ANYANA POV (ANGELA) Direcho na ako sa presidential suite pagkagaling ko ng accomodation! Required sa aming lahat na kabisaduhin ang lahat ng silid at isa na dito ang Presidential suite! Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid bago ako naglakad patungo sa banyo para tingnan kung kumpleto ba sa mga toiletries! Mula sa bathrobe hangang tsinelas, sinagurado ko na nasa ayos ang lahat! Siya ang may ari ng beach resort na ito kaya dapat lang na perfect ang lahat! Nang masiguro na perfect na ang lahat nagpasya na akong lumabas ng silid! Babalikan ko muna si Olivia sa kwarto namin tapos sabay na naming hanapin si Madam Carla. Magpapakita kami sa kanya dahil nabangit pala ni Arnulfo na kanina pa kami hinahanap ng supervisor namin! Iyun nga lang, naglalakad na ako papuntang pintuan ng silid nang marinig ko ang pag-click ng lock ng pintuan ng kwarto. Natigil ako sa paghakbang kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko! Shit, papunta na yata ang may-ari ng beach resort na ito at hin
STEPHEN POV NGAYUN ang araw ng grand opening ng Sylvia Buenaventura Beach Resort! Ipinangalan ko ito kay Lola Sylvia bilang pagpupugay sa kanyang alaala. Hindi man ako naging malapit sa kanya noon pero naging mabuti at mabait naman siyang abwela sa akin. Masakit pa rin sa pamilya namin ang pagkawala niya pero mas mapait sa puso ko na hangang ngayun hindi pa rin matagpuan si Anyana! Tatlong taon na din ang matulin na lumipas pero hangang ngayun wala pa ring malinaw na balita tungkol sa biglaan niyang paglaho. May mga usap-usapan na patay na siya pero hindi ako naniniwala! Alam kong buhay pa siya...dahil walang katawan na natagpuan kung saan siya nawala. Sana lang talaga dumating na ang time na magkita kami! Na magpakita na siya! Ang bilis lumipas ng mga araw at sana magpakita siya kung saan malakas pa ako para naman maipakita ko sa kanya ang pagsisisi sa mga nangyari. "Stephen, i love you! Kailan ba tayo maglalabas ng announcement tungkol sa engagement natin?" malambing na ta
STEPHEN POV "AHH, hindi po! Hindi po ako reporter!" narinig kong sambit ni Anyana pero mas mabilis ang galit na din na si Glaiza! Nakita ko na lang na malakas niya nang nasampal si Anyana na siyang dahilan kaya naman natumba ito sa sahig habang sapo ang kanyang nasaktang pisngi. Galit ko naman na kaagad na hinarap si Glaiza! Anong karapatan niya para saktan ang babaeng matagal ko nang hinahanap! Ano ang karapatan niyang saktan ang babaeng matagal nang laman ng mga panaginip ko! "Ano ang ginawa mo? Ano ang ginawa mo? Out! Get out!" nanlilisik ang mga mata sa galit sigaw kay Glaiza. Gulat na napatitig naman siya sa akin. 'Stpehen, mas kinakampihan mo siya kumpara sa akin? Binusuhan niya tayo kaya dapat lang na siya ang kastiguhin mo!" giit ni Glaiza. "Hindi po! Hindi ako nambubuso! Isa po ako sa staff ng beach resort na ito at kaya ako nandito sa silid dahil--dahil dinouble check ko kung kumpleto na po ang lahat! Hindi po ako---"hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nan
STEPHEN POV "Sorry po Sir! Hindi ko po alam ang sinasabi niyo! Hindi ko po maalala! At lalong hindi ko po alam na ako pala si Anyana!" narinig kong bigkas niya na labis kong ikinagulat "Ang totoo po, hindi ko po kilala kung sino po talaga ako! Tatlong taon na po akong naninirahan sa kabilang isla na walang maalala at kung saan ako nangaling! Kung sino po ako! Anyana po ba talaga ang pangalan ko? Magkakilala po ba tayo Sir?" mahina niyang sagot sa akin! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya! Kitang kita ko kasi sa mga mata niya na naguguluhan siya. Wala siyang maalala? Kung ganoon, hindi niya nga ako kilala at lalong hindi niya naalala ang mga nangyari noong huling magkasama kami! Hindi ko alam kung matutuwa or malulungkot ba ako sa isiping nagka-amnesia siya! Kung naalala niya lang siguro ang mga nangyari noon, baka kamuhian niya ako! Baka hindi niya ako kakausapin ngayun! Baka layuan niya na din ako ng tuluyan! Well, may good side din naman pala ang pagkakaroon
STEPHEN POV "Hindi iyun?.Eh ano? Kung asawa mo ako, paano ako napunta sa barko? Paano ako nawalay ng matagal sa iyo?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko! Ayaw Kong ikwento sa kanya ang mga nangyari noon dahil natatakot akong baka kamuhian niya ako. Mas maganda ang ganito, wala siyang maalala at hindi niya naalala ang mga nangyari noon! "Hayaan mo na iyun! Malalaman mo din ang lahat sa mga susunod na araw. Sa ngayun, gusto kong sabihin sa iyo na masaya ako dahil sa wakas, nakita na kita!" nakangiting bigkas ko. "Ewan ko! Bahala na! To be honest, hindi ko din naman feel na mag-asawa tayo kaya wala din naman akong pakialam! Wala akong maalala kaya naman hindi din ako nainiwala sa iyo ng hundred percent! Baka mamaya niluluko mo lang ako eh!" seryosong sagot niya! Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya. "Hindi ka kilala ng isipan ko at hangang may amnesia ako, pwede bang hindi ko muna gagampanan ang pagigi
ANYANA POV NAGULAT man sa mga rebilasyon na nalaman ko ngayung araw pilit pa rin akong nagpakahinahon. Noong una akala ko talaga papagalitan ako ni Sir Stephen dahil nahuli niya akong nakatago kanina sa makapal na kurtina pero kabaliktaran ang ipinakita niyang reaction! Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ako! Niyakap niya ako at tinatawag sa pangalang Anyana! Noong una ayaw kong paniwalaan pero noong ipinakita niya sa akin ang mga pictures noong kasal daw namin, doon ko nakumpirma na nagsasabi siya ng totoo! Na ako ang asawa nya at Anyana daw ang pangalan ko Grabe kung magbiro ang tadhana! Sa dinami-dami ng taong pwede kong makilala ngayung araw sya pa talaga! Sa dinami-dami ng mga taong nakitaan ko ng kahalayan ngayung araw siya pa talaga! Mag-asawa daw kami? Yes, kung mag-asawa kami, parang hindi yata nakakatuwang isipin na may ibang babae siya kaninang kaulayaw! Na nagawa niyang makipag-sex sa ibang babae habang missing ako Habang kausap ko siy
ANYANA POV (ANGELA) "MAGAZINE? Iyan lang ba ang pinuproblema mo kaya gusto mong magtrabaho? Gusto mong bigyan ng magazine ang apo ng taong kumupkop sa iyo sa loob ng tatlong taon?" seryoso niyang tanong sa akin. Nahihiya naman akong tumango! Nakakahiya kung totoosin! Mag-asawa kami pero ayaw ko namang isipin niya na aasa ako sa kanya! Na hindi ko kayang magbanat ng buto para kumita. "Maliit na bagay! Gusto kong makilala ang taong nagligtas sa iyo at makapagpasalamat na din! Malayo ba ang islang iyun dito sa beach resort?" seryoso niyang sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Gusto niya daw makilala sila Nanay Saling at Menchie? Bakit? "Look, Anyana! Ngayung nandito ka na, gusto kitang protektahan sa lahat-lahat! Ang totoo, malaki ang pagkukulang ko sa iyo at gusto kong mapunan iyun sa pamamagitan ng pag-aalaga sa iyo! Pwede kang humiling sa akin ng kahit na ano...pero sana sundin mo ang gusto ko na huwag kang magtrabaho! Kung pera ang kailangan mo, marami ka noon
ANYANA POV "God! SA wakas, nandito ka na! Natagpuan na kita at sorry sa mga nangyari!" narinig kong bigkas ni Stpehen habang yakap-yakap niya pa rin ako! Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko! Gulong gulo pa rin ang isipan ko! Ganito ba talaga ang ang may amnesia? Bakit ganoon? Bakit parang hindi naman ako sanay sa yakap niya? Bakit nakakaramdam ako ng pangingimi at pag-aalinlangan. Mag-asawa kami at dapat sanay ako sa presensya niya! ! Hindi ako sanay na na nasa bisig niya ako ngayun! Hindi ako sanay na mahigpit siyang nakayakap sa akin! "Pwede bang tulungan mo ako Stephen? Kung asawa mo ako, pwede bang tulungan mo akong ipaalala sa akin ang lahat-lahat?" mahinang sagot ko sa kanya! Lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin "Yes..of course! Tutulungan kita! Tutulungan kitang maalala ang lahat-lahat ng mga nangyari!"mahinang sagot niya sa akin kasabay ng pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko! Hindi ko naman mapigilan ang mapapikiit! Pilit kong in
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags