REBECCA gathered all her strength today. This is the day. Matagal tagal rin siyang nagpahinga at lumayo sa mga Lincoln. Kung tutuusin, her life were much peaceful that way. Kung siya lang sana. . .pero hindi kasi. Mayroon na kasing munting buhay sa loob ng sinapupunan niya so she can’t think of herself alone anymore. Kailangan na rin niyang isipin ang batang dinadala niya. Matapos niyang maligo at magbihis ay diretso agad siya sa kusina kung nasaan ang nanay niya na naghahanda ng almusal. Maaga pa, pasado alas otso pa lang ng umaga. “Nay, pupunta ho muna ako sa mga Lincoln. B-Bibisita lang po,” pagsisinungaling niya pa. “Aba, talaga anak? O siya sige. Nang makita naman ng future in-laws mo ang tiyan mo na medyo lumalaki na. Siguro matutuw ang mga iyon!” nakangiti pang tugon na nanay niya na nagluluto sa kusina. “Oo naman, Nay. Sana nga ay matuwa sila.” Doon na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng ginang. “Aba dapat lang. Magsumbong ka agad sa ‘kin kapag nangyaring hindi nila yan
TILA aatakihin sa puso niya si Mrs. Henessy nang magimbal siya sa ganoong balita. “A-Anong p-pinagsasabi mong babae ka?! A-Are you trying to ruin my son’s life?!!” singhal nito sa kanya. Sadyang nakakabingi iyon. Akala pa naman ni Rebecca ay pinag-aralan itong tao. But she keeps shouting at her. Ruin her son’s life? Hindi niya yata iyon lubos na maintindihan. Kung mayroon mang masisirang buhay dito, buhay niya iyon at ng magiging anak nila ni Grayson. Hindi habang buhay ay papaboran sila ng tadhana. “P-Pero Tita, paano naman po kami ng magiging anak niya?! Ayaw ko hong lumaking walang ama ang anak ko! Nanay rin po kayo!” “How dare you shout at me!” sigaw ni Mrs. Henessy hanggang sa tumama na lang sa pisngi ng dalaga ang isang malakas na sampal. Napahawak sa pisngi niya si Rebecca, “S-Sobra naman ho yata kayo,” nanginginig nitong sagot. Her knees were trembling. Nanlalamig ang buo niyang katawan. “You know what, I already made myself ready for this! Alam kong pera lang ang magig
INAAMIN ni Rebecca, hindi biro ang magbuntis. May mga hormonal changes. Ni hindi niya rin minsan maintindihan ang sarili niya. Pero sa tatlong buwan ay kinaya niya naman iyon. Kinaya niya na siya lang at umaalalay sa kanya si Bryle at Alexis. How lucky of her dahil may dalawang lalaki na handang umalalay kapag kailangan na niya ng tulong. Habang nagmamaneho nga ngayon si Bryle ay lalo lang kinakabahan si Rebecca. Ayaw niya na ma-reject sila nga anak niya. Wala pang muwang ang anak niya pero nakatanggap na ito ng rejection. Hindi na yata niya kakayanin kapag naulit pa ito muli. "Bryle,masyado pang mainit ang ulo ng lahat ngayon. Sigurado ka bang kailangan nating puntahan ngayon si Grayson? Gusto ko na sanang magpahinga," wika ng dalaga. Kanina pa nito pilit na kinukumbinsi ang binata na huwag na ngang magpunta sa resort pero desidido talaga si Bryle na ipaalam kay Grayson ang lahat. "Rebecca, sigurado akong hindi hahayaan ni Grayson na saktan ka ng ganito ng pamilya niya. Ano ka b
NAKATULOG na lang si Rebecca sa sama ng loob niya. Nakaantabay sa tabi niya si Bryle. Gaya ng sinabi ng dalaga, umalis muna sila saglit at nagpunta sa lugar na medyo makakalimot siya pansamantala. They went to another resort. May kalayuan ng konti sa resort nina Grayson. May beach view din naman doon. Pero tila hindi na iyon napansin ng dalaga dahil pagdating nila sa resort ay tulog na tulog na siya kaagad. Pinagmamasdan lang ni Bryle ang maamong mukha nito. Mukhang malakas ang pagkakasampal sa mukha niya kanina kaya nagkaroon pa iyon ng kaunting pasa matapos ng magdamag nitong pamumula. Naaawa siya rito. He blamed himself too kung bakit iyon sinapit ng dalaga. Sana pala, inilayo niya na lang agad ito kay Grayson. Sa kagustuhan niyang makapag-usap ang dalawa at mabuo ang pamilya ng mga ito ay mukhang malayo pa sa inaasahan niya ang nangyari. "I'm so sorry for forcing you earlier, Rebecca. From now on, I will be more gentle to you. Kung ayaw ni Grayson sa bata, j-just tell me. K-Kaya
PARANG nanigas na lang si Rebecca sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ay kahit anong subok niyang ihakbang ang mga paa niya para lumakad ay hindi ito gumagalaw. Para siyang matataranta na hindi niya malaman. All she know is that she is doomed. All she know is that Mrs. Henessy isn't here for a meet and greet but to ruin her. She's doomed. Hindi naman ito umaalis nang mag-isa. May mga body guards itong kasama. To be exact, apat ang dala niya. "Well, as you see Mrs. Alejandro. Wala naman ako dito para makipagkilala sa kahit na sinong myembro ng pamilya niyo." Panimula pa ng bruha habang nakangiti ng nakakainsulto sa nanay ni Rebecca.Sa tono pa lang ng pananalita nito ay naatrasan na ang ginang na makikipagkamay pa man din sana sa kanya. "A-Anong ibig mong sabihin, balae? Ikaw naman. Maupo ka muna at mukhang mainit sa labas. Malayo pa ang binyahe ninyo--"Mrs. Henessy smirked. "Balae?" sarkastiko nitong sagot saba ikot ng kanyang paningin sa buong bahay. "I wonder who bought you t
Hindi na maramdaman ni Rebecca ang buong katawan niya dahil sa panghihina nito. She's hugging her knees right now. She felt so alone. Pati puso niya ay tila napagod na rin. Maging ang mga mata niya ay nahinto na sa pag-iyak kahit gusto niya pa sanang ibuhos ang sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang ibang maramdaman kundi sakit. She just wishes na kayanin niya dahil hindi na siya nag-iisa ngayon. May dala-dala na siyang bata sa sinapupunan niya kaya kailangan niyang maging matatag. This is so much of emotional stress for her. Tawag nang tawag si Bryle sa kanya pero hindi niya iyon sinasagot. Ayaw niya muna ng kausap. Ayaw niya na may mga taong sa kanya. Nagkulong lang siya sa kwarto niya. No one wanted to talk to her. Her mom and dad is very cold towards her. Ni hindi siya pinansin ng mga ito after the incident earlier. Pakiramdam niya sa isang iglap lang ay nawalan siya ng kakampi. Nawalan siya ng karamay sa lahat ng bagay. But in the first place ay wala siyang ibang masisisi k
GRAYSON’S routine started as usual. Gigising ng maaga para sa paper works niya sa resort. Taga asikaso ng lahat ng mga kailangan niyang gawin doon. Napilitan siyang i-ihire si Stacy para ipalit sa pwesto ni Bryle dahil sa biglaan nitong pag-resign sa resort niya. Naiintindihan niya naman ang biglaan nitong pag-alis. Pero galit siya. Galit siya kay Bryle. Naiinis siya rito, inis na hindi kayang idaan sa isang suntok lang. Gusto niyang makipagsuntukan dito.Nasa opisina siya ngayon at nakaharap na naman sa mga gawain niya nang biglang pumasok si Stacy. Hindi na ito kumatok dahil bukas naman ang pinto. Sinadya niyang puntahan si Grayson sa mismong office nito dahil kailangan niya pa ng kaunting alalay sa kung paanong gagawin ang trabaho niya.“Good morning, My Grayson. Have you heard about the news yet?” Pagmamarites pa nito.Ito talagang si Stacy, umagang-umaga, tsismis agad ang ipapaalmusal sa binata. E alam naman niya na hindi naman tsismoso. Nagsasayang lang siya ng oras.“Kung ano m
GRAYSO rushed outside the resort kung saan nakasalubong niya pa si Stacy. Galit na galit ang binata. Tila binubwisit kasi siya ng mga tao sa paligid niya. Hindi niya alam kung para ba sa kapakanan niya ang ginagawa ng mga ito o hindi. Inaamin niya na nagkamali siya sa pagtaboy kay Rebecca without even listening to her at pinagdudahan niya lahat ng sinabi nito. Ni hindi niya ito pinaniwalaan. Nadala lang kasi siya. Nadala siya nang lahat nang nangyari nitong mga nakaraang buwan. Ni hindi niya napansin na may nasasaktan na pala siyang tao. At ang malala pa, ang taong yon ay mahal na mahal siya. "Grayson! Saan ka na naman pupunta?!" tawag pa sa kanya ni Stacy pero nilagpasan niya lang ito at hindi pinansin. "Shut up and don't ever follow me!" he even shouted without looking at her. Sumakay siya sa kotse niya saka nagmaneho agad papunta kina Bryle. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ay kulang na lang ay liparin niya ang kalsada. He needs to talk to him. Kailangang kailangan niya