ANYANA POV (ANGELA) "PAANO ka pupunta doon? Ginu-good time mo ba ako?" seryosong tanong ni Olivia sa akin! Mabilis naman akong umiling "Hindi....pero siguro, hangang ngayung araw na lang akong magtatarabaho dito Olivia! Kailangan ko nang bumalik ng Manila! Nagkita na kami ng taong kilala ako!" seryoso kong sagot sa kanya. Kaagad namang namilog ang mga mata niya sa gulat. "ha? Sino iyun? HIndi ba't may amnesia ka? Nakakaalala ka na ba?" seryoso niyang tanong sa akin. "Hindi pa pero sinabi sa akin ng taong iyun na kilala niya daw ako! Na Anyana daw ang pangalan ko at matagal niya na akong hinanap!" seryoso kong sagot sa kanya! "Hala, sino ang taong iyun Angela? BAka mamaya scammer iyun ha? Wala kang maalala at baka mamaya gusto ka lang niyang i-take advantage! Sa ganda mong iyan tiyak na maraming tao diyan na gusto kang lukohin makuha lamang ang loob mo!" seryoso niyang sagot sa akin "Hindi ko alam..pero feeling ko naman nagsasabi siya ng totoo! Lalo na at may ipinakita siy
ANYANA POV (ANGELA) PAGKATAPOS naming mag-usap ni Olivia muli kaming bumalik ng hotel! Sa totoo lang hindi namin alam kung ano ang gagawin namin! Ayaw ko naman kasing umakyat sa Presidential suite dahil ayaw ko din na makita ulit si Stephen! Ewan ko ba! Dinidikta ng isipan ko na ayaw ko muna siyang makaharap! Gusto ko pang mag-isip! Gusto ko pang pag-isipan ang mga nangyari! " Saan tayo ngayun pupunta? Baka hinahanap na tayo ni Madam Carla!" narinig kong sambit ni Olivia! Parang ayaw ko na din kasi magtrabaho! Para saan pa ang pagtatrabaho kung mayaman naman pala talaga ako! Isa lang kasi talaga ang gusto kong gawin ngayun eh...ang alamin kung anong klaseng pagsasama ang meron sa aming dalawa ni Stpehen noon! "Olivia, ayaw ko nang magtrabaho! Sasama ka sa akin sa Manila kaya pwede ka na din siguro na huwag nang magtrabaho!" wika ko sa kanya! Muli siyang natigil sa paghakbang at seryoso akong hinarap :"Totoo? HIndi ka nagbibiro? Isasama mo talaga ako sa Manila" namimilog an
ANYANA POV (ANGELA) "PAANO na ngayun? Ano ang plano mo?" narinig kong tanong sa akin ni Olivia! Kanina pa ako naglalakad sa gilid ng baybayin at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko! Hindi ko alam kung hinahanap na ba kami ng aming supervisor pero wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong balak magtrabaho eh! Sobrang gulo na din kasi ng takbo ng isipan ko ngayun. "Olivia, sabi ng Doctor wala daw kasiguraduhan kung babalik pa ba ang alaala ko! Ano kaya ang pwede kong gawin ngayun? May iba nang girlfriend si Stephen at paano kung iyun ang dahilan kaya bigla na lang akong umalis noon at nasama sa mga pasahero sa nasunog na barko?" mahinang tanong ko sa kanya! Nakakaramdam na ako ng pagkirot ng aking ulo! Piniplit ko kasing alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan pero wala talagang impormasyon ang pumapasok sa isipan ko! "Eh di alamin mo na lang kapag nakabalik ka na ng Manila! For sure naman may mga kasambahay kayo diba? Tanungin mo ang mga kasambahay niyo, driver
ANYANA POV (ANGELA) "LOLA! HUWAG! Huwag niyo po akong iwan!" sumisigaw kong bigkas habang pilit kong sinusundan ang isang babaeng nakaputi habang naglalakad palayo sa akin! Gustuhin ko man siyang habulin at pigilan sa tuluyan niyang paglisan sa akin para namang ipinako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan! Tanging pag-iyak lang ang aking nagawa hangang sa maglaho siya sa paningin ko! "Angela! Angela....gising! Nananaginip ka ba?" dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata nang maramdaman ko na may tumapik sa pisngi ko. Kasabay niyun ay ang pagdampi ng malamig na bagay sa noo ko na siyang nagbigay sa akin ng kaunting ginhawa,. "Olivia...ano ang nangyari?" gulat kong bigkas nang masilayan ko ang nag-aalalang mukha ng kaibigan ko! Wala sa sariling nailibot ko ng tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nandito na pala ako sa silid naming dalawa ni Olivia. "Nahimatay ka sa sobrang taas ng lagnat mo Angela!" nag-aalala niyang sagot sa akin. "Lagnat? May trangkaso ako?" n
ANYANA POV (ANGELA) '"Scarlett, kumusta ako bilang asawa ni Stephen? Ayos ba ang pagsasama namin bago ako nawala?" hindi ko mapigilang tanong kay Scarlett pagkatapos niya akong pakainin! Nandito siya sa kwarto at ramdam ko ang pagkailang niya sa akin. Laking pasalamat ko dahil kahit papaano, bumuti buti na din ang pakiramdam ko! Nakainom na ulit ako ng gamot at alam kong magiging maayos din ang lahat. Simula noong nagising ako hindi ko pa nakikita si Stephen. Ayun kay Scarlett kanina, nasa meeting daw na ipinagkibit-balikat ko lang. Ano ba ang pwede kong i-expect sa lalaking may ibang babaeng kinahuhumalingan na? Expected naman talaga na ganitong ang mangyari since matagal akong nahiwalay sa kanya! Baka nga wala naman talaga siyang pakialam sa akin eh. "OO naman....actually, arrange marriage ang nangyari sa inyo noon and right after ng kasal niyo bigla ka na lang umalis!" sagot niya sa akin habang hindi makatingin ng diretso sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot an
ANYANA POV (ANGELA) HINDI ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero muli akong nagising nang maramdaman ko na hindi na ako nag-iisa sa silid! Sa muling pagmulat ng aking mga mata mukha ni Stephen ang una kong nasilayan "Kumusta ka na? Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" seryoso niyang tanong nang mapansin niya na gising na ako. Dali-dali naman akong bumangon sa sumandal sa headboard ng kama! Pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi bago siya sinagot. "Ayos lang ako Stephen! Huwag mo akong alalahanin!" bigkas ko. Sinadya kong "Stephen" na lang ang itawag sa kanya tutal mag-asawa naman pala kami! Liban pa doon magkababata din kami kaya walang dahilan para mailang ako sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon!" Siya nga pala, bukas ng hapon ang alis natin dito sa isla!'" seryosong sagot niya at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kama at naupo! Dali-dali naman akon umusog sa kabilang gilid sabay bangon! Kung may balak siyang matulog, wala akong planong tumabi sa kanya!
ANYANA POV (ANGELA) Pagkalabas ni Stephen, mabilis na din akong gumayak para lumabas na din! Medyo maayos na ang pakiramdam ko at balak kong sumagap ng sariwang hangin sa labas. Para kasing nakaka-suffocate na dito sa loob ng kwarto dagdagan pa na kay daming tumatakbong mga alalahanin sa isipan ko. Medyo marami naman na akong naitulog kanina at feeling ko sumasakit ang katawan ko kung patuloy lang akong hihiga. Kumuha lang ako ng malinis na tuwalya sa banyo at ipinatong ko sa aking balikat. Gabi na at medyo malamig sa labas. Balak ko din sanang puntahan si Olivia sa kwarto namin at personal na makausap para alamin sa kanya kung desidido ba talaga siyang sumama sa akin sa Manila. Sa paglabas ko ng hotel, kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin! Buhay na buhay pa ang buong paligid sa dami ng mga turista na nagkakasayahan kaya naman imbes na maglakad patungo sa kwarto namin ni Olivia nagpasya akong maglakad patungo sa tabing dagat! Maliwanag naman ang buong
ANYANA POV (ANGELA) "WHAT are you talking about? Alam mo hindi kita maintindihan! Reporter ka ba?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya! Wala lang, hinuhulaan ko lang kung reporter siya dahil kakaiba kasi siya kung magtanong eh. "No! I am not.... pero marami akong kilalang reporters!" nakangiting sagot niya sa akin 'So, ano ang kailangan mo? Bakit ka nandito ngayun sa harapan ko?" tanong ko sa kanya. "Sorry, but simula noong lumabas ka ng hotel kanina sinusundan na kita! By the way, nagpakilala na ako sa iyo kanina, I am Chris at sumabay lang ako sa mga kaibigan kong mga reporters dito para makaiusyuso kung gaano kaganda ang resort na ito! Frankly speaking, nasa showbiz ang line of job ko at naghahanap ako ng talent!" nakangiting sagot niya sa akin,. Hindi ko na mapigilan ang matawa! Oo, nawalan ako ng alaala pero hindi naman ako ganoon katanga para hindi maramdaman kung ano ang gusto niyang ipawitig sa akin. "So, kaya mo ako nilapitan dahil gusto mo akong gawing talent? Ch
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags