ANYANA POV Sa dining area kami dumircho kung saan nadatnan namin na naghihintay ang apat na anak nila Tita at Tito! Sila Scarlett, Stephen, Amanda at ang bunso na si David. Kahit na busog pa ako wala akong choice kundi ang maupo sa pwesto ko palagi. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang matamis na ngiti na nakaguhit sa labi ni Scarlett. Mukhang excited na siyang makuha ang mana niya kay Lola Sylvia! "Kumain na muna tayo habang hinihintay natin si Attorney Salazar! Dala niya na ang mga papeles na maghahati sa inyong lima sa yaman ni Mommy Sylvia." narinig kong sambit ni Tito Daniel! Halatang naka-fixed na ang lahat! Pati mga papeles ready na at ang marriage certificate na lang namin ni Stephen ang hinihintay para masilyuhan na ang mga papeles at mapasakamay na ng mga tagapagmana ang kayamanan. "Wow, sa wakas! Ito na iyun oh! Makukuha na din namin ang para sa amin at hindi ang ibang tao ang makikinabang ng lahat ng mga pinaghirapan nila Lola at Lola!" excited na bigkas ni Scar
ANYANA POV DUMATING na din ang araw na kinatatakutan ko! Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama at kanina pa pabalik-balik ang isa sa mga kasambahay para sabihin na dumating na daw ang make -up artist na mag-aayos sa akin! May tatlong oras pa na preparation pero parang ayaw ko pang lumabas ng kwarto! Ewan ko ba...kinakabahan ako na hindi ko mawari! Parang may bumubulong sa isipan ko na huwag nang ituloy ang kasalan na ito! Na huwag akong sumipot at tumakas na lang! May oras pa para umatras! Ilang beses ko na din gustong tawagan sila Tita at Tito para sabihin sana sa kanila ang kanina pa tumatakbo sa isipan ko kaya lang natatakot ako na baka kamuhian nila ako! Isang malaking kahihiyan sa panig nila kung hindi ako sisipot sa simbahan! Hindi ko mapigilan ang mapabutnong hininga! Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayun kahit na ang paghinga para bang nahihirapan na din ako! Naguguluhan ako pero hindi ko naman malaman kung sino ang kakausapin! Maliban kay Gino, wala na akong
ANYANA POV "ANO ito? Bakit? Bakit?" paulit-ulit kong sambit dahil hindi talaga kayang tangapin ng isipan ko na nagawa nila akong traydurin ngayun! Hilam na ang luha sa aking mga mata habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko kina Stephen at Scarlett "Bakit? Dahil hangang ngayun nasa puso ko pa rin ang galit sa nangyari sa amin noon! Dahil sa kagagawan ng Mommy mo matagal na panahon na hindi namin nakasama si DAddy! tapos malaman-laman namin na hindi ka naman tunay na anak ng Daddy namin tapos lahat ng pabor ibinigay niya sa iyo?" galit na sigaw sa akin ni Scarlett. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na hangang ngayun dala-dala niya pa rin sa puso niya ang mga nangyari sa nakaraan! "Hindi ka na nga tunay na anak, inagaw mo pa ang attention at pagmamahal ni Lola Sylvia na para sa amin lang! Pati si Gino gusto mo din agawin sa akin kaya mabuti pang tuluyan ka nang mawala sa landas namin!" muling bigkas niya na lalong nagpahagulhol sa ak
STEPHEN POV HINAYAAN ko muna si Scarlett at Anyana na mag-usap. Sinadya ko talagang dalhin dito sa masukal na bahagi ng Rizal si Anyana para makapag usap kami ng maayos! Pagkatapos nito, didirecho na kami ng airport para sa flight namin papuntang Korea. Doon kami magha-honemoon at tiyak akong magugustuhan at mag-ienjoy si Anyana. Hangang ngayun pa rin kasi...alam kong naiinis pa rin ang kapatid ko sa kanya dahil sa mga nangyari noon kaya hahayaan ko na muna silang mag -usap. Ipa-prank lang daw niya si Anyana dahil ngayung gabi daw ang huling pagtataray n gagawin niya at pagkatapos nito, makikipagbati na daw siya! Magiging asawa ko na si Anyana at dapat lang talaga na magpakatawaran na kami! Kung hindi siya pumayag na magpakasal sa akin hindi talaga namin mapapakinabangan lahat ng yaman ni Lola Sylvia. Hindi ko akalain na sobrang seryoso pala talaga ni Lola nang bangitin niya sa akin noon na wala siyang ibang babaeng gusto para sa akin kung hindi si Anyana lang kaya siguro nagaw
ANYANA PO "ANYANA, lumabas ka na diyan! Nagbibiro lang si Scarlett!'' mariin kong naipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang salitang iyun! Kahit na nasa medyo malayo sa akin ang nagsasalitang iyun malinaw ko pa ring naririnig. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Hindi na ako maniniwala sa kanila! Sa isiping iyun hindi ko na mapigilan ang impit na pag-iyak. Hindi ko akalain na dadanasin ko ang ganitong klaseng kapalaran. Hindi ko akalain na pagtatangkaan nila ang buhay ko dahil sa matinding galit nila sa akin. Hinayaan kong lumipas ang ilan pang sandali. Nang maramdaman kong sobrang tahimik na ng buong paligid dahan-dahan akong tumayo! Hinubad ko na ang suot kong traje de boda nang maramdaman ko na may mahapdi sa binti ko. Nang haplusin ko iyun doon ko lang napagtanto na may sugat pala ako sa bahaging iyun! Pagkahubad ko sa aking suot ng traje de boda, natira ang pang-ilalim kong kasuotan. Isang kulay puting dress na lagpas tuhod. Mas gumaan na ang pakiramdam ko kaya n
ANYANA POV Kahit papaano, hindi na masikip ang jeep ng muli kaming sumakay. Tahimik lang akong nakaupo habang nag-iisip kung saan nga ba ako pupunta? Bahala na! Ang barkong unang aalis sa pier mamaya ay iyun ang una kong sasakyan. Hindi ko na hihintayin pang sumikita ang araw sa silangan na nandito pa ako sa siyudad! Hindi ko na hahayaan pang mahuli ako nila Scarlett at Stephen! Mga trydor sila...pinagbigyan ko na nga sila sa hiling nila tapos gaganituhin pa nila ako? Hindi man lang nila naiisip na kung totoosin wala naman akong kasalanan sa kanila. "Ayan na ang bus station! Diyan ka sumakay papuntang pier dahil hindi ka na namin maihatid doon! Medyo malayo kasi!" nakangiting wika sa akin ng babaeng kung hindi sa kanya baka patay na ako ngayun! Baka nahuli na ako nila Scarlett. "Salamat po sa inyo!" pilit ang ngiting sagot ko at kaagad na naglabas ng ilang pirasong tiglilibuhin sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata nito sabay iling kaya kusa iyung inilapag sa ibab
ANYANA POV PARANG kailan pero heto ako! Nakaupo sa gilid ng baybayin at pilit na iniisip ang aking nakaraan. Kung sino ako at saan ako nangaling. Kung may mga magulang bang naghahanap sa akin. Mahigit dalawang taon na din ang matulin na lumipas. Kahit na walang pera si Lola Saling pati na din ang apo niyang dalagita na kasalukuyang kumukupkop sa akin, dinala nila ako sa hospital noon sa bayan pero isa lang ang sinabi ng Doctor na tumingin sa akin...may amnesia nga daw ako at hindi alam kung kailan ba babalik ang alaala ko! Maaring muling bumalik ang alaala ko sa paglipas ng panahon or posible daw na tulunan ko nang makalimutan ang lahat! Mahirap! Sobrang hirap pala ang ganito! Pakiramdam ko nangangapa ako sa dilim! Pakiramdam ko muli akong ipinanganak. "Ate Angela...nandito ka lang pala eh! Kanina pa kita hinahanap!" kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Menchie! Ang katorse anyos na apo ni Lola Saling. Simula noong nagkamalay na ako pinangalanan na nila ako
STEPEHEN VELASQUEZ BUENAVENTURA POV ''PINAPATAWAG ka ni Daddy!" kaagad na bigkas ni Scarlett pagkababa ko pa lang ng kotse! Kakauwi ko lang ng bahay galing sa maghapon na trabaho sa opisina! "Bakit daw?" seryoso kong tanong. "I dont know....pero basta sabi niya sa akin kapag dumating ka daw dumirecho ka na daw ng library!" nakangiting bigkas niya sa akin. Wala sa sariling napatango ako at naglakad patungo sa library. Ano na naman kaya ang kailangan ni Daddy? Kakastiguhin niya na naman kaya ako dahil may tinangal na naman akong empleyado ng kumpanya? Pero bakit ba? Sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa kumpanya na-secure ko ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon dahil sa maraming bumilib sa talino ko! May dahilan ako na magtangal ng empleyado lalo na kapag alam kong mga inutil at walang pakinabang! Direcho ang lakad ko patungo sa library. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok lang ako ng tatlong beses bago binuksan. Kaagad kong nabungaran ang seryosong mukha
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags