•Clyden•
Mabilis kong ikinilos ang aking mga paa at tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan. "Gaea! " hiyaw ko ngunit kaagad nang umandar ang van bago pa ako makalapit
Sinipa ko ang batong naapakan ko sa sobrang inis. Hindi ko man lang nakita ang mukha ng taong kumuha rito. Nagpupuyos ang damdamin na binalikan ko ang restaurant at naghanap ng pwedeng gawing ebidensya."Hi po, sir, kilala niyo po ba ang may ari ng kainan na ito?" magalang na tanong ko sa lalaking paparating. Tiningnan ko siya nang mabuti at basi sa nakikita ko ay nasa kwarenta na ang edad nito. May mayayabong na itong bigote at lima na ang makikita mong kunot sa kanyang noo larawan ng katandaan.
Tumingin siya sa akin at sinuri ang aking kabuuan. Sa tingin ko ay nagdadalawang-isip ito kung sasagutin ba ang tanong ko para matulungan ako o hindi dahil natatakot itong may gawin akong
•Third Person•"Kumain ka na!" Malakas na sigaw ni Russu sa dalagang nakaupo lamang sa harap ng hapag-kainan ngunit walang balak na galawin ang pagkain na nakahain sa harapan nito. "Alam mo, Gaea, simula nang mawala simula nang makilala mo ang lalaking iyon ay nagbago ka na!"Sarkastikong natawa ang dalaga bago sinamaan ng tingin ang kaharap. Nag-aapoy ang tinging ipinupukol niya rito dahil sa galit na nararamdaman."Hindi na rin ikaw iyong Russu na kilala ko! Bakit ka biglang nagbago, ha?! Mabait ka naman dati. Hindi nga ako makapaniwala na magagawa mo ito ngayon—"Mabilis na tumaas ang kamay ng binata at hinawakan ang pisngi ng dalaga. Napanganga naman ang huli dahil sa sakit na nararamdaman. "Ilang taon akong nagtitimpi sa ginawa mo sa akin, Gaea, kaya huwag mong isisi sa akin ang mali mo! Ilang ulit kong itinanong sa sarili ko kung bakit h
•Warning! S*xual content!•Gaea•Sa halip na dalhin ako sa bahay nito kung nasaan si CN ay dinala ako nito sa condo niya. Naiintindihan ko naman siya lalo na at hindi ako makausap nang maayos ngayon dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano haharapin si Clyden kung nahawakan na ng ibang lalaki ang pribadong parte ng aking katawan."Gaea, you need to shower," mahinahong saad sa akin. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para alalayan ako. Napabuntong-hininga ako at ilang minuto iyong tinitigan bago inabot.Nanghihina ang aking tuhod kaya dahan-dahan lamang akong naglalakad. Hindi ko naman narinig na nagreklamo si Clyden sumasabay pa ito sa akin at puno ng pasensya akong inalalayan."C-Clyden, matatanggap mo pa rin ba ako kahit may nakahawak na sa aking iba?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa banyo.
•Gaea•Ang malamig na dampi ng hangin sa aking katawan ang nagpagising sa akin. Dahil nakatagilid ako ang una kong nakita ay si Clyden na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang mukha."Thank you, babe," malambing kong saad at ginawaran ang kanyang noo nang mabilis na halik.Yumakap ako sa kanya at babalik sana sa pagkakatulog nang tumunog ang cellphone na nasa side table. Kumunot ang aking noo nang makita ko roon ang aking sirang cellphone ngunit gumagana pa naman.Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon at sinagot ang tawag kahit hindi naman nakatatak ang pangalan ng caller. Hindi ko alam kung bakit nasa kay Clyden ang cellphone ko pero baka nakita nito iyon sa may restaurant."Sino 'to?" tanong ko nang hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. "Ano ang kailangan mo?" 
•Gaea•Tatlong araw na ang lumipas at hindi na nagparamdam sa amin si Russu. Sa halip na makampante ay mas lalo pa kaming naging mapagmatyag sa susunod na gagawin nito. Hindi namin alam kung kailan ulit ito aatake at may gagawing masama. Hindi na nga rin namin masyadong pinapalabas si CN at baka may binabalak dito na masama si Russu at masaktan pa ito."Mommy, I want to go out po," nakabusangot na wika ni CN habang pinaglalaruan ang mga kamay namin ni Clyden. Sa bahay na lang din muna ito nagtra-trabaho dahil natatakot siya at baka mapahamak kami ni CN. "Three days na po tayong nandito sa house po. Gusto ko po kumain ng fried chicken sa jobee po, mommy, daddy!"Yumuko ako at hinaplos ang kanyang mukha na puno na ng pawis dahil sa paglalaro. Gusto ko rin naman talaga na ilabas ito ngunit natatakot din naman ako sa kaligtasan niya, lalo na at malapit ito kay Russu.&
•Gaea•Hinatid lang ako ni Clyden sa City Lights at hindi na ito bumaba sa kotse. Pinipilit niya ako kanina na pasamahin siya sa akin ngunit pinigil ko rin ito kaagad. Ayaw kong magkaroon ng pagdadalawang-isip si Russu at saktan ang anak namin.Madilim na ang buong paligid nang dumating kami rito. Gusto ko sana itong puntahan kaagad ngunit nagbabala si Russu na kailangan kong dumating sa oras na ibinigay nito o sasaktan niya si CN."Russu! Russu, ilabas mo ang anak ko—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-echo iyon sa madilim at walang katao-taong lugar.Ang City Lights ang pinakamatao sa lahat ngunit ngayong gabi tila ba isa itong abandonadong lugar at matagal nang walang bumibisita rito."Tumupad ka nga sa pangako mo!" Narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya. Na
•Gaea•Napapailing ako habang dahan-dahang nilalapitan ang katawan nila Clyden at Nicolai. Nabuhayan ako nang makitang tumayo ang huli, ngunit nawala rin iyon kaagad nang makita kong itinaas nito ang maliit niyang kamay na punong-puno ng dugo."Mommy, blood!" natatarantang sigaw niya at tiningnan ang kanyang ama na nakahandusay pa rin. Nanginginig ang tuhod ko na lumuhod sa harapan nito. "Mommy, patay ma po ba si daddy?"Umiling ako at hinawakan ang natamaang bahagi kay Clyden. Hindi siya pwedeng mawala sa amin ni CN, hindi ko hahayaang may mawala na naman sa buhay ko. Pagod na pagod na akong masaktan at magluksa dahil sa pagkawala ng mga taong malapit sa akin."Ms. Gaea, are you okay? Kailangan ko pong dalhin si Clyden sa hospital para magamot po siya kaagad. Delikado po ang tama niya." Tiningnan ko ang lalaking lumapit sa amin at mabil
•Gaea•Hindi ako mapakali habang naghihintay ng doctor na lumabas sa kwarto ni Clyden, habang sila Sky at Terrence naman ay inaasikaso si CN. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pagbaril dito.Mula sa pagkakayuko ay Mabilis akong napatingala para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagkatinginan kami ng doctor na kakakuha pa lang ng kanyang mask."Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako kaagad at tumango. "Successful ang operasyon pero we need to monitor him time to time dahil delikado ang parteng natamaan sa kanya. Malapit iyon sa puso kaya kritikal ang kanyang kondisyon.""Thank you po, doc," nakangiti kong sambit. Hindi pa man magaling si Clyden ay masaya na ako dahil successful na ang operasyon nito sa ilang oras naming paghihintay rito magandang balita na ang successful ang operasyon nito. Mananalig na
•Gaea•Dalawang oras akong naghintay kay Russu dito sa may maliit na abandonadong tindahan, ngunit hindi naman ito nagpapakita sa akin. Alam ko na kanina pa ito dumating ngunit hindi lang nagpapakita at nanatili lamang nakamasid at baka may kasama akong iba.Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text doon. Napangisi ako nang makita ang numero ni Russu na nakatatak sa screen."Are you tired of waiting, love?" Iyon ang mensaheng nabasa ko mula sa kanya. Tumayo ang balahibo ko dahil hindi nagustuhan ng puso't-isipan ko ang mensaheng iyon. "I'm coming. Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo."Malungkot akong bumuntong-hininga dahil sa kasunod nitong mensahe. Kung hindi lang sana nagbago ang ugali ni Russu edi sana magkaibigan pa rin kami ngayon. Hindi sana namin nilalayuan ang isa't-isa at patuloy pa rin sana kaming nag-