Chapter 91 Habang bumibiyahe kami pauwi mula sa restaurant, ramdam ko ang lamig ng gabi sa hangin. Ang mga bituin ay nagbibigay ng kaaya-ayang liwanag, at ang mga kalye ay tahimik, tanging mga ugong ng sasakyan ang maririnig. "Siguro, magandang ideya rin na maglaan tayo ng oras para sa sarili natin, paminsan-minsan," sabi ni Dixon, na tila nag-iisip ng malalim habang naglalakad kami. "Oo, agree ako. Minsan kailangan nating magpahinga mula sa lahat ng trabaho at mag-focus sa mga bagay na nagpapasaya sa atin, mahal!" sagot ko na may ngiti sa labi, habang tinutok ang aking tingin sa mga kalye na aming dinadaanan. Pagdating namin sa bahay, nakita naming tahimik ang paligid. Sigurado kaming mahimbing na natutulog ang kambal dahil sa pagod ito sa kanilang pag-aaral. Sa kabila ng lahat ng pagod, napawi ang stress dahil sa akin nararamdaman at dahil sa pagiging masaya na pamilyang mayroon ako ngayon. "Dad, Mom!" sambit ni Amara sa aming dalawa. "Mauna na po ako sa inyo magpahinga,
Chapter 92 -karugtong "How about this place?" tanong ni Dixon, habang ipinapakita ang isang resort na malapit sa dagat. "Mukhang perfect para sa relaxation. May mga magagandang beach activities at spa services!" wika niya sa akin. Tumingin ako sa larawan ng resort at napansin ang mga paboritong amenities ko. “Mukhang magandang ideya yan, Mahal. Lalo na ang spa services—sana makapag-pamper tayo ng kaunti!" saad ko dito. "Great, it is settled then," sagot niya, na puno ng excitement. "Mag-book tayo ng reservation at planuhin ang mga detalye para makapaghanda na tayo!" masaya niyang bigkas. Matapos ang mahabang oras ng pagpaplano, natapos namin ang mga booking at nakumpleto ang mga detalye para sa aming trip. Ang bawat hakbang ng proseso ay puno ng saya, at nagbigay ito sa amin ng bagong layunin sa kabila ng aming hectic na schedule. Sa hapon, nagpunta kami sa opisina para sa isang seryosong meeting. Habang nagtatanggap kami ng mga updates mula sa mga project managers, ramda
Chapter 93 Dixon POV Maaga akong nagising kinaumagahan dahil ngayon ay kaarawan ng aking mahal na si Anne. Nais kong ipagluto siya ng espesyal na almusal. Linggo ngayon, kaya't plano naming maghanda ng isang sorpresa para sa aming reyna.Si Amara ang inatasan kong maghanap ng magandang restaurant kung saan namin gagawin ang sorpresa para sa kanilang ina. Samantala, ang kambal na sina Stanley at Sitti, na 13 taong gulang pa lamang, ang bahala sa pagpapatawa at pag-intertain upang hindi siya makahalata sa aming plano. Habang abala ako sa kusina, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip kung gaano kaswerte ako na kasama ko si Anne. Hindi niya alam na may malaking sorpresa kaming inihanda, at tiyak kong magugustuhan niya ito. Pagkatapos kong ihanda ang paborito niyang almusal—omelet na may sariwang gulay at crispy bacon—tinawag ko ang mga bata para sabay-sabay kaming magdala nito sa kwarto. Narinig kong tumatawa na ang kambal sa sala, palatandaan na malapit nang magising si Anne
Chapter 94 Habang nagkakatawanan kami sa sala, biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Daniel, kapatid ni Anne, may dalang maraming regalo. Agad kaming nagtinginan ni Anne, habang si Daniel ay ngumiti ng malapad at bumati ng, "Surpresa!" "Daniel!" sigaw ni Anne, agad na tumayo at niyakap ang kanyang kapatid. "Hindi ko akalaing pupunta ka rin!" "Alangan namang hindi," sagot ni Daniel, nakangiti at inabot ang mga dala niyang regalo. "Kaarawan mo, Ate. Alam kong hindi ako puwedeng mawala sa espesyal na araw mo." Nagmamadali siyang inilagay ang mga regalo sa mesa habang kami ay nagsisiksikan para buksan ang mga ito. May mga kahon ng paborito ni Anne na mga luxury skincare items, pabango, at ilang personal na gamit na alam ni Daniel na gustong-gusto niya. Hindi rin nawala ang maliit na kahon na naglalaman ng isang pares ng hikaw na ka-match ng kwintas na ibinigay ko kanina. "Huwag mo sabihing may kasabwat ka rin dito," biro ko kay Daniel habang sinasabi kong hindi ko inaasahan ang da
Chapter 95 Anne POV Nakatitig ako sa cufflinks na hawak ko. Hindi ko inasahan ang regalong iyon mula ama ng aking asawa. Ni minsan ay hindi kami nagkikita ng personal man lang, maliban sa mga anak ko. Ngunit ngayong gabi, tila binago ng pagkakataon ang lahat. Hindi lang ito isang simpleng regalo, para sa akin, isa itong simbolo ng pagtanggap niya bilang isang manugang at asawa sa kanyang kaliwang anak. Napansin ko ang mga titig ng lahat sa akin, at sa kabila ng dami ng tao sa paligid, parang kami na lang ni Papa ang nasa sala. Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Salamat, Pa. Hindi ko ito makakalimutan," bulong ko sa sarili ko, bagaman alam kong narinig niya ito. Habang tumutuloy ang gabi, pinagmasdan ko ang mga taong malapit sa akin—si Mama, si Papa David, at ang mga kaibigan ko. Lahat ay masaya at abala sa kani-kanilang pag-uusap. Ngunit sa likod ng ngiti ko, hindi ko maiwasang balikan ang mga nakaraan. Ang lahat ng nangyari sa pamilya namin ay tila nagbabalik ngayon, ng
Chapter 96 "Kayo naman, kambal, Sitti at Stanley? Nabalitaan ko na lagi kayong nangunguna sa klase. Natutuwa ako dahil sa mura ninyong edad na 13 ay marami na kayong natutunan!" bigkas ng ama ni Dixon, habang tinitingnan ang mga bata na nasa sulok ng sala, abala sa kanilang mga laro. Si Sitti at Stanley ay nagtinginan, halatang nahihiya pero sabay na ngumiti. “Salamat po, Lolo!” sabay nilang sagot, ang kanilang mga boses ay puno ng saya at pagmamalaki. “Anong mga subjects ang pinakagusto ninyo?” tanong niya, na may interes sa kanilang mga sagot. “Mathematics po!” sabik na sagot ni Stanley. “Gusto ko kasi yung mga puzzle at problem-solving.” “Sa akin naman po, Science!” ani Sitti, masigla. “Lagi akong naiintriga sa mga eksperimento at kung paano gumagana ang mga bagay.” “Magandang mga pili, mga apo. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong mga pag-aaral. Ang kaalaman ay kayamanan na hindi ninyo mawawala,” payo ng ama ni Dixon. “Balang araw, magiging malaking bagay ang mga natutunan
Chapter 97 Dixon POV Lumipas ang maraming taon, at habang tumatanda kami ng aking asawa, lalo pang tumibay at sumaya ang aming pagsasama. Hindi ko malilimutan kung paano nagsimula ang lahat ng aming kwento ng pag-ibig. Nagsimula ang lahat sa isang gabi—isang gabing nagbago ng aking buhay. Hindi ko akalaing sa isang gabi lamang, may mabubuo kaming supling. Ang batang iyon ang siyang naging buklod ng aming pagmamahalan. Kahit hindi ko kilala ang babaeng iyon sa simula, hinanap ko siya. Noong nasa Bohol ako, sinubukan kong matunton siya, ngunit nabigo ako. Kaya bumalik ako sa Maynila, hindi ko inakalang ang babaeng nakapukaw sa aking interes—ang babaeng nakasama ko noong gabing iyon—ay ang mismong babaeng naging sekretarya ko. Labis ang aking kasiyahan nang matagpuan ko siya sa wakas. Ngunit ang saya na iyon ay biglang napalitan ng lungkot. Nagkaroon ng mga hadlang, lalo na ang aking madrasta, na naging sanhi ng pagkakaospital ng aking ama. Dahil sa kanya, ang aking ama ay naging
Chapter 98 “Mahal, naisip ko lang,” simula ko habang nakatingin kay Anne, na tahimik na nakikinig sa akin, “panahon na siguro upang iluklok si Amara bilang bagong CEO. Panahon na para magretiro ako bilang CEO ng Floyd Company.” Tumingin siya sa akin, bahagyang nagulat, ngunit kalmado pa rin. Alam kong hindi siya ganap na nagulat dahil ilang beses ko na itong naisip sa mga nakaraang taon, ngunit ngayon ko lang tuluyang sinabi nang seryoso. Dumating na talaga ang oras. “Sigurado ka ba?” tanong niya, ang kanyang tinig ay mahinahon, puno ng pag-unawa ngunit may kaunting pag-aalala. “Alam kong matagal mo na itong pinag-iisipan, pero handa ka na ba talaga, Dixon? Iba pa rin kasi kapag nandiyan ka sa kumpanya.” Huminga ako ng malalim. “Oo, Anne. Naisip ko na matagal na. Alam kong may parte sa akin na hindi handang bumitaw, pero si Amara... siya na ang tamang tao para doon. Handang-handa na siya. Mas maganda ang mga bagong ideya niya, at kaya niyang palaguin pa ang Floyd Company. Mas maga