BIANCA POV The next day..... Maaga akong nagising para batiin ang kaibigan kong si Amber sa kanyang kaarawan! Gusto ko siyang i-suprised at kagabi pa nakahanda ang cake para sa i-blow niya ngayung umaga. Excited ako na i-suprised siya. Sa tagal na naging magkaibigan namin ngayun ko lang ito gagawin! Sign of maturity na din at dapat lang na pahalagahan ang mga taong nagpapahalaga din sa akin! "Mommy, anong gift ang ibibigay namin kay Ninang Amber?" narinig kong tanong ni Stephen! Gising na din sila! Gusto daw nila sumama sa kabilang room para batiin ang Ninang nila ng happy birthday! "Next time na lang natin bibigyan ng gift si Ninang Amber! Ang importante, makapag-blow siya ng cake ngayung umaga." nakangiti kong sagot. Kaagad naman silang sumang-ayon. Kaagad kong inilabas ang cake sa carton nito! Itinusok ang candila na may number kung ilang taon na siya ngayun at sinindihan. "Lets go kids!" nakangiti kong pagyayaya sa mga anak ko at naglakad na kami palabas ng kwarto.
BIANCA POV "Where is she?" kaagad na tanong sa akin ni Arnold pagkatapos naming mag-usap ni Amber. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya bago napailing. "Arnold, lasing ka ba? Nakailang bote ng alak ka ba kagabi? I think kailangan mo na munang magpahinga para makabawi ka ng lakas. Parang buong magdamag kang walang tulog eh." imbes na sagutin ang tanong niya, ibang kataga ang namutawi sa labi ko. Kaagad na napailing si Arnold. "Si Amber...umalis ba siya? Bakit bigla na lang siyang umalis nang hindi nagpapaalam sa atin? May problema ba ang kaibigan mong iyun?" seryosong tanong sa akin ni Arnold! Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga dahil sa tanong niyang iyun! Kailan pa nagkaroon ng concern itong si Arnold sa kaibigan ko? Tsaka tama ba itong nakikita ko sa mga mata niya? Nag-aalala siya para kay Amber? "Kikitain niya daw ang mga magulang niya sa South Korea kasama ang magiging future husband niya! Huwag mo nang pansinin si Amber...sanay na ako sa babaeng iyun!" balewa
BIANCA POV "Sorry, alam kong nagiging unfair na ang lahat sa iyo! Lalo na pagdating sa kustudiya ng mga bata! Gusto ko na din talagang malaman nila ang totoo pero hindi ko mahanap ang tiyempo na gusto kong makuha para sabihin sa kanila ang katotohanan!" hinging paumunhin na bigkas ko kay Daniel. Hindi naman bato ang puso ko para hindi maawa sa kanya! Oo, malaki ang kasalanan na nagawa niya sa akin noon pero napaka-unfair naman yata sa part niya at sa part ng mga bata kung patuloy kong ilihim ang katotohanan! Siguro ito na din ang time na sabihin ko ang totoo sa mga anak ko. Para matapos na ito! "Hindi ka dapat mag-sorry sa akin dahil umpisa pa lang alam kong kasalanan ko ang lahat kaya nangyayari ito! Dont worry, handa akong maghintay kung kailan ka maging ready na ipagtapat sa kanila ang totoo! Nandito lang ako palagi para suportahan ka sa kung ano man ang magiging desisyon mo! Lalo na sa kapakanan ng mga bata." seryosong sagot niya sa akin sabay hawak sa palad ko! Hindi nam
BIANCA POV Hindi mapatid-patid ang pagpatak ng luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang mag-ama ko na magkayakap. Sobrang gaan ng kalooban ko nang sa wakas naamin ko din sa mga anak ko kung ano man ang katotohanan. Kung ano man ang magiging consequences sa ginawa kong ito maluwag sa dibdib kong tatangapin iyun. Basta ang importante ngayun kilala na ng mga anak ko kung sino ang kanilang ama. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi ako pinahirapan ng mga anak ko! Kaagad nilang tinangap ang katotohanan na si Daniel ang kanilang ama na siyang labis kong ikinatuwa. Nagpapatunay lang talaga na napalaki ko sila ng maayos! Ngayun ko lang din lubos na napatunayan kung gaano kabait ng mga anak ko! "Hindi na po ba kayo aalis sa tabi namin Daddy?" narinig kong tanong ni Scarlett kay Daniel. Puno ng kagalakan ang nababasa ko sa mga mata niya kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa! Kaagad naman umiling si Daniel. "Of course, hindi ako aalis sa tabi niyo mga anak! Matag
Bianca Pov "Magyayate kayo?" kaagad na tanong ni Arnold sa akin nang mkasalubong ko siya pabalik ng kwarto ko. Balak kong kumuha ng mga damit ng mga bata. Hinahayaan ko din kasi mag-enjoy ang mga Yaya's nila dito sa resort! Ako na muna ang bahala sa mga anak ko kasama ang ama nila. "Sorry! Biglang nagyaya si Daniel at gusto nang mga bata kaya hindi ako makahindi eh!" kaagad kong sagot kay Arnold! Sa kauna-unahang pagkakataon, napansin ko ang kaagad na pagsalubong ng kilay niya! Para bang hindi siya masaya sa sinabi ko. "Alam niya na ba? Sinabi mo na ba kung ano ang totoo?" seryosong tanong niya sa akin! Alanganin naman akong tumango Ano ba ang nangyayari kay Arnold? Bakit sobrang seryoso niya naman yata ngayun? Hindi ba siya masaya para sa mga anak ko na kilala na nila ang tunay nilang ama? Bakit? "Sinabi ko na sa mga bata ang totoo at alam mo ba? Tangap kaagad nila si Daniel. Hindi man lang nila ako pinahirapan!" nakangiti kong sagot kay Arnold! Umaasa ako na sana maintindi
BIANCA POV Naging maayos naman ang aming paglalayag! Kitang-kita ko sa mga mata ng mga bata na sobra silang nag-enjoy! Aminado ako na sobrang saya ko na makita na masaya ang mga anak ko! Lalo na at nakasama na nila ang kanilang ama. Kahit pala gaano ka kagalit sa isang tao, kapag ang kaligyahan na ng anak ang nasa isipan , wala akong choice kundi ang makipag- reconcile na lang sa taong minsan na sumugat sa puso ko! Para sa mga bata, handa kong kalimutan at patawarin si Daniel sa lahat ng mga kasalanan niya. "Hey...bakit nandito ka? Supposed to be nakiki-join ka sa mga bata!" saglit pa akong napapitlag nang marinig kong may nagsalita sa tagiliran ko. Wala sa sariling napabaling ako ng tingin at kaagad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Daniel. Kung kanina, bigla itong nag-walk out sa sagutan namin, iba na naman ang mood niya ngayun! Mukhang masaya na naman siya! Siguro dahil sa mga bata. Siguro dahil sa wakas, natupad na din ang inaasam niya na makita at tawagin
BIANCA POV Pagkatapos naming mag-usap ni Daniel never niya na akong pinansin hangang sa nakabalik kami ng resort! Madilim na noong bumaba kami sa yate habang halata naman ang pagod sa mukha nila Anyana, Stephen at Scarlet. Mabuti na lang at pagkababa ng yate kaagad na sumalubong ang mga Yaya's nila kaya naman hindi na ako nahirapan pa! "Miss Bianca Velasquez?" akmang susunod na sana ako sa mga anak ko papuntang room namin ng marinig ko ang pagtawag ng kung sino sa akin. Kaagad naman akong napalingon. "Yes?" bigkas ko nang mapagtanto ko na isa sa mga staff nitong resort ang tumawag sa akin. Nakangiti naman itong lumapit sa akin. "Pwede po ba kayong sumama sa amin Mam? Kanina pa po kayo hinihintay ng boyfriend niyong si Sir Arnold!" nakangiti nitong bigkas sa akin. Wala sa sariling napakunot ako ng noo sa labis na pagtataka habang hindi ko naiwasan na mapasulyap kay Daniel na noon ay halos dalawang dipa lang ang layo sa akin at halatang nakikinig sa pinag-uusapan namin. "Ha? B
BIANCA POV Kung kanina, masama ang loob nitong si Arnold bago kami sumama kay Daniel para mamasyal sakay ang yate biglang nag-iba ang mood ni Arnold ngayun! Nagawa niya pa ngang nag-proposed ng kasal sa akin na kay hirap tangihan! Siguro, kailangan ko na talagang iwasan si Daniel. Ngayung engaged na ako kay Arnold dapat lang na maging loyal na ako sa kanya at huwag nang mag-entertain ng mga bagay-bagay na posibleng makakasira sa relasyon naming dalawa ni Arnold! "Thank you! Hinding hindi ka magsisisi na pumayag kang magpakasal tayo!" nakangiting bigkas niya sa akin! Magkaharap kaming nakaupo dito sa pandalawang katao na mesa. Napaka-romantic ng paligid! Tapos na ang fireworks pero patuloy pa rin sa pagtugtog ang violin habang nag-uusap kaming dalawa ni Arnold! "Alam ko naman iyan eh! Alam kong magiging mabuti kang partner ko sa hinaharap Arnold! Kaya nga 'oo' ang naging sagot ko sa iyo eh!" nakangiti kong sagot sa kanya! Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya. Ginaga