DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Masakit para sa akin na nakikita kong binabakuran na si Bianca ng half brother ko pero wala akong magagawa! Sa kabila ng nangyari sa amin kagabi alam kong hindi na magbabago ang isip niya! Alam kong buo na ang desisyon niya na magpakasal sa half brother kong si Arnold. Sa totoo lang hindi ko na alam pa ang gagawin ko! Gusto ko na sanang sumuko na pero nang maramdaman ko ang pagpapaubaya ni Bianca sa akin kagabi alam kong ako pa rin ang mahal niya! May mga anak kami at ayaw kong tuluyan silang mawalay sa akin. Knowing Arnold! Alam kong may tendency na ilalayo niya sa akin ang mga bata kapag tuluyan na niyang maitali sa kasal si Bianca. Alam kong hangang ngayun may lihim pa rin na galit ang half brother ko sa aming pamilya dahil sa mga nangyari noon! "Daddy, kailan po tayo ulit dadalaw kina Tita Bianca?" maayos kong ipinarada ang kotse sa parking area ng mansion nang marinig ko ang tanong ni Anyana. Wala sa sariling napangiti ako at hinawakan siya
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Sa narinig kong iyun kay Mommy hindi ako makapaniwala. Nagtataka ako kung bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Noon, grabe ang pagka-disgusto niya kay Bianca pero ngayun gusto niya pa raw makausap. Dahil ba sa mga apo niya? Gusto niya din bang makilala siya na siya ang Lola ng mga apo niya? "Mom naman, bakit ngayun pa? Bakit ngayun pa kung saan tuluyan na kaming nag-divorce ni Bianca! Bakit ngayun ka lang nagpakita ng suporta?" naghihimutok kong bigkas. Malungkot na napabuntong hininga siya habang dahan-dahan na naupo sa isang bakanteng upuan. Seryoso akong tinitigan sa mga mata bago sumagot. "Dahil sa isang bagay na hindi ko akalain na matutuklasan ko! Na'realized ko na maling-mali ang ipinaglalaban ko noon Daniel! Masyado kong pinaghimasukan ang buhay niyong dalawa ni Bianca at dumating pa sa punto na alam kong isa ako sa dahilan kung bakti masyadong nagdusa si Bianca sa piling mo noon! Alam kong mahal ka niya noon pero masyadong mat
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Anong...paanong? Mom, ako ito si Jeneva...ang ina ng apo niyo! Ang ina ni Anyana!" umiiyak na bigkas ni Jeneva kay Mommy. Napansin ko ang galit na nakarehistro sa expression ng mukha ni Mommy habang titig na titig kay Jeneva. Para bang may ginawang mortal na kasalanan si Jeneva na hindi ka katangap-tangap. Wala sa sariling napatitig ako sa papel na nasa ibabaw ng mesa na muling dinampot ni Mommy. "Talaga bang apo ko siya Jeneva? Talaga bang apo ko si Anyana?" galit na sigaw ni Mommy kay Jeneva na pareho naming ikinagulat. "Mom, ano ang ibig sabihin nito? Ano po ang sabi niyo? Si Anyana...kinikwestiyun niyo si Jeneva tungkol sa pagkatao ni Anyana?" naguguluhan kong bigkas. HIndi ako magiging magaling na businessman kung hindi ako matalino. Pero sa pagkakataon na ito parang walang impormasyon ang pumapasok sa utak ko! Naguguluhan ako! "Mom ano po ba ang pinagsasabi niyo? Anak namin ni Daniel si Anyana! Mula noong ipinagbuntis ko siya hangang sa
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV Parang gustong sumabog ang puso ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman! Hindi ko alam na sa loob ng pitong taon, nagawa akong lokohin ni Jeneva at pinaniwala sa isang malaking kasinungalingan! Kung hindi lang masama ang pumatay ng tao baka ginawa ko na sa kanya! Sobrang sama niya! Sobrang hirap tangapin ang nalaman ko ngayun lang. "Why? Why?" galit kong sigaw. Tuluyan na ding napaiyak si Mommy habang dahan-dahan na naglakad palapit sa akin. Mahigpit ako nitong niyakap habang namumutawi sa mismong bibig niya ang paulit-ulit na pagbigkas na salitang 'sorry' Hindi ko naman malaman kung kaya ko bang magpatawad! Sana panaginip na lang ang lahat! Sana hindi ito totoo! "Daniel, patawarin mo ako! Hindi ko din sinasadya na mangyari ito! Akala ko kasi mahal mo ako eh! Natatakot kasi akong baka iiwan mo ako noon kaya nagawa kong ilihim sa iyo ang lahat-lahat!" umiiyak na bigkas ni Jeneva! "Sorry? So inaamin mo na hindi ko nga anak si Anyana? Na nagsinu
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Sasabihin mo ba kay Anyana ang totoo?" tanong ni Mommy Sylvia sa akin habang pareho kaming nakatunghay sa nahihimbing na natutulog na si Anyana! Ngayun pa lang parang pinipiga na ang puso ko sa isiping baka malaman ni Anyana ang katotohanan sa pagkatao niya. Hindi niya ako ama at natatakot akong kapag malaman niya iyun tuluyan na din niya akong talikuran. "No Mom! WAla akong balak! Mananatiling anak ko si Anyana at ako mismo ang magpapalaki sa kanya!" seryoso kong sagot! HIndi naman nakaimik si Mommy. "Malayo ang loob ni Anyana kay Jeneva kaya alam kong hindi niya hahanapin ang Mommy niya. Isa pa, mas nag-eenjoy siya ngayun sa pakikipaglaro kina Stephen at Scarlett at mas gusto niya pa yatang makasama si Bianca kumpara sa tunay niyan ina na si Jeneva!" sagot ko kay Mommy! Napansin kong kaagad na gumuhit ang lungkot sa mga mata nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Anyana. "Kailan ko pwedeng makilala ang mga apo ko? Hindi mo ba pwedeng p
BIANCA POV "Hindi ka ba papasok ng bahay? Sobrang na miss ka na ng mga bata." kaagad kong tanong kay Arnold pagkababa ko ng kotse. Galing kami sa pakikipag -usap sa aming nakuhang wedding coordinator at nitong mga nakaraang araw sobrang abala talaga naming dalawa. Bukas ng alas nuebe ng umaga nakatakda akong magpasukat ng wedding gown dahil may napili naman na akong design. Stressful din pala talaga ang paghahanda sa kasal. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Kuya Cyrus na umuwi na muna dito sa Manila para siya na lang ulit ang mamahala sa kumpanya dahil feeling ko talaga napapabayaan ko na ang mga bata eh. Sobrang hati na talaga ng oras ko at natatakot akong baka lumayo na ang loob ng mga anak ko sa akin. Ang ama nilang si Daniel ang palagi nilang nakakasama Mula pagpasok ng School sa umaga hangang sa pag uwi si Daniel na palagi ang gumagawa. Patuloy din kasi talaga ang pag -iwas ko sa kanya nitong mga nakaraang lingo. Simula kasi noong may nangyari sa amin sa resort nahihiya
BIANCA POV "Daniel, gusto mo akong makausap? Ano pa ba ang pag uusapan natin? Kung hindi din lang importante, huwag ka nang mag aksaya ng oras! Wala akong panahon para makinig sa mga drama mo sa buhay." nakalabi kong sagot kay Daniel. Napansin kong natigilan ito habang napangisi naman si Arnold. Halatang inaasar nito ang kanyang kapatid. Sa nakikita sa dalawa parang gusto kong pareho na lang silang iwasan. Hindi talaga kayang dalhin ng konsensya ko na nakikita silang hindi nagkakasundo kapag nasa harapan ko sila eh. Para bang hindi kaya ng konsensya kong isipin nang dahil sa akin lalo silang nagkasamaan ng loob na magkapatid. "Pwede ka bang makausap ng tayo lang? Hindi pa naman kayo kasal ni Arnold para makinig siya sa topic natin diba?" seryosong sagot naman ni Daniel. "Soon, magiging legal wife ko na si Bianca at sanayin mo na ang sarili mo nasa kaharap ako sa tuwing may sasabihin ka sa kanya! What is it Bro? SAbihin mo na! As long as hindi makaka-apekto ito sa pagmamahalan
BIANCA POV ''Anong....Paanong nakapasok ka sa loob ng kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Daniel habang pilit na tinatakpan ang hubad kong katawan gamit ang aking mga kamay. Ang isang kamay ko ay nakatakip sa aking pagkababae at ang isa naman ay pilit na tinatakpan ang dalawa kong bundok. Ni hindi nga ako nag-abalang magtapis ng kahit na tuwalya man lang kanina sa pag-aakala ko na mag isa lang ako dito sa silid ko. Ni sa hinagap hindi ko akalain na madadatnan ko si Daniel sa sarili kong silid! "Bianca...ang ganda mo talaga!" narinig kong bigkas niya habang patuloy na naglalakbay ang kanyang paningin sa kabuuan ko! Hindi ko naman malaman ang gagawin ko! Hindi ko alam kung anong desisyon ang gagawin ko..babalik ba ako ng banyo or palabasin siya sa silid ko? Sa sobrang pagkataranta ko namalayan ko na lang na mabilis na ang hakbang na naglakad palapit sa akin si Daniel. Bakas sa kanyang mga mata ang pagnanasa habang walang kakaurap-kurap na nakatitig sa akin. "Ilang beses ko nan
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya! H
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa s