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Sasabihin mo ba kay Anyana ang totoo?" tanong ni Mommy Sylvia sa akin habang pareho kaming nakatunghay sa nahihimbing na natutulog na si Anyana! Ngayun pa lang parang pinipiga na ang puso ko sa isiping baka malaman ni Anyana ang katotohanan sa pagkatao niya. Hindi niya ako ama at natatakot akong kapag malaman niya iyun tuluyan na din niya akong talikuran. "No Mom! WAla akong balak! Mananatiling anak ko si Anyana at ako mismo ang magpapalaki sa kanya!" seryoso kong sagot! HIndi naman nakaimik si Mommy. "Malayo ang loob ni Anyana kay Jeneva kaya alam kong hindi niya hahanapin ang Mommy niya. Isa pa, mas nag-eenjoy siya ngayun sa pakikipaglaro kina Stephen at Scarlett at mas gusto niya pa yatang makasama si Bianca kumpara sa tunay niyan ina na si Jeneva!" sagot ko kay Mommy! Napansin kong kaagad na gumuhit ang lungkot sa mga mata nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Anyana. "Kailan ko pwedeng makilala ang mga apo ko? Hindi mo ba pwedeng p
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal