Elizabeth
Napasapo na lang sa ulo si Elizabeth dahil nahihilo na siya sa palakad-lakad ni Antonia sa harapan niya. Hindi niya maintindihan, kung bakit ito pa ang na-stress kaysa sa kanya. Halatang stress si Antonia dahil hindi malaman kung ano ang nasa utak niya. Bakit umabot sa punto na magbabayad pa siya ng lalaki para magpaligaya sa kanya sa kama? Ano bang magagawa niya kung hindi siya satisfied sa ginawa ng mga lalaki sa kanya? Gusto niya iyong nakaka-excite na ganap. Hindi iyong siya pa ang magpapaligaya sa kanyang sarili para malabasan siya. Sa kalagitnaan pa lang ng ginagawa nila ng lalaki ay bigla siyang nawalan ng gana. Sa puntong gustong-gusto na niya ay iyon pa talagang mawawala ang pagnanasa niya.
Ang tanga niya kasi kung bakit ngayon pa na lampas na siya sa kalendaryo saka na siya lumandi. Hindi naman niya pwedeng sisihin ang sarili kung bakit ngayon pa lang siya lumandi. Noong nasa twenties pa lamang siya ay ini-enjoy niya ang kanyang buhay na sumaya. Wala munang sagabal sa buhay niya dahil gusto niyang focus siya sa pamamahala ng hacienda nila. She enjoys spending time at the hacienda. She is free to do whatever she wants to achieve her goals, such as pursuing her ambitions of becoming a successful woman. Pero ngayon nasa edad na thirty-seven ay nagsisisi siya kung bakit hindi siya maagang naglandi. Dito na siya sa point na malapit na siyang mag- menopause. She freaking needs someone to do ‘it’ with her. Gusto niyang magmura dahil kahit anong gawin ng lalaki sa kanya ay wala siyang maramdaman at hindi siya nakaramdam ng galak kapag nasa kalagitnaan. Para siyang tuod na nakatihaya lang. Kulang na lang sisipain niya ang lalaki.
“Pang ilang lalaki na iyan, Liza? Nakokonsumisyon na ako sa’yo.”
Napasabunot ito ng buhok ng dalaga sa kanya. Kanina pa ito talak nang talak at walang katapusan na pangaral sa kanya, pero kahit isa ay walang pumasok sa utak niya. Hinahayaan na lang niya itong tinalakan siya. Alam naman kasi niya na nag-alala ito sa kanya, pero hindi nakakatulong ang concern sa kanya kung siya ay desperada na.
"I'm not sure," she said. "At the end of the day, I was fooled by myself, Antonia. None of them can meet my needs, and that is to please me. Sa rami ng lalaki sa mundo, bakit isa sa kanila ay hindi makamit ang gusto ko?”
Tinaasan siya nito ng kilay at binitawan niyang salita. Napahinga ito ng malalim at napasapo sa noo nito.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo,” pagod nitong sabi. “Siguro ang taas ng standards mo sa isang lalaki kaya walang magkakagusto sa’yo o ‘di kaya ay hindi ka pa rin naka-move on kay Enrique, tama ba ako?”
Pagak siyang natawa sa huling sinabi nito.
“Bakit napunta sa lalaking iyon ang usapan natin?”
Kumibit-balikat ito at mataman siya nitong tinitigan.
“Simula kasing iniwan ka niya ay bigla kang nagbago. Naging mailap ka na sa lalaki at nilayo mo ang sarili mo na ma-in love ulit. Focus ka kasi sa work mo kaya nalipasan ka na nang panahon at ito nga, mukhang tanga at loka-loka dahil sa mataas ang standards ng lib*do mo. Kaya nga hanggang ngayon ay ini-enjoy mo ang mga bagay-bagay at iyon ay ang maglaro sa apoy. It feels so good to be in love, Liza. To be happy and start a family, you must first fall in love.”
Awtomatikong napatikwas ang kilay niya sa sinabi kay Antonia.
“I don’t need a man to be happy, Antonia. For now, I'd prefer to be with someone who can give me what I want. I'm far too old for that."
“Saan bang lumalop—”
“Ang ingay mo!” Tinakip niya ang kanyang tainga dahil naririndi siya sa litanya nito.
Nahihibang na ba siya? Maybe yes or no, it depends on the situation. Kung gusto niya ang lalaki na makasiping. Yes, she is desperate to do it because she feels something is missing and that is to fulfill her desire.
“Nahihibang ka na ba, Liza? Ano ba ang pumapasok sa kokote mo para gawin mo iyan? Paano kung malaman ni Tito iyang pinaggagawa mo? Baka itakwil ka nila dahil sa pagkamanyak mo!”
“ Manyak?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Sa haba ng litanya ko ay tumatak lang sa’yo ay ang manyak? Sa edad mo na iyan, may magkakagusto pa ba sa’yo? Kung meron man, pera lang habol nila sa’yo.”
Napasinghap siya dahil pinagdidiinan talaga nito na manyak siya. She flipped her hair and she sat properly. Sa totoo lang, she felt insulted because what she said to her was like she's a really crazy woman. Tama naman kasi ang sinabi nito na nahihibang na siya. Sinong matinong babae na hindi matahimik kapag hindi ma-fulfill ang kanyang ninanais?
Siguro para rito at nababaliw na ang kanyang isip dahil sa weird na ninanais. Pero, sa kanya ay wala siyang pakialam kung ano ang mga komento ng nasa paligid. Gusto lamang niyang matupad ang gusto niya.
Masama bang magbayad siya ng isang lalaki para paligayahin siya? Wala naman, ‘di ba? Nasa tamang edad na siya na lumandi at may sarili siyang desisyon upang makuha ang kaligayahan niya. Nasa edad na siya na maging desperado dahil lampas na siya sa kalendaryo at malapit na rin siyang mag-menopause. Hanggang sa may asim pa siya ay gagawin niya ang lahat upang paligayahin ang sarili niya. Oo, madaling makahanap ng lalaki kapalit ang pera at makahanap ng lalaki na makapagpainit ng gabi mo. Marami ngang mga lalaki sa mundo, kaya lang sadyang 2 out of 10 ay isa siya sa babae na hindi interesado na maikasal.
Hindi niya na lang pinansin ang kaibigan at sinaksak ang wireless earphone niya sa magkabilang tainga niya para hindi niya marinig ang pinagsasabi nito. Eksakto rin na may tumawag sa kanya at napangiti na lamang siya nang mabasa niya ang location kung saan sila magkikita.
Tumayo na siya at kinuha ang susi na nakalapag sa kanyang desk. Lumabas na siya sa kanyang study room. Narinig niya ang sigaw nito mula sa loob. Wala rin naman itong magagawa kung ito ang tinatahak niyang landas. Masaya siya sa ganito at hindi siya masasaktan sa kanyang desisyon.
Nang nakarating na siya sa isang Villa ay agad siyang tumungo sa isang silid kung saan may naghihintay sa kanyang sampong lalaki. Ngumiti siya sa kanan kung saan ang pinakahuling silid ang pinuntahan. May isang lalaking naghihintay sa kanya at binigay sa kanya ang susi. Susi na para lamang sa kanya.
“Enjoy your night, ma’am,” bungad nito sa kanya na nakangiti.
Kumuha siya ng pera sa kanyang purse para bigyan niya ito ng tip.
“That’s yours.” Binigay niya ang pera at agad na lumuwa ang mga mata nito dahil sa perang binigay niya.
“Maraming salamat po, ma’am.”
Sobrang liwanag ng mukha nito nang binilang nito ang salapi na binigay niya.
“I will add some more if you keep your mouth shut.”
“Yes, ma’am!” Sumaludo ito sa kanya. “ Makakaasa po kayo!”
Hindi pa rin humupa ang saya sa tono ng boses nito.
Tumango siya rito at ngumiti sa security guard. “ You should go now.”
Binigyan siya ng isang saludo bago umalis sa kanyang harapan. Nang wala na ito ay agad siyang lumilinga sa paligid niya bago siya pumasok sa mismong silid. Pagpasok pa lamang niya ay agad na bumungad sa kanya ang mga lalaking may hawak na resume. Tumayo ang mga ito nang makita siya upang magbigay respeto sa kanya.
“Good Evening, Miss E!”
Tumango siya sa mga ito at tiningnan ang sampong lalaki mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya sa mga ito. Hindi niya maisip kung anong sasabihin niya. Kaya sinabihan na lang niya ang mga ito na iisa muna ang papasok sa kwarto niya.
“Did you check all of their stuff they brought?”
“Yes, Miss E.”
“What about the device? You're well aware that bringing a device into this place is strictly prohibited."
“Na-check na po, Miss E.”
“How about their health?”
“Done, Miss E.”
“Good,” tugon niya rito at tiningnan niya ang mga lalaking aplikante.
Agad niyang tiningnan ang kanyang sekretarya at bahagya siyang tumango. Naintindihan na nito kung ano ang ibig sabihin nang pagtango niya. Tinalikuran na niya ang kanyang sekretarya at pumasok na sa silid niya. Tumungo siya sa kama at agad na naghubad ng kanyang damit. Iniwan lang niya ang undergarments niya. Kinuha niya ang isang tuwalya na nasa kama para takpan ang kanyang katawan. Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan hudyat na may pumasok. Hindi niya alam kung sino ang nasa likuran niya dahil nakatalikod siya. Napangisi siya nang marinig niya ang pagsinghap. Tinakpan niya muna ang kanyang sarili bago siya humarap sa lalaki.
“Touch me. I want to feel your touch,” utos niya sa lalaki.
Umupo siya sa kama at pinikit niya ang kanyang mga mata. Gusto niyang maramdaman pa niya lalo ang paghaplos ng kamay nito sa balat niya. Gusto niyang maramdaman ang sensasyon na dulot ng kamay ng lalaki. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat. When she felt his hands shaking, she hissed and glared at him.
“Out,” nagtitimping saad niya.
“Po?” gulat nitong tanong sa kanya.
“Bingi ka ba? Sabi ko, umalis ka na at dalhin mo itong resume na hawak mo.”
Tumayo na siya at pinagbuksan ito ng pintuan. Nang hindi pa rin ito makakilos ay sinigawan niya ito. Tumayo na ito at lumabas sa silid niya. Tiningnan niya ang kanyang sekretarya at sinenyasan na bigyan ng pera ang lalaki. Money is the best way to keep his mouth shut. She doesn’t want someone who knows her secret.
She will hire someone who can meet her demands. The person who will keep her bed warm. Hindi iyong mukhang tuod. Kaya nga naghanap siya ng lalaking makakapagbigay init at hindi siya pa iyong kikilos. Anong silbi ng paghahanap niya kung siya rin ang nagpapaligaya sa kanyang sarili?
“Next!”
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Apat…
Lima…
Hanggang umabot sa siyam ngunit wala siyang makita. Gusto niyang magwala. What the hell! Walang kahit ni isang lalaki ang nakakapagligaya sa kanya. Uminit lalo ang kanyang ulo dahil nasayang lang oras ang pagpunta niya rito. Aiish! Walang silbi ang pagpunta niya rito.
ELIZABETH Pagdating niya sa bahay ay agad siyang tumungo sa itaas upang magpahinga. Sampong lalaki na ang nakaharap niya ngayong gabi, subalit wala ni isa sa kanila ang nagpaligaya sa kanya sa kama. Binato niya ang kanyang sling bag sa couch at hinubad niya ang kanyang damit upang maligo. Tinapon niya sa laundry basket ang pinaghubaran niya. Nagtungo siya sa banyo at ini-on ang gripo para punuin ang bathtub. Naghintay siya ng ilang minuto bago ito nangangalahati at nilagyan niya ng scented castile liquid soap. Nang matapos niyang lagyan, at haluin upang bumula ito ay kumuha na siya ng panali niya sa buhok, at shower cup. Nilublob niya ang kanyang sarili upang ibsan ang pagod sa katawan niya at makapag-relax siya. Napaungol siya sa sarap na nararamdaman niya ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang sarap galing sa tubig. It’s been ten years, she is still looking for a man who can make her fee
ELIZABETH Pagkapasok niya sa kanyang opisina ay agad niyang hinahanap ang kanyang sekretarya upang malaman kung ano pa ang naka-schedule sa kanya ngayong araw na ito.“Where’s, Bella?” tanong niya kay Christian, ang kanyang farm manager na abala sa pag-aayos ng papeles. Napatigil ito sa ginagawa nito, at bumaling ito sa kanya. He has been employed at the hacienda for roughly four years. He excels in his field, which makes her proud of him.“Ma’am Liza, hindi pa po dumating si Bella dahil sa nasiraan ang bus na sinasakyan niya." Tumango siya rito sabay sabi, “Pakisabi sa kanya kapag dumating siya ay puntahan niya ako sa opisina dahil may kailangan kaming pag-usapan.” Tumungo na siya sa kanyang opisina nang matapos niyang makipag-usap kay Christian. Habang patungo siya sa opisina niya ay binabati siya ng kanyang mga empleyado. Nang makapasok siya sa kanyang opisina ay agad siyang naglakad patungo sa kanyang mesa. Nang nasa harap na siya ng kanyang swivel chair a
GABRIEL Puno ng ingay, usok, at mga babaeng halos hubo’t-hubad na ang kanilang suot. Ang iba ay nagtatapon ng mga salapi sa mga babaeng nagsasayaw sa entablado. Masarap talaga kapag malaya, at walang humahawak sa leeg. Napagpasyahan nilang magkaibigan na dito sila sa club magbuhos ng oras na nagpapalipas oras. Dito sa nightclub ay malaya sila kung ano ang gagawin nila. Walang hahadlang sa kanila, at walang limitasyon. Isa itong pribadong club dito sa England, tinatawag na Gentlemans' clubs. Private members’ clubs have developed significantly from the gentlemen’s clubs of the old, becoming colorful playground that attract England’s high society, entrepreneurs, and creatives. Gentlemen’s clubs have long been home to some of the most prestigious members’ clubs in the city of York. Nasisiyahan siya nang makita niya ang mga babae na nasa harapan niya na halos hubo’t-hubad. Nakangising nag-thumbs up, sumisipol si Marco sa nasaksihan. What a great view. Inabot niya ang nakabuk
GABRIEL Nasa billiard room sila ng hotel na tinutuluyan ni Marco. Hawak niya ang cue stick, at pinagmasdan niyang mabuti ang mga bola kung saan niya ito ipapasok. Nakapameywang siya habang pinagmamasdan niya ang mga ito. To find the target, he positions himself behind the line of aim. He walks behind the cue ball, maintaining his eye on the contact spot he wants to strike, and prepares to shoot. Nakangisi siya, at akma na sana niyang itira ng may biglang yumakap mula sa kanyang likuran kaya napatigil siya. Napatingin siya sa kanyang likuran. “Isabella!” Umaaliwalas ang mukha niya nang makita niya ito. Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya, at umayos na siya nang tayo. Bigla na lamang siyang hinalikan sa kanyang mga labi kaya napangiti siya sa ginawa nito. Isabella will always be Isabella."What a hot view!" natatawang komento ni Marco, at sumipol ito. Natawa na lamang siya sa kalokohan nito. Bumaling siya kay Isabella, at tinitigan niya ito nang mabuti. What a sexy
ELIZABETH“Ma’am, saan po ang punta ninyo? Nagsabi sa akin ang ama ninyo na huwag kayong umalis dahil may kailangan daw po kayong pag-uusapan,” bungad sa kanya ni Inday nang makababa na siya sa hagdan. Inayos niya ang kanyang suot na sunglasses dahil malapit na itong mahulog. Napagdesisyon pa naman niyang pumunta sa waterfalls na malapit sa farm nila dahil gusto niyang mag-swimming. Nagsuot pa naman siya ng swimsuit na itim at pinatungan lang niya ng mabulaklak na bestida kaya hindi pwedeng hindi siya makapunta sa talon na iyon.“Inday, sabihin mo na maliligo muna ako sa talon dahil matagal na rin akong hindi nakaligo roon at kasama na rin ang pamamasyal.” Nakita niya ang pagkabahala rito, pero hindi niya iyon iniintindi. Gusto niyang lumabas dahil gusto niyang makalanghap din ng sariwang hangin. Nabuburyo na siya rito sa loob ng bahay dahil wala na siyang ibang ginawa kundi sa loob lang ng kwarto kapag wala siyang ibang ginagawa. Ayaw din naman niyang makipaghalubilo sa
ELIZABETH Days passed by, Liza was busy working at the farm. May mga customer silang dapat padalhan ng mga organic eggs, crops like potatoes, rice, sorghum, soybeans, sweet potatoes, at wheat. May mga customer na silang pinadalhan ng mga orders, at iba ay naghihintay na sa kanila kung anong oras nila ipapadala. Abala siya sa paglista kung ilan na ang na deliver ng kanilang driver at kung saan ipa-deliver. Tutok siya ngayon sa negosyo nila dahil hindi pwedeng magkamali. Masasayang lang ang oras nila kapag nagkataon. May mga tumulong sa kanya sa pag-aasikaso. Hindi lang isa ang taga lista, taga bilang, at checking kung ilan na ang inilabas, at ilang sako o karton na inilagay sa truck. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nakita niya ang mga tauhan nila na abala na sa kani-kanilang gawain. Ngayong araw na ito ay marami silang mga orders na nahuli dahil may naaksidente, at ngayon na nila ito gagawin. Oras ang kalaban nila ngayon. Kailangan maibigay na nila ang mga ord
GABRIEL Nakatanaw siya sa malawak na lupain ng kanyang Lolo Hernard. Nandito siya sa labas dahil gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin sa farm. Kasama niya ngayon ang kaibigan niyang si Marco. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya ang panghahamon ni Miss Beth. Bagama't parang hindi halata sa kilos nito, may pagkapilya talaga itong babae. May ibang katangian pa siyang nakikita sa dalaga. She has a special charm that draws his attention. Mapaglaro, iyong ngiti nitong mala-misteryoso, at nakikita niya sa awra nito na may kakaiba talaga. Napabaling ang atensyon niya sa kaibigan na bigla siya nitong siniko. Nagtatakang tiningnan niya ito. "Ang lalim ng iniisip natin ah! Simula nang bumalik ka galing sa bahay ng mga Santillan ay ang lalim ng iniisip mo." Taas-baba pa ang kilay nito na para bang may ibig sabihin. "Did you meet her? Isn't she gorgeous?" Kumibit-balikat lang siya at hindi tumugon dito. Wala naman siyang dapat pag-usapan tungkol sa babaeng iyon. Malib
ELIZABETH Napailing na lang siya, at saka bumaba na sa hagdan. Hindi niya akalain na sasakit ang ulo niya sa apo ng Don. Parang dito siya tatanda ng maaga. He's f-cking irritating, and what an irresponsible man he is. She had never expected to meet someone like him. He irritates her so much! Pagkababa niya ay nadatnan niya ang Don na umiinom ng kape, at nagbabasa ng dyaryo. Agad na umaaliwalas ang mukha nito nang makita siya. Tumayo ito at nilapitan siya nito. Napangiti siya rito. Ang bait talaga ni Don Hernand. Wala talaga siyang masabi sa ugali nito dahil ang bait nito, at handang tumulong sa kapwa. Kaya nga hindi siya nagkakamali sa pagpili ng business partner niya dahil sa magaling din itong humawak sa negosyo, at masinop.“Good Morning, Don Hernard!” bati niya sa Don. “Ginising ko na ang apo ninyo dahil starting from now… tuturuan ko na siya. Hanggang maaga pa ay kailangan na niyang matutong maagang gumising para maraming matapos na trabaho.” Halata sa mukha ni
ELIZABETH Nakapikit na uminat na lamang si Elizabeth nang bumangon siya sa kama. Napamulat na lamang siya ng kanyang mga mata nang marinig niya ang pagkabasag, at pag-ubo sa paligid niya. Hinanap niya iyon. Nakita niya si Gabriel na napatanga sa harapan niya. Napangiti na lamang siya nang makita niya na naglalakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. “Enjoying the view?" nakangising tanong niya rito, at pinagkrus niya ang kanyang braso sa dibdib niya. Natawa na lamang siya nang makita niya ang paglunok nito. Napailing na lamang siya, at naglakad patungo sa banyo. Wait! Napahinto siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid. Paano siya napunta rito? Bakit siya nandito sa silid ng lalaki? Humarap siya rito, at pinameywangan ito. “Anong ginagawa ko rito?” Napailing na lamang siya sa paglalakbay ng mga mata nito sa kahubaran niya. Nakita niya na nahimasmasan na ito, at ngayon ay nasisiyahan na pinagmamasdan ang katawan niya. Natawa siya. Boys will always be boys. Kapag may n***
GABRIEL He deeply sighed. Napatitig na lamang siya sa papalayong si Miss Beth. Base sa nadatnan niya kanina ang pagtatalo ng dalawa ay pakiramdam niya’y may ugnayan ang dalawa. Base sa reaksyon, at sigaw ni Miss Beth kanina ay malaki ang galit nito sa Tito Ric niya. Kailangan niyang malaman ang ugnayan nilang dalawa. Nawala ang atensyon niya sa pagtanaw kay Miss Beth sa biglaang may yumakap mula sa likuran niya. “Gab, I miss you,” malambing wika sabay hilig nito sa likuran niya. Napatingin siya sa kamay ni Inday na humigpit ang pagkakayapos nito sa beywang niya. Napabuga siya ng hininga bago niya hinawakan ang kamay nito sabay kalas sa pagkakayakap nito. Humarap siya rito, at umatras siya ng ilang pulgada na malayo rito. Salubong ang kilay niya sabay na malamig niyang tiningnan ang kasambahay ni Miss Beth. “Anong ginagawa mo, Inday?” Humakbang ito
ELIZABETH“Tito Ric, bakit ka nandito?” Bakit ba niya nakalimutan na ito ang kapatid ni Anna? Isa pa’y pamangkin ni Enrique si Gabriel. What a small world? Napatda na lamang siya sa biglaan na pagyapos ni Gabriel sa beywang niya. Pilit niyang tinanggal ang pagkakayapos nito, pero mas lalo lamang iyon humigpit.“Gabriel,” tawag pansin niya sa lalaki. Nakatutok ang atensyon nito kay Kiko. Napatitig siya sa pagtiim ng bagang nito.“Gusto ko siyang makausap." Hinawakan niya ang kamay ni Gabriel na nasa beywang niya. Mahina niyang tinapik ang kamay nito. Ramdam niya ang tensyon ng magtiyuhin. "Pumasok ka muna sa bahay, Gabriel. Mag-usap muna kaming dalawa.” Doon na nabaling ang atensyon ni Gabriel sa kanya.“Are you sure?” paninigurado sa kanya.
Gabriel Bumaba siya mula sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan. Tumayo siya upang abutin ang boxer shorts niya, at white shirt niya na nakasabit sa upuan. Sinuot niya ito, at naglakad patungo sa kanyang table top wood wine rack na malapit sa balcony. Kumuha siya ng red wine, at goblet. Dinala niya ang mga ito sa balcony. Binuksan niya agad ang bote ng wine, at nagsalin kaagad ng wine sa goblet niya. Nilapag niya ang bote sa wooden table, at nagtungo sa railings. Tinukod niya ang kaliwang kamay sa railings. Pinaikot niya muna ang wine bago siya sumimsim ng wine upang mas lumabas ang sarap nito. Biglang sumagi sa kanyang isipan si Miss Beth. Habang tumatagal ang pagsasama nila ng dalaga ay mas gusto pa niyang makilala ito ng lubusan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng saya kapag kasama niya ito. Masarap itong kasama. Kahit minsan ay hindi niya ito maintindihan, at naiinis siya rito, subalit gusto pa rin niyang makasama ito
ELIZABETH"Good Morning po, Ma'am Liza!" bungad ni Inday sa kanya paglabas niya sa kanyang silid. Napatigil siya sa paghahalungkat ng kanyang bag nang marinig niya ito. Tumingin siya rito, at nakita niya ang maaliwalas na ngiti nito sa mga labi. Kumunot ang noo niya sa ngiti na pinapakita nito sa kanya. Anong nakain nito? Bakit ganito ang bungad nito sa kanya? Hindi naman sa ayaw niya na ngumiti sa kanya si Inday kaya lang ibang-iba ang pinapakita nito sa kanya. Nakakapagtaka talaga. May kolorete ulit ito sa mukha at pulang lipstick. Maganda si Inday. Hindi man ito maputi, pero tumingkad pa rin ang kagandahan nito. Batid niya’y may ibang kinahuhumalingan itong lalaki. Hindi man siya updated sa buhay ng katulong nila ay alam naman niya na wala itong pamilya o nobyo. Nasa treinta y cinco ang edad nito, at noong 20’s pa nito ay nagtatrabaho na ito sa kanila. Mas matanda pa siya rito ng dalawang taon.“Bakit gan’yan na naman ang itsura mo, Inday?” Naniningkit ang mga mata niy
GABRIEL Palipat-lipat ang tingin niya sa kanyang magulang, at papaalis na dalaga. Napahagod na lang siya ng kanyang buhok dahil sa sinabi niya rito. Hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha niya. Binabagabag siya sa nakikita niya sa mga mata ng dalaga.“Ma… Pa...” tawag atensyon niya sa kanyang mga magulang. Napahinto ang mga ito sa paglalakad patungo sa dining area. Lumingon ang mga ito sa kanya. “Kailangan ko muna siyang ihatid sa bahay niya.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ng ina niya. “Sino siya sa buhay mo, anak? Is she your girlfriend?”“Ma, she’s not my girlfriend.” Natawa na lang siya sa tanong nito. Ano ba ang pumasok sa isipan nito upang tanungin siya ng ganoon?"So, if she's not your girlfriend, is she one of your flings?" Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi siya nito titigilan kapag hindi niya sinasagot ang katanungan nito.“Ma, she’s one of my friends. Huwag ninyong bigyan ng malisya.” Umismid ito. “ You know what, I think I saw her before bu
ELIZABETH Hinihila siya ni Gabriel patungo sa mga magulang nito. Panay hila siya sa kanyang kamay subalit humihigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kanya. Ayaw talaga siya nitong bitawan. Ang matagal na niyang kinaiinisan na tao ay makikita na naman niya ulit. Ang liit talaga ng mundo. Akala niya’y hindi sila magkikita, ayon naman pala’y konektado pa rin siya sa nakaraan. Nakita niya ang mga magulang nito na nakikipagbiruan kay Don Hernard kasama si Marco. Abala ang mga ito sa pag-uusap kaya hindi sila napansin. Huminto si Gabriel ng ilang pulgada. Napansin lamang sila ng mga ito nang tumikhim ang binata. Napakuyom ang kanyang kaliwang kamay, at napahigpit ang pagkakahawak kay Gabriel. Nakaramdam siya ng pagkanibugho sa taong nasa harapan nila ngayon. Akalain ba naman niya ay magkikita sila ni Anna.“Ma… Pa…”“Anak!” Nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng dalawang bisita nang makita si Gabriel. Napabitaw ang paghawak-kamay nila ni Gabriel mula nang bigla na lang niyakap n
ELIZABETH Naglalakad siya sa malawak na kapaligiran ng Hacienda Gabriella. Wala siya sa wisyo habang naglalakad siya papauwi sa bahay nila. Mabigat ang pakiramdam ni Elizabeth. Halo-halong emosyon ang lumulukob sa dibdib niya. Hindi na niya masigurado kung kakayanin pa ba niyang kimkimin ang matagal na niyang dinadala. Akala niya ay kakayanin niyang harapin ang nakaraan niya. Akala niya’y tatanggapin na niya ang katotohanan na wala na talaga, at hindi na niya maibabalik kung ano ang nawala sa kanya. "Birthday?" Pagak siyang natawa. Simula ng nawala sa kanya si Evren ay hindi na siya nagdiriwang ulit ng kaarawan niya. Sa mismong araw ng kaarawan niya ay namatay si Evren. Hanggang ngayon, kimkim pa rin ang sakit sa dibdib niya. Kahit ni isa sa pamilya ni Enrique ay walang tumulong. Humugot siya ng hangin upang pakalmahin ang sarili niya dahil bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib niya. Hanggang sa nawalan na siya ng ulirat. — — — Maingay ang
ELIZABETH“Anong pumasok sa utak mo, Gabriel? Bakit mo ako dinala rito sa pamamahay mo? Alam mong marami akong gagawin ngayon dahil may problema akong dapat iresolba tapos dadagdag ka pa?” Kanina pa siya rito nagtatalak, subalit walang epekto sa lalaki, at patay malisya lamang ito. Dito siya naiinis dahil parang balewala lang nito ang pagsisigaw niya rito. Patuloy pa rin ito sa pagluluto. Nandito sila sa kusina nito at nakakagulat dahil marunong itong magluto. Lumapit siya rito dahil curious siya sa niluto nito. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang bigla itong kumulo. Natawa ito nang marinig nito iyon. Sinamaan niya ito ng tingin at ang loko ay napailing at napangisi lang. “Kumuha ka na ng isang plato, baso, at kubyertos dahil malapit na itong maluto.” Tumirik ang mga mata niya sa inis. “Inuutusan mo ako?”“Oo. Kaya sige na, kumuha ka na para makakain ka na.” Umismid siya rito. Naghanap na siya sa cabinet nito ng plato, baso, at kubyertos na inutos nito. Nilapag ni