SCARLETT POV Pakiramdam ko nasa alaapap ako sa mga sumunod na araw na nagdaan! Masyado akong nag-enjoy sa presensya ni Draku to the point na halos nakalimuntan ko na ang lahat sa akin! Tuluyan na akong ipinagkanulo sa aking naramdaman! Feeling ko nga, kaya kong talikuran ang naging buhay ko noon basta kasama ko lang si Draku Sa bawat araw na nagdaan tuluyan ko nang ibinigay ng paulit-ulit ang katawan ko sa kanya! Tuluyan na akong nagpakabaliw sa kanya at hindi na naisip pa ang mga consequences na maaring kakahantungan ng lahat dahil sa pagiging mapusok ko! Kontento na ako sa lahat ng kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa kaya lang dumadating din pala talaga sa punto na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari! Darating at darating din pala talaga ang oras na masasaktan at masasaktan ka! "Saan ka pupunta?" seryoso kong tanong kay Draku nang mapansin kong bihis na bihis ito na akala mo may lakad! "Uuwi muna ng Manila! Medyo matagal na ako dito sa Isla at hinahanap n
SCARLETT POV "I don't care sa nararamdaman mo pero since ayaw mong umalis sa lugar na ito, bahala ka! Hindi ko maipapangako sa iyo kung kailan kita mababalikan pero kung gusto mo nang umalis habang wala pa ako, you are free to go! SAbihin mo lang sa mga nagbabantay sa iyo kung ano ang gusto mo!" seryoso niyang sagot at mabilis akong tinalikuran! "Draku...No! Hindi ako aalis! Wala akong balak na umalis at maghihintay ako sa muling pagbabalik mo!' seryoso kong sagot sa kanya pero parang walang narinig na tuloy-tuloy lang hakbang niya! Palayo sa akin na walang kasiguraduhan kong babalikan niya pa ba ako! Hindi ko na mapigilan pa ang mapahaguhol ng iyak! Sobrang sakit! Ang kaunting pag-asa na nasa puso ko ay biglang naglaho! Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko sa kanya nitong mga nakaraang araw wala man lang pala siyang kahit na katiting na nararamdamang pagkagusto sa akin! Now, alam ko na kung gaano kasakit ang lahat-lahat! Kung ito man ang magiging karma ko
SCARLETT POV Mabilis na lumipas ang ilan pang mga linggo pero walang Draku ang umuwi! Ni hindi niya na ulit ako nagawang silipin dito sa Isla! Masakit, sobrang sakit pero siguro, kailangan kong tangapin ang katotohanan na hindi siya para sa akin! Kaya lang sa tuwing naiisip ko naman ang tungkol sa bagay na iyun, tumututol ang kalooban ko! Hindi ko kaya! Hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan ang nararamdaman ko para sa kanya! KASALUKUYAN akong nakasalampak sa sahig at nakatutok ang aking mga mata sa telebisyon habang hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata! Nakikita ko kasi sa screen si Draku na kasama niya ang sexy star sa isang event at hindi ko mapigilan ang masaktan! Kakatapos lang din ma-interview ng babaeng kasama niya at kinumpirma nito na may relasyon silang dalawa at balak na daw nilang magpakasal next year! Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong ipaglaban! Sa bawat araw na nagdaan feeling ko lalo ko lang pinapahirapan ang
SCARLETT POV MALUNGKOT akong nakatanaw sa payapang karagatan! Simula noong nalaman ko na nagdadalang tao ako lalong dumuble ang bigat na nararamdaman ng puso ko! Hindi ko alam kung handa na ba talaga akong maging Ina! Hindi ko alam kung kaya ko din bang panindigan itong pagbubuntis ko! Hindi pa ako ready pero kailangan kong ihanda ang sarili ko! "So, totoo nga ang naririnig ko! Nandito ka nga!" wala sa sariling kaagad akong napalingon ng marinig ko ang familiar na boses na iyun at hindi ako makapaniwala nang sumalubong sa paningin ko si Anyana! Yes...si Anyana! Ano ang ginagawa niya sa Isla na ito? "Anyana?" mahina kong tanong sa kanya! Napansin kong ang laki na ng ipinagbago niya! Hindi na siya ang dating Anyana na kilala ko! "Nandito ka lang pala kung saan-saan ka pa hinanap ng mga magulang mo! Ano ang ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong sa akin! Nakikita ko sa mga mata niya ang galit para sa akin na siyang lalong nagbigay sa akin na matinding kalungkutan! "Bakit
SCARLETT POV "Kung talagang nagsisisi ka sa lahat ng mga kasalanan na nagawa mo sa akin, lumuhod ka! Ipakita mo sa akin ang pagsisisi mo Scarlett!'" pautos bigkas ni Anyana sabay halukipkip! Malungkot akong napangiti habang titig na titig ako sa kanya. Tuluyan na nga siyang nagbago! Nakakalungkot isipin na hindi ko na nakikita sa kanya ang dating Anyana! Siguro nga ang laki ng naging ambag ko pagbabago ng ugali niya kaya kasalanan ko din talaga! Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan ko para kahit papaano lumuwag-luwag ang nararamdaman ng puso ko! Nakayuko akong dahan-dahan na nag-bend hangang sa tuluyan na akong lumuhod sa harapan niya! Nakayuko ako dahil ayaw kong makita ang reaction ng mukha niya dahil tiyak akong pinagtatawanan niya ako ngayun. "Anyana, sorry! Kasalanan ko ang lahat-lahat kaya sana mapatawad mo ako!" mahina kong sambit! Kung sakaling bigyan ako ng pagkakataon ni Lord na maibalik ang nakaraan, mas pipiliin ko na talaga ang maging mabait na tao at
SCARLETT POV "Uuwi na ako sa akin!" mahina kong bigkas habang hindi makatingin ng direcho kay Draku. "Anong sabi mo?" seryosong tanong niya sa akin.. 'YES, titigil na ako...ititigil na natin ito! Susundin ko na ang nais mo na iwan ang Isla na ito!" mahina kong wika habang mabilis na bumitaw sa pagkakahawak niya at umatras ng ilang hakbang palayo sa kanya! Napansin kong naguguluhan siyang napatitig sa akin! Hindi niya marahil inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko! Sabagay, ang huling natatandaan ko ay halos nagmakaawa ako sa kanya na huwag niya akong iwan dito sa isla pero hindi siya nakinig! Now, ito na din siguro ang tamang pagkakataon para makapag-paalam ako sa kanya. Ito na din siguro ang tamang pagkakataon para palayain ko ang sarili ko mula sa kanya. "Nagtagumpay na kayo para pahirapan ako...para ma-realized ko kung gaano kalaki ang pagkakamali na nagawa ko sa inyo! Hindi mo pa ba nakikita ang sitwasyon ko ngayun..sobrang nahihirapan na ako! Sobrang nagsisisi na
SCARLETT POV Sa tuluyang paglisan ko sa Isla ay ibayong sakit ng kalooban ang nakaukit sa puso ko! Katulad nang sinabi sa akin ni Draku, pinahatid niya lang ako sa chopper at pagdating ng Manila kaagad na din akong sumakay ng taxi pauwi sa sarili kong condo unit! Siguro nga wala talagang pakialam si Draku sa akin dahil pagkatapos naming mag-usap kanina, ni hindi man lang siya nagpakita sa akin ulit bago ako umalis. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang makaharap sila Mommy at Daddy lalo na sa sitwasyon ko ngayun! Sobrang miserable ko at ayaw kong makita nila ako sa hindi kanais-nais na sitwasyon Magpapalipas lang siguro ako ng mga ilang araw sa sarili kong condo unit! Gusto ko kasing mapag-isa! Gustong kong magmumuni-muni at damhin ang sakit ng kabiguan hangang sa masanay ang puso ko sa sakit at hindi na ako iiyak kahit na kailan! Gusto ko na lang sigurong maging manhid para kahit kailan, hindi na ako makakaramdam pa ng sakit Sa paglipas ng mga araw sa sarili kong condo u
SCARLETT POV Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko sa hospital! Over fatigue daw ako na naging dahilan kaya muntik nang nalagay sa alangain ang baby na nasa sinapupunan ko! SA buong araw na kasama ko sil Mommy at Daddy sa loob ng private room ng hospital, wala man lang akong narinig sa kanila na kahit na ano mula sa kanila! Wala ding panunumbat or ano pa man kahit na nalaman nila ang pagdadalang tao ko! Parang normal pa din ang lahat-lahat sa kanila na siyang dahilan kaya lalo akong nakaramdam ng guilt sa aking puso! Todo alaga sa akin si Mommy Bianca! Halos ayaw niyang umalis sa tabi ko kaya naman noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kwarto ako na mismo ang nagbukas sa topic tungkol sa pagdadalang-tao ko. "Mommy, wala po ba kayong balak na magtanong tungkol sa pagdadalang tao ko?" mahina kong tanong sa kanya! Ibayong lakas ng loob ang inipon ko sa puso ko para iopen-up sa kanya ang kalagayan ko ngayun! Napansin kong natigilan si Mommy at blanko ang expr
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabut
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nan
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nag
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya!
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya
SCARLETT POV"ITO ang magiging kwarto ko?" kaagad kong tanong kay Draku! Balik kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin kanina at nagulat na lang ako nang muli niya akong dinala sa kwarto kung saan ako natulog kanina! Kung hindi ako maaaring magkamali, ito din ang silid niya dahil sa loob ng walk in closet habang nag-iikot ako, may napapansin akong mga personal niyang mga gamit!"Ito lang ang pinakamalaki at pinaka-kumportableng kwarto sa bahay na ito! Don't worry, bihira lang naman akong umuuwi dito at kapag nandito naman ako pwede din naman akong magpahinga sa ibang silid kaya wala kang dapat na ikabahala!" nakangiti niyang sagot sa akin! Simula kanina, hindi ko na siya nakikitaan pa ng kagaspangan ng pag-uugali!Palagi na ding mahinahon ang tono ng kanyang pananalita na siyang labis kong ipinagpasalamat!"Pero, pwede naman ako sa ibang kwarto na lang! Bakit dito pa?" nagtataka kong bigkas!"Scarlett, hindi ka pa ba napapagod? I think, kailangan mo na munang magpahinga! Mamaya ng k
SCARLETT POV "ALAM kong sobrang naging unfair ako kay Anyana dahil idinamay ko siya sa galit ko sa Ina niya pero kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari! Naiinitinhan ko kung galit man siya sa akin ngayun! Naiintindihan ko kung halos isumpa niya man ako ngayun! Kung umiiyak at nasasaktan man ako ngayun, siguro ito na ang karma ko!" muli kong bigkas! Napatitig ako sa labas ng sasakyan habang nag-uumpisa na naman akong maluha! Siguro, kailangan ko nang masanay! Siguro, kailangan ko nang tangapin sa aking sarili na palagi na akong iiyak! "Now, I understand! Don't worry, kakausapin ko si Anyana regarding this matter! Magiging maayos din ang lahat!" mahina niyang sambit! Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pero mabilis ko ding hinila iyun! Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko sa kanya pagkatapos kong gawin iyun pero hindi ko na lang binigyang pansin pa! Wala naman kaming relasyon para hawak-hawakan niya ako sa aking kamay at i