BIANCA POV "Inutil? Paanong wala? Paanong wala sa School ang mga bata?" kaagad na bumungad sa akin pagkadating ko sa bahay! Galing ako ng opisina at naunang umuwi sa akin si Kuya dito sa bahay at ito kaagad ang sumalubong sa akin. Ang tatlong bodyguards ng mga anak ko at dalawang yaya's ay pinapagalitan niya! "Anong problema Kuya? BAkit mo sila pinapagalitan?" nagtataka kong tanong. Wala sa sariling napailing si Kuya at ibinaling ang tingin sa akin. "KInuha ni Daniel kaninang umaga pa ang mga anak mo! Nangako daw ang gago na ibalik ang mga bata after lunch at naniwala naman ang mga bugok na ito na tutupad daw sa usapan nila si Daniel pero hindi dumating ang gago at hindi nila alam kung nasaan ang mga bata." seryosong wika ni Kuya sa akin. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig.; "Errr Mam! Pasensya na po! Ilang beses na itong ginawa ni Sir Daniel pero ngayun lang po siya pumalya! Sorry po talaga!" kinakabahang sagot sa akin ng isa sa
BIANCA POV Pagpasok pa lang namin sa loob ng hospital ang nag-aalalang mukha na kaagad ni Arnold ang unang sumalubong sa amin ni Kuya! Sasamahan niya daw kami sa emergency room kung saan nasa loob ang mga anak ko at pilit na binibigyang lunas ng mga Doctor. "Anong nangyari? Paanong nangyari ito?" umiiyak kong bigkas! Pakiramdam ko mawawalan ako ng lakas sa isiping baka mapahamak ang mga anak ko. Nalunod sa pool? Paanong nakarating sa pool? Kung hinayaan ni Daniel na maligo sa pool ang mga anak ko malaki ang tsansa na malulunod sila lalo na at pareho silang hindi marunong lumangoy.... "Ipagpalagay mo ang kalooban mo Bianca! Ayos na si Scarlett! Si Stephen nalang ang pilit na nirerevived ng mga Doctor." bigkas ni Arnold sa akin! Walang pagsidlan na sakit ang nararamdaman ng puso ko! Lahat ginawa ko para protektahan ang mga anak ko pero sa isang iglap bigla na lang silang mapapahamak dahil sa walang kwenta nilang ama! "Nasaan si Daniel? Bakit niya hinayaan ito?" galit kong tano
DANIEL POV Alam kong kasalanan ko ang nangyari sa dalawa kong anak! Nalunod dahil sa kapabayaan ko! Kung hindi ko sana sila iniwan sa mansion at ipinagkatiwala kay Jeneva at sa mga kasambahay hindi sana ito mangyayari! Kasalanan ko! Kasalan ko! Sa kagustuhan ko na may makalaro si Anyana sa mansion nalagay naman sa alanganin ang buhay ng mga anak ko! Hindi ko masisisi si Bianca kung hangang langit man ang galit niya sa akin ngayun! Alam kong lalo ko lang pinalala ang sitwasyon at ako ang dahilan kung bakit nakikipag-laban sa buhay niya ngayun si Stephen! Lord, ano ang nagawa kong malaking pagkakamali? Anong klase akong ama at bakit ko hinayaan na mangyari ito. "Narinig mo ba ang sinabi ni Bianca? Umlis ka na! Kami na ang bahala sa mga bata! Oras na ipilit mo pa ang sarili mo kay Bianca at sa mga pamangkin ko...hindi lang iyan ang matatangap mo sa akin Daniel!" galit na duro sa akin ni Cyrus Velasquez! Ang nag iisang kapatid ni Bianca Velasquez. Muli akong napatingin kay Bianc
DANIEL POV Palapit pa lang kami sa vicinity ng mansion kapansin-pansin na ang mga nakaparadang mga police car sa kapaligiran! Mukhang seryoso nga siguro sila Bianca na pa-imibistigahan ang nangyaring pagkalunod ng mga anak namin! Hindi ko siya masisisi! Kung masakit sa akin ang mga nangyari, mas lalo na sa kanya lalo na at siya ang INa at mula isinilang ang mga anak namin dito sa mundo siya na ang nag-aruga! Kung hindi sana ako umeksena hindi sana ito mangyayari! Napakahirap tangapin ang katotohanan na ako ang dahilan kung bakit napahamak ang aking mga anak! Isa akong walang kwentang Ama! Napakahina kong ama at hindi ako karapat dapat para ituring nilang magulang! "Ang daming mga pulis sa loob Sir! Ipapasok po ba natin ang kotse sa loob?" tanong sa akin ni Manong driver! Umiling naman ako bagkos sininyasan ko siya na itabi ang sasakyan! Kaagad naman siyang tumalima. Pagkahinto ng sasakyan sa gilid ng kalsada ay mabilis na din akong bumaba. Naglakad lang ako paloob ng mansion a
DANIEL POV "YES...NO Bail gusto kong makulong siya habang buhay! Umpisa ngayung araw...mananatili si Jeneva sa kulungan hangang sa huli niyang hininga!' galit na bigkas ko sa police officer. Kaagad naman siyang tumango. "Asahan niyo po ang maayos na pagulong ng hustisya Sir!" sagot ng police sa akin! " Sa inyo ko siya ipagkakatiwala! Dalhin niyo na siya ngayun sa police station at susunod ako! Gusto kong mabulok siya sa kulungan! I am willing to spend a lot of money para maging impyerno ang buhay niya sa loob ng kulungan, chief!" seyosong bigkas ko! Binuksan ko ang isang drawer at may inilabas! Sinulatan ko iyun at iniabot sa police officer. Sabihin mo lang kung kulang pa iyan! Dont worry, ako ang bahala sa inyo! Hindi niyo ito ikakapahamak!" seryoso kong bigkas! Sa pagkakataon na ito, gusto kong ako ang susundin ng batas magawa ko lang ang nais ko kay Jeneva! Para sa akin, walang kapatawaran ang kasalanan na nagawa niya sa mga anak ko! "Boss, hindi na po kailangan! Trabaho
DANIEL POV "Answer the phone! Damn it!" galit kong sigaw habang kanina pa ako palakad-lakad paroon at parito sa living room. Hawak ng kanan kong kamay ang aking cellphone at sa kaliwa naman ay hawak ko ang isang bote ng alak na halos nangangalahati na ang laman! Halos alas dose na ng gabi at wala akong balak na matulog hangat hindi ko masigurado ang kalagayan ng isa sa mga anak ko! Si Stephen... Kumusta na kaya siya? Ligtas ba siya? May tao akong nakaantabay sa hospital para alamin ang kalagayan ni Stephen pero limited lamang ang nakukuha niyang impormasyon! Hindi din daw makalapit-lapit kahit sa emergency room ang tao ko dahil sa dami ng bantay na nakaantabay sa paligid. Siguro pakana iyun ni Cyrus Velasquez! Ayaw na din talaga ng gagong iyun na palapitin ako sa mag-ina ko! Kung noon, walang pakialam si Cyrus sa paglapit-lapit ko kay Bianca mukhang mag-iiba na ngayun ang magiging kapalaran ko! Mas mahihirapan akong kumilos hangat nasa paligid si Cyrus! Sabagay, hindi ko naman
DANIEL POV Malaki na si Anyana at kung ano man ang lumalabas sa bibig ko ngayun ay naiintinidihan niya na! Nang bangitin ko ang pagkakakulong ng Nanay niya ay lalong pumalahaw ito ng iyak! Lalo naman akong nakaramdam ng inis kaya wala sa sariling naibato ko ang hawak kong alak sa sahig na siyang nabigay ng malakas ingay dulot ng pagkabasag ng bote ng alak. "Shut up! Thelma, ilayo mo sa akin ang batang iyan! Ilayo mo siya! Now!!!" galit kong sigaw sa kasambahay kong si Thelma! Napansin kong napatigil naman sa pag iyak si Anyana! Nagulat marahil sa lakas ng boses ko! Sabagay, first time niya palang nakita ang biglang pagbabago ng ugali ko! First time niya din na nakita akong sumigaw dahil sa galit. "Daddy...bakit po kayo nagagalit?" narinig kong bigkas ni Anyana na halata na sa boses nito ang pagpipigil na maiyak. "Daddy...I am not your DAddy kaya stop calling me DAddy!" galit kong singhal kay Anyana! Bigla kong nakalimutan kung ano man ang kondisyon niya ngayun! Galit ako at wa
BIANCA POV "HINDI na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Sigurado ka na ba diyan?" seryosong tanong sa akin ni Kuya Cyrus habang abala ako sa paglalagay ng mga importanteng gamit ng mga anak ko sa aking maleta! Bukas ng hapon ang alis namin pabalik ng New York at ngayun pa lang kailangan ko nang maghanda. Wala naman akong aasahan na gagawa sa trabahong ito eh! Ako lang lalo na at pinalayas na namin ang dalawang Yaya's ng mga anak ko dahil sa ginawa nila noon. Nakipag-sabwatan sila kay Daniel na naging dahilan kaya muntik ng malagay sa alanganin ang buhay ng mga anak ko. Yes...nakaligtas ang dalawang anak ko sa tiyak na kapahamakan! Naging critical man si Stephen pero matapang siya! Lumaban siya at kahit na hindi pa siya 100% na magaling alam kong magiging maayos din ang kanyang kalagayan! Babalik din sa dati ang sigla niya. Sobrang laki ng naibigay na trauma sa kanila ang nangyari! Alam ko na din kung sino ang salarin at alam ko na din na hindi aksidente ang lahat! Itinulak
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya! H
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa s