Share

CO 63:

•Gaea•

Nakangiti akong lumapit sa dalawang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng ABC building. Buhat-buhat ni Clyden si CN na may dala-dalang bulaklak at abot-tenga ang ngiti.

"Mommy, kanina pa po kami naghihintay ni daddy!" masayang saad ni CN at lumipat sa aking bisig. Ginulo ko naman ang kanyang buhok bago kinuha ang bulaklak sa kanya. "Jobee raw po tayo sabi ni daddy, mom."

"Ayaw mo na ba ng mga luto ni mommy?" nagtatampo kong saad. Mabilis naman siyang umiling at niyakap ang aking leeg. "Ano na namang paglalambing ito, Mr. Clyden Nicolai?" natatawa kong saad.

Nagkamot naman siya sa kanyang batok bago humagikhik. "Hindi naman po iyan ang ibig kong sabihin, eh. Gusto ko po kasing kumain sa jobee po, mommy. Pumayag naman po si daddy. Hindi po ba pwede?"

Nagmamakaawa ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Pinipigilan ko lang ang aking sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status