BIANCA POV ''Bianca, teka lang! Saglit lang! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob!" bigkas ni Arnold na labis kong ipinagtaka! Hindi ko talaga siya maintindihan! Bakit ayaw niya akong payagan sa loob ng kwarto niya? Huwag niyang sabihin na conservative siya? Wala din naman akong balak na bumukaka sa harapan niya noh? Isa pa nga sa inaalala ko ngayun ay paano na sa gabi ng honeymoon namin? Kaya ko bang makipag sex sa kanya? "Bakit? I mean, Arnold! Buong gabi akong naghintay sa tawag mo? Ano ba ang nangyari? Si Amber hindi ko din matawagan? Nag-aalala ako!" bigkas ko sa kanya at pasimple pa akong sumilip sa loob ng kwarto niya pero kaagad naman siyang humarang. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahalukipkip dahil sa namumuong inis na kalooban ko! Grabe naman ang pagiging concervative niya! Sisilip lang naman ako eh! "Sorry kung hindi ako nakatawag sa iyo pero pwede bang next time na lang tayong mag usap? Pwede bang umalis ka na muna! Pupuntahan na lang kita mamaya or bukas sa bahay niy
BIANCA POV Pagkatapos nang kumprontasyon naming dalawa ni Arnold tuluyan ko na siyang hindi pinakiharapan! Nakapag send na kami ng invitation card sa mga taong inimbitahan namin na dadalo sa kasal namin pero bahala na siyang gumawa ng paraan na magsabi sa mga ito na cancelled na ang kasal namin! Bahala siya! Kasalanan niya kung bakit hindi na matutuloy ang kasal namin kaya siya ang umayos ng lahat-lahat! Kung nagsayang ako ng oras sa pag aayos ng kasal namin may doble naman ang kanya! Ang alam ko kasi, bayad na lahat ng mga suppliers eh! Pati wedding gown ko bayad na din! "Anong sabi mo? Hindi na matutuloy ang kasal niyong dalawa? Bakit?" kaagad na tanong ni Kuya sa akin. Ilang araw na akong nagmumukmok dito sa kwarto ko at bukas na sana ang araw ng kasal naming dalawa ni Arnold. Aminado ako sa sarili ko na hindi ko naman mahal si Arnold pero nasasaktan pa rin ako|! Ewan ko ba...siguro dahil masyado akong umasa na magiging masaya ako sa piling niya dahil iniisip ko na isa s
BIANCA POV Pagkatapos kong ihatid sa School ang mga anak ko direcho na akong nag drive papunta sa bahay ni Arnold! Once ang for all dapat lang na magkalinawan na kami! Hindi pwedeng hindi kami mag usap lalo na at wala akong idea kung ano ang dapat gawin. Bukas na ang araw ng aming kasal at tumawag sa akin ang designer ng gown ko na ihahatid na daw nila ang wedding gown ko mamaya dito sa bahay! Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa simbahan bukas! Hindi ko din naman alam kung makakarating din ba si Arnold! Sabi nga ni Kuya naglalasing daw dahil umalis na si Amber ng bansa! Baka naman ang best friend ko na ang mahal niya kaya siya nagkakaganito! Pagdating ng bahay ni Arnold kaagad na din akong pinapasok ng guard! Naabutan ko si Arnold sa entertainment room ng bahay na nag-uumpisa nang lumaklak ng alak! Pambihira! Ang aga-aga umiinom na siya? Grabe naman ang lalaking ito! Iisipin ko nang broken hearted talaga siya. Kaagad namang napabaling ang tingin niya sa a
BIANCA POV Kanina pa ako hindi mapakali! Kanina ko pa tinatawagan ang international number ng best friend kong si Amber pero hindi nagriring! Hindi din siya online sa lahat ng mga social media accounts niya! Nagsend na ako ng messages pero walang reply or hindi man lang niya na-seen. Ngayun pa lang gusto ko nang pagsisisihan ang pagiging padalos-dalos ko! Bakit ba kasi inaway ko siya? Bakit ba kasi hindi ko siya hinarap para marinig din ang side niya? Ngayung araw na sana ang kasal namin ni Arnold pero cancelled na nga! Si Arnold na mismo ang nag cancelled at nag post na siya ng announcement through his social media account kagabi pa! Feeling ko tuloy ngayun nag iisa ako lalo na at hindi din nagpapakita si Daniel. Imposible naman na hindi niya nabalitaan ang tungkol sa hindi pagkakatuloy ng kasal naming dalawa ni Arnold! Ini-expect ko pa naman na bisitahin niya ako kagabi para sana personal na i-confirm sa akin kung totoo ba ang nabasa niya sa social media account ng half broth
BIANCA POV Sa totoo lang hindi ko alam kung paano awatin ang dating magkakampi sa buhay! Ngayun ko lang din lubos na napatunayan na ang buhay ay weather-weather lang! Dumadating din talaga ang time na ang dating magkakampi noon ay bigla na lang mawalan ng amor sa isa't isa ngayun! Iyan ang napatunayan ko habang pinagmamasdan ko sila Jeneva at Mrs. Sylvia. Kita ko ang pinaghalong galit at pagkadismaya sa hitsura ni Mrs. Sylvia habang nakatitig kay Jeneva! Si Jeneva naman ay umiiyak na akala mo naman ay kinakawawa. Gustuhin ko mang awatin sila pero baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon! Mabuti na lang at kaagad na napansin ni Daniel ang kumusyon kaya mabilis siyang lumapit sa amin. "Ano na naman ito? Mom, Jeneva....please tama na! Huwag niyo nang dagdagan ang sitwasyon! Si Anyana, nasa loob pa! Pwede bang tama na muna ang bangayan? Kung hindi niyo kayang manahimik habang hinihintay ang paglabas ng doctor na sumusuri kay Anyana mabuti pang umalis na muna kayo!" seryosong bigkas n
BIANCA POV "Gusto mo daw akong makausap?" kaagad na tanong ko kay Daniel nang datnan ko siya dito sa garden! Ilang araw na din kaming hindi nakakapag- usap kaya sobrang excited akong harapin siya! Kapag i-open- up niya pa ulit ang tungkol sa pag ibig na iniaalay niya sa akin, hindi na talaga ako magpapakipot pa! Sasagutin ko na kaagad siya at willing akong magpakasal sa kanya kung sakaling magyayaya siya ulit! Para naman magiging legal na kami ulit dahil sa pagkakataon na ito...kahit na anong unos na dumating sa aming buhay...wala na akong balak na pakawalan siya! Lalo na at makailang beses niyang nabangit sa akin noon na ako naman pala talaga ang mahal niya. "Yes....pasensya ka na sa isturbo!" kaswal na sagot niya sa akin! Ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso kaya naman hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Hindi kasi ito ang inaasahan ko sa muling paghaharap namin eh! Nakakahiya mang aminin pero nag-eexpect talaga ako ng yakap at halik mula sa kanya! Pero wala eh
BIANCA POV "Oh, anong nangyari? Bakit nakabusangot ka? Teka lang, umiiyak ka ba?" Kaagad na tanong ni Kuya sa akin nang makasalubong ko siya dito sa may pintuan ng bahay. Kaagad ko namang pinunasan ang luha sa aking mga mata! Hangat maaari, ayaw ko nang ipakita sa kanya ang mga drama ko sa buhay! Palagi nalang ako ang iniintindi niya! Feeling ko nga nagiging pabigat na ako sa kanya eh! Piste naman kasi! Bakit ba napakamalas ko! Feeling ko ipinanganak ako dito sa mundo para masktan lang! Ang tigas kasi ng puso ko eh....ayaw makinig sa dikta ng isipan ko! Sinabi nang huwag nang umibig at layuan si Daniel, ayan tuloy balik na naman ako sa umpisa! Wala sa sariling napatitig ako kay Kuya Cyrus! Ready na siyang pumasok ng opisina base na din sa kanyang attire ngayun! Mabuti pa itong si Kuya, single..walang inaalala sa buhay kundi sarili niya lang! Happy go lucky tapos ni hindi ko nakitang umiyak dahil sa isang babae! Sana siya na lang ako! Dapat talaga hindi ako umasa eh! Dapat ta
BIANCA POV "Inutil? Paanong wala? Paanong wala sa School ang mga bata?" kaagad na bumungad sa akin pagkadating ko sa bahay! Galing ako ng opisina at naunang umuwi sa akin si Kuya dito sa bahay at ito kaagad ang sumalubong sa akin. Ang tatlong bodyguards ng mga anak ko at dalawang yaya's ay pinapagalitan niya! "Anong problema Kuya? BAkit mo sila pinapagalitan?" nagtataka kong tanong. Wala sa sariling napailing si Kuya at ibinaling ang tingin sa akin. "KInuha ni Daniel kaninang umaga pa ang mga anak mo! Nangako daw ang gago na ibalik ang mga bata after lunch at naniwala naman ang mga bugok na ito na tutupad daw sa usapan nila si Daniel pero hindi dumating ang gago at hindi nila alam kung nasaan ang mga bata." seryosong wika ni Kuya sa akin. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig.; "Errr Mam! Pasensya na po! Ilang beses na itong ginawa ni Sir Daniel pero ngayun lang po siya pumalya! Sorry po talaga!" kinakabahang sagot sa akin ng isa sa
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya! H
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa s