•Gaea•
Naguguluhan kong tiningnan si Russu mula sa kanyang paa patungo sa kanyang mukha. Mabilis na tumibok ang puso ko nang magtama ng aming mga mata.Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang puno ng hinanakit ngunit may malademonyong ngisi pa rin siya sa kanyang labi. Hindi ko na nakikita rito ang dating Russu na dati kong minahal."Ikaw ba ang nagpapunta sa kanya rito para kausapin ako?" tanong ko sa kanya. Pinipilit ko ang aking sarili na pakalmahin dahil wala naman itong ginagawa sa akin at kaibigan na ang turing ko sa kanya. "Russu, pwede ba na—"
Natigilan ako nang biglang may taong humawak sa kamay ko. Hindi pamilyar ang kamay at presensya ng humahawak kaya alam ko na hindi ko ito kilala.
Naguguluhan kong tiningnan si Russu dahil hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. "Sa tingin mo na 'yan sigurado
•Clyden•Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit na aking nararamdaman. Gabi na at hindi pa rin nakakauwi si Gaea at kanina ko pa tinawagan ang kompanya nila at sinabi sa akin ng isa sa mga receptionist nila na nakauwi na raw ito.Napatingin ako kay CN na kanina pa umiiyak at hinahanap ang ina nito. Malalim akong napabuntong-hininga at nilapitan ito. Tumingala naman siya sa akin nang namataan niya ang presensya ko kaagad akong ngumiti at niyakap siya."Uuwi rin kaagad si mommy baka busy lang siya sa work, okay?" pagpapakalma ko sa kanya. Patuloy na nagtaas-baba ang kanyang dibdib ngunit unti-unti naman na nitong itinigil ang kanyang pag-iyak. "Ang bait naman ng baby namin."Malapad siyang ngumiti sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Ginulo ko ang kanyang buhok at hinalikan ang toktok no'n.Kinakabahan din ako sa hindi
•Clyden•Mabilis kong ikinilos ang aking mga paa at tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan. "Gaea! " hiyaw ko ngunit kaagad nang umandar ang van bago pa ako makalapitSinipa ko ang batong naapakan ko sa sobrang inis. Hindi ko man lang nakita ang mukha ng taong kumuha rito. Nagpupuyos ang damdamin na binalikan ko ang restaurant at naghanap ng pwedeng gawing ebidensya."Hi po, sir, kilala niyo po ba ang may ari ng kainan na ito?" magalang na tanong ko sa lalaking paparating. Tiningnan ko siya nang mabuti at basi sa nakikita ko ay nasa kwarenta na ang edad nito. May mayayabong na itong bigote at lima na ang makikita mong kunot sa kanyang noo larawan ng katandaan.Tumingin siya sa akin at sinuri ang aking kabuuan. Sa tingin ko ay nagdadalawang-isip ito kung sasagutin ba ang tanong ko para matulungan ako o hindi dahil natatakot itong may gawin akong
•Third Person•"Kumain ka na!" Malakas na sigaw ni Russu sa dalagang nakaupo lamang sa harap ng hapag-kainan ngunit walang balak na galawin ang pagkain na nakahain sa harapan nito. "Alam mo, Gaea, simula nang mawala simula nang makilala mo ang lalaking iyon ay nagbago ka na!"Sarkastikong natawa ang dalaga bago sinamaan ng tingin ang kaharap. Nag-aapoy ang tinging ipinupukol niya rito dahil sa galit na nararamdaman."Hindi na rin ikaw iyong Russu na kilala ko! Bakit ka biglang nagbago, ha?! Mabait ka naman dati. Hindi nga ako makapaniwala na magagawa mo ito ngayon—"Mabilis na tumaas ang kamay ng binata at hinawakan ang pisngi ng dalaga. Napanganga naman ang huli dahil sa sakit na nararamdaman. "Ilang taon akong nagtitimpi sa ginawa mo sa akin, Gaea, kaya huwag mong isisi sa akin ang mali mo! Ilang ulit kong itinanong sa sarili ko kung bakit h
•Warning! S*xual content!•Gaea•Sa halip na dalhin ako sa bahay nito kung nasaan si CN ay dinala ako nito sa condo niya. Naiintindihan ko naman siya lalo na at hindi ako makausap nang maayos ngayon dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano haharapin si Clyden kung nahawakan na ng ibang lalaki ang pribadong parte ng aking katawan."Gaea, you need to shower," mahinahong saad sa akin. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para alalayan ako. Napabuntong-hininga ako at ilang minuto iyong tinitigan bago inabot.Nanghihina ang aking tuhod kaya dahan-dahan lamang akong naglalakad. Hindi ko naman narinig na nagreklamo si Clyden sumasabay pa ito sa akin at puno ng pasensya akong inalalayan."C-Clyden, matatanggap mo pa rin ba ako kahit may nakahawak na sa aking iba?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa banyo.
•Gaea•Ang malamig na dampi ng hangin sa aking katawan ang nagpagising sa akin. Dahil nakatagilid ako ang una kong nakita ay si Clyden na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang mukha."Thank you, babe," malambing kong saad at ginawaran ang kanyang noo nang mabilis na halik.Yumakap ako sa kanya at babalik sana sa pagkakatulog nang tumunog ang cellphone na nasa side table. Kumunot ang aking noo nang makita ko roon ang aking sirang cellphone ngunit gumagana pa naman.Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon at sinagot ang tawag kahit hindi naman nakatatak ang pangalan ng caller. Hindi ko alam kung bakit nasa kay Clyden ang cellphone ko pero baka nakita nito iyon sa may restaurant."Sino 'to?" tanong ko nang hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. "Ano ang kailangan mo?" 
•Gaea•Tatlong araw na ang lumipas at hindi na nagparamdam sa amin si Russu. Sa halip na makampante ay mas lalo pa kaming naging mapagmatyag sa susunod na gagawin nito. Hindi namin alam kung kailan ulit ito aatake at may gagawing masama. Hindi na nga rin namin masyadong pinapalabas si CN at baka may binabalak dito na masama si Russu at masaktan pa ito."Mommy, I want to go out po," nakabusangot na wika ni CN habang pinaglalaruan ang mga kamay namin ni Clyden. Sa bahay na lang din muna ito nagtra-trabaho dahil natatakot siya at baka mapahamak kami ni CN. "Three days na po tayong nandito sa house po. Gusto ko po kumain ng fried chicken sa jobee po, mommy, daddy!"Yumuko ako at hinaplos ang kanyang mukha na puno na ng pawis dahil sa paglalaro. Gusto ko rin naman talaga na ilabas ito ngunit natatakot din naman ako sa kaligtasan niya, lalo na at malapit ito kay Russu.&
•Gaea•Hinatid lang ako ni Clyden sa City Lights at hindi na ito bumaba sa kotse. Pinipilit niya ako kanina na pasamahin siya sa akin ngunit pinigil ko rin ito kaagad. Ayaw kong magkaroon ng pagdadalawang-isip si Russu at saktan ang anak namin.Madilim na ang buong paligid nang dumating kami rito. Gusto ko sana itong puntahan kaagad ngunit nagbabala si Russu na kailangan kong dumating sa oras na ibinigay nito o sasaktan niya si CN."Russu! Russu, ilabas mo ang anak ko—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-echo iyon sa madilim at walang katao-taong lugar.Ang City Lights ang pinakamatao sa lahat ngunit ngayong gabi tila ba isa itong abandonadong lugar at matagal nang walang bumibisita rito."Tumupad ka nga sa pangako mo!" Narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya. Na
•Gaea•Napapailing ako habang dahan-dahang nilalapitan ang katawan nila Clyden at Nicolai. Nabuhayan ako nang makitang tumayo ang huli, ngunit nawala rin iyon kaagad nang makita kong itinaas nito ang maliit niyang kamay na punong-puno ng dugo."Mommy, blood!" natatarantang sigaw niya at tiningnan ang kanyang ama na nakahandusay pa rin. Nanginginig ang tuhod ko na lumuhod sa harapan nito. "Mommy, patay ma po ba si daddy?"Umiling ako at hinawakan ang natamaang bahagi kay Clyden. Hindi siya pwedeng mawala sa amin ni CN, hindi ko hahayaang may mawala na naman sa buhay ko. Pagod na pagod na akong masaktan at magluksa dahil sa pagkawala ng mga taong malapit sa akin."Ms. Gaea, are you okay? Kailangan ko pong dalhin si Clyden sa hospital para magamot po siya kaagad. Delikado po ang tama niya." Tiningnan ko ang lalaking lumapit sa amin at mabil
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u