STEPEHEN VELASQUEZ BUENAVENTURA POV ''PINAPATAWAG ka ni Daddy!" kaagad na bigkas ni Scarlett pagkababa ko pa lang ng kotse! Kakauwi ko lang ng bahay galing sa maghapon na trabaho sa opisina! "Bakit daw?" seryoso kong tanong. "I dont know....pero basta sabi niya sa akin kapag dumating ka daw dumirecho ka na daw ng library!" nakangiting bigkas niya sa akin. Wala sa sariling napatango ako at naglakad patungo sa library. Ano na naman kaya ang kailangan ni Daddy? Kakastiguhin niya na naman kaya ako dahil may tinangal na naman akong empleyado ng kumpanya? Pero bakit ba? Sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa kumpanya na-secure ko ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon dahil sa maraming bumilib sa talino ko! May dahilan ako na magtangal ng empleyado lalo na kapag alam kong mga inutil at walang pakinabang! Direcho ang lakad ko patungo sa library. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok lang ako ng tatlong beses bago binuksan. Kaagad kong nabungaran ang seryosong mukha
ANYANA POV (ANGELA) KAAGAD na napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang isang article tungkol sa iniidolo na artista ni Menchie na si Glaiza Ledesma. Kimumpirma niya mismo na may relasyon daw siya sa isang biyudo na businessman na nagngangalang Stephen Velasquez Buenaventura. Anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa na si Daniel Buenaventura. Hindi naman pala matawag na kabit dahil biyudo na! Pero bakit ganoon, ang aga niya naman mabiyudo? Ayun sa article halos tatlong taon pa lang daw na kasal itong si Stpehen pero namatay daw kaagad ang asawa dahil sa aksidente na naging dahilan ng maaga niyang pagkabiyudo. Hindi ko tuloy malaman kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot habang nakatitig sa larawan ni Stephen. Habang nakatitig kasi ako sa mukha niya para bang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Dahil ba sa taglay niyang kagwapuhan or dahil hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa namatay niyang asawa? Eh ano naman ngayun? Sino ba siya para ma
ANYANA POV (ANGELA) KATULAD ng napagkasunduan naming dalawa ni Menchie pagkatapos naming mag-miryenda kaagad na kaming lumabas ng kubo at direcho sa kubo nila Olivia. Naabutan namin siya kasama ng iba pang mga kadalagahan at kabinataan na abala sa pagpa-fill- up ng kanilang mga biodata. "Angela, gusto mo din sumama sa amin bukas? Mag-aapply na kami! Sasamahan daw tayo ng staff ni Mayora para siguradong matatangap tayong lahat!" kaagad na wika sa akin ni Olivia nang mapanasin niya ang prisensya ko! Mabilis naman akong tumango "Oo, sasama ako! Teka, saan ka bumili ng biodata?" nakangiti ko namang sagot sa kanya sabay tanong na din kung saan makakabili ng biodata para makapag fill-up an din ako! "Meron ako dito. Bayaran mo na lang ako sa unang sahod natin. Limang peso lang naman!" nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sabay dukot sa aking bulsa at naglabas ng limang peso. "Hindi ko na uutangin! May pera pa naman ako!" nakangiti kong sagot sa kanya
ANYANA POV (ANGELA) Hangang sa dumaong ang sinasakyan naming bangka sa dalampasigan, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang tungkol sa pangalang Sylvia Buenaventura! Hindi ko din mainitindihan kung bakit ako nakakaramdam ng kaba! "Angela, ano na? Okay ka lang ba?" muli akong napatitig kay Olivia nang maramdaman ko ang pagkalabit niya sa akin. Kumurap-kurap ako ng makailang ulit sabay tango. "Ha? Ah, oo! May sinasabi ka ba?" naguguluhan kong tanong sa kanya "Ano ba ang nangyari sa iyo? May problema ba? Kanina pa kita napapansin na parang wala ka sa sarili mo ah?" nagtatakang sagot niya naman sa akin. Pilit naman akong nagpakawala ng ngiti sa labi "Kinakabahan ako. Alam mo iyun, first time kong mawalay kina Lola kaya naninibago ako! Pero ayos lang ako..huwag kang mag-alala sa akin!" nakangiti kong sagot sa kanya. Tinitigan niya naman ako sabay tango. "Okay. siguradong ayos ka lang ha? Ibinilin ka pa naman sa akin ni Lola Saling!" nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko
ANYANA POV (ANGELA) MABILIS na lumipas ang isang lingo! Lahat kami aligaga dahil ngayung araw ang grand opening ng beach resort! Kailangan namin magtipon-tipon sa baybayin para salubungin ang pagdating ng may -ari ng Sylvia Buenaventura Beach Resort. May mga kasama daw ng mga guest at ilang media personnel para i-cover ang official na pagbubukas ng beach resort! Kanina pa rin ako kinakabahan na hindi ko mawari! Kahit anong pilit ko na pakalmahin ang sarili ko hindi ko talaga kaya! Iba-iba ang kulay ng mga uniform ng mga staff sa iba't ibang department! Kulay blue na blouse and trousers sa mga taga houskeeping at sexy na kulay yello na blouse with mini-skirt naman sa mga taga reception area! Ang mga taga resto iba din ang kulay pati na din ang mga bill boys! Ang iba pa hindi ko na alam kung saan sila naka-assign! Basta, iba-iba kami kaya mabilis lang talaga malaman ng lahat kung saang department kami. "Ang init! Pawis na ako! Bakit pa natin kailangan tumayo dito sa gitna ng tir
ANYANA POV (ANGELA) "Ano ba! Alam mo feeling ko talaga may lihim na galit sa atin iyang si Madam Carla eh! Bakit sa dinami-dami ng mga nasa housekeeping tayo pa talaga ang napili niya para magpaiwan dito at magbilad sa tirik na tirik na sikat ng araw!!' naiinis na bigkas ni Olivia habang tahimik akong nakamasid sa may ari ng Sylvia Buenaventura Beach Resort! Hangang ngayun, patuloy pa rin na lumilipad ang isipan ko! Kanina pa din ako nakakaramdam ng kakaiba sa sarili ko habang direktang nakatitig kay Mr. Stephen Buenaventura! Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Sobrang napaka-familiar niya sa akin na hindi ko mawari! "Hayyy salamat! Naisip din ng baliw na si Madam Carla na pasilungin tayo!" maya-maya narinig kong muling sambit ni Olivia sa akin at naramdaman ko na lang ang paghila sa akin! Nagtataka naman akong napasunod na lang sa kanya. "Pwede na daw tayong magpahinga?" nagtataka kong bigkas. Napatigil naman sa paghakbang si Olivia at tinitigan ako! "Hindi mo ba narinig
ANYANA POV (ANGELA) Direcho na ako sa presidential suite pagkagaling ko ng accomodation! Required sa aming lahat na kabisaduhin ang lahat ng silid at isa na dito ang Presidential suite! Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid bago ako naglakad patungo sa banyo para tingnan kung kumpleto ba sa mga toiletries! Mula sa bathrobe hangang tsinelas, sinagurado ko na nasa ayos ang lahat! Siya ang may ari ng beach resort na ito kaya dapat lang na perfect ang lahat! Nang masiguro na perfect na ang lahat nagpasya na akong lumabas ng silid! Babalikan ko muna si Olivia sa kwarto namin tapos sabay na naming hanapin si Madam Carla. Magpapakita kami sa kanya dahil nabangit pala ni Arnulfo na kanina pa kami hinahanap ng supervisor namin! Iyun nga lang, naglalakad na ako papuntang pintuan ng silid nang marinig ko ang pag-click ng lock ng pintuan ng kwarto. Natigil ako sa paghakbang kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko! Shit, papunta na yata ang may-ari ng beach resort na ito at hin
STEPHEN POV NGAYUN ang araw ng grand opening ng Sylvia Buenaventura Beach Resort! Ipinangalan ko ito kay Lola Sylvia bilang pagpupugay sa kanyang alaala. Hindi man ako naging malapit sa kanya noon pero naging mabuti at mabait naman siyang abwela sa akin. Masakit pa rin sa pamilya namin ang pagkawala niya pero mas mapait sa puso ko na hangang ngayun hindi pa rin matagpuan si Anyana! Tatlong taon na din ang matulin na lumipas pero hangang ngayun wala pa ring malinaw na balita tungkol sa biglaan niyang paglaho. May mga usap-usapan na patay na siya pero hindi ako naniniwala! Alam kong buhay pa siya...dahil walang katawan na natagpuan kung saan siya nawala. Sana lang talaga dumating na ang time na magkita kami! Na magpakita na siya! Ang bilis lumipas ng mga araw at sana magpakita siya kung saan malakas pa ako para naman maipakita ko sa kanya ang pagsisisi sa mga nangyari. "Stephen, i love you! Kailan ba tayo maglalabas ng announcement tungkol sa engagement natin?" malambing na ta
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags