SCARLETT POV Hangang sa makalabas ako ng hospital ramdam ko ang pag-aalaga at pag-unawa ng mga magulang at mga kapatid ko sa akin! Mahirap man ang mga pinagdadaanan ko kahit papaano nagkaroon na din ako ng tapang sa aking sarili na malalagpasan ang lahat ng problema. Sa tuluyan kong pagbalik sa aming tahanan, walang ibang ginawa sila Mommy at Daddy kundi ang unawain ako! May mga pagkakataon kasi talaga na halos ayaw ko pa ring lumabas ng aking silid! Mas gustong magmukmok sa loob ng silid at magmumuni-muni. Palagi pa rin akong umiiyak lalo na sa tuwing naiisip ko si Draku! Masasabing blessings pa rin sa buhay ko ang pagdadalang tao ko dahil kung wala siguro ang baby na nasa sinapupunan ko, baka matagal na akong sumuko! Mabilis na lumipas ang tatlong buwan! Unti-unti nang lumalaki ang aking tiyan! Regular naman akong dinadala nila Mommy sa aking obgyne at sinigurado naman nito na nasa maayos ang kalagayan naming mag-iina! Laking pasalamat ko dahil sa kabila nang mga gabing hind
SCARLET POV "Stephen, ingatan mo iyang kakambal mo! Buntis iyan at hindi pwedeng mapagod kaya hindi kayo pwedeng magtagal sa labas! Amanda, ang Ate mo...alalayan mo at baka kung mapaano!" mga galitang paulit-ulit na namutawi sa bibig ni Mommy Bianca habang paalis kami! Kulang nalang na sabihin sa amin na hindi ako pwedeng umalis at baka kung mapaano ako sa labas Kaya lang mukhang desidido talaga si Amanda at Stephen na dalhin ako sa mall ngayung araw kaya naman lahat ng mga bilin ni Mommy, puro oo na lang din ang naging sagot nila. "Sure Mom! Huwag po kayong mag-alala...ako ang bahala kay Ate!" nakangiting bigkas ni Amanda kay Mommy at sinabayan pa nito ng pagthumbs-up! "Mom, kami na ang bahala kay Scarlett! Ngayun lang ulit ito nakapasyal kaya lahat ng gusto niya ngayung araw, bibilihin ko!" nakangiting sagot naman ni stephen kay Mommy! "Hayy naku, bahala na nga kayo! Pero huwag magpagabi ha? Ang vitamins niya na naka-schedule na inumin niya mamayang before lunch huwag ni
SCARLETT POV "BUNTIS KA?" katanungan na lumabas sa bibig ni Anyana na hindi ko alam kung paano sasagutin! Parang gusto ko na tuloy pagsisihan ngayun na pumayag sa nais nila Stephen at Amanda na sumama sa kanila na lumabas at mamasyal! "Eh, ano po ba sa inyo kung buntis si Ate Scarlett? Hindi naman po siguro nakakapagulat iyun dahil babae siya at may matris siya!" si Amanda na ang sumagot na labis kong ikinagulat! "So, buntis ka nga? Sino ang ama?" muling tanong ni Anyana sa akin! kitang kita sa mga mata niya ang pagiging interesado sa pagdadalang tao ko at pati ang pagsabat ng kapatid kong si Amanda ay hindi niya pinatulan "Yes...buntis ako at hindi naman siguro required na sagutin ko ang tanong mo diba? Sa naalala ko tuluyan mo nang tinalikuran ang pamilya namin kaya naman wala na sigurong dahilan para malaman mo kung ano ang kalagayan ko ngayun!" seryosong sagot ko sa kanya! Napasulyap ako kay Gino na noon ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Anyana pero kitang kita sa m
ANAYANA POV ILANG araw na akong nakakaramdam ng pagka-bored sa bahay kaya naman niyaya ko si Gino na kung pwede niya akong samahan sa mall! Gusto kong maglibot-libot! Gusto kong makakita ng mga bagay -bagay na bago sa paningin ko nang sa ganoon, malibang man lang sana ako! Habang nasa mall kami, dumako ang paningin ko sa isang familiar na mukha! Si Scarlett! Siguro kung nakatalikod siya sa akin, hindi ko talaga siya makilala dahil sa kakaiba niyang hitsura ngayun! Malayong malayo sa Scarlett na nakilala ko dati! Kakaiba na ang kanyang pananamit at hindi ko pa nga mapigilan na magulat nang dumirekta ang paningin ko sa tiyan niya. Halata na ang malaking umbok noon na nagpapatunay na nagdadalang tao ito! Yes...simula noong umalis si Scarlett sa Isla na pag-aari ni Daddy, wala na din akong naging balita sa kanya simula noon! Ngayun ko na lang siya ulit nakita! Pero bakit ganoon? Buntis siya? Tatlong buwan ko lang siyang hindi nakita pero ang laki na kaagad ng tiyan niya? "Gino
ANYANA POV HABANG nakatayo dito sa labas ng shop kung saan abala sila Scarlett sa kakapili ng mga pang maternity dress, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inggit! Napapansin kong todo suporta sa kanya ang kakambal niyang si Stephen habang pumipili siya! Napapanasin ko din ang masayang ngiti sa labi ni stephen sa tuwing may kung anong bagay na sinasabi si Scarlett Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nagseselos ako sa isang bagay na hindi ko mawari! Oo, dapat masaya ako dahill sinunod niya ang nais ko na huwag na huwag na siyang magpakita sa akin kahit kailan pero bakit hindi ako masaya? Bakit sobrang lungkot ng puso ko? "KUng gusto mo siyang makausap, lapitan mo sila! NAging bahagi ka ng pamiya nila kaya wala naman sigurong masama kung makipag-usap ka din sa kanila diba?" narinig kong bigkas ni Gino na nasa tabi ko lang din! Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa kanya bago ko siya seryosong tinitigan. "Ano ang nangyari noon sa yate? Paanong nagkasama sila D
ANYANA POV "i understand, pero may mga dapat lang kasi akong linawin sa kanya kaya gusto ko siyang makausap! Kahit saglit lang...pwede ba?" mahinang bigkas ko! Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Actually, hindi lang naman si Scarlett ang gusto kong makausap kundi pati na din siya! Ilang buwan din kaming hindi nagkikita at sa mga buwan na nagdaan, bigla ko silang na-miss! "No! Hindi pwede! Sa nasabi ko na, kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na sa akin ngayun na! Look Anyana, pinutol mo na ang ugnayan natin! Sinunod ko na ang nais mo..ano pa ba talaga ang gusto mo? Hindi ka pa ba nagsasawa? HIndi ka pa ba napapagod?" seryosong bigkas ni Stephen na labis kong ikinagulat! Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin! May gusto siyang ipahiwatig na hindi ko alam! "Anong...anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong ko. "Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa kapatid ko simula umpisa! Kahit nga ang posibleng ama ng dinadala niya ay kilala ko din kung sino!" seryosong sa
ANYANA POV SA expression ng mukha ni Daddy mukhang nakumpirma ko na ang kasagutan sa mga tanong ko! "Paano? Dad? Paanong ikaw?" muling bigkas ko! Lalong sumeyoso ang mukha nito habang direktang nakatitig sa kawalan! "Buntis sya? Talaga bang buntis siya?" narinig kong bigkas niya. Napansin ko din ang biglang pamumula ng mga mata niya na para bang nagpipigil itong maiyak! "Yes...buntis siya Dad! So, ibig bang sabihin nito, magkakaroon na ako ng kapatid? Pero bakit? SA dinami-dami ng mga babae bakit si Scarlett pa Dad?" seryosong tanong ko sa kanya at hindi ko na mapigilan pa ang maluha! Natigilan naman ito at seryosong ibinaling ang tingin sa akin! "I love her! I don't know kung bakit nangyayari ito sa akin, but I love her so much! Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero hindi kaya! Sa lahat ng mga babaeng nakasama ko, siya lang iyung kakaiba! Siya ang palaging hinahanap ng sistema ko!" seryosong sagot niya sa akin! Natiglan naman ako! Sa totoo lang hindi ko alam kung ano an
ANYANA POV PAGKATAPOS ng kumprontasyon sa pagitan naming dalawa ni Daddy sa may swimming pool, umiiyak akong pumasok sa loob ng aking silid at nagmukmok! Masakit na ang ulo ko sa kakaiyak pero parang ayaw pa rin tumigil ang aking mga luha! Kanina pa din ako titig na titig sa aking phone dahil gusto ko sanang tawagan si Mommy Bianca! Yes...si Mommy Bianca! Gusto ko sana siyang makausap kaya lang naguguluhan naman ako kung ano ba ang pwede kong sabihin sa kanya!Nahihiya ako at the same time naguguluhan ako sa mga nangyayar! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang lahat! Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa amin! Bakit nagawa ito ni Daddy kay Scarlett? Bakit sa dinami-dami ng mga babaeng pwede niyang magustuhan, bakit si Scarlett pa? HIndi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak dito sa silid pero natigil lang ako nang marinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pintuan ng aking sild! Dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ako nagsalita. "Pasok...bukas i
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabut
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nan
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i