Share

CHAPTER SEVENTY

NAKATULOG na lang si Rebecca sa sama ng loob niya. Nakaantabay sa tabi niya si Bryle. Gaya ng sinabi ng dalaga, umalis muna sila saglit at nagpunta sa lugar na medyo makakalimot siya pansamantala. They went to another resort. May kalayuan ng konti sa resort nina Grayson.

May beach view din naman doon. Pero tila hindi na iyon napansin ng dalaga dahil pagdating nila sa resort ay tulog na tulog na siya kaagad.

Pinagmamasdan lang ni Bryle ang maamong mukha nito. Mukhang malakas ang pagkakasampal sa mukha niya kanina kaya nagkaroon pa iyon ng kaunting pasa matapos ng magdamag nitong pamumula. Naaawa siya rito. He blamed himself too kung bakit iyon sinapit ng dalaga. Sana pala, inilayo niya na lang agad ito kay Grayson. Sa kagustuhan niyang makapag-usap ang dalawa at mabuo ang pamilya ng mga ito ay mukhang malayo pa sa inaasahan niya ang nangyari.

"I'm so sorry for forcing you earlier, Rebecca. From now on, I will be more gentle to you. Kung ayaw ni Grayson sa bata, j-just tell me. K-Kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status