LAHAT kami nakatingin ngayon kay Mr. Lander sa labas ng warehouse.“Ano’ng ginagawa rito ni Mr. Lander, Ms. Eight?” bulong sa akin ni Bel.Nagpakilala na kasi sa kanila si Mr. Lander ngunit hindi nito nabanggit kung bakit siya narito ngayon. Nagulat din si Athana dahil sa unang grupo talaga dapat ito unang bumisita pero bakit nauna pa ang grupo nila o baka naman nabisita na talaga nito ang ibang grupo?“Hindi ko rin alam.” Mahinang tugon ni Athana.Hindi naman sila naririnig ni Mr. Lander dahil nasa may likuran sila ng kanilang mga kasamahan.Umayos naman ng tayo si Bel nang tumingin sa may likuran si Mr. Lander.“Nakakapagtaka lang… tapos na ba siyang bumisita sa ibang grupo? Bakit ambilis naman ata? ‘Di ba noong isang gabi niyo lang siyang nakilala?” Mahinang tanong ni Bel kaya napatingin sa kanila sina Jugs, Drew, at Gun.“Do we have a problem here?” Nagtatakang tanong ni Mr. Lander.Umiling naman kaagad si Athana. Nagtataka naman na tumingin si Athana kay Bel nang magtaas ito ng k
“MS. EIGHT… mukhang matatagalan pa tayo rito sa loob.” Mahinang bulong sa kanya ni Jugs.Nagkahiwa-hiwalay kasi silang lahat para mapadali rin ang misyon nila ngayong gabi. Pumasok siya kaagad sa pinagtataguan ni Jugs sa may kusina nang biglang bumukas ang ilaw at nagising ang isang anak ng may-ari ng pamilya Ruiz. Nasa may ilalim ng mesa rin sila nagtatago ngayon ni Jugs, at hindi naman sila nakikita dahil medyo makapal ang tela.Sinenyasan naman niya si Jugs na h’wag mag-ingay. Nagsesenyasan na lamang silang dal'wa sa ilalim ng mesa hanggang sa may narinig silang mga yapak ng tsinelas papasok sa loob ng kusina.“I miss you, baby.” Saad ng boses ng isang lalaki.Sabay naman na nagkatinginan si Athana at Jugs. Nagtataka naman sila pareho kung sino ‘yong lalaki dahil ayon sa nakuha nilang impormasyon ay single since birth naman ang anak ni Mr. and Mrs. Ruiz na babae.“I miss you too, baby boy.” Rinig naman nilang tugon ng anak ng may-ari.Mahina naman na tumili ang babae.“Patayin muna
IPINATAWAG ulit ang lahat ng mga leader ng SGT, at kinuha ni Athana ang chance na ‘to upang kausapin si Mr. Lander ng masinsinan tungkol sa pagdalaw nito noong nakaraang araw kahit gabi na pagkatapos ng meeting nila ngayon.Isa-isa silang binigyan ng black envelope ni Boss Cheng. Ang ibig sabihin ng black envelope ay ito ‘yong mga taong mahirap nakawan dahil masyadong maraming bantay, at bihira lang din sila makatanggap ng ganitong misyon. Isang beses lang din nakatanggap ng ganitong misyon si Athana at naging palpak pa ang grupo nila noong miyembro pa lamang siya.Napatitig naman ng maigi si Athana sa mukha ng isang lalaking nasa picture.“Kung hindi ako nagkakamali, ito ‘yong matipunong lalaking nakita ko sa loob ng mansyon ni Sergeant Rafael.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Binasa naman ni Athana ang lahat ng impormasyon tungkol sa lalaking ito. May kaunting saya siyang nararamdaman nang makita niyang single pa ito.“Mr. Hunter Carson Gustav.” Napatingin naman si Athana sa katab
Pagkarating ni Mr. Lander ay isa-isa sila nitong kinausap ng masinsinan. Walang kahit na isang ideya si Athana kung ano ang gusto sabihin ng kanyang mga kasamahan. Nagpahuli na rin siya para walang makarinig sa sasabihin niya.“Anong nasa isip mo ngayon, Ms. Eight?” Biglang tanong ni Ms. Fourth na nasa unahan niya kaya napatingin siya rito.“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya pabalik dito.“Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo.” Saad nito. “By the way, ‘yong sasabihin mo rin ba kay Mr. Lander ay tungkol sa lakihan naman ni Boss Cheng ang perang ibinibigay n’ya sa atin?” Dagdag na tanong nito.Saka lang nakuha ni Athana ang rason kung bakit gusto ng mga kasamahan niya na makausap si Mr. Lander.“Kaya pala ang bilis lang nilang kausapin si Mr. Lander.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Nagdadalawang isip naman si Athana kong magsisinungaling ba siya kay Ms. Fourth na mukhang mapagkakatiwalaan naman niya ito.“Uhm… hindi eh.” Tanging sagot lang niya.“Oh… okay.” Saad nito at luma
NAGPUNTA silang sampo sa lugar na tinext sa kanila ni Boss Cheng upang kunin ang kanilang mga gamit na gagamitin nila mamayang gabi sa kanilang misyon.“Tranquilizer gun? Kailangan ba talaga natin ‘to?” Kaagad na tanong ni Ms. Six nang makita na nila ang mga gamit na ipinahanda ni Boss Cheng.“May laman na kaya ‘to?... Gusto mong subukan ko muna sa ‘yo, Ms. Six baka sakaling tumalino ka bigla?” Biglang sabi ni Ms. Tres, saka niya inirapan si Ms. Six.Inambahan naman ni Ms. Six si Ms. Tres ng suntok sa ere habang nakatalikod ito.Napailing na lamang sina Athana, Ms. Fourth, at si Mr. Seven. Magkatabi lang kasi silang tatlo dahil magkatabi rin ang mga gamit nila.Naiinis naman na lumapit sa kanila si Ms. Six.“Bwesit na babaeng ‘yon! Nagtatanong lang naman ako ng maayos—kung gusto niya tatadtarin ko pa ‘yong buong katawan niya nito.” Inis na sabi nito at tumabi ito kay Ms. Fourth habang hawak-hawak pa rin nito ang tranquilizer gun niya.Tinapik naman ni Ms. Fourth ang balikat ni Ms. Six
Continuation….“Ano?! Gagawin ninyo akong pain para makapasok kayo sa loob? Eh, paano naman ak—” Medyo lumakas na ang boses ni Ms. Tres kaya tinakpan ito kaagad ni Mr. Uno.Dahan-dahan na sumilip si Athana at mabuti na lang na nasa sa kabilang side ang tatlong guwardiya.Nakahinga naman ng maluwag si Athana.“Nasa kabilang side ang tatlong guwardiya.” Saad niya at saka pa sila nakahinga ng maluwag, at binitawan na rin ni Mr. Uno ang bibig ni Ms. Tres.“Ang ingay mo kasi. Muntikan na tayo ro’n.” Saad naman ni Mr. Seven kay Ms. Tres.Ngumuso naman si Ms. Tres. “Ayoko nga kasing maging pain.” Pamimilit pa niya.“Kung ayaw mo—sino naman ang gagawin namin na pain?” tanong naman sa kanya ni Ms. Six.Tinuro naman ni Ms. Tres si Athana. Nagdugtong naman ang mga kilay ni Athana.“Bakit ako?... Mas mabuti na ‘yong ikaw ang maging pain namin dahil amoy ihi ka na ngayon, at kapag pumasok ka pa roon sa loob ay siguradong ikaw ang unang mahahanap nila. Mas lalo lang na manganganib ang buhay mo.” Ma
“May anak na pala si Mr. Hunter?”Napailing-iling naman si Athana.“Athana, you need to focus! Ano naman ngayon kung may anak na siya? Hindi na siya bata. Normal lang naman ‘yon dahil twenty-seven years old naman na siya.” Pagkausap pa ni Athana sa kanyang sarili.Nag-umpisa na ulit siyang maghalungkat, pero ngayon ay hindi na niya kailangan pa’ng gumamit ng flashlight dahil may ilaw naman sa loob. Pagkapasok niya rin ay bukas na ang ilaw ng isang lampshade na nasa may gilid.Isa-isa niyang tiningnan ang mga aparador at wala itong laman kahit na isang mga gamit. Nagtungo siya sa isa pang pintuan mula sa loob ng kuwarto at lumabas din siya kaagad dahil banyo pala iyon.Kinapa na rin niya ang ilalim ng mga aparador. “Mukhang wala nga rito ang Star of Venus.” Saad niya sa kanyang isipan.Tatayo na sana siya nang makarinig siya nang ingay mula sa labas ng kuwarto. Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa may pintuan.“Catch them. For sure, nakapasok na sila rito sa pamamahay ko! ” Rin
INUTUSAN ni Hunter ang kanyang mga security guard na dalhin si Athana sa loob ng kuwarto nito. Nakaposas na rin siya hanggang ngayon kaya mas mahihirapan lang siyang buksan ang pinto, kaya nanatili na lamang siyang nakaupo sa may swivel chair ni Hunter sa loob ng kuwarto nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi nito kanina. “Kilala niya ako? Ano’ng koneksyon niya sa buhay ko?” Pagkausap ni Athana sa kanyang sarili. Nakalimutan na rin niya ang kanyang mga kasamahan, dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya ngayon. Napatingala siya nang bumukas ang pintuan, at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Hunter. Lumapit ito sa kanya kaya napatayo siya. Aatras na sana siya nang bigla siyang paupuin ni Hunter. Halos mahugot niya ang kanyang hininga nang inilapit ni Hunter ang mukha niya sa kanya. Napakurap-kurap naman si Athana nang tinitigan lang siya nito. Sinubukan niyang ilayo ang kanyang mukha, ngunit pinipigilan siya ni Hunter. Lumayo naman ng kaunti s
Sabay naman na napatingin si Athana at Hunter nang biglang bumukas ang pintuan. Dali-dali naman na lumapit sa kanya si Yvonne at tinulak pa nito si Hunter dahil nakaharang ito sa kanya, bago siya nito niyakap ng mahigpit.“I’m your best friend, Athana... Your one and only best friend, Yvonne Deguzman.”“Smith…” rinig naman ni Athana na dugtong ni Tyler sa sinabi ni Yvonne.“Don’t mind him.” Natawa naman si Athana sa sinabi ni Yvonne.Nang bitawan na siya ni Yvonne, tinitigan naman nito si Hunter bago ito tumingin sa kanya. “Well done, Athana. Ikaw lang talaga ang nakakapagpaiyak dito kay Hunter.” Proud pa nitong puri kay Athana.Humagalpak naman ng tawa si Tyler, dahilan upang mapatingin sa kanya si Yvonne.“Let’s cancel our wedding next year, Tyler. Saka na lang tayo magpakasal, kapag bumalik na ang mga ala-ala ng bestie ko.” Ngumiti pa sa kanya si Yvonne.Naglaho naman bigla ang ngiti sa labi ni Tyler.Kinuha naman ni Yvonne ang kanyang plato sa may gilid niya at tinulungan pa siya
“Tinulungan niya ako. Pasensya na, medyo matagal na rin kasi ‘yon kaya hindi ko na masyadong matandaan,” pagsisinungaling niya kay Hunter.“No, it’s alright. At least may alam na ako ngayon sa nangyari sa ‘yo noon... Akala ko rin talaga na nagpapanggap ka lang dahil gusto mo akong gantihan o saktan.” Mahabang saad nito.“Bakit ko naman gagawin ‘yon sa’yo? Ano ba ang ginawa mo sa ‘kin noon? Niloko mo ba ako? Sinaktan mo ba ako?” Sunod-sunod na tanong ni Athana kay Hunter.Napatingin naman si Hunter sa kamay nila ni Athana na magkahawak, nang dahan-dahan nitong binawi ang mga kamay nito.Umiling-iling naman si Hunter. “No… Athana, listen to me. “ Muli naman nitong hinawakan ang mga kamay ni Athana. “Hindi ko magagawa ‘yon sa’yo. At lalong-lalo na hindi ko kayang gawin ‘yon sa’yo. Hindi kita kayang saktan, Athana. Mahal na mahal kita.”Natahimik naman bigla si Athana nang marinig niya ang huling sinabi ni Hunter.“I know, it sounds cringe to you dahil matagal kang nawalay sa ‘kin, but pl
NANG magising si Athana sa isang kuwartong hindi siya pamilyar, dali-dali siyang bumangon mula sa malambot na kamang hinigaan niya.Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid at binuksan niya ang sliding door patungo sa balkonahe. Nang sumilip siya sa ibaba, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Hunter na topless habang nagkakape ito. Agad naman siyang napaupo nang biglang tumingin sa kanya si Hunter, at pagkatapos dali-dali siyang bumalik sa loob at nagpanggap siyang tulog.Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan. Ibig sabihin lang no’n ay pumasok na si Hunter sa loob. Nagpatuloy pa rin si Athana sa kanyang pagpapanggap na tulog.“I know you’re awake. You forgot to close the door,” pagtukoy nito sa sliding door na binuksan niya kani-kanina lang.Napapikit naman ng mariin si Athana.“Gägä ka talaga, Athana!” saad ni Athana sa kanyang sarili.Kung may sariling kamay din ang kanyang imahinasyon ay siguradong sinabunutan na niya ang kanyang sarili.“Get up or baka
Pagbalik nila sa abandonadong bahay, pinabayaan mo na ni Athana si Bel at Jugs na mag-usap. Pumasok na siya sa loob at nang makita niyang lalabas na sana si Drew, pinigilan niya ito.“Huwag ka munang lumabas, nag-uusap pa si Bel at Jugs.” saad niya bago siya umupo.Bumalik na lang ulit si Drew sa kanyang upuan.“Tingnan mo ‘to, Ms. Eight.” Saad ni Drew bago nito pinakita sa kanya ang footage na kung saan kita si Shakira Manalastas.Nang pinindot na ni Drew ang play, agad naman na inilapit ni Athana ang mukha niya sa device ni Drew.“Ano’ng ginagawa ni Shakira? Lasing ba s’ya?” Tanong ni Athana kay Drew bago niya ito nilingon.Umiling naman si Drew. “Sa tingin ko hindi siya lasing, Ms. Eight.” Sagot naman ni Drew.“Ha? Sigurado kang hindi siya lasing?” Tanong ulit ni Athana kay Drew.“I think she’s high that night, Ms. Eight,” sagot nito.“High? You mean… gumamit siya ng drügs?” Tanong niya.Tumango naman si Drew.Tinitigan naman ni Athana ang mukha ni Shakira mula sa screen. “Sayang.
Pagbalik ni Athana, nagtatalo na si Bel at Jugs. Dali-dali naman na lumapit si Athana sa dal’wa. Natahimik naman sina Bel at Jugs nang makita na nila si Athana. Nakapamaywang naman na tumingin si Athana sa dalawa. “Akala ko ba okay lang kayong dal’wa? Bakit kayo nag-aaway ngayon? Ano’ng problema ninyo?” “Ito kasing si Bel, Ms. Eight. Binabanggit pa n’ya ang nakaraan namin kahit ilang taon na ang nakalipas,” saad naman ni Jugs. “Ikaw naman ang nauna.” Depensa naman ni Bel at inirapan niya si Jugs. “Uhm… guys, mukhang nakalimutan ninyo na naririnig ko kayong lahat,” biglang singit ni Drew mula sa kabilang linya. Sabay naman na nagulat sina Bel at Jugs. Napailing na lamang si Athana at tumabi na ulit siya kay Bel. Tumahimik na lamang si Athana dahil ayaw niyang makialam sa isyu ni Bel at Jugs hanggang sa muling nagsalita si Drew, mula sa kabilang linya. “Uhm… guys… ‘yong target natin lumabas na ng hotel.” Agad naman na napatayo si Athana bago tumayo si Bel at Jugs. “Do your best.
NAKATANGGAP ulit ng bagong misyon ang grupo ni Athana, at bago para sa kanila ang misyon na ito dahil kailangan nilang kunin ang cellphone at laptop ng kanilang target. Mas challenging din ang misyon nila ngayon dahil ang kanilang target ay nasa isang beach resort at mahilig pa itong makihalubilo sa maraming tao kaya kailangan din nilang magpanggap na mayaman, dahil medyo mapili rin ang babaeng ito.Napanganga naman sina Jugs, Drew, at Prince nang makita nilang nakasuot ng bikini ngayon sina Athana at Bel.Itinikom naman ni Bel ang bibig ni Drew at Jugs. “Alam kong sexy ako, kaya itikom n’yo na ‘yang mga bibig ninyo.” Tinuro rin ni Bel ang bibig ni Prince na kaagad din nitong itinikom sabay peace sign nito kay Bel.Napaatras naman palayo si Jugs kay Bel, habang natatawa lang si Drew.“Mas sexy pa nga sa ‘yo si Ms. Eight,” saad naman ni Jugs kay Bel.Napatingin naman si Bel kay Jugs. “I know right. Pero ba’t sa ‘kin ka nakatingin kanina? Halos tumulo na nga ‘yang laway mo nang makita m
Nilapitan kaagad ni Athana si Yvonne habang hawak pa rin nito ang braso ni Hunter, bago niya ito kinalabit. Nagdugtong naman ang mga kilay ni Yvonne nang lingunin siya nito. Ngunit, bigla rin na nagbago ang ekspresyon nito nang palipat-lipat itong tumingin sa kanilang dalawa ni Hunter, at sa kamay niyang nakahawak sa isang braso ni Hunter.“Yes?” Nakangiting tanong ni Yvonne kay Athana.Pinalapit naman ni Athana si Hunter kay Yvonne bago niya binitawan ang braso ni Hunter. “Dalhin n’yo na siya sa ospital. Baka maubusan pa siya ng dugo.”Nagkatinginan naman si Yvonne at si Hunter, bago nilingon ni Hunter si Athana.“No need. This is not a real blood,” saad naman ni Hunter.Napatingin naman si Athana sa kanya. “So, niloloko n’yo lang ako para pumunta ako rito?”Agad naman na dumepensa si Yvonne sa sinabi niya.“Hindi. Hindi ka namin niloloko, Athana. Nakipag-suntukan talaga itong si Hunter sa mga lalaking sumugod sa kanya rito sa ground floor. ‘Di ba?” Siniko naman ni Yvonne si Hunter a
Napakamot na lamang si Athana sa kanyang ulo nang makalayo na siya sa kanilang warehouse.“Hindi talaga nag-iisip itong kaibigan ni Mr. Hunter. Paano ko naman makikita ang isesend niyang link sa akin, eh keypad lang naman itong phone ko?” Tanong ni Athana sa kanyang sarili habang siya’y naglalakad.Napatigil naman bigla si Athana nang may maalala siya.“Teka nga… bakit ko naman siya pupuntahan?... Bakit? Sino ba siya sa buhay ko?” Nagtatakang tanong ni Athana sa kanyang sarili.Tatalikod na sana siya nang biglang mahagip ng kanyang mga mata si Tyler, na nakatayo sa may ‘di kalayuan habang nakangisi ito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Athana.Nakita niyang pumasok sa loob ng pink na kotse si Tyler, at huminto ito sa may gilid niya.“Get in, Mrs. Gustav,” nakangiting sabi nito sa kanya.Napataas naman ang isang kilay ni Athana.“P-pinagsasabi mo? Anong, Mrs. Gustav?”Natawa naman si Tyler. Nagulat naman si Athana nang biglang may isang magandang babaeng lumabas mula sa passenger’s
Nakabalik na si Athana sa kanilang warehouse na parang walang nangyari. Naiuwi niya rin ang binili niyang tinapay at saka palaman na inakala niya kanina na tinapon na ng mga dumakip sa kanya. Kinalabit naman ni Bel si Athana nang makita niyang nakatulala lang si Athana habang nakaupo ito sa may hagdanan. Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbaba at tinabihan na lamang niya si Athana. Nilingon lang ni Athana saglit si Bel at ibinalik na ulit niya ang kanyang tingin sa may ibaba ng hagdanan. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, Ms. Eight. May problema ka ba?” Tanong ni Bel sa kanya. Alam niyang nangako na siya sa kanilang lahat na susubukan niyang magsabi ng mga problema niya simula noong araw na ‘yon, ngunit hindi niya pa kayang ibahagi ngayon ang pinagdadaanan niya. “Wala naman. Iniisip ko lang ‘yong future namin ng mga anak ko,” Sagot niya. Totoo naman na kasama rin sa iniisip niya kanina ang future nila ng mga anak niya, kaya ‘yan na lamang ang isinagot niya kay Bel. “Sigura