ANYANA POV "i understand, pero may mga dapat lang kasi akong linawin sa kanya kaya gusto ko siyang makausap! Kahit saglit lang...pwede ba?" mahinang bigkas ko! Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Actually, hindi lang naman si Scarlett ang gusto kong makausap kundi pati na din siya! Ilang buwan din kaming hindi nagkikita at sa mga buwan na nagdaan, bigla ko silang na-miss! "No! Hindi pwede! Sa nasabi ko na, kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na sa akin ngayun na! Look Anyana, pinutol mo na ang ugnayan natin! Sinunod ko na ang nais mo..ano pa ba talaga ang gusto mo? Hindi ka pa ba nagsasawa? HIndi ka pa ba napapagod?" seryosong bigkas ni Stephen na labis kong ikinagulat! Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin! May gusto siyang ipahiwatig na hindi ko alam! "Anong...anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong ko. "Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa kapatid ko simula umpisa! Kahit nga ang posibleng ama ng dinadala niya ay kilala ko din kung sino!" seryosong sa
ANYANA POV SA expression ng mukha ni Daddy mukhang nakumpirma ko na ang kasagutan sa mga tanong ko! "Paano? Dad? Paanong ikaw?" muling bigkas ko! Lalong sumeyoso ang mukha nito habang direktang nakatitig sa kawalan! "Buntis sya? Talaga bang buntis siya?" narinig kong bigkas niya. Napansin ko din ang biglang pamumula ng mga mata niya na para bang nagpipigil itong maiyak! "Yes...buntis siya Dad! So, ibig bang sabihin nito, magkakaroon na ako ng kapatid? Pero bakit? SA dinami-dami ng mga babae bakit si Scarlett pa Dad?" seryosong tanong ko sa kanya at hindi ko na mapigilan pa ang maluha! Natigilan naman ito at seryosong ibinaling ang tingin sa akin! "I love her! I don't know kung bakit nangyayari ito sa akin, but I love her so much! Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero hindi kaya! Sa lahat ng mga babaeng nakasama ko, siya lang iyung kakaiba! Siya ang palaging hinahanap ng sistema ko!" seryosong sagot niya sa akin! Natiglan naman ako! Sa totoo lang hindi ko alam kung ano an
ANYANA POV PAGKATAPOS ng kumprontasyon sa pagitan naming dalawa ni Daddy sa may swimming pool, umiiyak akong pumasok sa loob ng aking silid at nagmukmok! Masakit na ang ulo ko sa kakaiyak pero parang ayaw pa rin tumigil ang aking mga luha! Kanina pa din ako titig na titig sa aking phone dahil gusto ko sanang tawagan si Mommy Bianca! Yes...si Mommy Bianca! Gusto ko sana siyang makausap kaya lang naguguluhan naman ako kung ano ba ang pwede kong sabihin sa kanya!Nahihiya ako at the same time naguguluhan ako sa mga nangyayar! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang lahat! Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa amin! Bakit nagawa ito ni Daddy kay Scarlett? Bakit sa dinami-dami ng mga babaeng pwede niyang magustuhan, bakit si Scarlett pa? HIndi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak dito sa silid pero natigil lang ako nang marinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pintuan ng aking sild! Dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ako nagsalita. "Pasok...bukas i
SCARLETT POV "Good Morning everyone!" nakangiti kong bati kina Mommy at Daddy kasama na ng mga kapatid ko nang maabutan ko sila dito sa dining area na kumakain ng breakfast! Sa loob ng ilang buwan na pagmumukmok, ngayun ko lang naisip na lumabas ng kwarto sa umaga para makisabay sa pagkain nila kaya kitang kita ko sa mukha nilang lahat ang gulat! "Good Morning! Halika na anak! Sumabay ka na sa amin!" buong tamis na nakangiti si Mommy Bianca habang sinasabi niya ang katagang iyun! Mabilis namang tumayo ang kakambal kong si Stephen para ipaghila niya ako ng aking upuan samantalang si Daddy naman, inutusan ang isa sa dalawang kasambahay na nakaantabay dito sa dining area na ikuha daw ako ng pingan at fresh juice Simula noong umuwi ako dito sa bahay, hindi talaga pumapalya ang fresh na inumin kapag umaga! Kaya naman kahit papaano, alam kong lalabas na malusog ang baby na nasa sinapupunan ko! "Wow Ate...bagay na bagay sa iyo ang damit na suot mo ah? Ang ganda mo!" nakangiting bigka
SCARLETT POV '"HALA! Grabe, ang galing mo Ate! Tatlo kaagad ang magiging pamangkin ko?" excited na bigkas ni Amanda habang naglalakad kami dito sa hallway! Kakatapos ko lang sa Doctor at hangang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala! Well, kung tutoosin wala namang nakakapagtaka doon! Posible talagang magbuntis ako ng triplets dahil triplets din naman kami noong ipinanganak kami ni Mommy Bianca kaya lang namatay ang isa. Kaya siguro kailangan ko ng dobleng ingat sa sarili ko! May tatlong buhay ang nasa sinapupunan ko na dapat kong alagaan! "Sino kaya ang kamukha nila, Ate? Naku, sobrang excited na akong makita sila! Tiyak na matutuwa din sila Mommy at Daddy kapag malaman ito!" muling bigkas ni Amanda! Pagkalabas namin sa hospital, sakto naman na naghihintay na sa amin ang driver! Inalalayan pa nga ako ni Amanda na makasakay ng sasakyan at inutusan namin ang driver na sa mall kami didirecho! Baka kasi sa susunod na buwan, hindi ko na kayang maglakad-lakad! Triplets ang baby
SCARLETT POV ''SCARLETT, huwag matigas ang ulo! Kapag sinabi kong mag-usap tayo...mag-uusap tayo!" seryosong bigkas ni Draku na akala mo malaki ang utang na loob ko sa kanya na kailangan ko siyang pagbigyan! Tsaka ano daw? Ako pa ngayun ang may matigas na ulo? Kakaiba din ang taong ito! Pagkatapos ko siyang iyakan ng ilang buwan, basta na lang siya magpapakita sa akin ngayun na akala mo wala siyang ginawang masama sa akin? Talaga naman! Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang lalaking ito na pagkatapos niya akong itapon na parang basura, tsaka siya ngayun lalapit-lapit sa akin! Kung saan malapit na akong maka-moved on tsaka naman siya nagpakita sa akin ngayun! "Hindi! Ayaw ko! Umalis ka na sabi eh!" galit kong singhal sa kanya! Pinindot ko pa nga ang button para maisara ng ang salamin na bintana ng sasakyan pero tinigilan ko din ng iharang niya ang kamay niya sa bintana! "Ano ba? Wala ka na bang kahihiyan? Hindi mo ba alam na masyado ka nang nakakaabala?'" galit k
SCARLETT POV "NOW, sabihin mo na sa akin kung ano ang gusto mong sabihin para matapos na! Masyado na akong naaabala sa mga pinanggagawa mo alam mo ba iyun?" seryoso kong bigkas habang nakatitig ako sa unahang bahagi ng saskayan! Natupad din ang nais niya na isakay niya ako dito sa kanyang sasakyan! May pagka-traidor din kasi si Amanda eh! Pagkatapos pakitaan ni Draku nang mapakunwari niyang pag-uugali, naniwala naman kaagad ang kapatid ko kaya ang ending pumayag siya kaagad na mag-usap kami! Para na lang daw sa mga bata! Paniwalang paniwala kasi talaga si Amanda na boyfriend ko itong si Draku eh! Sabagay, saksi nga pala si Amanda sa paghihirap ng kalooban ko nitong mga nakaraang buwan at iniisip niya talaga na sobrang broken hearted ako at malamang iniisip niya na si Draku ang dahilan! "Kumusta ang pakiramdam mo? Pasensya ka na kung hindi ko kaagad nalaman ng tungkol sa pagdadalang-tao mo! Alam mo bang ilang beses akong nagpapabalik-balik sa bahay niyo nitong mga nakaraang bu
SCARLETT POV "TEKA lang, saan tayo?" seryosong tanong ko kay Draku nang pumasok ang sinasakyan naming kotse sa isang mataas na gate! Bumungad sa paningin ko ang malawak na kapaligiran kung saan may nakikita akong isang napakagandang bahay! European style at sobrang laki nito! "Dito sa isa sa mga bahay ko! Gustuhin ko mang yayain ka sa mga restaurant para kumain, mas mabuti na din sigurong dito na lang sa bahay para maging kumportable ka!" nakangiti niyang sagot sa akin at nagpatiuna na siyang bumaba ng kotse! Naglakad siya patungo dito sa gawi ko at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at inalalayan niya akong makababa! SA totoo lang, medyo hirap na din talaga akong magkikilos! Ramdam ko na din ang bigat ng aking tiyan na para bang mas gustuhin ko na lang na maupo na lang kaysa magkikilos! "Bahay mo ito? Sinong nakatira? Nandito din ba si Anyana?" seryoso kong tanong sa kanya! "Wala dito sa Anyana! May ibang bahay siyang tinitirhan!" kaswal ang boses na sagot ni
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabut
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nan
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya