Share

Chapter 95

Chapter 95

Anne POV

Nakatitig ako sa cufflinks na hawak ko. Hindi ko inasahan ang regalong iyon mula ama ng aking asawa. Ni minsan ay hindi kami nagkikita ng personal man lang, maliban sa mga anak ko. Ngunit ngayong gabi, tila binago ng pagkakataon ang lahat. Hindi lang ito isang simpleng regalo, para sa akin, isa itong simbolo ng pagtanggap niya bilang isang manugang at asawa sa kanyang kaliwang anak.

Napansin ko ang mga titig ng lahat sa akin, at sa kabila ng dami ng tao sa paligid, parang kami na lang ni Papa ang nasa sala.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Salamat, Pa. Hindi ko ito makakalimutan," bulong ko sa sarili ko, bagaman alam kong narinig niya ito.

Habang tumutuloy ang gabi, pinagmasdan ko ang mga taong malapit sa akin—si Mama, si Papa David, at ang mga kaibigan ko. Lahat ay masaya at abala sa kani-kanilang pag-uusap. Ngunit sa likod ng ngiti ko, hindi ko maiwasang balikan ang mga nakaraan. Ang lahat ng nangyari sa pamilya namin ay tila nagbabalik ngayon, ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status