•Gaea•
Tatlong araw na ang lumipas at hindi na nagparamdam sa amin si Russu. Sa halip na makampante ay mas lalo pa kaming naging mapagmatyag sa susunod na gagawin nito. Hindi namin alam kung kailan ulit ito aatake at may gagawing masama. Hindi na nga rin namin masyadong pinapalabas si CN at baka may binabalak dito na masama si Russu at masaktan pa ito.
"Mommy, I want to go out po," nakabusangot na wika ni CN habang pinaglalaruan ang mga kamay namin ni Clyden. Sa bahay na lang din muna ito nagtra-trabaho dahil natatakot siya at baka mapahamak kami ni CN. "Three days na po tayong nandito sa house po. Gusto ko po kumain ng fried chicken sa jobee po, mommy, daddy!"Yumuko ako at hinaplos ang kanyang mukha na puno na ng pawis dahil sa paglalaro. Gusto ko rin naman talaga na ilabas ito ngunit natatakot din naman ako sa kaligtasan niya, lalo na at malapit ito kay Russu.&
•Gaea•Hinatid lang ako ni Clyden sa City Lights at hindi na ito bumaba sa kotse. Pinipilit niya ako kanina na pasamahin siya sa akin ngunit pinigil ko rin ito kaagad. Ayaw kong magkaroon ng pagdadalawang-isip si Russu at saktan ang anak namin.Madilim na ang buong paligid nang dumating kami rito. Gusto ko sana itong puntahan kaagad ngunit nagbabala si Russu na kailangan kong dumating sa oras na ibinigay nito o sasaktan niya si CN."Russu! Russu, ilabas mo ang anak ko—" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-echo iyon sa madilim at walang katao-taong lugar.Ang City Lights ang pinakamatao sa lahat ngunit ngayong gabi tila ba isa itong abandonadong lugar at matagal nang walang bumibisita rito."Tumupad ka nga sa pangako mo!" Narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya. Na
•Gaea•Napapailing ako habang dahan-dahang nilalapitan ang katawan nila Clyden at Nicolai. Nabuhayan ako nang makitang tumayo ang huli, ngunit nawala rin iyon kaagad nang makita kong itinaas nito ang maliit niyang kamay na punong-puno ng dugo."Mommy, blood!" natatarantang sigaw niya at tiningnan ang kanyang ama na nakahandusay pa rin. Nanginginig ang tuhod ko na lumuhod sa harapan nito. "Mommy, patay ma po ba si daddy?"Umiling ako at hinawakan ang natamaang bahagi kay Clyden. Hindi siya pwedeng mawala sa amin ni CN, hindi ko hahayaang may mawala na naman sa buhay ko. Pagod na pagod na akong masaktan at magluksa dahil sa pagkawala ng mga taong malapit sa akin."Ms. Gaea, are you okay? Kailangan ko pong dalhin si Clyden sa hospital para magamot po siya kaagad. Delikado po ang tama niya." Tiningnan ko ang lalaking lumapit sa amin at mabil
•Gaea•Hindi ako mapakali habang naghihintay ng doctor na lumabas sa kwarto ni Clyden, habang sila Sky at Terrence naman ay inaasikaso si CN. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pagbaril dito.Mula sa pagkakayuko ay Mabilis akong napatingala para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagkatinginan kami ng doctor na kakakuha pa lang ng kanyang mask."Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako kaagad at tumango. "Successful ang operasyon pero we need to monitor him time to time dahil delikado ang parteng natamaan sa kanya. Malapit iyon sa puso kaya kritikal ang kanyang kondisyon.""Thank you po, doc," nakangiti kong sambit. Hindi pa man magaling si Clyden ay masaya na ako dahil successful na ang operasyon nito sa ilang oras naming paghihintay rito magandang balita na ang successful ang operasyon nito. Mananalig na
•Gaea•Dalawang oras akong naghintay kay Russu dito sa may maliit na abandonadong tindahan, ngunit hindi naman ito nagpapakita sa akin. Alam ko na kanina pa ito dumating ngunit hindi lang nagpapakita at nanatili lamang nakamasid at baka may kasama akong iba.Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text doon. Napangisi ako nang makita ang numero ni Russu na nakatatak sa screen."Are you tired of waiting, love?" Iyon ang mensaheng nabasa ko mula sa kanya. Tumayo ang balahibo ko dahil hindi nagustuhan ng puso't-isipan ko ang mensaheng iyon. "I'm coming. Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo."Malungkot akong bumuntong-hininga dahil sa kasunod nitong mensahe. Kung hindi lang sana nagbago ang ugali ni Russu edi sana magkaibigan pa rin kami ngayon. Hindi sana namin nilalayuan ang isa't-isa at patuloy pa rin sana kaming nag-
•Clyden•Nagising ako sa maingay na usapan ng mga taong nasa aking paligid. Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata ay nagsilapitan na kaagad ang mga kaibigan ko sa akin. Nakangiting mukha nila ang sumalubong sa akin."Nasaan si Gaea at CN?" mahina kong tanong. Iyon ang una kong naitanong nang hindi ko makita ang mag-ina ko.Pangalawang beses na akong nagising noong una ay kami lamang dalawa ng doktor at sandali lang iyon. Tinanggal lang nito ang mga apparatus na nakakabit sa aking katawan dahil maayos na naman daw ako pagkatapos niyang i-check ang lahat.Ngunit kahit noong una akong magising ay wala akong nakita o narinig lang man na boses ni Gaea. Wala ito sa aking tabi na napaka-impossibleng mangyari dahil alam kong babantayan ako nito."Isang buwan ka ng nandito, Clyden, at maraming nangyari sa isang buwan na iyon," tugon ni T
•Gaea•Napangiti ako nang makita ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Malabo pa ang aking paningin ngunit mas maigi na iyon kaysa sa madilim na tanawin na ilang linggo ko ring pinagtiisan."Gaea!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Lumapit sa akin si Faran at may inilahad itong pagkain sa harapan ko. Napangiti ako nang makita ang laman ng bowl na ibinigay nito sa akin. Isa iyong macaroni salad at sinabi ko sa kanya na ipagluto niya ako one of this days. "Ginawa ko 'yan para talaga sa'yo," nakangiti niyang saad sabay kindat sa akin.Natawa naman ako sa ginawa nito sabay iling sa kanya. Noong una kaming magkakilala ay medyo naging akward kami sa isa't-isa. Hindi ako nito kinakausap kong hindi naman importante, ngunit nang lumipat kami sa L.A kasama ang girlfriend niya ay nabago naman ang lahat ng iyon.Tinulungan nila akong dalawa para mapabilis ang
•Gaea•"Sinabi ko naman sa'yo na kanina pa ako nagugutom 'di ba? Gusto mo ba na ikaw na lang iyong kainin ko para naman hindi mo ako pigilan—""Sino naman nagsabi sa'yo na hindi kita pipigilan, ha? Gwapo ka ba?" taas-kilay na bulyaw ni Kristel kay Sky."Mas gwapo pa ako roon sa ka loveteam mo. Akala mo naman!" balik naman dito ni Sky.Iyon ang naabutan namin ni Clyden nang dumating kami sa resort ni Sky. "Bakit naman nag-aaway ang dalawang iyan dahil sa pagkain?" naguguluhan kong tanong kay Samantha nang lumapit ito sa amin."Kasi iyang si Sky kanina pa inaasar si Kristel habang lumalangoy kaya nang umahon ito at naunang pumunta sa may mga pagkain ay ito naman ang nagbawal sa una," kibit-balikat na bigay impormasyon nito sa akin."Sky, ano ba ang ginagawa mo r'yan. Kumai
•Gaea•Dahil sa mga nangyari ay matagal na rin kaming hindi nakapag-usap ni Samantha. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay nito at sa kanila ni Navy. Huling impormasyon ko tungkol sa kanilang dalawa ay noong maghiwalay sila.Sabay kaming pumulot ng shells at itinapon iyon sa may dagat. Napangiti ako nang maramdaman kong sumandal siya sa aking balikat."Gaea, I'm tired," mahina niyang saad habang hinahaplos ang kanyang braso. Kumunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya. "Pagod na akong magpanggap na hindi ko na naiisip si Navy. Pagod na akong pigilin ang pag-iyak para hindi malaman ng iba na nasasaktan ako."Sa kabila nang pagkamasayahing tao ni Samantha ay hindi mo aakalaing may itinatago itong sakit sa kanyang dibdib. Mas mabigat pa ang dinadala nito kaysa sa mga taong pinapasaya niya."Bakit hindi mo su