BIANCA POV DAHIL talagang makulit si Amber at ayaw talagang papigil wala akong choice kundi ang daanan siya sa bahay nilang dalawa ni Arnold at samahan patungo sa bar kung saan ginaganap ang bachelor's party ni Kuya Cyrus!Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang buntis kong best friend baka mapaanak ng wala sa oras sa kakaisip sa asawa niya! Hayyy naku...pati ako nadamay eh. Imbes na balak kong matulog ng maaga hindi na natuloy. Gusto ko pa naman sanang fresh ako mamaya pagdating ni Daniel. Dahil nabangit ni Kuya Cyrus kung saang bar ginaganap ang bachelorette party niya, hindi na ako na nahirapan pang hanapin iyun. Eksakto alas diyes ng gabi ang dating namin sa naturang bar at ayaw pa sana kaming papasukin ng bantay dahil siguro sa laki na ng tiyan ni Amber pero noong sinabi namin na nasa loob ang mga asa-asawa namin pumayag na din! Lalo na noong bangitin ko ang pangalan ni Daniel. Kilala si Daniel ng naturang bar dahil kaibigan niya ang may-ari nito. Ka business partner din sa i
BIANCA POV "Bianca, what is this? Anong ginagawa niyo dito?" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Kuya Cyrus! Naiinis ko siyang hinarap! "Ito ba iyung party na tinutukoy mo Kuya? Dapat pala hindi ko na pinayagan si Daniel na dumalo eh!:" naiinis kong sagot sa kanya. Natameme naman ito at halata sa mukha niya ang guilt habang hindi makatingin ng diretso sa akin. "Uuwi na ako at umayos ka Kuya ha? Kapag malaman ito ni Ate Maricar malalagot ka talaga!" gigil kong bigkas at itinuloy-tuloy ko na ang paghakbang palabas. Nasulayapan ko pa nga sila Amber at Arnold na galit din na nagtatalo! Sino ba naman ang hindi magagalit kung makita mo ang asawa mong may nakakandong na seksing babae? Kung kay Daniel katabi lang, mas matindi kay Arnold. Nakakandong talaga ang babae sa kanya na parang linta na nakalingkis. Duda talaga ako kung magkabati ba ang dalawang iyun sa loob ng isang linggo. Sa sobrang galit ba naman ni Amber, ewan ko na lang. Kay Daniel naman, ayos lang.
ANYANA POV WALA akong balak na lumabas ng room ko dahil alam kong nasa labas na naman sila Scarlett at Stephen! Linggo ngayun at kapag mga ganitong araw walang mintis ang ginagawa nilang pagdalaw kay Lola Sylvia na ngayun ay nakikipaglaban sa sakit na cancer. Ang bilis talaga lumipas ng mga taon! Naalala ko pa nga noong bata pa ako na buhay prinsesa ako sa piling ng dati kong kinikilalang ama na si Daniel Buenaventura. Ang nag-iisang anak ni Lola Sylvia. Hangang ngayun patuloy pa rin akong hinahabol ng nakaraan! Hangang ngayun nahihiya pa rin ako sa mga nangyari. Makasalanan ang aking Ina at hindi ko kilala ang aking ama. Tanging si Lola Sylvia lang ang nagiging kakampi ko sa pagdaan ng mga taon! Although alam ko naman na mahal ako nila Tita Bianca at Tito Daniel pero hindi pa rin mawawala sa puso ko ang guilt at hiya sa kanila. Hiya na ako ang nagshoulder dahil sa kagagawan ng taong mismong nagluwal sa akin sa mundong ito. Si Mommy Jeneva. Matagal na siyang patay pero hanga
ANYANA POV Mabilis na lumipas ang mga oras. Sa wakas natapos din ang buong maghapon! Nakaalis na ang mga bisita lalo na sila Scarlett! Hindi talaga ako mapalagay hangat nasa paligid lang siya! Sa tuwing tumitingin ako sa kanya nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kinabukasan, maaga pa lang nakagayak na ako para pumasok ng School. Simula noong tumuntong ako ng eighteen years old, hinayaan na ako ni Lola Sylvia na magkaroon ng sariling sasakyan kaya naman nakakapasok ako ng School na ako lang! Na hindi na kailangan ng driver Sa mga ganitong pagkakaon, kahit papaano nakakaramdam ako ng kalayaan. Kahit papano, may alam din akong gawin. Iyun ay ang ipagmaneho ang sarili papuntang School at kung day off naman ang driver namin at biglaang kailangan dahil sa hospital si Lola Sylvia...pwede na akong magdala patungo doon! In case of emergency maasahan na ako sa mga ganitong bagay. Lalo na at sa araw-araw na lumilipas, palala nang palala ang sitwasyon ni Lola Maayos naman akong
ANYANA POV ''HUWAG kang matakot sa kanila Anyana! Nandito lang ako...kaya kitang protektahan sa kanila!" narinig kong bigkas ni Gino nang tuluyan na kaming nakalayo kina Scarlett at Stephen. Pilit naman akong nagpakawala ng ngiti sa labi ko at huminto ako sa paghakbang at seryosong hinarap si Gino "Hindi ka ba natatakot sa kanila? Lalo na kay Stephen..marami siyang tropa dito sa School at baka pag -initan ka nila!" nag-aalala kong tanong sa kanya. "Wala naman akong dapat na ikatakot eh! Tsaka, pag-iinitan? Subukan lang nila kung gusto nilang maipatawag sila ng DAddy ko sa senado!" nakangiti niyang sagot sa akin. SA sinabing iyun ni Gino parang may anghel an biglang dumaan sa harapan ko. Ang takot na nararamdaman ko kani-kanina lang ay biglang naglaho at napalitan iyun ng tuwa. Oo nga pala...isang Senador ang Daddy ni Gino at malabong makanti nila kahit dulo ng buhok nito. Ang swerte ko pa rin kahit papano! Nagkaroon ako ng kaibigan na galing sa hindi basta-bastang angkan!
ANYANA POV ''I am sorry Mr. and Mrs. Buenaventura, masyado nang mahina ang immune system ng pasyente at ano mang sandali, pwede nang bumigay ng tuluyan ang kanyang katawan!" katagang parang isang bomba na sumabog sa pandinig ko! Impit akong napahikbi dahil sa narinig. "What? Doc....paanong nangyari iyun? Akala ko ba kapag mag -undergo siya ng chemo magiging maayos ang lahat?" gulat naman na tanong ni Tita Bianca. "Iyun din ang ini-expect namin na mangyari sa katawan ng pasyente pero sa edad niyang iyan, may mga pangyayari talagang mahirap ikontrol!" malungkot na sagot ng Doctor. Wala na ni isa man sa amin ang umimik kaya muling nagsalita ang Doctor. "Sa ngayun, hindi na muna namin siya hahayaan na umuwi ng bahay! Kailangan niyang manatili dito sa hospital para mamonitor namin siya twenty four seven!" muling bigkas ng Doctor. Wala nang magawa pa sila Tita Bianca at Tito Daniel kundi ang tumango na lang! Hindi naman maampat-ampat ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kay hir
ANYANA POV NASILAYAN ng dalawa kong mga mata kung paano pinapahirapan si Lola Sylvia sa sakit niya! Narealized ko din na masyado ng unfair sa panig niya kung pipilitin ko pa siyang lumaban! Alam kong hirap na hirap na siya at ang pagtangap ko na lang siguro ang hinihintay niya para tuluyan na niya akong iwan! Muli akong kinausap ng Doctor pagkatapos na masiguro niyang nairevived na si Lola. Tinapat niya na ako na wala na talagang pag-asa! Tuluyan nang sinira ng sakit niyang cancer ang internal organs niya! Masakit, sobrang sakit pero ano ba ang tama? Ayaw kong maging selfish! Siguro ito na nga ang tamang panahon para i-let go ko siya! Pagkalabas ng Doctor at mga kasama niyang medical personnel muli kong nilapitan si Lola sa kanyang higaan! Muli kong hinawakan ang kanyang kamay habang pinagmamasdan siya. "La...kung--kung hindi mo na talaga kaya..sige na lang! Pwede ka nang maglakbay sa kung saan mo man gustong pumunta! Tangap ko na...tatangapin ko kahit na mahirap!" impit ang a
ANYANA POV ANG pagkawala ni Lola Sylvia ay nag-iwan ng malaking dagok sa buo kong pagkatao! Para bang hindi kayang tangapin ng isipan at kalooban ko ang pagkawala niya! Sa paglisan ni Lola Sylvia, bigla akong nawalan ng gana sa lahat! Pati sa pag-aaral ay bigla akong nawalan ng gana. Kaya lang kailangan ko pa rin pilitin ang sarili ko na pumasok ng School! Nangako nga pala ako kay Lola Sylvia noon na magtatapos ako sa pag-aaral. Magiging Doctor ako pagdating ng panahon at pagsisilbihan ko ang mga mahihirap na mga tao dito sa bansa. Tama, walang halaga ang yaman! Balak ko na kapag makapagtapos ako magiging volunteer doctor ako! Hindi ako aalis ng bansa at lalong hindi ako magpapabayad sa serbisyo ko! Kahit man lang sa mga ganoong gawain makabawi man lang ako sa lahat ng mga pagkakamali na nangyari sa buhay ko! Pagkakamali na hindi ako mismo ang may gawa kundi ang sarili kong Ina! Nanalaytay ang dugo ng isang Jeneva sa ugat ko makasalan siyang tao kaya feeling ko napaka-makasa
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal