•Gaea•
Inaamin ko naman na malaki na nga ang pinagbago ni Clyden ngayon. Kung dati ay kailangan pa nito ng ebidensya para maniwala sa akin, ngayon naman ay siya na mismo ang naghahanap ng ebidensya para mahuli ang mga taong gumagawa ng masama sa akin.
"Mommy, is daddy still busy po ba? Five days na po siyang hindi umuuwi po," tanong sa akin ni CN nang maghapunan na kami.
Sa tuwing nagtra-trabaho ako ay dinadala ko ito sa opisina para makasigurado ako na ligtas siya. Sumang-ayon naman si Kenneth at Miss Nancy sa desisyon ko na ito dahil may floor naman talaga roon na para sa mga bata.
Pati ang plano namin ni Kenneth ay hindi na natuloy dahil sa pangyayaring iyon. Napag-usapan namin na baka sa susunod na lang na linggo namin gagawin iyon.
Nilagyan ko muna ng adobong manok ang kanyang plato bago tumango bilang sagot sa tanong niya.•Gaea•Kinabukasan ay dinala nga ni Clyden si CN sa kanilang kompanya. Sinundo naman ako ni Russu sa bahay, ngunit hindi na sila nagpang-abot ni Clyden dahil nagmamadali naman ang huli."Sino ang kasama ni CN ngayon?" tanong nito sa akin nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Nilingon ko siya saglit nang marinig ko iyon sa kanya. "Sana dinala mo na lang siya para may kasama ako habang naghihintay sa'yo.""Kasama niya kasi ang ama niya ngayon kaya hindi ko siya nasama atsaka— gosh!" Napalingon ako kay Russu nang biglaan nitong inihinto ang kotse. Muntikan pa akong matapon dahil medyo may kabilisan ang pagpapatakbo nito kanina. "Russu, may problema ba? Bakit bigla ka na lang humihinto?"Nilingon ako nito nakatikom ang mga bibig at nakatiim-bagang. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang reaksyon niya, kaya kaagad akong napatingin sa unahan. Wala na
•Gaea•Napaigik ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa aking likod nang bigla akong itinulak ni Clyden sa pintuan. Dilat ang aking dalawang mata habang nakatitig sa kanyang namumulang mukha."What are you doing, Clyden?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Nasa gitna namin ang isa kong kamay para hindi ito makalapit ng husto, habang ang isa naman ay nakahawak sa pader dahil pakiramdam ko ay babagsak na ako sa panghihina ng aking tuhod."Gaea, I tried!" mariin niyang tugon. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko siya maintindihan. Simula nang makaalis kami kanina sa lugar na iyon ay hindi na ako inimik ni Clyden. Hindi ko na rin naman siya pinansin dahil akala ko ay nagpo-pokus ito sa pagmamaneho.Ngunit nagulat na lang ako nang ginawa niya ito pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng bahay. "Kung may problema ka kasi sabihin mo, Clyde
•Gaea• "Babe, may nasabi ba akong masama kaya ka biglang natahimik d'yan?" Mula sa labas ng bintana ay ibinaling ko ang paningin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot iyong tanong niya kanina tungkol sa pagpapakasal. Mahal ko si Clyden ngunit hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang taong nasa likod nang pamamaril na iyon ay hindi ko siya papakasalan. Gusto kong mamuhay nang payapa at mangyayari lang iyon kapag nawala ang asungot sa buhay namin. Atsaka bukod doon ay hindi ko pa nahahanap ang taong nagmamay-ari sa puso ni Nicolai noon. "Dahil pa rin ba sa sinabi ko kanina? Akala ko ba mahal mo rin ako, Gaea? Hindi ba totoo ang nararamdaman mo sa akin?" sunod-sunod na tanong nito. Inabot ko ang kanyang kamay sabay iling. "Ano ba ang dahilan mo kaya hindi mo ako mapakasalan? Mahal kita, handa akong alagaan ka at ibigay ang lahat ng gusto mo—" &n
•Gaea• Pinahid ko ang pawis na naglandas sa aking mukha dahil sa init ng shooting area. Pinapunta ako rito ng kliyente dahil may itatanong daw sila tungkol sa ibang scene para sa mas magandang pagkakalahad no'n. Kinuha ko ang juice na ibinigay ng isang staff at umupo sa bakanteng upuan malapit sa direktor. Malapit na namang matapos ang shoot at uuwi na rin ako kaagad dahil kanina pa nagte-text sa akin si Samantha dahil hinahanap na raw ako ni CN. "Miss Montessori, thank you po sa pagpunta. Okay na po kami rito," saad ni Jasmine nang malapitan ako. Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at inayos siyang hinarap. "Akala po namin Darren ay hindi ka po darating, eh," natatawa niyang usal sabay turo sa kanyang groom na kumakaway sa amin. "Trabaho ko naman ito, Miss Jasmine, kaya kailangan ko itong pagtuunan ng pansin hanggang sa matapos. Gusto ko p
•Gaea•Hanggang sa nakauwi kami ay naiisip ko pa rin ang mukha ng lalaking bumangga sa akin kanina. Hindi na iyon mawaglit lalo na at kakaiba ang nararamdaman ko rito. Gusto ko siyang pa-imbistigahan hindi ko lang alam kung sapat pa ba ang perang naipon ko para roon."Gaea, mauna na ako sa taas. Okay lang ba kayo rito ni CN?" pukaw ni Samantha sa nililipad kong diwa.Tiningnan ko siya at tumango bilang sagot sa tanong niya. Balak ko sanang mag-shopping kasama silang dalawa ni CN ngunit nang makita ko itong lutang at hindi na makausap nang maayos ay nag-aya na rin akong umuwi."Mag-usap tayo bukas, Sam, gusto kong malaman ang problema mo." Nagdikit ang kanyang bibig sabay tango, pinipigilan ang luhang malapit ng pumatak.Napabuntong-hininga ako nang makalayo na sa amin si Samantha. Lumapit sa akin si CN at yum
•Gaea•Nagbayad na ako sa taxi driver at hinawakan ang kamay ni CN para pumunta sa front desk ng kompanya nila Clyden. Nakangiti akong lumapit sa dalawang babae na tinuturuan ang kasamahan nito siguro ay bago pa lamang ito roon."Good afternoon, maam, ano pong maitutulong ko sa inyo?" malapad ang ngiting tanong nito sa akin."I'm Gaea Montessori." Ang pangalan ko pa lang ang nasasabi ngunit nanlalaki na ang mga mata nila. Sa tingin ko ay hindi pa ako nila nakikita na pumupunta rito. Minsanan lang naman kasi akong mapasyal dito para kamustahin si Clyden, at kakaunti lang ang nakakita sa akin. "Any problem?""Ma'am, ikaw po ba iyong mapapangasawa ni Sir Clyden?" namamanghang tanong nito sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa biglaang pagtanong nito tungkol sa bagay na iyon. Iba pala talaga kapag ibang tao na ang magsabi tungkol sa rela
•Gaea•"Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita." Nanunuring tingin ang binibigay nito sa akin tila ba may kulang sa aking sinasabi. "Totoo nga, Clyden, gusto ko ngang humingi ng tulong sa'yo para ipahanap siya."Nagdikit ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Iyon naman palagi ang reaksyon niya kapag may sinasabi akong tungkol sa mga lalaki."Bakit kailangan mo pa siyang ipahanap? Nagustuhan mo ba siya sa unang kita mo sa kanya?" kunot-noong tanong niya. Kaagad akong umiling at hinuli ang kanyang kamay. Lumanghap ito ng hangin at malalim na bumuntong-hininga tila ba ang laki ng problema niya.Mas lalo itong lumapit sa akin at niyakap ako. Yumuko ito nang kaunti at inilagay ang ulo niya sa aking balikat. "Natatakot akong mawala ka ulit sa akin, Gaea," puno ng sinseridad niyang usal.Tumaas ang kamay
•Gaea•Naguguluhan kong tiningnan si Russu mula sa kanyang paa patungo sa kanyang mukha. Mabilis na tumibok ang puso ko nang magtama ng aming mga mata.Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang puno ng hinanakit ngunit may malademonyong ngisi pa rin siya sa kanyang labi. Hindi ko na nakikita rito ang dating Russu na dati kong minahal."Ikaw ba ang nagpapunta sa kanya rito para kausapin ako?" tanong ko sa kanya. Pinipilit ko ang aking sarili na pakalmahin dahil wala naman itong ginagawa sa akin at kaibigan na ang turing ko sa kanya. "Russu, pwede ba na—"Natigilan ako nang biglang may taong humawak sa kamay ko. Hindi pamilyar ang kamay at presensya ng humahawak kaya alam ko na hindi ko ito kilala.Naguguluhan kong tiningnan si Russu dahil hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. "Sa tingin mo na 'yan sigurado