BIANCA POV Paalis na kami ni Kuya nang maisipan ko na daanan sila Stephen at Scarlett sa room nila! Nadatnan ko silang dalawa na nanonood ng paboritong palabas sa television! Sabay pa silang napatingin sa akin nang mapansin nila ang aking presensya. Babies, aalis na muna ang Mommy ha? Pero babalik din naman ako kaagad! Magpakabait kayo dito! Huwag niyong pahirapan sila Manang!" nakangiting paalam ko sa kanila at isa-isa silang hinalikan sa pisngi! "Saan po kayo pupunta Mommy? Pwede po bang sumama kaming dalawa ni Stephen?" malambing na sagot sa akin ni Scarlett! Wala sa sarilng napatitig ako kay Stephen na noon ay nakaupo sa kanyagn paboritong upuan habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon! "Gustuhin man namin kaya lang nagpapagaling pa si Stephen! Nakalimutan niyo na ba ang bilin ni Doc? Kailangan niyong magpahinga para gumaling kaagad kayo!" nakangiti kong sagot sa mga anak ko. "My...talaga po bang ayaw na ni Daddy sa amin? SAbi kasi noong witch na girl ayaw na daw ni D
BIANCA POV "SI Anyana? A---anong nangyari kay Anyana?" bakas ang kaba sa boses ni Jeneva habang sinasabi ang katagang iyun Sa isang iglap, bigang naglaho ang galit sa mga mata nito! Napalitan iyun ng takot at pag-aalala dahil sa kalagayan ng anak niya. "Ngayun, alam mo na siguro ang nararamdaman ko noong nasa peligro ang buhay ng mga anak ko dahil sa kagagawan mo Jeneva! Alam mo na siguro kung gaano kasakit isipin na nasa bingit ng kamatayan ang pinakamamahal mong anak!' galit kong sigaw sa kanya habang nakakuyom ang kamao ko. Isang malakas na paghikbi ang sagot niya sa akin at akmang tatayo sana siya pero muli ding napa-upo dahil pati pala mga paa niya ay may nakapulupot din na kadena. Muli akong napatingin kay Kuya! Hindi ako makapaniwala na pati pala paa ni Jeneva may nakalagay din ng kadena. Mukhang secured naman ang silid na ito pero bakit kailangan nilang gawin ito sa isang maliit na babaeng kagaya ni Jeneva? OO, malaki ang kasalanan ng babaeng ito at masaya ako na nah
BIANCA POV Sa pag-usad ng sasakyan paalis sa parking area ng presento, hindi ko na nilingon pa si Daniel! Nakapag-desisyon na ako! Hindi na ako maniniwala pa sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin! Hindi na ako papayag na muli niya akong mauto. Binigay ko na sa kanya ang second chance na hiniling niya pero sinira niya iyun! Nalagay pa sa alanganin ang buhay ng mga anak ko kaya naman hindi na talaga pwedeng balikan pa siya! Naging tahimik kaming dalawa ni Kuya habang bumibyahe pauwi ng bahay! Nang may nadaanan kami na store na nagtitinda ng donut si Kuya na din ang bumaba para bilhan ng pasalubong ang mga bata. Matiyaga lang akong naghihintay dito sa loob ng kotse habang lumuluha. Bago dumilim, maayos kaming nakauwi ng bahay! Pagkatapos naming mag-dinner, nagpaalam si Kuya na may pupuntahan lang daw siya! Hinayaan ko na lang dahil hindi naman habang buhay obligasyon niya ako eh! May sariling buhay din si Kuya na dapat niyang pagtoonan ng pansin. Ako na din mismo ang nagp
BIANCA ISSABELLE POV “Sign this! Tapos na ang pagiging sunod-sunuran ko sa iyo Bianca. Hindi kita mahal at ito na din siguro ang pagkakataon natin pareho para palayain ang isat isa!” seryosong wika sa akin ni Daniel Aragon Buenaventura. Inihagis niya sa harap ko ang hawak niyang papel at gamit ang nangingnginig kong kamay pinulot ko iyun at binasa. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata habang binabasa ko ang divorce agreement. Mahigit isang lingo din siyang hindi umuwi dito sa bahay tapos ito pala ang pasalubong niya sa akin. Gusto niya nang makigpahiwalay sa akin. Gusto niya nang tapusin ang tatlong taon naming pagsasama na pilit kong iniingatan huwag lang masira. “Bakit? Hindi mo ba ako mahal? Never mo ba talaga akong minahal? Daniel, alam na alam mo kung paano kita inaalagaan sa loob ng tatlong taon! Hindi pa ba sapat ang lahat-lahat ng sakripisyo ko at pag-aalaga na ibinigay ko sa iyo? Ano ba ang kulang sa akin? Sabihin mo? Ano pa
BIANCA ISSABELLE POV Wala sa sariling napahawak ako sa impis ko pang puson. Kakagaling ko lang sa Doctor noong nakaraang araw at sinabi niyang dalawang buwan na akong nagdadalang -tao. Gusto ko sanang bangitin ito kay Daniel dahil mahigit isang lingo din siyang hindi umuwi dito sa mansion pero ito naman kaagad ang sinalubong niya sa akin. Divorce paper at gusto niya talaga akong burahin sa buhay niya. “Anak, don’t worry…lalaban si Mommy. Hindi ako papayag na lumaki kang walang ama. Na lumaki kang hindi tayo buo. Gagawin lahat ni Mommy para manatili sa tabi natin ang iyung ama.” Umiiyak kong bigkas. Dahan-dahan akong tumayo ng kama at naglakad patungo sa banyo. Hindi ako dapat umiyak. Hindi pa katapusan ng mundo para magmukmok ako. Kahit na anong mangyari, hinding hindi ako papayag na hihiwalayan ako ni Daniel. Pupuntahan ko si Grandma. Kakausapin ko sya. Magsusumbong ako. Alam kong papanigan niya ako dahil ako ang pinili niya para maging asawa ng paborito niyang apo. Naghilamo
BIANCA ISSABELLE POV Ang gutom na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho. Gamit ang nanginginig kong binti muli akong umakyat ng hagdan. Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kwarto ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makarinig ako ng mahinang pag ungol. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ko na galing sa kwarto ni Daniel ang naturang ungol. Mga ungol na parang nasasaktan or nasasarapan. Hindi ko maintindihan at kahit na hilam ang luha sa mga mata naglakad ako patungo doon at ganoon na lang ang pagtataka ko dahil nakaawang ang pintuan ng kwarto. Naisip ko nga ...baka sinadya nila para makita ko kung ano ang ginagawa nila. Para ipaintindi sa akin na wala naman talaga akong dapat na ipaglaban. Simula umpisa alam kong ako na ang balakid sa pagsasama nila. Alam kong mula umpisa ako ang dahilan sa naudlot nilang pagmamahalan. Alam kong masasaktan ako kapag sisilip ako pero kinain na ako ng matinding curiousity. Ito ang kauna-unahan
BIANCA ISSABELLE POV Napahinto ako sa paghakbang at muling napaiyak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Parang gusto ko na lang tumakbo sa gitna ng kalasad at magpasagasa sa mga dumadaan na sasakyan. Parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Nasa ganoong kalagayan ako ng mapansin ko ang paghinto ng isang itim na sports car sa gilid ng kalsada. Itutuloy ko na sana ulit ang aking paghakbang nang marinig ko na may biglang nagsalita. “Sister in Law? Sabi ko na nga ba eh…ikaw iyung nakikita ko kanina.”Nakangiting kaagad na bigkas ng driver ng naturang sports car. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong nakilala si Arnold. Ang half brother ni Daniel na bihira ko lang din makita dahil hindi naman ako umaattend sa mga mahahalagang okasyon mayroon ang angkan ng mga Buenaventura. Kung hindi pa si Lola Antonia ang mag-initiate na umattend ako malabong isasama ako n Daniel. “Saan ang punta mo? Tsaka, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka
DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV "Kumain na ba si Bianca?” kaagad na tanong ko sa kasambahay naming si Thelma pagkababa ko ng dining area. Kasalukuyan kaming magkasabay na kumakain ni Jeneva nang hindi mawala-wala sa isipan ko si Bianca. Sa tatlong taon na magkasama kami sa mansion na ito never akong pumayag na makasabay siyang kumain. Sanay akong kumakain na mag -isa habang nasa tabi ko siya at pinagsisilbihan niya. Ngayung ibang babae na ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng tuwa. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Aaminin ko sa sarili ko na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Aware naman ako kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko. Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha umiinit talaga ang ulo ko. "Si Mam Bianca po? Umalis na po siya kanina Sir." sagot naman ni Thelma na labis kong ikinagulat. Ito ang kauna-unahang lumabas ni Bianca ng bahay na hindi niya ipinaalam sa akin at hindi ko siya kasama. Wala sa sarilin