•Gaea•
"Mommy, cry ka po?" tanong sa akin ni CN pagkalapit ko sa kanya. Umiling ako kaagad at lumuhod sa kanyang harapan at niyakap ito nang mahigpit. Nang kumalma ang aking puso ay kaagad akong lumayo sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. "Red po ang eyes niyo, mommy, kaya alam po ni CN na cry po kayo," malambing nitong wika sabay haplos sa aking mukha.
Umiling ako at hinuli ang kamay niya at hinalikan iyon. Ako naman ngayon ang humaplos sa kanyang manipis na pisngi. "Hindi umiiyak si mommy. Alam mo ba na napuwing ako kanina roon sa likuran dahil maraming dust?" rason ko sa kanya.
Mula sa akin ay ibinaling niya ang tingin sa aking likuran, kaya kaagad kong nilingon kung sino ang tinitingnan nito. "Bakit cry ka rin po? Napuwing ka rin po ba like mommy?" puno ng kainosentehan na tanong nito kay Clyden.
Ngumiti naman ang huli at tumango sa t
•Gaea•Habang pinapatulog ako kay CN ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako sa screen no'n at dahil nasa kabilang side iyon ay hindi ko siya maabot hanggat hindi ako tumatayo."CN," tawag ko sa pangalan ng anak ko para tingnan kung natutulog na ba siya. Narinig ko ang malalim nitong paghinga kaya napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "Ang gwapo naman ng baby ko," nakangiti kong saad bago tumayo sa kama.Inayos ko muna ang kumot niya bago pumunta sa kabilang bahagi ng kama at kinuha ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Clyden. Hindi ko naman alam kung bakit ito tumatawag sa ganitong oras. Balak ko rin naman siyang tawagan kanina ngunit naisip ko na pupuntahan ko na lang siya bukas para makapag-usap kami nang maayos.Nang muli itong tumunog ay kaagad kong sinagot iyon. "Bakit ka tumawag, Clyden?" bungad na tano
•Gaea•"Clyden, kailangan mo nang umuwi!" utos ko sa kanya dahil malapit nang maghating-gabi at nandito pa rin ito sa apartment. Mula sa kusina ay sinundan pa ako nito patungo sa kwarto namin ni CN. "Clyden, nakikinig ka ba sa akin?"Lumingon siya sa akin at niyakap si CN. Hinalikan pa nito sa noo ang bata bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "Alam mo ba na dalawang taon ko rin na hinintay na muli kang makatabi?"Walang-emosyon na dumapo ang aking mata sa kanya. Ngunit binalikan naman ako nito nang masayang mukha. "Hindi mo ba naiintindihan kong bakit kita pinapalayo sa amin ni CN?" inis na tanong ko sa kanya."Gaea, pakinggan mo rin naman ako," nagmamakaawa niyang saad. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa ceiling. Ito na naman kami nagsisimula na namin kami sa walang-kwentang usapan na ito. "Si Nicole ay anak ng kapatid ko. Kailangan ko
•Thunder•Sinundan ko ng tingin si Gaea na kakalabas lang ng kwarto, bago muling binalingan ng tingin si Nicolai na puno nang pagtataka ang mukha."Daddy, may nasabi po ba akong mali kaya nagalit si mommy?" inosente nitong tanong. Umiling naman ako, niyakap siya nang mahigpit bago siya hinalikan sa noo. "Magagalit na po ba sa akin si mommy?""Wala kang ginawang masama kaya hindi magagalit ang mommy. Wait ka lang dito, okay? Kakausapin ko muna siya," panunuyo ko rito. Nagdadalawang-isip pa ito noong una ngunit di kalaunan ay napapayag ko rin naman ito. "Babalik din ako kaagad."Lumabas na nga ako ng kwarto at hinanap si Gaea. Maliit lang naman ang apartment kaya sa tingin ko ay madali ko lang itong mahahanap.Napakamot ako sa aking batok nang hindi ko pa rin ito makita kahit ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa apartment nila. Sa tingi
•Gaea•Nakangiti akong lumapit sa dalawang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng ABC building. Buhat-buhat ni Clyden si CN na may dala-dalang bulaklak at abot-tenga ang ngiti."Mommy, kanina pa po kami naghihintay ni daddy!" masayang saad ni CN at lumipat sa aking bisig. Ginulo ko naman ang kanyang buhok bago kinuha ang bulaklak sa kanya. "Jobee raw po tayo sabi ni daddy, mom.""Ayaw mo na ba ng mga luto ni mommy?" nagtatampo kong saad. Mabilis naman siyang umiling at niyakap ang aking leeg. "Ano na namang paglalambing ito, Mr. Clyden Nicolai?" natatawa kong saad.Nagkamot naman siya sa kanyang batok bago humagikhik. "Hindi naman po iyan ang ibig kong sabihin, eh. Gusto ko po kasing kumain sa jobee po, mommy. Pumayag naman po si daddy. Hindi po ba pwede?"Nagmamakaawa ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Pinipigilan ko lang ang aking sa
•Gaea•Ilang oras na akong walang magawa dahil sa kakaisip ko sa sinabi ni Russu. Hindi ko alam kung makakaya ko ba na kausapin ang taong nagmamay-ari ngayon ng puso ni Samantha Nicolai.Isang mahigit ko na rin itong hinahanap dahil hindi naman sinabi sa amin ng doktor ang nakakuha ng puso ng kaibigan ko. Bukod sa confidential daw ang mga files nila ay bawal daw rin malaman ng receiver kung sino ang nagmamay-ari ng mga organs na natanggap nila.May tsansa raw kasi na iisipin ng receiver ang katauhan ni donor at aakalain nito na siya si donor na nasa katawan ni reciever. Dahil ayaw ko rin na makagulo sa buhay nito ay hindi ko kaagad ito hinanap nang unang taon, ngunit dahil sa kagustuhan kong makilala ang taong nagmamay-ari sa bagong puso ni Samantha Nicolai ay kaagad akong humingi ng tulong kay Russu, at ito na nga ang naging resulta ngayon."Miss Montessori." Napa
•Gaea•Puno ng pag-aalala ang mukha ni Clyden habang sinusuri ang aking katawan. Para matigil ito ay kailangan ko pa siyang hawakan."I'm fine, Clyden, medyo sumasakit lang ang braso kong natamaan," wika ko para kumalma naman siya. Huminahon siya at umupo na sa aking tabi habang makatitig sa may braso kong kakatapos lang gamutin ng doctor. "Nagmamadali ba kayong dalawa rito?"Umiling siya at kinuha si CN sa akin. "Gusto kong paliparin ang sasakyan papunta rito, ngunit hindi ko rin naman pwedeng takutin ang anak natin 'di ba?" Napangiti ako at tumango. Tama siya mas importante ang buhay ng anak namin. Inabot ko ang kanyang kamay at mahigpit na pinisil iyon. Kahit hindi ko sabihin sa kanya ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking kalamnan. "Sana sinundo na lang kita. Sana hindi na lang kita hinayaang umuwi ng mag-isa."Nakagat ko ang aking labi para supilin
•Gaea•Inaamin ko naman na malaki na nga ang pinagbago ni Clyden ngayon. Kung dati ay kailangan pa nito ng ebidensya para maniwala sa akin, ngayon naman ay siya na mismo ang naghahanap ng ebidensya para mahuli ang mga taong gumagawa ng masama sa akin."Mommy, is daddy still busy po ba? Five days na po siyang hindi umuuwi po," tanong sa akin ni CN nang maghapunan na kami.Sa tuwing nagtra-trabaho ako ay dinadala ko ito sa opisina para makasigurado ako na ligtas siya. Sumang-ayon naman si Kenneth at Miss Nancy sa desisyon ko na ito dahil may floor naman talaga roon na para sa mga bata.Pati ang plano namin ni Kenneth ay hindi na natuloy dahil sa pangyayaring iyon. Napag-usapan namin na baka sa susunod na lang na linggo namin gagawin iyon.Nilagyan ko muna ng adobong manok ang kanyang plato bago tumango bilang sagot sa tanong niya.
•Gaea•Kinabukasan ay dinala nga ni Clyden si CN sa kanilang kompanya. Sinundo naman ako ni Russu sa bahay, ngunit hindi na sila nagpang-abot ni Clyden dahil nagmamadali naman ang huli."Sino ang kasama ni CN ngayon?" tanong nito sa akin nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Nilingon ko siya saglit nang marinig ko iyon sa kanya. "Sana dinala mo na lang siya para may kasama ako habang naghihintay sa'yo.""Kasama niya kasi ang ama niya ngayon kaya hindi ko siya nasama atsaka— gosh!" Napalingon ako kay Russu nang biglaan nitong inihinto ang kotse. Muntikan pa akong matapon dahil medyo may kabilisan ang pagpapatakbo nito kanina. "Russu, may problema ba? Bakit bigla ka na lang humihinto?"Nilingon ako nito nakatikom ang mga bibig at nakatiim-bagang. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang reaksyon niya, kaya kaagad akong napatingin sa unahan. Wala na
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u