SCARLETT POV Sa tuluyang paglisan ko sa Isla ay ibayong sakit ng kalooban ang nakaukit sa puso ko! Katulad nang sinabi sa akin ni Draku, pinahatid niya lang ako sa chopper at pagdating ng Manila kaagad na din akong sumakay ng taxi pauwi sa sarili kong condo unit! Siguro nga wala talagang pakialam si Draku sa akin dahil pagkatapos naming mag-usap kanina, ni hindi man lang siya nagpakita sa akin ulit bago ako umalis. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang makaharap sila Mommy at Daddy lalo na sa sitwasyon ko ngayun! Sobrang miserable ko at ayaw kong makita nila ako sa hindi kanais-nais na sitwasyon Magpapalipas lang siguro ako ng mga ilang araw sa sarili kong condo unit! Gusto ko kasing mapag-isa! Gustong kong magmumuni-muni at damhin ang sakit ng kabiguan hangang sa masanay ang puso ko sa sakit at hindi na ako iiyak kahit na kailan! Gusto ko na lang sigurong maging manhid para kahit kailan, hindi na ako makakaramdam pa ng sakit Sa paglipas ng mga araw sa sarili kong condo u
SCARLETT POV Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko sa hospital! Over fatigue daw ako na naging dahilan kaya muntik nang nalagay sa alangain ang baby na nasa sinapupunan ko! SA buong araw na kasama ko sil Mommy at Daddy sa loob ng private room ng hospital, wala man lang akong narinig sa kanila na kahit na ano mula sa kanila! Wala ding panunumbat or ano pa man kahit na nalaman nila ang pagdadalang tao ko! Parang normal pa din ang lahat-lahat sa kanila na siyang dahilan kaya lalo akong nakaramdam ng guilt sa aking puso! Todo alaga sa akin si Mommy Bianca! Halos ayaw niyang umalis sa tabi ko kaya naman noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kwarto ako na mismo ang nagbukas sa topic tungkol sa pagdadalang-tao ko. "Mommy, wala po ba kayong balak na magtanong tungkol sa pagdadalang tao ko?" mahina kong tanong sa kanya! Ibayong lakas ng loob ang inipon ko sa puso ko para iopen-up sa kanya ang kalagayan ko ngayun! Napansin kong natigilan si Mommy at blanko ang expr
SCARLETT POV Hangang sa makalabas ako ng hospital ramdam ko ang pag-aalaga at pag-unawa ng mga magulang at mga kapatid ko sa akin! Mahirap man ang mga pinagdadaanan ko kahit papaano nagkaroon na din ako ng tapang sa aking sarili na malalagpasan ang lahat ng problema. Sa tuluyan kong pagbalik sa aming tahanan, walang ibang ginawa sila Mommy at Daddy kundi ang unawain ako! May mga pagkakataon kasi talaga na halos ayaw ko pa ring lumabas ng aking silid! Mas gustong magmukmok sa loob ng silid at magmumuni-muni. Palagi pa rin akong umiiyak lalo na sa tuwing naiisip ko si Draku! Masasabing blessings pa rin sa buhay ko ang pagdadalang tao ko dahil kung wala siguro ang baby na nasa sinapupunan ko, baka matagal na akong sumuko! Mabilis na lumipas ang tatlong buwan! Unti-unti nang lumalaki ang aking tiyan! Regular naman akong dinadala nila Mommy sa aking obgyne at sinigurado naman nito na nasa maayos ang kalagayan naming mag-iina! Laking pasalamat ko dahil sa kabila nang mga gabing hind
SCARLET POV "Stephen, ingatan mo iyang kakambal mo! Buntis iyan at hindi pwedeng mapagod kaya hindi kayo pwedeng magtagal sa labas! Amanda, ang Ate mo...alalayan mo at baka kung mapaano!" mga galitang paulit-ulit na namutawi sa bibig ni Mommy Bianca habang paalis kami! Kulang nalang na sabihin sa amin na hindi ako pwedeng umalis at baka kung mapaano ako sa labas Kaya lang mukhang desidido talaga si Amanda at Stephen na dalhin ako sa mall ngayung araw kaya naman lahat ng mga bilin ni Mommy, puro oo na lang din ang naging sagot nila. "Sure Mom! Huwag po kayong mag-alala...ako ang bahala kay Ate!" nakangiting bigkas ni Amanda kay Mommy at sinabayan pa nito ng pagthumbs-up! "Mom, kami na ang bahala kay Scarlett! Ngayun lang ulit ito nakapasyal kaya lahat ng gusto niya ngayung araw, bibilihin ko!" nakangiting sagot naman ni stephen kay Mommy! "Hayy naku, bahala na nga kayo! Pero huwag magpagabi ha? Ang vitamins niya na naka-schedule na inumin niya mamayang before lunch huwag ni
SCARLETT POV "BUNTIS KA?" katanungan na lumabas sa bibig ni Anyana na hindi ko alam kung paano sasagutin! Parang gusto ko na tuloy pagsisihan ngayun na pumayag sa nais nila Stephen at Amanda na sumama sa kanila na lumabas at mamasyal! "Eh, ano po ba sa inyo kung buntis si Ate Scarlett? Hindi naman po siguro nakakapagulat iyun dahil babae siya at may matris siya!" si Amanda na ang sumagot na labis kong ikinagulat! "So, buntis ka nga? Sino ang ama?" muling tanong ni Anyana sa akin! kitang kita sa mga mata niya ang pagiging interesado sa pagdadalang tao ko at pati ang pagsabat ng kapatid kong si Amanda ay hindi niya pinatulan "Yes...buntis ako at hindi naman siguro required na sagutin ko ang tanong mo diba? Sa naalala ko tuluyan mo nang tinalikuran ang pamilya namin kaya naman wala na sigurong dahilan para malaman mo kung ano ang kalagayan ko ngayun!" seryosong sagot ko sa kanya! Napasulyap ako kay Gino na noon ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Anyana pero kitang kita sa m
ANAYANA POV ILANG araw na akong nakakaramdam ng pagka-bored sa bahay kaya naman niyaya ko si Gino na kung pwede niya akong samahan sa mall! Gusto kong maglibot-libot! Gusto kong makakita ng mga bagay -bagay na bago sa paningin ko nang sa ganoon, malibang man lang sana ako! Habang nasa mall kami, dumako ang paningin ko sa isang familiar na mukha! Si Scarlett! Siguro kung nakatalikod siya sa akin, hindi ko talaga siya makilala dahil sa kakaiba niyang hitsura ngayun! Malayong malayo sa Scarlett na nakilala ko dati! Kakaiba na ang kanyang pananamit at hindi ko pa nga mapigilan na magulat nang dumirekta ang paningin ko sa tiyan niya. Halata na ang malaking umbok noon na nagpapatunay na nagdadalang tao ito! Yes...simula noong umalis si Scarlett sa Isla na pag-aari ni Daddy, wala na din akong naging balita sa kanya simula noon! Ngayun ko na lang siya ulit nakita! Pero bakit ganoon? Buntis siya? Tatlong buwan ko lang siyang hindi nakita pero ang laki na kaagad ng tiyan niya? "Gino
ANYANA POV HABANG nakatayo dito sa labas ng shop kung saan abala sila Scarlett sa kakapili ng mga pang maternity dress, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inggit! Napapansin kong todo suporta sa kanya ang kakambal niyang si Stephen habang pumipili siya! Napapanasin ko din ang masayang ngiti sa labi ni stephen sa tuwing may kung anong bagay na sinasabi si Scarlett Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nagseselos ako sa isang bagay na hindi ko mawari! Oo, dapat masaya ako dahill sinunod niya ang nais ko na huwag na huwag na siyang magpakita sa akin kahit kailan pero bakit hindi ako masaya? Bakit sobrang lungkot ng puso ko? "KUng gusto mo siyang makausap, lapitan mo sila! NAging bahagi ka ng pamiya nila kaya wala naman sigurong masama kung makipag-usap ka din sa kanila diba?" narinig kong bigkas ni Gino na nasa tabi ko lang din! Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa kanya bago ko siya seryosong tinitigan. "Ano ang nangyari noon sa yate? Paanong nagkasama sila D
ANYANA POV "i understand, pero may mga dapat lang kasi akong linawin sa kanya kaya gusto ko siyang makausap! Kahit saglit lang...pwede ba?" mahinang bigkas ko! Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Actually, hindi lang naman si Scarlett ang gusto kong makausap kundi pati na din siya! Ilang buwan din kaming hindi nagkikita at sa mga buwan na nagdaan, bigla ko silang na-miss! "No! Hindi pwede! Sa nasabi ko na, kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na sa akin ngayun na! Look Anyana, pinutol mo na ang ugnayan natin! Sinunod ko na ang nais mo..ano pa ba talaga ang gusto mo? Hindi ka pa ba nagsasawa? HIndi ka pa ba napapagod?" seryosong bigkas ni Stephen na labis kong ikinagulat! Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin! May gusto siyang ipahiwatig na hindi ko alam! "Anong...anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong ko. "Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa kapatid ko simula umpisa! Kahit nga ang posibleng ama ng dinadala niya ay kilala ko din kung sino!" seryosong sa
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal