NAGPUNTA silang sampo sa lugar na tinext sa kanila ni Boss Cheng upang kunin ang kanilang mga gamit na gagamitin nila mamayang gabi sa kanilang misyon.“Tranquilizer gun? Kailangan ba talaga natin ‘to?” Kaagad na tanong ni Ms. Six nang makita na nila ang mga gamit na ipinahanda ni Boss Cheng.“May laman na kaya ‘to?... Gusto mong subukan ko muna sa ‘yo, Ms. Six baka sakaling tumalino ka bigla?” Biglang sabi ni Ms. Tres, saka niya inirapan si Ms. Six.Inambahan naman ni Ms. Six si Ms. Tres ng suntok sa ere habang nakatalikod ito.Napailing na lamang sina Athana, Ms. Fourth, at si Mr. Seven. Magkatabi lang kasi silang tatlo dahil magkatabi rin ang mga gamit nila.Naiinis naman na lumapit sa kanila si Ms. Six.“Bwesit na babaeng ‘yon! Nagtatanong lang naman ako ng maayos—kung gusto niya tatadtarin ko pa ‘yong buong katawan niya nito.” Inis na sabi nito at tumabi ito kay Ms. Fourth habang hawak-hawak pa rin nito ang tranquilizer gun niya.Tinapik naman ni Ms. Fourth ang balikat ni Ms. Six
Continuation….“Ano?! Gagawin ninyo akong pain para makapasok kayo sa loob? Eh, paano naman ak—” Medyo lumakas na ang boses ni Ms. Tres kaya tinakpan ito kaagad ni Mr. Uno.Dahan-dahan na sumilip si Athana at mabuti na lang na nasa sa kabilang side ang tatlong guwardiya.Nakahinga naman ng maluwag si Athana.“Nasa kabilang side ang tatlong guwardiya.” Saad niya at saka pa sila nakahinga ng maluwag, at binitawan na rin ni Mr. Uno ang bibig ni Ms. Tres.“Ang ingay mo kasi. Muntikan na tayo ro’n.” Saad naman ni Mr. Seven kay Ms. Tres.Ngumuso naman si Ms. Tres. “Ayoko nga kasing maging pain.” Pamimilit pa niya.“Kung ayaw mo—sino naman ang gagawin namin na pain?” tanong naman sa kanya ni Ms. Six.Tinuro naman ni Ms. Tres si Athana. Nagdugtong naman ang mga kilay ni Athana.“Bakit ako?... Mas mabuti na ‘yong ikaw ang maging pain namin dahil amoy ihi ka na ngayon, at kapag pumasok ka pa roon sa loob ay siguradong ikaw ang unang mahahanap nila. Mas lalo lang na manganganib ang buhay mo.” Ma
“May anak na pala si Mr. Hunter?”Napailing-iling naman si Athana.“Athana, you need to focus! Ano naman ngayon kung may anak na siya? Hindi na siya bata. Normal lang naman ‘yon dahil twenty-seven years old naman na siya.” Pagkausap pa ni Athana sa kanyang sarili.Nag-umpisa na ulit siyang maghalungkat, pero ngayon ay hindi na niya kailangan pa’ng gumamit ng flashlight dahil may ilaw naman sa loob. Pagkapasok niya rin ay bukas na ang ilaw ng isang lampshade na nasa may gilid.Isa-isa niyang tiningnan ang mga aparador at wala itong laman kahit na isang mga gamit. Nagtungo siya sa isa pang pintuan mula sa loob ng kuwarto at lumabas din siya kaagad dahil banyo pala iyon.Kinapa na rin niya ang ilalim ng mga aparador. “Mukhang wala nga rito ang Star of Venus.” Saad niya sa kanyang isipan.Tatayo na sana siya nang makarinig siya nang ingay mula sa labas ng kuwarto. Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa may pintuan.“Catch them. For sure, nakapasok na sila rito sa pamamahay ko! ” Rin
INUTUSAN ni Hunter ang kanyang mga security guard na dalhin si Athana sa loob ng kuwarto nito. Nakaposas na rin siya hanggang ngayon kaya mas mahihirapan lang siyang buksan ang pinto, kaya nanatili na lamang siyang nakaupo sa may swivel chair ni Hunter sa loob ng kuwarto nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi nito kanina. “Kilala niya ako? Ano’ng koneksyon niya sa buhay ko?” Pagkausap ni Athana sa kanyang sarili. Nakalimutan na rin niya ang kanyang mga kasamahan, dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya ngayon. Napatingala siya nang bumukas ang pintuan, at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Hunter. Lumapit ito sa kanya kaya napatayo siya. Aatras na sana siya nang bigla siyang paupuin ni Hunter. Halos mahugot niya ang kanyang hininga nang inilapit ni Hunter ang mukha niya sa kanya. Napakurap-kurap naman si Athana nang tinitigan lang siya nito. Sinubukan niyang ilayo ang kanyang mukha, ngunit pinipigilan siya ni Hunter. Lumayo naman ng kaunti s
“Right, you’ve changed.” Bigla naman na lumungkot ang mukha nito.Inilapag muna ni Hunter ang dala niyang pagkain sa may table niya bago nito nilingon si Athana.“Let’s eat.” Saad nito.“Busog na kasi talaga ako.” Sagot naman kaagad ni Athana.Nagkatinginan naman silang dalawa nang biglang tumunog ang tiyan ni Athana. Gulat naman na napatingin si Athana sa kanyang traydor na tiyan.“But, your tummy isn’t full yet.”Napapikit na lamang si Athana sa kahihiyan.“Bakit ngayon ka pa tumunog? Kumain naman talaga ako kanina—hindi nga lang ako nabusog.” Saad ni Athana sa kanyang sarili.Mahihirapan kasi siyang tumakbo at umakyat kapag nagpaka-busog siya. Bumabawi rin naman s’ya ng kain sa tuwing makakauwi na siya.“Come here. I just want you to eat with me. Don’t worry, I won't eat you.” Natawa naman ito sa sinabi niya.Napatingin naman si Athana kay Hunter.“Ano s’ya cannibal?” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Nahihiya naman na lumapit sa kanya si Athana. First time niya kasing kumain sa lo
Idinikit ni Athana ang kanyang isang tainga sa may pintuan. Nang wala naman siyang narinig na ingay mula sa labas ay dahan-dahan na niyang pinihit ang doorknob. Sinigurado muna niyang wala talagang tao, saka siya pumasok sa kabilang kuwarto na pinasukan niya kanina. Kanina pa sana siya nakatakas, kaso tinatapos pa ng mga tauhan ni Hunter ang pinto ng banyong nasira kanina kaya naghanap muna siya ng tyempo, at ito na ‘yong hinihintay niya.Pagkapasok niya sa loob, dahan-dahan niyang binuksan ang sirang pinto. Nang makapasok na siya ng tuluyan sa loob ng banyo ay laking gulat niya nang bukas pala ang sliding door. Hindi na lang muna niya pinakinggan ang kanyang kutob, dahil ang mas importante ngayon ay ang makatakas siya. Hindi niya kayang mawalay sa kanyang dalawang anak kahit pa isang araw lamang. Wala rin siyang dalang kahit na isang gamit niya dahil kinuha ng isang security guard kanina ang kanyang maliit na bag.Dali-dali siyang umakyat at lumabas mula sa bukas na sliding door, at
KINAUMAGAHAN, nagulat na lamang ang kanyang mga kasamahan nang makita nilang nasa tabi na ng mga bata si Athana na mahimbing na natutulog. Nang magising naman si Athana ay wala na sa kanyang tabi ang kanyang mga anak. Naghilamos at nagsipilyo muna siya bago bumaba.“Good morning.” Bati niya kina Bel at Shine nang makababa na siya ng hagdanan.“Good morning, Ms. Eight,” bati rin sa kanya ni Bel at Shine.“Nasaan si Ather at Thana? At saka, nasaan din sila Jugs?” tanong niya sa dalawa habang busy ang mga ito sa paghihiwa ng mga gulay.“Isinama nila Kuya Jugs sina Ather at Thana, Ms. Eight.” Sagot naman ni Shine.Naghugas muna ng kanyang mga kamay si Athana bago siya tumulong sa paghiwa ng mga gulay.“Pinabili mo na namin sila ng karne at saka manok, Ms. Eight. Naubos na kasi ‘yong binili mong manok dahil ginawa nilang ulam namin at saka pulutan kagabi.” Sagot naman ni Bel.“Sumama silang lahat?” hindi makapaniwalang sabi ni Athana.“Oo/Opo,” sabay naman na sagot ni Bel at Shine.Maya-ma
Pinahiran ni Athana ang isang butil ng luha na dumaloy mula sa kanyang pisngi hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na mapahagulgol. She really hates crying in front of other people dahil baka masabihan siyang weak, ngunit hindi naman na ibang tao sa kanya sila Bel—they are her family na rin naman kaya susubukan na niyang paunti-unting mag-open-up sa kanilang lahat para gumaan naman ang pakiramdam niya.Napatigil naman si Shine sa paghihiwa at saka inabutan niya muna ng isang basong tubig si Athana.“Salamat,” Saad niya.Umupo sina Bel at Shine sa tabi ni Athana, at napapagitnaan na nila ito ngayon habang lumipat naman sa harapan nila sina Jugs at Gun. Mahina naman na tinapik-tapik ni Shine ang balikat ni Athana. Inabutan naman ni Gun si Athana nang isang kahon ng tissue.“Sa totoo n’yan… kaya iniiwasan kong mag-open-up sa inyo dahil… hindi ko talaga alam kung sino ba talaga ang totoong ako, lalong-lalo na ‘yong totoong ama ng mga anak ko,” umiiyak na saad ni Athan
ISA-ISA silang tiningnan ni Hunter. Nahihiya naman na tumingin si Athana kay Hunter pagkatapos niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban lang kay Gun at sa kambal na anak niya dahil nasa loob lang ito ng sasakyan nila. Nandito rin sila ngayon sa labas ng Luxcious Hospital. Nakasuot rin ng formal attire si Hunter ngayon dahil kagagaling lang daw nito sa isang important meeting with their clients.“Uhm… pasensya ka na. Kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon.” Nahihiyang sabi niya.“No, no, it’s okay… I just didn’t expect na marami ka palang kasama,” saad nito.Napahawak naman si Shine sa braso ni Athana at bumulong ito sa kanya. “Ms. Eight, nakakakilig ‘pag nagtatagalog siya.” At pagkatapos umayos ito ng tayo.Napansin naman ni Hunter na napangiti si Athana kaya nag-iwas ito ng tingin.“Uhm… let’s go? Sundan n’yo nalang ako.” Saad ni Hunter at tumalikod na ito.Pabiro naman na kinurot ni Athana ang tagiliran ni Shine dahilan upang mapangiti ito, at bumalik na
Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Athana nang binawian na ng buhay si Ms. Six. Napayuko siya at hinaplos ang talukap ng mga mata ni Ms. Six upang ipikit ang ito.“Mamimiss kita... Salamat, dahil naging mabuti ka sa’kin.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Naalarma naman silang apat sa loob nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na mula sa labas. Napatakbo kaagad silang apat palabas ng hideout nila Ms. Six. Nakita nila ang dalawang lalaking nakahilata na sa may daan malapit sa kanilang sasakyan. Mabuti nalang din at bulletproof ang kanilang van kaya hindi tumagos ang mga bala sa loob.Dali-dali na silang pumasok sa loob ng van at agad naman itong pinaandar ni Gun.Umiiyak na rin ngayon ang dalawang bata dahil sa takot.“Shhh… andito na si momma. Hindi hahayaan ni momma na may mangyaring masama sa inyo.” aniya habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang anak.Tumulong na rin sina Bel at Shine sa pagpapatahan sa dalawang bata hanggang sa muling makatulog si Th
“Kailangan ko munang magtago sa ngayon. Kayo na ang magbigay niyan kay Mr. Lander.” Saad ni Boss Cheng at bumalik na ito sa kanyang ginagawa kanina.Nilapitan naman kaagad ni Athana si Boss Cheng. “Bakit kailangan mong magtago, Boss Cheng? Nasa panganib ba ang buhay mo ngayon?” Sunod-sunod na tanong ni Athana kay Boss Cheng.Hinawi naman ni Boss Cheng si Athana nang humarang ito sa kanyang harapan. “Kailangan ko nang magmadali. Umalis na rin kayo rito dahil siguradong idadamay rin kayo ng BGT dahil sa akin.” Saad naman ng matanda.Napakunot naman ang noo ni Athana. “Anong ibig mong sabihin, Boss Cheng?”Tinulak naman ni Boss Cheng nang mahina si Athana upang ilayo ito sa kanya. “Basta. Umalis na kayo, ngayon na. Magtago na rin muna kayo, kahit saan. Kayo na ang bahala sa mga sarili ninyo.” Sabi nito at hindi na siya pinansin ng matanda.Hinila na ni Gun si Athana papalabas ng opisina ni Boss Cheng hanggang sa makalabas na silang tatlo sa building ni Boss Cheng sa SGT. Binitawan na rin
Pagkatapos nilang kumain, pinatulog mo na ni Athana ang mga bata bago niya kinausap ang kanyang mga kasamahan, maliban lang kay Prince at Drew dahil maagang natulog ang mga ito.Nakaupo sa may hagdanan sina Athana, Shine, at Bel habang nakatayo naman sa kanilang harapan sina Jugs at Gun.“Patawad, Ms. Eight… nalasing na kasi ako no’n kaya hindi na kita nabalikan. Saka, gustong-gusto akong kausap ni Shakira Manalastas kaysa sa mga ka-business partners niya, kaya hindi ako makaalis do’n,” mahabang paliwanag naman ni Bel sa kanya.“Ayos lang ‘yon, Bel, basta successful ang mission natin,” aniya. “Naibigay n’yo na ba yung package kay Boss Cheng?” Tanong niya sa kanila.Napatingin naman si Athana kay Shine nang umiling ito.“Ano? Bakit hindi n’yo pa ibinigay yung package? Aanhin naman natin ‘yon?” Sunod-sunod na tanong niya sa kanila.“Nagdesisyon kaming hindi ibigay kay Boss Cheng ang package hanggang hindi ka namin nahahanap, ate. Bahala na kong magalit man siya sa amin. Wala kaming pake
NAPAPANSIN ni Athana na palaging sumusulyap sa kanya si Bel kaya kinausap na niya ito.“Bakit, Bel? May gusto ka bang itanong sa akin?” tanong ni Athana kay Bel.“Mamaya nalang, Ms. Eight, kapag nakarating na tayo sa bagong tutuluyan natin,” sagot naman kaagad ni Bel.Tumango na lamang si Athana at ibinaling na niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana habang nakasandal si Ather sa kanyang gilid at tahimik lang, at si Thana naman ay nakakandong sa kanya at tulog pa ito.Lumipat na sila ng hideout dahil sa mga nangyari kagabi. Mabuti na lamang at hindi na tumutol pa ang kanyang mga kasamahan.(Flashback)“Is it alright if I kiss you?” seryosong tanong ni Hunter sa kanya.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Athana nang mas inilapit pa ni Hunter ang mukha nito sa kanya. Napakurap-kurap naman si Athana. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Hindi niya rin maibuka ang kanyang mga bibig no’ng mga oras na ‘yon.“Silence means, yes, Athana.” Saad ni Hunter sa malalim nitong tono
“Ito na pala ‘yong mga damit na pinahiram mo sa akin. Pinalabhan ko na rin ‘yan kanina. Maraming salamat.” taos-pusong pasasalamat niya kay Yvonne. Nagtaka naman si Athana nang hindi kinuha ni Yvonne ang mga damit nito. “Sa’yo na ‘yan. Marami pa naman akong damit. Saka, puwede mong maging remembrance sa’kin ‘yan. Para sa tuwing susuotin mo ang mga damit ko—maaalala mo ako,” nakangiting sabi sa kanya ni Yvonne. “Salamat.” Nginitian din niya pabalik ni Yvonne. Inabot naman ni Yvonne sa kanya ang isang nakatuping papel, na agad niya ring tinanggap. “That’s my number. Call me kapag nagka-selpon ka na, okay?” Isang tango lang ang isinagot ni Athana sa kanya. “I promise na hinding-hindi ko sasabihin kay Hunter na nakakausap kita,” dugtong pa nito. Nginitian na lamang niya si Yvonne. Bumaba na rin sila pagkatapos at nakita nilang naghihintay lang sa labas si Hunter, nakaupo sa loob ng kotse at nakabukas ang pinto. Nakabihis na rin ito ng itim na sando, at kahit hindi pa nakakalapit s
Tatlong araw na ang lumipas, at sa mga araw na iyon ay inalagaan siya ni Hunter. Miss na miss na rin niya ang kanyang mga anak ngunit tiniis na lang muna niya ang kanyang pangungulila sa dalawang bata, dahil ayaw niya rin naman na bumalik doon na ganoon ang sitwasyon niya. Tinext na rin niya si Gun at Bel gamit ang cellphone ni Hunter, na hindi na muna siya makakabalik. Nagtaka pa nga si Hunter kung sino raw si Gun. “Puwede na ba akong umuwi?” biglang tanong ni Athana. Nagkatinginan naman si Hunter at Yvonne. “Magaling naman na ako.” dugtong pa niya. Yumakap naman si Yvonne sa kanya na katabi lang niya na nakaupo sa may kama habang si Hunter ay nasa harapan nilang dal’wa ni Yvonne. Naglalaro kasi sila ngayon ng cards dahil naiinip na kanina si Yvonne kaya inaya niya silang dalawa ni Hunter na maglaro. Wala kasi ang nobyo nitong si Tyler dahil nasa opisina na ito simula pa noong isang araw. “Iiwan mo na ba kami? Kailan ulit tayo magkikita?” Naglalambing na tanong ni Yvonne sa kanya
Kinabahan naman bigla si Yvonne nang biglang sumakit ang ulo ni Athana. “Naku… I’m sorry… magpahinga ka muna. Kalimutan mo nalang ‘yong mga sinabi ko sa’yo.” Saad ni Yvonne habang tinutulungan niyang humiga si Athana. “What happened, babe?” Bungad na tanong ni Tyler pagkapasok nito. “Nothing…. lumabas nalang muna tayo.” Agad naman na sagot ni Yvonne sa kanyang nobyo at tinulak pa niya ito palabas ng kuwarto. “Ha? Eh, kakapasok ko palang naman, babe.” Reklamo naman ni Tyler nang nasa labas na ito ng kuwarto. Sumilip naman saglit si Yvonne kay Athana. “Babalik din kami. Huwag kang babangon, okay? D’yan ka lang.” Saad nito bago niya isinarado iyong pintuan. Napatitig na lamang si Athana sa kisame. “Mabuti nalang at hindi ako masyadong napuruhan. Hindi ko pa kayang iwanan ang mga anak ko. Kailangan pa nila ako.” Saad ni Athana sa kanyang isipan. Maya-maya pa ay unti-unti na rin na kusang pumipikit ang kanyang mga mata. Nagulat naman si Athana nang bigla na lamang bumukas ang pintuan
“WHAT did you do to her, Hunter? Bakit siya tumatakbo palayo sa’yo no’ng makita ko kayo sa labas?” galit na tanong ni Yvonne kay Hunter, na tahimik lang sa may gilid.Sa private Luxcious Hospital nila dinala si Athana. Ang may-ari rin ng Luxcious Hospital ay sina Hunter, Tyler, at ‘yong kakambal ni Tyler na si Ryler.Bukod din sa Luxcious Hospital, silang tatlo rin ang may-ari ng pinaka-sikat na brand dito sa pinas, ang Luxcious Luxury.Nang hindi sumagot si Hunter ay agad siyang nilapitan ni Yvonne. Dali-dali naman na niyakap at inilayo ni Tyler si Yvonne mula kay Hunter.“Babe, listen to me. Hindi rin naman ginusto ni Hunter ang nangyari sa ex-wife niya. Hayaan na mo na natin siya, okay? Magiging okay rin si Athana—magiging okay rin ang best friend mo.” Saad naman ni Tyler nang binitawan na niya ang kanyang nobya.Galit naman na tumitig si Yvonne kay Hunter, habang si Hunter naman ay nakatingin lang sa sahig at hindi pa rin ito kumikibo hanggang ngayon.“Hunter, pumasok ka muna sa l