ANYANA POV ANG pagkawala ni Lola Sylvia ay nag-iwan ng malaking dagok sa buo kong pagkatao! Para bang hindi kayang tangapin ng isipan at kalooban ko ang pagkawala niya! Sa paglisan ni Lola Sylvia, bigla akong nawalan ng gana sa lahat! Pati sa pag-aaral ay bigla akong nawalan ng gana. Kaya lang kailangan ko pa rin pilitin ang sarili ko na pumasok ng School! Nangako nga pala ako kay Lola Sylvia noon na magtatapos ako sa pag-aaral. Magiging Doctor ako pagdating ng panahon at pagsisilbihan ko ang mga mahihirap na mga tao dito sa bansa. Tama, walang halaga ang yaman! Balak ko na kapag makapagtapos ako magiging volunteer doctor ako! Hindi ako aalis ng bansa at lalong hindi ako magpapabayad sa serbisyo ko! Kahit man lang sa mga ganoong gawain makabawi man lang ako sa lahat ng mga pagkakamali na nangyari sa buhay ko! Pagkakamali na hindi ako mismo ang may gawa kundi ang sarili kong Ina! Nanalaytay ang dugo ng isang Jeneva sa ugat ko makasalan siyang tao kaya feeling ko napaka-makasa
ANYANA POV " DAD! No! Masyado pa kaming bata para sa kasal-kasal na iyan at hindi talaga pwede! Hindi si Anyana ang tipo kong babae at hindi ko nakikita ang sarili ko na siya ang magiging asawa ko!" narinig kong sambit ni Stepehen. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya or hindi pero isa lang ang sigurado ako, nasasaktan ako sa mga katagang binitiwan niya. "Hindi naman porket magpakasal kayong dalawa iyun na iyun! IKaw na din ang nagsabi Stephen na mga bata pa kayo at ang kasal niyong dalawa ay hangang sa papel lang! Wala na si Mommy Sylvia at maaatim niyo bang hindi pagbigyan ang last request niya?" sagot naman ni Tito Daniel! Para namang bigla kong nalunok ang sarili kong dila. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko eh! "For what reason po ba at need pa ang wedding between Anyana and Stephen! Very unfair iyun sa family natin Daddy! Anyana is from nowhere and She doesn't have family! She's orphan tapos siya ang pakakasalan ni Kuya? Baka naman pagtawanan
ANYANA POV "HEY, nandito ka lang pala! Kung hindi ko pa nakita ang kotse mo sa parking area iisipin ko na sana absent ka eh!'" kasalukuyan akong nakaupo dito sa isa sa lilim ng malaking puno sa likod na bahagi nang iskwelahan ng marinig ko ang boses ni Gino. Mahangin ang bahaging lugar na ito at paboritong tambahay ng mga kapwa ko istudyante! Ito din ang paborito kong spot sa tuwing may gumugulo sa isipan ko! "Gino..ikaw pala! Good Morning...absent ka kahapon ah?" nakangiti ko ding bati sa kanya! Kaagad naman siyang naupo sa tabi ko sabay abot sa akin ng isang paper bag! "Ano iyan?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Pasalubong ko para sa iyo! Hindi ako nakapasok kahapon kasi doon sinelebrate ang birthday si Mommy sa Singapore!" nakangiti niyang sagot sa akin. Kaagad ko namang tinangap ang pasalubong niya sa akin at tiningnan ang kung ano ang nasa loob ng paper bag. Hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang mapansin ko na iba't ibang klaseng chocolate
ANYANA POV PAGKATAPOS ng madamdaming pag-uusap naming dalawa ni Gino kahit papaano, gumaan ang kalooban ko. Pumasok pa ako sa kasunod na klase at kinahapunan, nagyaya pa si Gino sa akin na ililibre niya daw akong kumain sa labas. Hindi na ako pumayag dahil gusto ko na din kasing makauwi ng bahay! Para kasing biglang sumakit ang ulo ko at mas gusto kong magpahinga na lang muna Kaya lang pagkapasok pa lang ng kotse sa garahe ng bahay hindi ko maiwasan na magulat nang mapansin ko ang presensya ni Stephen. Halatang ako yata ang hinihintay niya base na din sa expression ng kanyang mukha. "Can I talk to you?" seryosong bigkas niya pagkababa ko pa lang ng aking kotse. Talagang siya pa ang kusang lumapit sa akin. "Tungkol saan?" seryosong sagot ko sa kanya. "Nobyo mo na ba si Gino?" tanong niya "Ano bang klaseng tanong iyan? Masyadong personal!" bigkas ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay "Ikakasal ka na sa akin at sa lahat ng ayaw ko iyung niluluko ako Anyana!" bigk
ANYANA POV DAHIL sa sunod-sunod na pakiusap nila Scarlett at Stephen nagpasya na din akong pumayag sa gusto nila. Kaagad na itinakda ang kasal namin ni Stephen sa simbahan! Ang gusto ko sana sa huwes lang pero ayaw pumayag nila Tita Bianca at Tito Daniel! Binilin daw kasi ni Lola Sylvia ang maayos na kasal sa pagitan naming dalawa ni Stephen. Wala na akong nagawa pa kundi ang pumayag na lang din! Sa papel lang kami magiging kasal ni Stephen at never kaming magsasama na parang isang tunay na mag-asawa dahil nakatakda din na umalis ng bansa si Stephen sa susunod na buwan para mag-aral sa America! "You're getting married?" malungkot na tanong sa akin ni Gino! PInagbigyan ko na ang paanyaya niya na kumain daw kami sa labas tutal weekend naman bukas! Sa susunod na linggo na din ang kasal naming dalawa ni Stephen at personal kong iniabot kay Gino kanina at invitation card kaya nagulat siya dahil nabangit ko na nga sa kanya noon na hindi ako magpapakasal kay Stephen. "Narealized ko n
ANYANA POV Sa dining area kami dumircho kung saan nadatnan namin na naghihintay ang apat na anak nila Tita at Tito! Sila Scarlett, Stephen, Amanda at ang bunso na si David. Kahit na busog pa ako wala akong choice kundi ang maupo sa pwesto ko palagi. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang matamis na ngiti na nakaguhit sa labi ni Scarlett. Mukhang excited na siyang makuha ang mana niya kay Lola Sylvia! "Kumain na muna tayo habang hinihintay natin si Attorney Salazar! Dala niya na ang mga papeles na maghahati sa inyong lima sa yaman ni Mommy Sylvia." narinig kong sambit ni Tito Daniel! Halatang naka-fixed na ang lahat! Pati mga papeles ready na at ang marriage certificate na lang namin ni Stephen ang hinihintay para masilyuhan na ang mga papeles at mapasakamay na ng mga tagapagmana ang kayamanan. "Wow, sa wakas! Ito na iyun oh! Makukuha na din namin ang para sa amin at hindi ang ibang tao ang makikinabang ng lahat ng mga pinaghirapan nila Lola at Lola!" excited na bigkas ni Scar
ANYANA POV DUMATING na din ang araw na kinatatakutan ko! Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama at kanina pa pabalik-balik ang isa sa mga kasambahay para sabihin na dumating na daw ang make -up artist na mag-aayos sa akin! May tatlong oras pa na preparation pero parang ayaw ko pang lumabas ng kwarto! Ewan ko ba...kinakabahan ako na hindi ko mawari! Parang may bumubulong sa isipan ko na huwag nang ituloy ang kasalan na ito! Na huwag akong sumipot at tumakas na lang! May oras pa para umatras! Ilang beses ko na din gustong tawagan sila Tita at Tito para sabihin sana sa kanila ang kanina pa tumatakbo sa isipan ko kaya lang natatakot ako na baka kamuhian nila ako! Isang malaking kahihiyan sa panig nila kung hindi ako sisipot sa simbahan! Hindi ko mapigilan ang mapabutnong hininga! Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayun kahit na ang paghinga para bang nahihirapan na din ako! Naguguluhan ako pero hindi ko naman malaman kung sino ang kakausapin! Maliban kay Gino, wala na akong
ANYANA POV "ANO ito? Bakit? Bakit?" paulit-ulit kong sambit dahil hindi talaga kayang tangapin ng isipan ko na nagawa nila akong traydurin ngayun! Hilam na ang luha sa aking mga mata habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko kina Stephen at Scarlett "Bakit? Dahil hangang ngayun nasa puso ko pa rin ang galit sa nangyari sa amin noon! Dahil sa kagagawan ng Mommy mo matagal na panahon na hindi namin nakasama si DAddy! tapos malaman-laman namin na hindi ka naman tunay na anak ng Daddy namin tapos lahat ng pabor ibinigay niya sa iyo?" galit na sigaw sa akin ni Scarlett. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na hangang ngayun dala-dala niya pa rin sa puso niya ang mga nangyari sa nakaraan! "Hindi ka na nga tunay na anak, inagaw mo pa ang attention at pagmamahal ni Lola Sylvia na para sa amin lang! Pati si Gino gusto mo din agawin sa akin kaya mabuti pang tuluyan ka nang mawala sa landas namin!" muling bigkas niya na lalong nagpahagulhol sa ak
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags